Home / All / Marupoked / Substitue

Share

Substitue

last update Last Updated: 2021-07-12 11:13:46
 

 

"HOY saan ka pupunta?" Natigilan ako sa pagtakbo nang biglang sumalubong sa harap ko ang kunot-noong si Elizze. Langyang babae 'to. Wrong timing naman siya.

"That guy! Siya 'yong may kulay green na buhok," nagmamadaling wika ko. Inilibot ko ang paningin ko subalit hindi ko na siya makita. Ni hindi ko man lang na-memorize 'yung hitsura ng likuran niya kaya't mahihirapan akong makita siya nito.

"Ha? Sino? Wala naman akong nakitang may berdeng buhok," sambit pa niya. Napakamot na lamang ako sa ulo. Wala na, hindi ko na siya maabutan.

"Kasi walang kulay 'yung buhok niya ngayon!" giit ko. Tila ba mas lalong kumunot ang noo niya.

"Pwede ba 'yon? So transparent gano'n?" Napangiwi ako't nasapo ang noo. "Teka nga, bakit ba parang naging interesado ka na talaga sa kaniya? Eh hindi mo pa naman siya nakikita in person. Wait, don't tell me—"

"Nakita ko na ang lalaking 'yon. Dalawang beses na. Una sa bus, pangalawa sa jeep. I don't know why but there's really something in him. Ang weird lang kasi parang ang liit ng mundo," paliwanag ko. Alam kong naguguluhan pa rin siya ngunit sapat na ang mga sinabi ko upang hindi na siya magtanong pa kung bakit bigla akong naging interesado sa kaniya.

Akmang maglalakad na muli ako upang hanapin ang lalaking 'yon ngunit pinigilan ako ni Elizze at hinigit ang braso ko.

"'Wag mo na siyang hanapin. Natatandaan ko pa ang mukha niya. At kung desidido ka talagang malapitan ang lalaking 'yon o kung may pakay man talaga siya sa 'yo, I'm sure magkikita ulit kayo." Napatigil siya't tumingin sa hawak ko. "Is that a colored hair wax?" tanong niya.

"Yeah. May nakabanggaan kasi akong isang lalaki at naiwan niya 'to," sabi ko sabay turo sa hawak ko.

"And you assume na siya 'yung lalaking nakita mo nang dalawang beses?" Tumango ako.

That's when I realized na masyado akong nagpadalos-dalos. I mean, there's no 100% assurance na siya nga talaga 'yung may kulay berdeng buhok na nakasalamuha ko, at posibleng hindi lang siya ang may ganoong kulay ng buhok around our area pero masyado akong nag-panic at kaagad nag-assume na siya 'yon.

"But wait, sa pagkakaalam ko, that's a rare product at kaunti lang ang may gan'yan dito sa bansa natin. Mayroong mga imitations pero hindi same ng quality ng product na 'yan. Do you think washable 'yung buhok ng lalaking nakita mo? Kasi that guy na tumulong sa akin kagabi, I don't think na wax 'yung nasa buhok niya. It's an artificial hair color pero hindi washable," paliwanag pa ni Elizze.

Napaisip ako sa sinabi niya. During my first encounter with that freak, hindi ako masyadong naglaan ng atensyon dahil first and foremost, wala talaga akong pakialam sa kaniya. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para hanapin siya ngayon matapos kong malaman ang ginawa niyang tulong kay Elizze.

I'm not paranoid but what if, he has another agenda? That everything was not a coincidence. What if, it's a pattern of encounters?

"Maybe the guy who owned this is not the guy I encountered few days ago. Anyway, anong oras ang klase mo?" pag-iiba ko na lamang upang hindi na humaba pa ang diskusyon namin tungkol sa lalaking 'yon.

"May 30 minutes pa akong free time. Ikaw ba?" tanong niya pabalik.

"May klase na ako. Kita kits na lang mamaya," sagot ko at kaagad na nagpaalam sa kaniya.

Pinilit kong magpokus sa klase nang araw na 'yon. Namalayan ko na lamang na kailangan pala naming mamili ng kani-kaniyang partner para sa isang research task sa Social Science subject namin. Hindi ko ugaling namimili ng partner kapag may ganitong task kaya't naghintay na lamang ako na may mag-alok sa akin.

"Ms. Matienzo, may kapartner ka na?" Namalayan ko na lamang na nasa harap ko na pala si Lark.

I heard gossips about this guy na graduated siya with high honors no'ng high school. Gusto ko sana na babae na lang ang maging partner ko para mabilis pakisamahan ngunit mukhang may partner na rin naman ang lahat. Wala na rin naman siguro akong hanapin pa dahil kusa na akong nilapitan ng brainy.

"Wala pa naman. Bakit? Partner na tayo?" Umayos ako ng upo. Medyo nakahinga na rin ako nang maluwag dahil alam kong hindi ako pababayaan ng isang 'to at ligtas na for sure ang grade ko sa Soc Sci.

"Hindi naman. Tinatanong ko lang kung may partner ka na," natatawa niyang sambit dahilan upang makatanggap ito ng matalim na tingin mula sa akin. "Just kidding. Sige. Kailan ba tayo magsisimulang mag-interview?" bawi niya.

Kaasar. Akala ko, isa rin siya sa mga paasa, eh.

 

***

 

PAGPASOK ko sa gym ay agad sumalubong sa akin ang mga naglalakasang sigawan ng mga estudyante. Balak ko na sanang dumiretso palabas upang makauwi na ngunit naka-receive ako ng text message mula kay Macy na nandito raw silang lahat at nanonood ng game. Hindi ako masyadong mahilig manood ng basketball ngunit ayoko rin namang masabihan ng KJ.

Palakasan ng sigaw ang naganap sa apat na sulok ng gym. Napakamot ako sa ulo't hinanap ang mga kasamahan ko sa bleachers. Mayroon din kasing students na mula sa ibang school ang naririto ngayon upang suportahan ang kanilang players. School pala namin ang host ngunit hindi rin naman nagpatalo sa rami ng supporters ang kabilang panig.

Namataan ko sa bandang itaas ng bleachers sina Jethro at Zyde. Kumakaway-kaway ito sa akin kaya naman hindi na ako nag-asaksaya pa ng oras at kaagad ding naglakad papunta sa kinaroroonan nila. Sinikap kong hindi dumaan sa gitna dahil ayoko ng atensyon. Mahirap na lalo't player ng campus namin si Fritz.

"Pin!" Narinig kong may tumawag sa akin. Nilingon ko ito't napansin si Gerlyn na nakaupo sa bleachers habang may hawak na pop corn. Kasama niya ang lalaking ipinakilala rin niya sa akin kagabi kaya't ngumiti na lamang ako rito't mabilis na naglakad palayo.

Wala na akong pakialam kung isipin man niyang dinededma ko na siya ngunit ayoko talagang maging out of place sa kanila. Baka kapag binigyan ko pa siya ng atensyon ay pilitin niya akong tumabi sa kaniya panonood.

Nang makalapit ako kina Elizze ay saktong tumunog ang horn na nasa scoreboard hudyat na magsisimula na ang game. Medyo masikip na sa line nina Elizze kaya't napagpasyahan kong kina Jethro na lamang tumabi. At least kapag siya ang katabi ko, hindi ako magugutom dahil alam kong lagi siyang may baong pagkain.

Mas lumakas pa ang sigawan nang tinawag ang first five ng magkabilang team. Maging ang mga kasamahan ko ay nag-chi-cheer kaya naman nakigaya na lamang din ako sa kanila. Baka isipin din nilang bitter pa ako kay Fritz kaya't nang tawagin siya'y nag-cheer pa rin ako.

Sa first five minutes ng game, kaagad naka-score ng six points ang varsity team namin which is ang Riversky Raiders; four points naman para sa kabilang team.

Ilang saglit pa'y muling naka-score ang Riversky dahilan upang muling magsigawan kaming lahat. Ilang sunod-sunod na points pa ang dumagdag dito hanggang sa mag-announce na ng foul violation ang committee. Next thing we know, hawak na ni Fritz ang bola at nag-re-ready para sa free throw.

"Go Pin!" Nanlaki ang mga mata ko nang biglang sumigaw si Gracelyn. Gusto kong hilahin ang buhok niya sa inis lalo pa't tyempong tahimik ang buong paligid at naghihintay sa pag-shoot ni Fritz ng bola. Mabuti na lamang talaga at naka-focus sa game ang gago kaya't parang hindi niya narinig ang sigaw ni Gracelyn.

Muling umalingawngaw ang malakas na sigawan nang mag-shoot ang bola. Nagtatalon naman sa tuwa ang mga students na nasa harapan namin. Tila ba kilig na kilig pa ang mga babaeng 'yon kay Fritz.

Sa pangalawang pagkakataon ay muling nag-shoot ang bola. Makaraan ang ilang sandali nang muling bumalik sa pag-aagawan ng bola ang mga players ay namataan ko na lamang na nakatingin na pala si Fritz sa direksyon ko. Tipid itong ngumiti sa akin bago nagpatuloy sa paglalaro.

"OMG!" hiyaw ni Gracelyn. Alam kong nakita rin nilang lahat 'yon kaya't maging ang mga babaeng nasa harapan namin ay napatingin din sa akin.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig!" Sabay-sabay na kumanta ang mga kasamahan ko. Tuluyan na akong nakaramdam ng kilabot at hiya sapagkat parami nang parami ang mga nakatingin sa amin. Hindi na rin naman ako natutuwa sa ginagawa nila pero parang enjoy na enjoy pa ang mga loko-loko.

"Tumigil nga kayo!" suway ko sa mga ito. Imbis na tumigil ay mas pinag-igihan pa nila ang pang-aasar sa akin at may pagsundot-sundot pa si Jethro sa tagiliran ko.

"Yiee! Marupok 'yan, babalikan niya 'yan," muling pang-aasar ni Gracelyn sa akin. Patay talaga sa 'kin 'tong babaeng 'to mamaya.

Nagpatuloy pa ang laro hanggang sa unti-unti nang natatambakan ang kalaban. Medyo nawawalan na rin ako ng ganang manood dahil parang alam ko na rin naman kung ano ang patutunguhan ng larong ito.

"Sure win na."

"Kaya nga, eh."

"Magagaling talaga kasi players natin. Tapos inspired pa maglaro si Fritz kasi nandiyan si.."

Natigil sila sa pagsasalita nang pumito nang mahaba ang referee hudyat na may papalitang player mula sa kabilang team. Ibinaling naming lahat ang tingin dito at parang bigla akong nagpigil ng sariling hininga nang mapansin ang isang lalaking nakasuot ng jersey ng kabilang team. Wala namang ibang kakaiba sa kaniya maliban sa buhok niyang kulay berde na kaagad umagaw ng atensyon ng karamihan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marupoked   About the Author

    About the AuthorPranz Cipriano, also known as simplestabBer, is a person who’s inclined with both music and literature. He is currently taking Bachelor of Arts in Communication and he loves to explore his passion more by editing stuff such as photos, video, and even music. He loves writing Mystery/Thriller and Fantasy stories but he is also open to trying other genres such as Teenage angst, Humor, and Rom-Com stories. As an ultimate fan of music particularly Pop-punk bands and Avril Lavigne, he also does song covers. Doing content is also his cup of tea and he has a goal of inspiring his fellow youth and motivating them to achieve their dreams no matter how slow the progress is.

  • Marupoked   Epilogue

    I couldn't resist smiling as I heard my full name upon the announcement of the graduating class. With my head held up high, I walked confidently on the stage and received my diploma as I reached the center. Up until this moment, I couldn't believe that I finished my college journey here in this school. Riversky University will always be a home for me.I raised my left hand and waved it merrily. Kitang-kita ko naman ang saya ng mga kaibigan kong katulad ko'y tumuntong din sa entablado ngayong araw upang tanggapin ang kanilang mga diploma. I'm just so happy with fact that we graduate together on this day. Wala ng ibang mas sasaya pa sa katotohanang sabay-sabay kaming nagsimula at sabay-sabay kaming nagtapos.Matapos ang ceremony ay agad na nag-una-unahan ang mga estudyante sa pagpapapicture sa stage. Mayroon namang mas piniling magpicture-taking sa mga gilid habang ako nama'y nanatiling nakatayo lamang sa tapat ng pwesto namin."Pin!" Narinig kong may sumigaw ng pangal

  • Marupoked   In A Blink of An Eye

    Third Person’s Point of View"WHAT do you guys think? Why do they have to hide it to us? Kaibigan nila tayo, kasama sa lahat ng bagay. At isa pa, Pin has always been honest and genuine to us. Sa tingin niyo, naimpluwensyahan lang talaga siya ni Cason?" Bumasag sa katahimikan ang tanong ni Steven na siyang nagmamaneho ng kanilang sinasakyang van. Magkakasama ang mga magkakaibigan habang wala pa ring kaalam-alam ang dalawa nilang kasamahan na sina Pin at Cason sa kanilang biglaang pag-alis.Lingid sa kanilang kaalaman ay tahimik na nakikinig lamang si Henrich habang pasimpleng nagtitipa sa kaniyang telepono. Walang kaalam-alam ang mga magkakaibigan na ang kanilang lahat ng pinag-uusapan ay sinasabi na nito kay Cason."Kaya pala magkasama sila ni Pin sa probinsya namin last week. Wala akong kaalam-alam na may namamagitan na pala sa kanilang dalawa," dismayadong sambit na lamang ni Elizze na siyang nakaupo sa loob ng van kasama ang iba pa. Para sa kaniya'y napakasakit na

  • Marupoked   The Trigger

    I woke up with the unending reminder of the world's most annoying sound ever. I still feel drowsy, considering the fact that I stayed up all night and thought of the things that kept running on my mind for the past few years. As much as I want to fulfill my 8 hours of sleep every day, I couldn't help but wake up and prepare myself for my everyday routine.Pakiramdam ko ay naniningkit pa ang mga mata ko at hirap na hirap pa rin akong magmulat. Sa kabilang banda, nagpatuloy pa rin ako sa pagbangon hanggang sa madatnan kong nag-iisa na lamang ako sa kwarto. Maliwanag na rin ang buong kapaligiran senyales na late na ako sa first class ko. But then again, maybe I could just skip it like the usual thing I always do.Hindi ko alam kung bakit sa unang pagmulat pa lamang ng aking mga mata, isang tao na agad ang pumasok sa isipan ko. Nakakatawang isipin na parang kahapon nang huling beses kaming magkita at magkausap sa balcony ng shop ay halos ipagatabuyan ko na siya sa inis ko

  • Marupoked   Unleashing The Concealed

    THERE are some points in our lives where we got to ask ourselves if we really are worth being protected. There are moments where we find it hard to believe that we are deserving to be loved. There are times where we also find that we are just so imperfect to be cherished; too flawed to be treasured. But I do believe that in the end, we will still find people who will fix us, people who will see the beauty inside us.Right now, I'm still figuring out why some things suddenly turn on their respective places. I'm starting to doubt if I am really worth the love. Or in the end, I may find myself crying and battling with sleepless nights again, trying to figure out where did I go wrong.After hearing Cason's words that day when he suddenly appeared at the AesTEAtic Milk Tea shop, my undying doubt has started. It feels like, everything was just too good to be true. Like, protecting me and preventing me from getting more heartbreaks were just his alibis. All of a sudden, I go

  • Marupoked   Fool And Selfish

    BUONG oras na nakasakay sa bus ay nakatulala lamang ako't nakatitig sa kawalan. Siguradong-sigurado ako na si Fritz mismo ang nakita ko. He's skinnier than he used to but I'm really sure he was still the guy who used to be my partner. Pero ang nakakapagtaka lang, bakit nandito siya?Pagkaraan ng ilang sandali ay namalayan ko na lamang na nakababa na ako mula sa sinasakyang bus at nakatayo sa harapan ng dormitoryo. Paniguradong naghihintay na rin sa akin si Elizze, not knowing na may balita akong pasalubong sa kaniya.Nang makapasok na sa loob ng kwarto ay bumulagta sa akin ang abalang-abala na si Elizze habang nakatutok sa kaniyang laptop. I sighed, making her aware that I got home already."Ano 'teh? Pagod na pagod?" usisa niya nang magtama ang tingin namin.Lupaypay kong ibinagsak sa kama ang mga gamit ko at saka itinilapon ang sarili dito. Hindi pa rin niya iniaalis ang tingin sa akin kaya naman muli akong bumuntong-hininga bilang pagbwelo. Paniguradong kahit siy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status