"Benji! Huy teka lang! Saglit huy! Hahaha!"
Malalaki ang hakbang na ginagawa ko, ayoko siyang kausapin at pansinin ngayon. Hindi pa bumababa ang inis ko at baka kung ano pa ang masabi ko sa kaniya.
Walang mapaglagyan ang gigil ko ngayon!
Paano ba manakal ng hindi nakakasakit? Gusto ko kasi talaga saktan si Erie sa pang gu-good time niya sa 'kin. It's not funny at all!
"Hoy teka lang naman, maliit lang ang biyas ko hindi kita mahabol. Benji!" Tili niya habang tatawa-tawa pa rin.
Lalo akong na badtrip dahil naglalaro sa pandinig ko ang tawa niya. Napakasaya niya talaga sa tuwing napupuno ako sa kalokohan niya!
Alam niya na ayoko sa lahat ang pinag ti-tripan ako, tapos sa lahat pa talaga ng tao na sisira sa araw ko ay siya pa?
Hindi nakakatuwa! She knows I hate attention so much kaya anong masamang hangin na naman ang pumasok sa ulo niya at nagawa niya akong traydurin?
Yes, I call it betrayal!
Hi guys! I used the song Beautiful by MONSTA X doon sa scene na ginigising ni Benjamin si Erie :D You can search it sa yt para malaman niyo kung ano kinakanta ni Erie hahaha. So, ayon lang :) happy reading and thank you sa pagpansin sa story ko, I really appreciate it. Love lots and God bless you all! *I give highly credits to the song I used.
Sinulyapan ko ang oras sa wall clock dito sa gym. Damn, ilang oras pa bago matapos 'to. It feels like the time is infinite. Napakabagal din gumalaw ng oras. "Ayusin mo naman ang paglalakad mo! Hindi ka ba nagmeryanda ha? Walang kalatuy-latoy rampa mo, ineng! Again!" Umirap at walang gana na naglakad pabalik sa backstage ang babae na sinesermonan ng bading na nagtuturo sa 'min rumampa. Yes... Nandito ako ngayon sa gym at nag pa-participate sa rehearsal ng runway. Great. "Next! You, show me your walk." Tinuro ako ni Miss M—our ramp model mentor. Macario talaga ang real name niya pero iyon ang gusto niyang itawag namin sa kaniya. Nagbubuga siya ng lava kapag Kuya Macario ang natatawag sa kaniya ng mga kasama ko rito na participants. Nanginginig ng bahagya ang tuhod ko pero ginawa ko pa rin ang utos sa 'kin. Marami-rami ang mga tao rito sa gym kaya kabado ako. Hindi ko alam kung ano ang maiisip nila sa 'kin once na ru
Napakalamig ng pawis sa kamay ko. Namamanhid din ang buong katawan ko dulot ng kaba. What if madapa ako mamaya? Madulas ako? Tapos mapaplakda ang mukha ko sa runway? God... I can't do this! "Okay, models listen up!" Naglakad si Miss M sa gitna, narito kami ngayon sa room kung saan tinipon lahat ng participant models tulad ko. Habang hindi pa nagsisimula ang event ay rito muna kami nag-stay para mag-relax, dito rin kami inaayusan—from hairstyle to make up. "In 15 minutes mag-start na tayo. Ready yourselves and please... Please, please don't forget what I always told you. Be yourself, always chin up and have some confidence. Just walk like you own the runway, alright? I know you can do it. Good luck everyone." Lalong kumabog ang d****b ko nang talikuran kami ni Miss M. Lahat ng mga kasama ko rito ay chill lang, ako lang yata ang bukod tanging nangangatog na sa kaba. I really hate this! Gusto ko na lang umuwi at magkulong sa kuwart
Ngiwi ang labi kong naglalakad sa kahabaan ng school ground. Nakakahiyang magpakalakad-lakad dito, hindi naman bago 'to sa'kin pero, fuck... "Siya 'yon 'di ba?" "Oo dai! Gwapo 'no?" "Kuya'ng model! I can do the cooking and cleaning! I can be your jowa na rin!" "Kuya! N'ong nakita kita na lowbat ako, na-lowbat first sight! Ack!" "Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?" Umabot na sa bunbunan ko ang iritasyon nang madinig ko ang tawanan ng ilang babae na nalagpasan ko. "Liam, I love you sagad ugh!" "Aaaaaaaah! Baby ko 'yan!" Lalong umingay ang pangalan ko sa buong campus no'ng manalo ako sa pinaka susumpa kong event na nangyari sa history ng Eastwest. Kaya heto ako ngayon at nagdurusa sa bawat atensyon na nakukuha ko mula sa mga schoolmates ko. Sa lumipas na ilang linggo ay tinitiis ko ang pag ka-cat call ng mga babaeng uhaw sa pansin. Kakasimula lang ng second semester
It is 8:45 in the morning, I'm still sitting on my bed. Stupefied. 9:30 am ang pasok ko sa first subject pero heto ako... hindi pa rin nag-aasikaso at parang wala balak pumasok. Hindi ako pinatulog ng senaryo na nangyari kahapon. Paulit-ulit na ume-echo sa isipan ko ang huling salita na binitawan ni Erie. She was tired, on what reason? Bakit hindi niya magawang ilabas sa 'kin kung mayroon man siya dinadalang dilema? Handa akong makinig, damayan siya. Walang pagkakataon na hindi ko nagawang ialok sa kaniya ang balikat ko upang gawin niyang sandalan kung nabibigatan na siya. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay lumalayo na siya sa 'kin ng tuluyan. Lalo akong inaatake ng pagkabalisa, mas lumalalim ang mga gabi na hindi ako nakakatulog ng dahil sa isang dahilan; bakit ako nilalayuan ni Erie? Bakit iba na ang pinapakita niyang pag-uugali? Hindi na siya ang kaibigan ko na masayahin, laging nakabungisngis, palaging
"Come on, pick it up." Alas otso na ng gabi pero heto pa rin ako, nagkukuyakoy at hindi mapakali. Hindi kasi sinasagot ni Erie ang tawag ko. Kanina pa ako nandito nakaupo sa labas ng bahay nila. Kanina pa rin ako nag-do-doorbell pero wala man lang lumalabas para papasukin ako sa loob. Hindi ko magawang pumasok dahil naka-lock ang gate nila. Mali naman kung aakyatin ko ang bakod nila at baka mapagkamalan pa akong akyat bahay. Sigurado akong nasa loob lang si Erie dahil bukas ang ilaw sa kwarto niya. Alam ko rin na kanina niya pa naririnig na may nambubulabog sa labas ng bahay nila pero hindi niya man lang ako nagawang babain dito. I know. She's still annoyed on what happened earlier. Kahit hindi niya sabihin ay ramdam ko na nagtatampo siya dahil hindi ko nagawang sabihin sa kaniya ang tungkol sa Wendy na 'yon. Totoo naman na hindi ko kaibigan ang babaeng 'yon. She's just a random girl na nagpatulong sa 'kin maghanap ng dep
Lubog pa rin ang damdamin ko sa kirot at kalituhan. Sinusubukan ko paalalahanan ang sarili ko na hindi ako dapat makaramdam ng sakit dahil sa naging pag-amin ni Erie. Ngunit kahit anong gawin ko ay hindi mapigilan ng puso ko na maluha. Sakit pa rin ang dumadaloy sa sistema ko. At hindi ko makalimutan ang humahagulgol na mukha ni Erie. Tila sa bawat luha na lumandas sa kaniyang pisngi ay puno iyon ng lungkot at dalamhati. Hindi ako pinatulog ng senaryo na nangyari kagabi at hanggang ngayon ay nababagabag ako. Ramdam ko na may iba pa siyang nais sabihin bukod sa lihim niyang pagpunta sa club at pakikipagkita sa lalaking hindi ko kilala. Limang oras din ako nanatili sa labas ng kwarto ni Erie, nagbabakasakali na labasin niya ako at muling kausapin ngunit bigo ako. Naabutan pa nga ako ni Tita Thea na nakatunganga sa tapat ng kwarto niya. Iniwasan ko na malaman ni Tita ang nangyari, ayoko na pati siya ay mabahala o a
"What?!" Gulantang kong tanong sa babaeng nangingiti ng nakakaloko sa harap ko. Is she really out of her mind? Ngayon pa lang ay nangingilabot na ako sa maaring kahihiyan na matatanggap ko dahil sa suhestiyon ni Kayle. Isang malaking kabaliwan ang naisip niya! "Anong what? It is a great idea, duh?" Saad niya at lalo pa niyang ipinakita na na-e-excite siya. Para bang may nabubuo ng mga kalokohan na senaryo sa utak niya at napapalakpak pa siya. Lalo akong nabahala dahil hindi "great idea" 'yon. Parang sinabi niya na kailangan ko iaalay kay satanas ang kaluluwa ko. Hindi ko nagustuhan ang naisip niya. That's madness! "Wala ka na bang matino na option d'yan at iyon ang na-i-suggest mo?" Nahahapo ko na tanong. "Why? That's a good option, Benji." Kibit balikat niya at talagang wala lang sa kaniya kung nakikita niya akong nababalisa sa ideya niya. "Anong good do'n? Gusto mo ba talaga ako ulanin ng tukso at mawalan ako ng
"Good evening, Benji..."Kahit pagbuka ng bibig ay hindi ko magawang gawin at pagtitig lang ang tangi kong nasagot sa kaharap ko. Hindi naman ito ang unang beses na pumunta siya rito ng gabi sa bahay pero bakit ganito na lang kung magdabog ang dibdib ko? I'm just... surprised. Hindi ko inaasahan na pupunta siya rito, at nagkusa siyang dumalaw.Kanina lang ay pinag-uusapan namin siya ni Mom, tapos ngayon ay nasa harap na siya ng bahay namin? Naradar niya ba na siya ang topic namin ni Mom?"Earth to Benji? Hello?" Nabalik ako sa realidad nang sumipol si Erie at pinitik ang mga daliri niya sa tapat ng mukha ko. "Para kang nakakita ng multo, ah." Pagtawa niya ngunit halata ang pagiging matamlay ng mukha niya.Saglit akong kumuha ng lakas ng loob para magsalita, nakakainis. Siya lang talaga ang bukod tangi na nagpapabaliw sa sistema ko. Matino pa naman ako kanina pero ngayong kaharap ko siya ay parang lumilipad na naman sa outer spa