LOGIN"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na naituloy ang sunod ko pang sasabihin dahil pinutol na niya at diretso siyang sumagot. "Inlove! You're inlove with him!!" "Inlove? S-sure ka?W-walang halong biro?" nakakunot na noo na tanong ko. "Oo. Inlove ka. Bakit? Kanino mo nararamdaman 'yan?" "Ah. Eh. Nevermind." sagot ko na parang walang pakialam sa sinabi niya. Inlove. It can't be. "Kay stranger ka inlove?" "Hindi! Hindi!" agad kong sagot. Sa dinami-dami ba naman ng pangalan na sabihin niya kay stranger pa talaga. ----------------------------------- Basahin ang storya ni Mesaiyah na ikinasal sa estrangherong tagapagmana ng Yakuza. Tunghayan kung paano siya unti-unting mahuhulog dito.
View MorePROLOGUE
Isang araw nagising nalang ako sa tabi ng isang estrangherong lalaki. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na yun.
Magugulat ba, tatawa, kikiligin, iiyak, o kelangan nalang tanggapin na kasal na ako sa kanya at kailangan kong pag-aralan na mahalin siya.
Saiyah said: Nabili mo man ang katawan at katauhan ko. Hinding-hindi mo naman makukuha ang puso ko dahil hindi ko kailangan ng yaman para ibigay ang pagmamahal na hinihingi mo dahil ang pagmamahal kusang nararamdaman. Hindi tinuturuan, hindi pinipilit at hindi binabayaran.
Ipinagbili ako ng mga magulang ko sa isang sikat, mayaman at kilalang tao sa ating bansa kahit labag sa kalooban ko, sinunod ko ang gusto nila dahil yun lang ang tanging paraan para mapasaya ko sila.
Prince Anhiro said: Matagal na kitang pinagmamasdan, bawat galaw mo, bawat tapak ng paa mo sa lupa, bawat lugar na pinupuntahan mo, alam ko. Binili kita hindi para sa may paglibangan ako kundi binili kita dahil mahal kita na kahit hindi man pangalan ko ang sinisigaw ng puso mo pipilitin ko ang puso mong mahulog sakin at ngayong akin kana gagawin ko ang lahat maprotektahan lang kita, kahit ikamatay ko pa.
Mark Angelo said: Babalik ako upang bawiin siya sayo at sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Nabili mo man siya ng pera mo subalit ako naman ang nagmamay-ari ng puso niya.
Author said: Yun' yung kahit gaano mo pa siya kinamumuhian at halos isumpa mo na siya. Darating pa din ang araw na iibigin at mamahalin mo siya at darating din ang araw na makikita mo kung gaano ka kahalaga sa kanya. You can do what your heart says but mind cannot follow what your heart says. Utak pa rin ang kumukontrol sa atin at hindi ang puso.
/////
Thank you sa lahat ng nagbasa at magbabasa palang. Here is your guide to my book para di kayo malito.She Married the Stranger Book 1The Last Day of Summer Book 2Saving my Last Goodbye Book 3Destiny's Choice Book 4Thank you, thank you, thank you. Wag niyo po kakalimutang mag comment at makipag interact sa akin. Sana nagustuhan niyo ang makulit at nakakainis na story ni Mesaiyah at Anhiro.This is just the beginning. I have more to offer to you and I need you to be with me 'til the end of my journey. and also I have an account in wattpad "yoursjulieann" din ang pen name. You could follow me there if you have wattpad because that's where I started building my writing journey and now, I'm sharing it with other platform because I hope someday, I won't regret pursuing this passion.Youtube Channel: yoursjulieannInstagram: yoursjulieannFacebook: Julie Ann LingaI love you. ❤
Mesaiyah's Point Of ViewIminulat ko ang aking mga mata. Gumuhit sa aking labi ang ngiti. Kanina parang naging manhid ako dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari pero nararamdaman ko na ngayon ang kamay niyang nakayakap sa tiyan ko. Humarap ako sa kanya at pinagmasdan ang natutulog niyang mukha. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Parang kahapon lang.Nakikita ko ang eiffel tower. Ang bintana ay natatabunan ng hamog na dulot ng malamig na paligid. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin. Naku! Gising ang lalaki na ito."Nagugutom na ako. Gumising kana." Sabi ko. Minulat niya ang kanyang mata. Ngumiti siya sakin."I love you. Forever and always." He said."I love you. Forever and always." I repeat and he kissed my forehead.Pagkatapos naming kumain. Napagdesisyunan naming libutin ang buong Paris. Isinuot niya sa akin ang makapal na leather jacket na kinuha niya sa cabinet. Sa tuwing pinagmamasdan ko siya, bumabalik lahat ng ala-ala ko. Nung araw na una kaming nagkakilala at nagkita. Nu
Maysel Point of ViewNakaupo ako ngayon sa damuhan sa ilalim ng mangga. May nakasapak sa tenga ko na earphone. Nakikinig ng kanta at napamulat ang pikit ko na mata nang may tumabi sakin. Si Razec yun, sino pa ba? Humarap ako sa kanya at kumanta."So, it's gonna be forever? Or it's gonna go down in flames. You can tell me when it's over...nah..nah..nah..nah..cause we're young and we're reckless. We'll take this way too far. It'll leave you breathless or with a nasty scar. Got a long list of ex-lovers. They'll tell you I'm insane. But I've got a blank space baby. And I'll write your name." Kanta ko at inuntog ko ang noo ko sa noo niya pero pinisi niya lang ang ilong ko."Ano naman 'yang kinakanta mo?" Tanong niya."Blank space ni Taylor Swift. Nakaka LSS kasi." Sagot ko at ibinigay sa kanya ang isang pares ng earphone. Parehas na kaming nakikinig ng blank space. Umusog ako ng konti sa tabi niya at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Parehas naman kaming nakatingin sa ulap.Nasa loo
Kerk Point of ViewAndami ng nangyari. Sobrang dami na ng nangyari. Kamusta naman tayo? Eto, napag-iiwanan.Si Prince at Mesaiyah kasal na. Si Anthea at Denstah kasal na din at ang Promises are meant to be broken ni Maysel at Razec ay napatunayan nga nila. Tayo? Meron pa bang tayo? O nag-iisa nalang talaga ako.Hawak ko ang kamay ni Terra na araw-araw kong ginagawa. Hinalikan ko ang palad niya at pinainit ito sa aking pisngi. Sa tuwing tinititigan ko ang kanyang mukha, naiimagine ko ang anak namin. Sayang lang talaga dahil nawala, lecheng buhay eh eh. Bakit kasi nawala pa?Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan na katabi ng kama ni terra. Kinuha ko ang aking jacket at isinuot ang bonette at bago ako lumabas ng room ay hinalikan ko muna siya sa noo."Aalis lang ako sandali Terra. Iiwan na muna kita dito. Lalabas lang ako saglit at gusto ko pagbalik ko, mulat na ang mapupungay at chinita mong mata. Mahal na mahal kita Terra." Sabi ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Habang naglalakad pa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews