Nagpatuloy ang agenda kong panliligaw kay Erie. Hindi naman masama ang naging result ng pormahan ko. So far, wala pa ako nakikitang sign of rejection, lahat ng mga nagagawa kong pagpapahiwatig ay succesful. I guess?
Oo, nakukuha ko ang gusto kong mapangiti si Erie sa bawat pakulo na ginagawa ko. But to know the truth behind her glorious smile every time I wooing her? I don't know. Pero sana, sana! Sana may talab at nagagawa kong pikutin ang puso niya.
Pinanindigan ko ang salita kong tatratuhin ko siya bilang reyna ng buhay ko pero hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay iniiwasan ni Erie na gawin ko 'yon. Or better word, ayaw niya sa naging pangako ko?
Ngayong umaga ay sinundo ko siya para sabay kami pumasok sa Eastwest, hindi naman ito bago dahil lagi naman kami naghihintayan noon tapos ay sabay kami magtutungo sa school. Pero sa araw na 'to, dama ko na may iba ngayon sa kilos ni Erie.
Nagbago nga ang sitwasyon
"No, Papa!" Lahat kami ay napaigtad dahil sa biglaang pagtayo ni Erie, hindi lang 'yon, kailan ba magiging kalmado ang timbre ng boses niya kapag sumisigaw siya? Basag na basag na ang ear drums ko dahil sa boses niyang tunog whistle bomb. Natigilan din siya nang mapagtanto niyang lahat kami ay natulala sa dramatic interference niya. Bumalik siya sa pagkakaupo ngunit bakas pa rin sa mukha niya ang pagtutol sa hinihinging pabor sa 'kin ni Tito. Bakit ang laking problema para sa kaniya ng pinapasuyo ng papa niya sa 'kin? Ayaw niya ba ako makasama sa buong weekend? "Why are you still here? I said puwede na kayo lumabas." Ani Tito kay Erie. "Papa..." Kagat-labi siyang umiling, para bang may gusto siyang sabihin kay Tito ngunit ayaw niya may makarinig. Ito na naman ang pag-akto niya ng kakaiba. Hindi niya ba alam na nababalisa ako sa tuwing ganiyan ang kinikilos niya? Hindi pinansin ni Tito ang hasik ni Erie at bumali
Pareho kaming nakasalampak sa sahig habang gumagawa ng thesis. Hindi kami nagpapansinan dahil pareho kaming tutok sa kaniya-kaniyang laptop. "Pagod na 'ko," nakangusong buntong ni Erie. Mahina akong natawa, "wala pa nga tayong thirty minutes na nag-uumpisa, pagod ka na agad?" "Tsk..." Tamad niyang pinasadahan ng tingin ang ilang papers na kailangan i-revise. Inaya ko siyang tapusin ang ilang bahagi sa research na kailangan namin i-edit, para may magawa kami at hindi lang puro titigan sa isa't isa ang ma-co-consume sa aming oras. Dinig ko pa ang ilang beses na pagbuntong ni Erie, pinaparinig niya talaga sa 'kin na ayaw niya akong tulungan. "Sige na, Erie. Tapusin na natin 'to para wala na tayo poproblemahin sa ibang araw," saad ko habang nagtitipa ako sa laptop. "Tss, sana hindi lang tayo ang tumatapos nito, 'di ba?" Natawa ako, "sus akala mo talaga ang dami na niyang naitulong." "Ba
Pasado alas-tres ng hapon nang pumanhik si Erie sa kuwarto niya at hanggang ngayon ay hindi pa siya bumababa. Sakto alas-siete na ng gabi pero parang wala siyang balak bumaba para maghapunan.Hindi ko alam ang dahilan kung bakit iniwan niya ako sa living room habang nakatanga. Nakakahiya sa part ko ang nangyaring naibulalas ko ng malakas ang lyrics ng kanta na para bang nag-confess ako ng feelings ko sa kaniya.Wala naman sana problema 'yon, gusto ko na nga umamin pero hindi ko malaman kung bakit pakiramdam ko ay may kinalaman sa nadulas kong pag-amin kaya siya nanakbo paakyat sa kuwarto niya.Napabuga ako ng hangin at hinayaan ko muna maiwan sa ere ang mga iniisip ko tungkol sa nangyari kanina. Tinuon ko sa pagluluto ng dinner namin na dalawa ang pansin ko. Kamuntikan na kasi masunog ang sauce na nakasalang sa stove kakaisip ko.Nagprepara ako ng carbonara at sinamahan ko 'yon ng garlic bread. Hindi ko sigurado kung ano ang tr
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi dahil sa hindi ko maiwan ang pagbantay kay Erie. Wala sa wisyong napapikit na ako, at ngayon ay nararamdaman ko na parang may humihimas ng aking pilik mata pababa sa ilong ko. Mahina akong napaigik dahil nakikiliti ako, dagdag pa na nasisilaw ako sa liwanag. Dahan kong idinilat ang mata ko at gano'n na lang ang pagkunot ng noo ko dahil sa natunghayan ko. Nakahiga si Erie at nakaharap sa 'kin, nakakapagtakha dahil mariin siyang nakapikit at napakahigpit ng hawak niya sa kumot. Gising na ba siya? Akma ko siyang kakalabitin pero naiwan sa ere ang kamay ko dahil dahan niyang idinilat ang kanang mata niya. Mahina akong natawa nang makita niyang nakatitig ako sa kaniya. Mas umalingawngaw ang tawa ko dahil bigla siyang nagtalukbong na parang bata. "Kanina ka pa ba gising?" Nakangiti kong tanong. Hindi ko narinig ang boses niya bagkus ay dahan niya akon
"Ayoko na! Pagod.. na pagod... na 'ko!" Marahan akong natawa habang pinapanood si Erie na hirap na hirap magbitbit sa buhat niyang tatlong kahon ng tetra pack juice. Pabagsak niya itong nilapag sa likod ng pick-up van, "ayoko.. na.. talaga..." hingal niyang sabi at nagpunas ng pawis sa noo. "Baby girl, stop being exaggerated," tamad na saad ni Kayle. May mga bitbit din siyang kahon ng juice. "Wala pa tayo half hour na naghahakot ng mga dadalhin sa feeding program kaya tigilan mo 'yang emote mo, eksaherada ka." "I told you, hindi ka muna dapat kumikilos. Better hindi ka na sumama today, may ibang araw pa naman para gawin ang punishment mo." Nilapag ko rin ang bitbit kong malaking kaldero. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at tinulungan ko siyang magpunas ng pawis. "Hay naku! Kaya nag-iinarte 'yan dahil bine-baby mo, Benji," sabat ni Ka
Sa pangalawang pagkakataon ay muli kong pinigilan si Erie. "Seryoso kang dito tayo magtatago?" Nakarating kami sa isang eskinita at may path walk doon na ang liit ng espasyong daraanan. Napakadilim din rito, paniguradong walang maglalakas loob na dumaan dito puwera na lang siguro sa magnanakaw na tumatakas sa mga mata ng pulis. "Oo!" Hagikgik ni Erie. Muli niya rin akong hinila pero hindi ako nagpatianod. "Bumalik na tayo sa court. Mayroon naman sigurong mapagtataguan na matino ro'n... Kumpara rito." "Mahuhuli tayo kaagad ni Kayle kapag bumalik pa tayo. Keri na 'to, halika na!" Hindi ko nagawang makapiglas dahil hinigpitan niya ng husto ang hawak sa kamay ko. Nilusong namin ang madilim na pasilyo ng walang gamit na kahit anong ilaw. Tumigil kami sa paglalakad dahil pansin namin na dead end na, kung gano'n hindi pala ito short cut? "Okay na rito. For sure hindi tayo makikita ni Kayle rito. Maarte ang merlat
Mabilis pa sa internet ng Pilipinas kaming naghiwalay ni Erie nang may marinig kaming boses babae at hindi ito matigil kakatili."Curse this nasty place!"Agad ko itong tinutukan ng flashlight, kita ko ang pag-igtad ng babae noong saktong natutok sa mukha niya ang ilaw mula sa flashlight ng phone ko."Liam?" Sinalag ng kamay niya ang liwanag at pinakatitigan ako. "Is that you, Liam?" Pintado sa mukha niya ang pandidiri at pinaghalong pagkagulat."Why are you here?" I asked instead of confirming her question, dala rin ito ng kaba ko."Oo nga, bakit ka nandito?" It's Erie, she's frowning. Bakas din sa mukha niyang pawisan ang pagkataranta. Ramdam ko rin ang pagtakbo ng mga daga sa dibdib ko. Naulit na naman ang hindi matuloy-tuloy na pag-kiss namin ni Erie.Bakit ayaw pahintulutan ng pagkakataon ang bagay na 'yon? Ngayon ko lang naman hiniling na maglapat ang labi namin, hindi pa ako pagbigyan ng universe. Napakadamot!Bumaling sa kaniy
Hindi ko binigyan ng buong pansin ang mga salita ni Wendy. Ayoko pilitin ang sarili kong makipagmabutihan, lalo na kung hindi maganda ang bungad sa 'kin ng first impression at naramdaman ko sa isang tao the first time I encounter them. At ganoon ang nangyari noong unang beses kong makita ang dating kaibigan nila Erie. She's sending me a negative energy at ayoko mahawaan ng ganoong bagay. Tatlong beses pa naulit ang paglalaro namin ng Bang-sak kasama ang mga bata, ngunit hindi na ganoon naglalapit si Erie at Wendy sa lumipas na oras. Miski sa 'kin ay dama ko ang pag-iwas ni Wendy. It's alright with me, gumaan pa nga ang pakiramdam ko. Hindi ko man gustuhin na maging masamang tao rito pero mas mabuti na ring umiwas siya sa 'kin. Hindi ko na problema kung napaka-reserved kong tao sa pananaw niya dahil sa umpisa pa lang ay hindi ko naman siya pinahintulutan na maging malapit sa 'kin. It's just like she's pushing herself to enter my world without knowing f