Share

Chapter 4 - Where Everything Starts

5 years ago...

"Uh... My name is L-Liam Benjamin Chua. 15 y-years of age. I-it's my pleasure to m-meet you all."

Naghiyawan ang mga babae ko na classmates pero wala akong pakialam sa kanila dahil muli ay napatingin ako sa babaeng nasa dulo. Nakayuko na siya at hindi na kagat-kagat iyong pen niya. She just playing it now with her fingers and I notice something on her. She's smiling. I don't know... I don't know why I felt my heart melts when I saw her smiled. I don't like what I'm feeling right now but damn, it felt so effin' good.

Muli siya nag-angat ng tingin at nagtama ulit ang mga mata namin. Shit! Pakiramdam ko ay bibigay na ang tuhod ko sa nararamdaman ko ngayon. Hindi na maalis ang paningin ko sa kanya kahit gusto ko na tumigil sa pakikipagtitigan. Parang hinihigop ng mga titig niya ang energy ko.

Mutant ba ang babaeng 'to? May sa demonyo? Mang-aagaw ng lakas? Mangkukulam? Masyado akong nahi-hypnotize sa mga titig niya. Ang ganda ng ngiti niya, siya mismo ay maganda... Lalo siyang gumaganda sa mga ngiti niya at para sa akin... her smile is the most beautiful smile I ever saw in my 16 years of existence.

Muling nagsalita si Sir Pao habang hindi pa naaalis ang tingin ko sa magandang babae na nasa dulo. "Chua, you can take your sit. Ah... teka saan nga ba kita papaupoin?" Pagkasabi noon ay iginala niya ang kanyang mata para siguro hanapan ako ng respective seat ko. Tumigil ang kanyang mata sa bakanteng upuan na katabi noong magandang babae. "Ah! Ayon Chua, doon ka na maupo sa tabi ni Magpantay."

Magpantay? Surname niya ba iyon? Parang hindi naman bagay sa kanya. That 'Magpantay' surname doesn't suit her face, because she's like a goddess. Maybe Aphrodite is more appropriate to her. Nagsimula na akong maglakad patungo doon sa upuan na sinabi ni Sir Pao, at sa aking paglalakad ay nakarinig ako ng mga bulungan mula sa mga classmates ko na babae.

"Aaaaaaaaay ano ba yan!"

"Dapat dito na lang siya pinatabi sa atin ni sir, eh!"

"Daya naman ni Sir!"

"Hoy ang swerte ni Aerielle tabi sila ni pogi! Sana all!"

Aerielle? So her name is Aerielle.

I smiled on my mind. Aerielle... what a gorgeous name. Like, as in Aerielle in the Little Mermaid? Bagay sa kanya ang pangalan na iyon lalo na at mahaba ang straight niyang buhok na kulay dark brown, at medyo nagiging color red dahil natatamaan ang buhok niya mula sa sinag ng araw na tumatagos sa bintana, ugh. Shit. She's really irresistible indeed. But wait?

What am I thinking? Bakit pinagpapantasyahan ko ang babaeng ito? Hindi ko dapat iniisipan ng kung ano-ano ang isang tao, lalo na at sa babae pa! Damn Liam, what are you thinking? Hindi ka tinuruan ng parents mo ng ganyan. Saan ko ba natutunan ang ganito?

Habang palapit ako nang palapit sa upuan ko ay mas lalong lumalakas ang kalabog ng dibdib ko. Hindi ko maialis ang tingin sa babaeng ngayon ay nakatuon ang atensyon sa librong nasa harapan niya, kagat-kagat na muli ang kanyang pen.

Bakit niya ba kinakagat ang pen niya? Mannerism niya ba 'yon o trip niya lang ngumatngat ng pen? Baka gutom siya? Bigyan ko kaya siya ng sandwich na baon ko mamayang breaktime? Teka, at bakit ko gagawin iyon?

No Liam. Don't do that, hindi mo gawain ang kumausap ng ibang tao, at bibigyan mo pa talaga ng food? You hate approaching people so why are you having the thought of giving your food to this... beautiful girl?

Nang makaupo ako sa seat ko ay nagsimula ng ituloy ni Sir Pao ang naudlot nilang discussion kanina at ako, heto pa rin at nakatingin sa magandang babae na katabi ko.

"Okay class, be good to your new classmate, okay? So now, where are we?"

"Nandito sa loob ng room, Sir."

Napuno na naman ng tawanan ang classroom dahil sa pamimilosopo ng isa kong classmate.

Nakitawa rin si Sir Pao sa classmates ko pero hindi rin nagtagal 'yon at sumeryoso ang kanyang mukha. "Oo nga andito tayo sa loob ng room, pero may isa akong mapapalabas ngayon. Gusto mo mauna De Leon?" tanong niya sa classmate kong sumagot sa kaniya.

Napayuko at mukhang nagpipigil ng tawa ang kaklase ko na iyon ng sumagot siya kay Sir, "ayaw ko Sir pfft!"

Sir Pao give him a look like -sige tumawa ka pa diyan, bagsak ka sa akin- look. He then continue the discussion. Sir Pao is discussing about fundamental concepts of physics. So he's our physics teacher? Okay, that's basic. Hindi ako mahihirapan maka-catch up sa mga lessons na hindi ko naabutan. Late na kasi ako pumasok, three days ago since magstart ang class dito sa new school ko. Hindi ako agad pumasok kasi nga tinatamad ako.

Hindi rin ako mahihirapan sa subject na ito dahil favorite ko ang science. I read a lot of articles and books about physics at lahat ng topics relating to science.

Yeah, I'm a book freak and I can say, books are my bestfriend because why not? I don't have friends at walang gustong makipagkaibigan sa akin, and that's fine. Kaya naman ginugol ko ang oras sa pagbabasa ng mga libro kaysa naman magmukmok ako dahil walang gustong makipag-friend sa 'weird guy' na katulad ko.

The bell rang after the fourth subject ends, all of my classmates left our room dahil siguro pupunta sila ng canteen to buy their food. And so what? I don't care, maganda nga 'yon para naman walang makakakita sa akin na kumakain ako ng baon ko.

Ayoko rin kasi lumabas dahil for sure maraming students na nagkalat sa labas dahil breaktime nga, at ayoko ng sa bawat paghakbang ko ay may titingin sa akin. Ayoko ng sa bawat kibot ko ay may mga matang nakamasid sa akin. Tinatamad din ako maglibot sa buong campus ngayon. Maybe I'll just go around tomorrow, or next day, or never.

Inilabas ko sa bag ang dala ko na baon and yeah, hindi ko dinala iyong lunch box na inabot sa akin ni Mom dahil baka asarin ako ng mga taong makakita na may dala akong lunch box.

Ayoko ng tinatawanan ako... I don't want to be embarrassed in front of many people. I always experience embarrassment, and even bullying in my previous school. That's why napilitan din si Mom na ilipat ako ng school dahil doon lumala ang anxiety and my fear to people around me. Kahit na nakakagawa ako ng maganda sa harap ng maraming tao ay napapahiya pa rin ako. That's why I hate it when I surrounded by numerous people, dahil pakiramdam ko bawat galaw ko ay tinatawanan ako.

Sa pagkagat ko sa sandwich ay nakarinig ako ng kalantsing ng kutsara at tinidor. Habang kagat-kagat ko ang sandwich ay hinanap ko kung saan nagmula ang tunog na iyon. Hindi lang pala ako ang naiwan sa room? Ibig sabihin may kasama pa ako dito?

Nakakaasar, ang akala ko ay masosolo ko ang lugar na ito at mai-enjoy ko ang pagkain ko. Lumingon ako sa right side ko at wala naman tao roon, kaya naman lumingon ako sa left side ko and to my surprise... hindi nga ako nag-iisa, dahil nandito rin sa room ang magandang katabi ko. What's her name again? Aerielle? Yeah, that's it. Dito rin siya kumakain ng food niya.

Napako muli ang mga mata ko sa kaniya at, bakit ganoon? Bakit ang graceful niya kumain? Bakit sa bawat pagsubo niya sa pagkain ay kumikislap siya? Totoo ba ang nakikita ko o imagination ko lang 'to?

Sa pagtitig ko sa magandang binibini na ito ay bigla ko na naman naramdaman iyong kabog sa aking dibdib, at parang nagkakaroon ng pagdiriwang sa puso ko. Kaming dalawa lang kasi ang naiwan dito sa room at para kaming nagde-date-huh? Anong date? Ano ba iyang pinag-iisip mo Liam?!

Date? Bakit ko naman iniisip na nagde-date kami, hindi pa nga kami magkakilala at hindi kami mag-on, okay?! Tigil-tigilan mo iyang imagination mo, Liam! Baka nga pag nakipag-kilala ako sa kaniya ay mandiri siya sa 'kin, tapos iisipin ko pa nagde-date kami? Napaka-advance ko mag-isip!

Habang nag-i-imagine ako sa mga possible scenarios sa isip ko ay natigilan si Aerielle sa pagsubo niya sa pagkain, na-stock up sa ere ang kamay niyang hawak ang kutsara at nakanganga siyang napalingon sa akin.

Oh shit! Napansin niya yata na kanina ko pa siya tinititigan! Ano ba naman, Liam! Bakit mo kasi siya tinitignan?

Kumunot ang noo niya habang nasa ganoon pa rin siyang posisyon. Iniisip niya ba na gusto ko na subuan niya ako ng pagkain niya-bwiset! Hindi! Hindi ko gustong subuan niya ako. Hindi iyon ang iniisip ko! Ang ganda niya kasi kaya natutulala ako sa kaniya. Iyon 'yon, pero teka nga! Kailangan ko ng tigilan ang pagtitig at pag-iisip ng kung ano-ano sa kaniya. Mamaya masabihan na naman akong weirdo ng dahil sa pinaggagawa ko!

Inalis ko na ang paningin sa kaniya dahil nakatitig na rin siya sa akin. Iniisip niya siguro na ang weird ko dahil nakatitig ako sa kaniya habang kagat-kagat ko pa ang sandwich ko. Baka nga iniisip niyang gusto ko magpasubo sa food niya, baka inisip niya na-

"Gusto mo?"

Naputol ang pag-o-overthink ko nang may narining akong maliit na boses na nagsalita at muli... napalingon ako kay Aerielle na ngayon ay inaabot sa akin ang kutsara niya na may lamang kanin 'tsaka ulam.

Wait?! Nabasa niya ba ang naiisip ko? Sabi na at mutant ang babae na 'to kaya ganito ang nangyayari sa akin ngayon!

Umiling ako bilang sagot sa alok niya at ewan, bakit hindi ko maialis ang sandwich sa bibig ko at napatitig na naman ako sa mukha niya. Ano ba ang mayroon sa babaeng ito at parang ang sarap-sarap niyang titigan. Iyong tipong kahit abutan ka ng magdamag kakatitig sa kanya ay hindi ka magsasawa?

Lalong nangunot ang noo niya dahil sa titig na titig ako sa kaniya. Bakit kasi kapag napapatingin ako sa mukha niya ay nahihirapan akong ilihis ang paningin ko?

"May kulangot ba ako sa mukha?"

At saka bakit ganoon? Ang cute ng boses niya! Ang liit! Parang boses ng anime character, iyong cute anime girl? Oh god... her voice was the cutest.. adorable... enchanting voice I ever heard! Pero teka, ano iyong tinanong niya? K-kulangot? Wala naman siyang ganoon sa mukha.

"A-ah a-ano wala-" hindi natapos ang sasabihin ko dahil bigla niyang binitawan ang hawak niyang kutsara at nilapag iyon sa tupper ware na baunan niya.

May kinuha siya sa bulsa ng skirt niya. Phone iyon, binuksan niya ang front cam pagkaraan. Nakakunot pa rin ang noo niya habang tinitignan niya ang mukha niya sa phone pero bigla rin nanlaki ang mata niya at... ewan.

"Luh! Meron nga!"

Bigla akong nadismaya at nandiri sa ginawa niya, at unti-unti ay lumalayo sa bibig ko ang sandwich na kagat ko habang nasisilayan ko ang most disturbing scene I ever saw.

She just... picked her nose in front of me. Uh... what the heck I just witnessed?

"Aish! Kaya pala kanina pa makati ilong ko," pinunas niya sa skirt iyong daliri niya na pinang... pinangkuha niya ng... kulangot.

Sa isang iglap, naglaho ang pagka-attract ko sa kaniya. Dahil... ang baboy. Ang kadiri.

Ang ganda-gandang babae pero ang balahura? Nakaka-turn off!

After she did that disgusting scenario, she continued eating her food and smiled sweetly on me while chewing her food. At ako, hindi ko alam kung ngingitian ko rin siya dahil sa nakita kong ginawa niya.

Seriously? She did that disgusting thing in front of food. Hindi ba siya naturuan ng parents niya regarding on dining etiquette? Hindi niya ba alam na ang kadiri at ang bastos ng ginawa niya. Nagawa niya iyon habang may ibang tao na nakatingin sa kaniya, take note sa harap ko pa na lalaki? Hindi niya ba naisip na baka may ma-turn off sa ginawa niya. At nakuha niya pang ngumiti ng ubod ng tamis pagkatapos niya mag-ah basta! I don't want to replay that gross scene in my mind!

Tinuloy ko na lang din ang pagkain ko at hindi na siya tinapunan ng tingin dahil oo, I turned off to her. I didn't expect na may pagkasalaula ang babaeng 'to.

Tuloy lang ako sa pagkain nang may sumigaw na babae sa pangalan ni Aerielle galing sa labas ng room.

"Aerielleeeeeeeeee! Ano na?! Ang bagal mo kumain!"

"Sandali lang naman!" sigaw niya pabalik habang punong-puno pa ang bibig niya ng kanin. May pagtalsik pa ng kanin sa bawat bigkas niya. Ang kadiri niya talaga, tsk! Pero ang cute talaga ng boses niya pero turned off pa rin ako sa kaniya. Period.

Niligpit niya ang tupper ware na lagayan ng food niya at inilagay iyon sa bag niya, tapos ay nanakbo siya palabas ng room.

"Excited ka masyado wala pa nga ala-una, eh!" muli niyang bulyaw sa babaeng tumawag sa kaniya at tuluyan na silang umalis.

Kaharap na nga lang niya, sisigaw pa siya? Bakit ba ganoon ang babaeng iyon? Kung ano'ng kinaganda ng mukha ay ganoon naman kabalahura ng attitude. May ganoon ba talaga? First time ko maka-encounter ng human being na ganoon. I shrugged the thoughts that I thinking and finished my food. Ayoko na siyang isipin. Wala naman dapat akong pakialam kung ganoon nga ang attitude niya. At wala nga akong pakialam kung maganda siya.

Natapos ang breaktime at ang last subject pero hindi pa bumabalik ang maganda-I mean that untidy girl. Uwian na at hindi pa siya bumalik simula noong mag breaktime.

Nagsilabasan na lahat ng classmates ko pero heto ako, nakatingin sa upuan niya dahil nandoon ang bag niya. Iniwan niya iyon noong umalis siya, at iniisip ko kung sino ang magbabantay sa gamit niya dahil wala yata balak mag-volunteer ang mga classmates ko dahil lahat sila ay excited na umuwi. Paano kung may kumuha ng bag niya? Paano kung may magnakaw nito rito? Pero ano naman kung ganoon nga ang mangyari? It's her fault if that happens. Who's gonna leave their essential stuffs tapos hindi babalikan?

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at isinukbit ko ang bag ko sa aking balikat, nagsimula na ako maglakad palabas ng room. As I left the room, I glance at her seat once again. I don't know why I feel concerned about her things, parang magkakaroon ako ng guilt feeling kapag umalis ako kaagad at hindi bantayan ang gamit niya. But I really want to go home now, ayoko magbantay ng gamit ng hindi ko naman kakilala. Well, kilala ko siya because basically. I know her name and she's my classmate but, hindi ko naman siya close.

Para pumayapa na ang utak ko kakaisip sa gamit niya ay napagdesisyonan ko na isarado na lang ang pinto ng room pero hindi ko ni-lock. Sakto pagsara ko ng pinto ay may dumaan na janitor sa room namin. Kahit na ayaw ko i-approach iyong janitor ay nilapitan ko pa rin siya at sinabi na may naiwan pa na bag sa loob ng room namin. Siya na raw ang bahala sa bag na iyon kaya naman kahit papaano ay gumaan na ang loob ko. Puwede na ako umuwi finally. Kanina pa 'ko dapat nakalabas ng school kung sana ay hindi ko inisip ang gamit ni Aerielle. Bakit ba kasi pinoproblema ko pa iyong gamit ng iba, tss.

Naabutan kong tahimik ang bahay namin pag-uwi ko. Mamaya pa uuwi si Mom dahil for sure bibigyan ulit siya ng overtime, well hindi naman bago iyon. I got home at exact 4:00 pm. I went straight to the kitchen after I lock the main door. Gutom na rin kasi ako, sandwich at apple lang naman ang kinain ko kaninang lunch and bread loaf lang ang kinain ko kaninang breakfast. I prepare dinner for myself at kumain na rin ako. I cooked for two persons para pagdating ni Mom mamaya ay kakain na lang siya at hindi na mag-iisip kung ano ang kakainin niya.

After I ate and washed the plates I used, I went up to my room. Changed my clothes and I decided to sleep. I throw my self on the bed, I felt drained at pakiramdam ko ay napakarami kong ginawa maghapon sa school kahit ang totoo ay nagpainit lang ako ng puwet sa upuan ko.

Nakakaramdam na rin ako ng pagkaantok kaya naman napapikit na ako. But when I close my eyes, I saw Aerielle's beatiful smile again. And I remembered what she did. Jeez! Naalala ko na naman ang ginawa niyang pag-tsk! That gross thing!

Okay lang kung ang maaalala ko eh, iyong maganda niyang mukha lang, pero bakit pati iyong nakakadiring ginawa niya ay naalala ko rin? And why am I thinking about her? Kailangan ko na talaga makatulog para makalimutan ko na siya. Pero sa muli kong pagpikit ay pumasok sa isipan ko iyong nginitian niya ako ng sobrang tamis pagkatapos niya mag... aish! What the hell?!

Humarap ako sa left side ng kwarto ko at nagtakip ako ng unan sa mukha pero, ganon pa rin! Patuloy ko pa rin na aalala ang mukha niya! Darn it! Bakit ba ako nagkakaganito?

Okay I admit it, I really feel turned off on what she did. Personally, I hate filthy attitude especially on girls. Alam ko naman na wala dapat akong pakialam sa kaniya o sa nagawa niya, but why? Why do I still affected on what she did? Is it because she's pretty at hindi bagay sa itsura niya iyong inasta niya? Or is it because I have a crush on her—wait, what? Ano'ng sabi ko?

Crush? CRUSH?! No way!

Hindi ako magkakaroon ng crush sa kaniya dahil lang sa maganda siya at ang ganda niya lalo kapag ngumingiti. Pero ang dugyot niyang babae! Never on my wildest dreams that I'm gonna have a crush on her! NEVER!

Hindi ko siya type dahil lang sa mukha siyang diyosa sa paningin ko, at wala siya sa standard ng mga babaeng tipo ko. Yes, I like pretty girls with big brains but NOT HER! Hindi sa katulad niyang kadiri, baboy, at dugyot! Hinding-hindi!

Napabangon ako sa sobrang bwiset sa sarili ko, dahil kahit anong gulong ang gawin ko sa kama ay hindi siya maalis sa isipan ko. Kinuha ko mula sa bag ko ang phone at earphone ko, tapos kumuha ako ng novel book sa mga librong nakapatong sa study table ko. Magbabasa na lang ako at hindi matutulog. Baka sakaling makalimutan ko na siya kapag inaliw ko ang sarili ko... sana!

                                           -AndyThoughts-

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status