Share

Chapter 42

Jayde's Pov:

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Nahihiya ako at naiinis sa sinabi ko. Alam ko naman na arrangement lang ang lahat ng ito. Alam kong mali itong pinasok ko. Alam kong mali itong nararamdaman ko. Pero we need to work this out, right? Hindi naman pwede na habang buhay kaming parang timang at walang alam sa isa't isa.

"What do you mean?"

"Ang ibig kong sabihin ay hindi pa talaga natin kilala ang isa't isa." Nakakunot ang noo niya at parang hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ko.

Umayos ako ng upo at humalukipkip. "Sige nga, kailan pala ang birthday ko?"

Napataas ang kilay niya at napaawang ang labi. Dahil wala siyang masagot ay tinaasan ko siya ng kilay.

"See? That's what I'm talking about."

Nakatingin lang siya sa flower vase na nasa harapan niya at malalim ang iniisip. Itinagilid ko ang mukha ko at pinagmasdan siyang mabuti.

Tama ba na magmahal ng tao sa kakaunti niyong panahon na magkasama? I have never felt this way before. I had a lot of relationships before pero ng
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status