FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND

FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND

last updateLast Updated : 2026-01-03
By:  BatinoUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
14 ratings. 14 reviews
135Chapters
2.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Tahimik na buhay. Ipinagbabawal na pag-ibig. Isang lihim na maaaring sumira sa lahat. Para kay Elicia Torrez, nagsimula ang lahat sa isang pagkakamali—ang umibig sa dating asawa ng kanyang ina, si Demon Villamor. Ngunit ang pagkakamaling iyon ay nag-iwan ng isang lihim: siya’y buntis, at si Demon ang ama. Ayaw niyang sabihin ang katotohanan. Ex-husband ng ina niya si Demon, at anak ni Demon ang lalaking ngayo’y papasok sa kanyang buhay—si Daniel Valdez. Ngunit si Daniel ay may puso, at handang maging ama ng bata, kahit hindi niya ini-expect na ang pagmamahal na ibibigay niya ay magdadala rin ng panganib at sakit. Dahil si Daniel… anak din ni Demon. Sa pagbabalik ng ina, at sa pagbubunyag ng mga lihim, pipili si Elicia sa dalawang lalaking magdudulot ng kapahamakan sa kanya: Ang lalaking bawal na ama ng kanyang anak… o ang lalaking tapat na magmamahal sa kanya, kahit dala niya ang sugat ng nakaraan?

View More

Chapter 1

🔥Chapter 1. POV Elicia Torrez

“Elicia! Wake up!” sabay yugyog sa akin ni Inay habang nakasandal pa ako sa unan.

“Inay naman…” reklamo ko, nakapikit pa rin. “Five minutes pa po…”

“Five minutes ka diyan, eh alas otso na!” singhal niya. “Wala ka bang trabaho ngayon?”

“Meron po…” sagot kong paungol, “kaso parang gusto kong lumiban. Mas gusto kong yakapin ‘tong unan kaysa mga deadline sa opisina.”

“Lumiban? Aba, anak, gusto mo yatang magutom tayo?” sarkastikong sabi ni Inay habang nakapamewang. “Baka nakakalimutan mong may kuryente tayong babayaran!”

“Eh kasi naman, Nay,” tumihaya ako at tinakpan ang mukha ng kumot. “Nakakapagod na maging empleyado ng fashion industry na ‘yan. Lalo na ‘yung boss namin—akala mo kung sino kung makautos.”

“Boss n’yo?” biglang nagliwanagang mukha ni Inay. “Ay naku, tumawag si Fiona kanina! Darating daw ‘yung boss n’yo ngayon! Kaya bawal ang absent!”

Bigla akong napabangon. “Ano?! Darating si Mr. Villamor?!”

“Oo!” tumawa si Inay. “’Yan daw ‘yung guwapong mayaman na parang artista. Baka sakaling ma-in love sa’yo, Elicia!” Parang pamilyar yung apilyedo niya, sambit bigla ni inay, napailing bigla si inay napansin ko iyon pero hindi ko nalang pinansin ang binangit niya.

“Nay naman!” napangiti ako kahit pilit. “Baka matanggal ako sa trabaho, hindi ma-in love!”

“E, kung ma-in love, edi jackpot!” biro niya. “Baka pati ako makasama sa mansyon n’ya!”

Napailing ako habang nagmamadaling bumangon. “Inay, hindi ako papasok para maghanap ng asawa!”

“Eh ‘wag mo akong sisisihin kapag niligawan ka ng boss mo,” wika ni Inay habang nakangisi. “Saka anak, isuot mo ‘yung pulang dress mo—baka ‘yun ang suwerte mo!”

“Nay!” natawa ako, sabay ngiti habang inaabot ang tuwalya. “Baka akalain ng boss ko, gusto ko siyang patayin sa ganda!”

“At least,” sagot ni Inay, “mamamatay siya na masaya!”

Pareho kaming nagtawanan bago ako tuluyang tumakbo papasok ng banyo.

“Hayaan mo, anak,” sigaw ni Inay mula sa kusina, “dadalhan kita ng baon mo mamaya sa opisina mo para naman ganahan ka!”

“Ta-talaga, Nay?!” sumilip ako mula sa pinto ng banyo, nakatapis pa. “Aba, himala ‘to! Gusto n’yong pumasok sa fashion industry kahit ayaw n’yong makalanghap ng amoy ng mga pabango at makeup ng mga model!”

“Hoy, huwag mo kong pintasan!” sagot ni Inay, nakataas ang kilay. “Hindi ko pupuntahan ‘yung fashion na ‘yan, kundi ikaw! Baka mamaya kung ano na namang kain mo sa labas—puro instant noodles!”

Napatawa ako. “Eh Nay, ‘wag kayong mag-alala, magdi-diet na po ako.”

“Diet?” kunot-noong sabi ni Inay. “Ang diet mo lang eh late breakfast at tatlong kape sa opisina! Tapos magrereklamo ka kung bakit nahihilo ka. Hindi mo nga kayang tiisin ang amoy ng foundation, gusto mo pa magtiis ng gutom!”

“Naku, Nay, baka mamaya mapahiya ako kay boss pag naamoy ‘yung niluto n’yong daing.” biro ko habang nagsasabon.

“Eh ‘di wag kang magpahiya! Prituhin ko ng maayos para amoy mayaman!” sagot niya sabay tawa.

“Nay naman!” natatawa kong tugon, “amoy mayaman agad ‘yung daing?”

“Oo naman!” sabi ni Inay habang naglalakad palabas ng kwarto. “Lalo na pag nilagyan ng konting olive oil! Parang sosyal na daing!”

“Sus! Baka olive oil lang, pero amoy dagat pa rin!” sagot ko sabay tawa.

“Basta magmadali ka na diyan, baka ma-late ka! At isuot mo ‘yung pulang dress, ha?” sigaw ni Inay.

“Nay! Hindi ako pupunta sa date, sa trabaho ‘to!”

“Eh ‘di mas mabuti, baka ma-promote ka dahil sa ganda mo!”

Napailing ako, pero napangiti rin. “Promote agad, Nay? Baka mapagalitan lang ako ni boss!”

“E di at least, mapansin ka!” sagot ni Inay, sabay tawa ulit. “Sige na, anak, maligo ka na riyan bago ako magbago ng isip at ako na lang ang pumasok sa opisina mo!”

“Naku, Nay,” sabi ko habang bumubuhos ng tubig, “pag kayo pumasok sa fashion industry, siguradong mas sikat kayo kaysa sa mga model!”

“Natural!” sagot niya, “may natural beauty ako, walang filter!”

Pareho kaming nagtawanan, at sa ingay naming mag-ina, parang wala nang mabigat na umaga.

Sa Office:

“Good morning, Miss Elicia Torrez!” bati ni Danica pagkapasok ko sa opisina, habang abala sa pag-aayos ng mga sketch sa mesa niya.

“Good morning din,” sagot ko, pilit ang ngiti habang inilapag ko ang bag ko. Halata siguro sa mukha ko na hindi pa ako fully gising.

“Hey!” biglang tawag ni Fiona, ang beshie kong mahilig sa tsismis at kape. “Narito ka na pala! Akala ko absent ka na naman!”

“Almost,” sagot ko, sabay buntong-hininga. “Kung hindi lang si Inay ang bumangon ng maaga, baka tulog pa rin ako hanggang ngayon.”

Tumawa si Fiona. “Ay naku, mabuti na lang talaga may nanay ka. Pero girl, bilisan mo na! Pinapatawag ka ni Manager Daniel Valdez!”

Napakurap ako. “Ha? Ako?”

“Oo, ikaw!” sagot ni Fiona, sabay nguso patungo sa opisina ni Manager. “Mukhang mainit ang ulo, kaya good luck!”

“Great,” mahina kong bulong. “Unang araw ng pagbisita ng boss, tapos ako agad ang pinapatawag.”

“Tama ‘yan, baka may promotion!” biro ni Danica. “O baka may bagong project na ipapasa sa’yo!”

“Promotion daw?” natawa ako, sabay tingin sa salamin para ayusin ang buhok. “Baka termination!”

“Grabe ka!” sabi ni Fiona, “eh ikaw pa ang isa sa mga best designer dito. Kung ako si boss, ipe-praise kita araw-araw.”

“Pangarap mo lang ‘yan,” sagot ko, sabay kuha ng folder. “Sige na, bago pa ako masabihang late.”

“Good luck!” sabay sabay nilang sigaw.

Habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Manager Daniel, parang may kumakabog sa dibdib ko. Hindi ko alam kung kaba o gutom—pero mas malamang, pareho.

“Elicia Torrez, kalma lang,” bulong ko sa sarili. “Hindi ka pa naman natatanggal… sana.”

“Good morning, Sir!” bati ko habang maingat na pumasok sa opisina ni Manager Daniel.

Nasa harap siya ng mesa, abala sa pagbabasa ng ilang papeles, pero agad niyang tinaas ang tingin nang marinig ako. “Ah, Elicia. Maupo ka.”

Umupo ako agad, maayos ang postura, kahit medyo nanginginig ang tuhod ko.

“May ipapagawa ako sa’yo,” seryoso niyang sabi. “Darating ngayong araw ang CEO ng kumpanya — si Mr. Demon Villamor.”

Napataas ang kilay ko. “D-Darating po? Si Mr. Villamor? Yung CEO ng buong fashion industry?”

Tumango si Manager Daniel. “Oo. Siya mismo. At ikaw ang inatasan kong sumalubong sa kanya sa lobby mamayang 11:30 a.m. sakto. Hindi ka dapat mahuli, Elicia.”

“Ha? Ako po?” halos mapabulalas ako. “Bakit ako, Sir? Ang dami namang mas… presentable?”

Napangiti siya ng bahagya. “Kasi ikaw ang pinili ko. Maayos kang kumausap ng tao, at alam kong kaya mong magdala ng sarili mo. Tandaan mo, malaking tao si Mr. Villamor — ayokong may kahit anong aberya.”

“Pero, Sir…” napakapit ako sa folder na hawak ko. “Sikat siya sa pagiging… istrikto, ‘di ba?”

“Tama ka,” sagot niya. “Matalas ‘yang tumingin, at mabilis makahalata ng pagkakamali. Kaya siguraduhin mong maayos ang ayos mo at ‘wag kang kabahan.”

Napalunok ako. “Wala na po bang ibang puwedeng sumalubong?”

Ngumiti si Manager Daniel, tila natutuwa sa takot ko. “Wala na. At isa pa, magandang impresyon ‘yan sa kanya — kung makikita niyang may empleyadong maayos, masipag, at… mukhang kagalang-galang.”

Napangiti ako ng pilit. “So, kailangan kong magmukhang perfect ngayong araw?”

“Exactly,” sagot niya. “At kung maganda ang kalalabasan, baka ito na ang simula ng promotion mo.”

Biglang kumabog ulit ang puso ko — hindi ko alam kung sa kaba o sa kilig sa ideya ng CEO na makaharap.

“11:30 a.m.,” ulit niya. “’Wag kang mahuhuli, Elicia.”

“Yes, Sir,” sagot ko, pero sa loob-loob ko, Lord, tulungan N’yo po akong ‘wag matulala sa harap ng CEO.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

reviewsMore

Ilocano writer
Ilocano writer
Highly recommended
2025-12-24 10:50:11
1
1
Batino
Batino
Hello, Gusto ko lang pong sabihin na wag niyo po basahin yung last chapter na 107 na doble po . Pero baka bukas mabago na po, kasi nailagay ko na ang tamang laman ng Chapter 107. Waiting nalang po sa pag approve ng SE ko.. Salamat po at pasensiya na po.
2025-12-15 23:32:24
1
0
Nanami
Nanami
A story is a must read! Highly recommended!
2025-12-08 15:36:41
1
1
Darkshin0415
Darkshin0415
Highly recommended
2025-12-02 11:57:01
1
1
Batino
Batino
Happy 1k views na!... Salamat po.
2025-12-01 15:05:20
1
0
135 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status