"Bakit malungkot ka?" nakangiting tanong ko kay Adam. "Hindi ko rin po alam, sana po okay lang sa boyfriend niyo na tawagin kitang mommy." "Cally?" Kapwa kami napalingon ni Adam sa tumawag sa aking pangalan kasabay ng malakas na pagtibok ng aking puso nang marinig ang pamilyar na boses ng aking pinakamamahal na si Philip. Awtomatikong nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha mula sa aking mga mata. "Mommy..." Narinig kong sambit ni Adam. Matagal bago ako nakapagsalita dahil sa matinding emosyon na lumukob sa aking dibdib. Sino ba naman ang mag-aakalang magkikita kami ni Philip sa party na ito gayong hindi naman siya mahilig sa mga parties gaya ng sinabi niya sa akin noon. "Cally, I'm looking for you and I never thought that we would meet here. Mommy? How can you explain it to me?" Kitang-kita ko ang iba't ibang emosyon sa anyo ng aking katipan. "Philip, just let me explain, please?" pakiusap ko. Mabilis na hinawakan ko siya sa mga kamay ng mahigpit. Ngunit gano'n na lamang ang g
Kahit ayokong sumama sa party na ito ay pinilit parin ako ni Ares, kaya wala akong nagawa kundi ang makipagsabayan sa mga taong nakakasalamuha. "Ate Arrianne is here and she was dying to see you," bulong sa akin ni Ares. Kasalukuyang nakahawak si Adam sa aking mga kamay. Ayaw sana ni Ares na isama namin si Adam sa party pero ako ang nagpupumilit na isama ang bata. "Who is she?" takang-tanong ko dahilan para kumunot ang noo ni Ares. "You're such a pathetic woman, Lavinia." "Sinabi ko na sa'yo na hindi ako si Lavinia kaya huwag kang magtaka kung bakit tinatanong ko pa sa'yo kung sino ang Arrianne na sinasabi mo," mataray kong sagot kay Ares. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pag-igting ng mga panga nito. "Stop fooling around, Lavinia." "I'm not fooling around, Mr. Walton. Hindi ako magsasawang ipagsiksikan sa'yo na hindi ako ang bàliw mong asawa," sagot ko sa mahina paring boses na kami lamang ang nakakarinig. "Hijo!" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ng
"Alam mo bang ngayon lang nakaramdam ng ganyang pagmamahal si Adam?" Tila kumurot sa aking puso ang sinabi ni Micah. "Ano bang klaseng ina si Lavinia at bakit pagmamahal man lamang sa kanyang sariling anak ay hindi niya maibigay?" "Honestly, ayaw niya ng bata. Bata pa lang si Adam ay lumaki sa pangangalaga ng kanyang Yaya Percy." Naalala ko ang may edad na babae na palaging masama ni Adam na kapag nakikita ako ay tila parang nakakita ng multo. "Bakit pa siya nagbuntis kung ayaw naman pala niya sa bata?" Hindi ko maitago ang iritasyon sa sariling boses. Kasalukuyang nakamasid lang kami ni Micah kay Adam na ngayo'y busy sa ilang assignments sa school. Lumalapit lang sa gawi namin ni Micah kapag may nais itanong na hindi naintindihan. "I guess I have to go," ani Micah. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Don't worry, mahahanap din natin si Lavinia. Gagawin ko ang lahat ng makakaya." Sinalubong ko ang seryosong mga mata ni Ms. Tan. Hinawakan ng mahigpit ang aki
"Hindi ako ang dapat pagsabihan mo niya'n kundi ang totoong may sala," inis kong sagot at tinalikuran na lamang si Micah. "Mommy!" tawag ni Adam sa akin. Napalingon ako sa kanya at ngumiti. "Diyan ka na muna kay Tita Micah mo, Adam. Please, kindly accompany here dahil wala akong nais i-kwento sa kanya kundi patunayan na hindi ako ang mommy mo." "Mommy...," usal na lamang ni Adam. Sumilay ang pilit na ngiti sa aking mga labi. Mabuti na lamang at nakinig si Adam sa sinabi ko. "Alright, mom." "Thanks, sweetie," ani ko saka naglakad patungo sa hardin. Mabuti na lamang at hindi na ako ikinulong ni Ares sa kwarto. Masyadong mataas ang malahiganteng gate ng mansion na ito at imposibleng makatakas ako rito. Maliban na lamang kung pag-aaralan ko ang mga sekretong labasan. "Inay, itay, nasaan na ba kayo?" bulong ko na lamang sa hangin. Niyakap ko ang sarili. Ano kayang naghihintay na kapalaran sa akin sa buhay ng mag-ama? Sinu-sino pa kaya ang mga taong ma encounter ko bilang
"Please... maniwala ka naman sa akin, ako si Cally at hindi si Lavinia." Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ni Ms. Tan. Pagdakay pinakatitigan ako ng maigi. "Hindi ko alam kung ano na namang paandar mo, Lav. Pwede bang tumigil ka na?" "Hindi nga ako si Lavinia. Ako si Cally Janeiro," muling giit ko kahit alam kong imposibleng mangyaring paniwalaan niya ako. "Bilang kaibigan mo alam mong hindi ko kinukunsinti ang mga maling gawa mo, Lav. Could you please stop this nonsense kahit alang-alang man lang kay Adam? Ano na namang palabas 'to? Na kunwari bait-baitan ka, for what, Lav?" Hindi ko na alam kung paano ko nga ba sasabihin at kung saan pwedeng mag-umpisa gayong sarado rin ang utak ni Micah na ako'y pakinggan. Mukhang wala na yata akong pag-asa. "Ano'ng plano mo ngayon?" tanong ni Micah sa akin. "Ang makauwi sa bahay ng aking inay at itay," diretsang sagot ko. "Ewan ko sa'yo, siguro nga nababaliw ka na gaya ng sinabi ni Ares sa'kin. Ilang beses ko bang sinabi
Maraming gumugulo sa aking isipan pero nalilito ako kung bakit nangyari sa akin ang pangyayaring ito. Malakas ang kutob kong may kinalaman si Lavinia sa nangyari sa akin. Kailangan kong makatakas sa lugar na ito. Kailangan kong makauwi sa bahay. Nakaramdam ako ng matinding pangungulila sa aking mga magulang. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga saka dinampot ang aking cellphone kuno na iPhone. Never in my entire life na makahawak ng ganito kamahal na cellphone. Ang naalala ko lang ay nakabili ako ng cellphone sa halagang singko-mil. Pero hetong hawak ko ngayon ay nakakatakot na i-display sa labas lalo na at nakaka-attract ito sa mga mata ng mga snatcher. Inaamin kong hindi ako marunong gumamit nitong iPhone pero kailangan kong matuto lalo na at kailangan kong makontak ang boyfriend kong si Phillip. Dàmn, I miss him so much. Ano na kayang iniisip ni Phillip patungkol sa akin? Panigurado akong nag-aalala na sa akin ang aking boyfriend. Nagpakawala na lamang ako ng isan