LOGINKate was betrayed by her boyfriend and her stepsister. And her parents wants her boyfriend to marry her stepsister instead. And to get even, Kate randomly grabbed a man she saw at the bar. Hinalikan niya ang lalaki sa harap ng ex-boyfriend at stepsister niya. At sa kalasingan ay niyaya din niya itong magpakasal. And right there and then, they got married. At nang mawala ang kalasingan kinabukasan at nang umayos ang takbo ng utak, hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pagsisisi dahil sa ginawa niya. Tinakasan niya ang estrangherong lalaking pinakasalan at walang balak na makipagkita pa. So, she disguised herself to hide her identity. She wore old-fashioned clothes and thick eyeglasses. Inakala ni Kate na hindi na magku-krus ang landas nila ng estrangherong lalaki pero nagkakamali siya. Dahil ang lalaking niyaya niyang magpakasal at ang magiging boss niya ay iisa. She is the CEO's wife!
View MoreKate "I'm sorry," wika ni Trey sa akin sa masuyong boses habang yakap-yakap niya ako. Naramdaman ko nga ang paghigpit ng pagkakayakap niya sa akin at ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo. Hinayaan naman ako ni Trey na umiyak. Hinayaan ko din ang aking sarili na ilabas ang sakit na nararamdaman ko ng sandaling iyon. Hindi naman kasi ako nasasaktan dahil sa mga naririnig at nababasa kung masamang komento nila sa akin sa social media. Nasasaktan ako dahil nakapa-unfair ni Papa sa akin. Gaya ng sinabi ko sa kanya, ako ang tunay na anak, dugo't laman niya ako pero hindi man lang niya ako magawang paniwalaan, hindi man lang niya ako ma-protektahan. Dapat nga tinatanong niya ako kung okay lang ako, kung kailangan ko ba ng tulong para mawala iyong mga kumakalat na balita sa akin. Pero sa halip na iyon ang sabihin niya ay hinuhusgaan na niya agad ako na para bang totoo ang lahat ng naririnig niya. She's my father, dapat nga ay ito ang mas nakakalaaman sa akin, na hindi ko magagawa ang be
Kate Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga ng itigil ko ang minamaneho kung kotse sa garahe ng bahay namin. Tumawag kasi sa akin ang Papa ko at pinapapunta niya ako sa bahay dahil gusto niya akong makausap. At kahit na hindi ko siya tanungin kung ano ang sasabihin niya ay alam kung napabalitaan na niya ang balitang kumakalat sa social media dahil sa akin o baka sinabi na iyon ni Mae dito. Kilala ko ang stepsister ko, kapag may hindi magandang nangyayari sa akin ay agad niya iyong sinusumbong sa Papa ko. Hindi lang basta sinusumbong dahil dinadagdagan pa niya ng kwento para ako ang mapasama sa Papa ko. At ang Papa ko naman ay agad na naniniwala kay Mae. Minsan nga ay hindi na lang ako nagsasalita o pinagtatanggol ang sarili ko dahil wala namang nangyayari. Si Mae pa din ang pinaniniwalaan ni Papa. Akmang lalabas ako ng kotse ng mapatigil ako ng tumunog ang ringtone ng cellphone ko. At nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay nakita kong si Trey ang tunatawag sa akin. S
Kate Akala ko ay tapos na ang kumakalat na balita sa akin sa opisina dahil pina-announce ni Trey sa HR Manager asawa niya ako at walang agawan na nangyari sa pagitan ng kababata niya. Pero may mas malala pa pala dahil hindi lang sa kompanya niya iyon kumakalat kundi sa buong bansa pa. Kilalang personalidad kasi ang involve kaya naipabalita iyon sa social media--si Lea ang kababata niyang artista. Ako daw ang third party sa hiwalayan ng dalawa. Nagtataka nga ako paggising ko ng maaga ng makatanggap ako ng sunod-sunod na request sa social media ko, hindi lang iyon, sunod-sunod din akong nakatanggap ng message galing sa hindi ko kilalang tao. May nagta-tag din sa akin at nang tingnan ko iyon ay do'n ko nalaman ang kumakalat na balita tungkol sa akin. Kaya no choice ako kundi i-locked ang profile ko at i-private ang ilan sa mga social media account ko. Dahil kung hindi koniyon gagawin ay sigurado akong hindi ako titigilan. Baka kahit hindi ko ginagamit ang cellphone ko at ma-lowbat iy
Kate Akala ko ay graduate na ako sa tsismis nang ibalik ko sa dati ang paraan ng pananamit ko. Pero hindi pala dahil may panibago na namang tsimis na kumakalat sa buong kompanya. At tungkol na naman sa akin iyon. At sa pagkakataong iyon ay mas mabigat ang kumakalat na tsismis sa kompanya ni Trey. Hindi na ako ngayon isang mangkukulam. Isa na akong mang-aagaw. At inagaw ko daw si Trey sa girlfriend niyang artsita--si Lea. Nang malaman ko nga iyon ay hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mga mata. Hindi ko nga din napigilan na question-in ang kribilidad ng empleyado ni Trey. Ganoon ba ang ilan sa mga empelyado niya? Kung hindi bully ay naniniwala sa mga fake news na ikinakalat ng taong walang magawa sa buhay? Simula kasi noong makita kami ng empelyado niya na sabay na pumasok at idagdag pa na magkahawak kamay ay nakarinig na ako ng bulungan. At iyon nga, inagaw ko daw si Trey kay Lea, inakit ko daw siya para hiwalayan ang girlfriend niya. Hindi ba alam ng empleyado ni Trey na wala n






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews