Remarried to My Billionaire Ex!

Remarried to My Billionaire Ex!

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-11-25
Oleh:  MagentaBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
6Bab
2Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Isang aksidente sa dagat ang nagpatunay kay Maisy na hindi siya ang pinakamahalagang babae sa buhay ni Nicolas. Sa loob ng tatlong taon nilang kasal, alam niyang kapalit lamang siya ni Yana. Ginawa niya ang lahat para maging mabuting asawa hanggang sa muntik na siyang mamatay nang mas piliin nitong iligtas si Yana nang tumaob ang yateng sinasakyan nila. Natauhan si Maisy at tahimik siyang nakipag-divorce dito. Akala ni Nicolas ay hindi siya kayang iwan ni Maisy. Ngunit nang bumalik si Logan Valiente, ang makapangyarihang bilyonaryong dating kasintahan nito, saka niya napagtantong may ibang lalaking handang mahalin at pakasalan ang asawang hindi niya pinahalagahan noon. Ngayong wala na si Maisy, saka lamang gustong bumawi ni Nicolas. Ngunit isang malamig na ngiti ang ibinigay sa kaniya ni Logan. “Sorry, Nicolas. Your ex-wife is mine now.”

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

Muntik nang mamatay si Maisy nang tumaob ang kanilang yate sa gitna ng malakas na bagyo. Habang pilit niyang inililigtas ang sarili mula sa malalaking alon, nakita niya kung paano pinili ng asawa niyang si Nicolas Mondragon na iligtas si Yana habang siya ay iniwang malunod sa dagat.

Mabuti na lang ay nakaligtas si Maisy. Hindi siya umiyak, nagalit, o nagreklamo sa asawa kaya nagtaka si Nicolas sa naging reaksyon nito.

"Maisy, sa tagal nating mag asawa, kahit kailan hindi ka pa nagreklamo sa akin."

Napayuko si Maisy at mahigpit na kinuyom ang kaniyang mga kamay. Naalala niya kung paano inagaw ni Nicolas ang kaniyang life jacket para ibigay kay Yana, habang siya ay iniwang mag-isang lumaban sa malalakas na alon kanina.

Masakit isipin na sa oras na kailangan niya ang sariling asawa, ibang babae pa rin ang pinili nitong iligtas.

Gusto niyang magalit. Gusto niyang itanong kung wala ba talagang halaga ang buhay niya para rito. Ngunit pinigilan niya ang sarili at pilit na nilunok ang sakit na nararamdaman.

Maya-maya, tumingala siya at direktang tumingin sa mga mata ni Nicolas.

"Kung nagreklamo ba ako, ako ba ang una mong ililigtas?"

Napatikom ang mga labi ni Nicolas. Hindi siya sumagot.

Hindi na nagulat si Maisy sa naging reaksyon ni Nicolas. Tatlong taon na siyang kasal dito, kaya alam na niya kung saan siya lulugar. Basta pagdating kay Yana, wala siyang ibang magagawa kundi ang manahimik.

Si Yana Mondragon ay ampon lang ng pamilya Mondragon. Noong labingwalong taong gulang ito, nagkagusto ito kay Nicolas na kanyang adoptive Uncle. Nauwi iyon sa isang malaking iskandalo nang lagyan nito ng pampatulog ang inumin ng lalaki at samantalahin ito habang wala itong malay. Sa sobrang galit ng lola ni Nicolas, ipinadala nito si Yana sa Amerika.

Ngunit ang hindi alam ng lahat, matagal na ring may lihim na pagtingin si Maisy kay Nicolas.

Malaki ang pagkakahawig nina Maisy at Yana. Pareho silang maganda, maputi, at balingkinitan. Ngunit sa lahat ng katangian ni Maisy, ang mga mata nito ang pinakagusto ni Nicolas.

Upang matigil ang mga tsismis tungkol sa iskandalo, nagdesisyon si Nicolas na pakasalan si Maisy. Nang tuluyan nang humupa iyon, pinabalik naman niya si Yana sa Pilipinas ngayon.

Tatlong araw pa lamang ang nakalilipas mula nang makauwi si Yana nang magpumilit itong mag-camping sila sa isang isla gamit ang kanilang pribadong yate, kahit may babala na ng paparating na bagyo. Habang nasa gitna sila ng dagat, biglang lumakas ang hangin. Isang napakalaking alon ang humampas sa yate, dahilan para mawalan ito ng balanse at magsimulang tumaob. Walang pag-aalinlangang agad na lumapit kanina si Nicolas upang protektahan si Yana.

Napatingin na lamang ngayon si Nicolas sa asawa habang pilit na pinananatili ang kaniyang balanse sa gitna ng malalakas na alon.

Saglit siyang nag-alinlangan bago nagsalita. 

"Maisy, pasensya ka na kanina kung kinuha ko ang life jacket mo. Nag-aalala lang ako kay Yana dahil sobra siyang natakot, kaya kailangan ko muna siyang iligtas."

Hindi na nakasagot si Maisy nang biglang dumating ang isa pang mas malakas na alon. Dahil sa lakas nito, tinangay si Maisy sa dagat.

Pilit na kumakaway at lumalangoy si Maisy, ngunit patuloy siyang hinihila pababa ng malalakas na alon. Unti-unti siyang lumubog sa malamig na dagat habang nauubusan ng hininga.

Nang akala niyang mamamatay na siya, biglang may isang malaking kamay na mahigpit na humawak sa kaniyang pulsuhan. Ngunit bago pa niya makita kung sino iyon, tuluyan na siyang nawalan ng malay.

***

Tatlong araw ang lumipas bago muling nagising si Maisy.

Nakahiga siya sa kama ng ospital. Mabigat ang kaniyang buong katawan, at habang dahan-dahang idinidilat ang mga mata, narinig niya ang mahinang pag-iyak sa kaniyang tabi.

"Gising na siya! Gising na si Maisy!" masayang bulalas ni Yana.

"Maisy, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Nicolas na nakatayo sa tabi ng kama.

Hindi nakasagot si Maisy. Sobrang tuyo ng kaniyang lalamunan, at kahit gusto niyang magsalita, halos walang boses na lumabas sa kaniyang bibig.

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Yana, na para bang siya ang muntik nang mamatay sa trahedyang iyon. Pero alam ni Maisy na nagpapanggap lang ito para kaawaan ni Nicolas. 

"Maisy, I'm so sorry. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ako inunang iligtas ni Nicolas, hindi ka sana nawalan ng malay nang ilang araw. Sana ako na lang ang tinangay ng alon."

Napatingin si Nicolas kay Yana. Bakas sa kaniyang mga mata ang awa habang pinagmamasdan itong umiiyak.

"Tahan na, Yana, hindi mo naman kasalanang may paparating pala na bagyo. Mabait si Maisy, kaya hindi ka niya sisisihin."

Bahagyang gumalaw ang tuyong mga labi ni Maisy. Gusto sana niyang matawa sa narinig, pero wala siyang lakas. Kaya malamig na lamang niyang tinitigan ang asawa.

Siya na nga ang muntik nang mamatay sa dagat, pero kahit ngayong nasa ospital na siya, si Yana pa rin ang mas inaalala ni Nicolas.

"Maisy, magpahinga ka muna. Alam na ni Lola na nasa ospital ka. Bibisitahin ka raw niya bukas."

Pagkasabi ni Nicolas noon, lumapit si Yana sa likuran nito at kinakabahang hinila ang manggas ng damit niya.

Napatingin si Nicolas kay Yana. Saglit siyang nag-alinlangan bago muling humarap kay Maisy.

"Maisy, may hihilingin sana ako sa'yo."

"Ano 'yon?" mahinang tanong ni Maisy.

"Alam mong ayaw ni Lola kay Yana. Kapag nalaman niyang si Yana ang nagpumilit na pumunta tayo sa isla, siguradong magagalit siya at paparusahan. Kaya sabihin mo na lang na ikaw ang may gustong pumunta roon.”

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
6 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status