Share

Chapter 45

Owen's Pov:

Gusto kong sipain yung buong elevator dahil sa sobrang bagal nitong bumaba. Kanina pa umalis si Jayde na sana ay sinundan ko na agad dahil ngayon ay hindi ko na alam kung paano siya hagilapin. Saan naman kaya sya mapupunta eh hindi naman niya alam ang lugar na ito? At sa dinami-dami ng lugar sa buong Pilipinas na pwedeng pagtambayan ng ex niya, dito pa!

Mabilis akong lumabas ng elevator noong bumukas ito. Luminga agad ako sa loob ng lobby para hanapin si Jayde. Lahat ng sofa at pati likod ng mga halaman at poste ay tinignan ko bago ako lumabas sa parking lot.

Nakita ko ang kotse ko at kung titingnan ko iyon ng mabuti ay wala talagang tao doon. Pero naisipan kong lumapit dahil may nakita akong parang anino ng isang paa sa may gilid ng gulong.

Dahan-dahan akong sumilip para tingnan kung sino ang nasa likod ng kotse ko at hindi nga ako nagkamali na nandun si Jayde. May hawak hawak siyang isang bote ng Alfonso sa kamay niya habang tahimik na lumuluha at nakatulala sa kawalan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status