Share

Chapter 15

HINDI AKO MAKATULOG. Hindi ko mapigilan ang pag-iisip kung gaano katahimik ang araw na ito kahit na nasa alanganin ako.

Sapilitang ipinakasal ako ng aking mga magulang sa isang hindi ko kilalang tao.

Hindi kami magkasundo na dalawa at lalong hindi namin gusto ang isa't-isa.

Posible palang sa gitna ng pagdurusang ito at sa pagaaway, magkakaroon kami ng tahimik na buong araw.

Nagmukmok ako nang maalala ko ang mga photographer at videographers. Maliban sa bahagi na iyon, karamihan ng oras, nakakalimutan ko ang kanilang presensya.

Pagkatapos naming tahimik na magswimming ni Damon nagpahinga siya sa suite. Nauna akong maligo samantalang inaayos niya ang magiging dinner namin sa restaurant. He also entertained the photographers and videographers a bit. Nang bumalik siya sa suite, tapos na ako.

"Pwedeng mo tingnan ang ating mga litrato at video sa labas. Nag-order ako ng pagkain para sa ating mga photographer at videographers."

I nodded. Kaunti lang naman din ang interes ko sa pictures namin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status