Share

Chapter 6

"Anak, sigurado ka na ba?" Tanong ni Papa habang nasa labas kami ng pinto ng opisina ni Mr. Saavedra. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Opo, Pa. Kahit dito man lang ay matulungan ko po kayo." Turan ko.

"Salamat, Allianah." Nakangiti niyang sabi at niyakap ako.

"Excuse me, Mr. Hovers, pinapasabi ni Mr. Saavedra na kung puwede ay si Ms. Allianah na lang po ang papasok sa loob." Magalang na sabi ng babaeng secretary ni Mr. Saavedra.

"Bakit daw? Hindi puwedeng anak ko lang ang papasok sa loob." Wika ni Papa.

"Pasensiya na po at bilin lang ni Mr. Saavedra. Maghintay na lang daw po kayo rito sa labas." Sabi ng babaeng secretary kay Papa. Magsasalita pa sana si Papa nang unahan ko siya.

"Pa, okay lang po ako. Huwag po kayong mag-alala kaya ko na pong kausapin mag-isa si Mr. Saavedra." Sabi ko.

"Pero, Allianah, paano kung may gawing masama sa 'yo si Mr. Saavedra? Kailangan kong sumama sa loob." Nag-aalala niyang sabi.

"Pa, okay lang po ako. Kaya ko na po ang sarili ko. Kakausapin ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status