Home / History / Memories of the Past [COMPLETED] / Kabananata II: Si Francisco Alonzo y Montevallo

Share

Kabananata II: Si Francisco Alonzo y Montevallo

Author: Demie
last update Last Updated: 2021-07-26 10:30:04

Walang patid ang pag dating ng mga panauhin, mga naggagandahang kadalagahan na may magagarang kasuotan nang biglang matigilan si Padre Ignacio na parang nakakita ng multo hindi dahil sa mga magagandang dalaga kundi sa binatang luksang-luksa na kasama ni Gobernador Gregorio habang pumapasok sa bulwagan. 

Magalang na bumati si Gobernador Gregorio nang makita ang dalawang pari sabay halik ng kamay. "Magandang gabi po sa inyo, ginoo, ipinakikilala ko po sa inyo si Don Francisco Lorenzo, anak ng namayapa kong kaibigan. Kararating lamang niya mula sa Paris, at siya'y aking sinalubong."

Dahil sa matinding pagkabigla nakalimutang basbasan ng pari si Gobernador Gregorio. Inalis ng paring dominico ang suot na salamin at masusing siniyasat ang kasama ni Gobernador Gregorio habang putlang-putla at nanlalaki ang mga mata ni Padre Ignacio.

Hindi naitago ang paghanga ng mga panauhin nang marinig ang pangalan ng binata. Maging ang tenyente ng mga guwardiya sibil na si Tenyente Angeles ay nakalimot din na batiin si Gobernador Gregorio dahil kay Francisco.

"Maligayang pagbabalik ginoo, sana'y... Higit kayong maging mapalad kaysa sa inyong ama." anang tenyente sa tinig na gumagaralgal. "Nagkakilala at nagkausap na kami ng inyong ama. Hindi matatawaran na siya'y isang mabuti at marangal na tao."

"Salamat, ginoo, sa mga papuri mo sa aking ama, dahil dito nawala ang aking alinlangan tungkol sa mga sa mga bagay na hindi ko pa naliliwanagan," sabi ni Francisco.

Maluha-luha ang militar nang tumalikod nang papalayo sa binata.

Nag-iisa at walang magpakilala sa kanya sa mga naroroong panauhin lalo na sa mga kadalagahan dahil wala ang may bahay. Ipinasya ni Francisco na lapitan ang mga mahinhing binibini na waring gustong makipagbatian sa kaniya. 

"Ipagpaumanhin ninyong lumabag ako sa tuntunin ng magandang pag-uugali," aniya. "Walong taon akong namalagi sa ibang bansa at ngayon sa pagbabalik ko ay hindi ko matiis na hindi batiin ang pinakamaririlag na hiyas ng aking bansa."

Nakaramdam ng kaunting pagkapahiya si Francisco nang wala ni isa man sa grupo ng mga kadalagahan ang kumibo. Tinungo niya ang nagkakatuwaang kalipunan ng mga kalalakihan. 

"Mga ginoo," bati niya. "Ipagpatawad po ninyo kung gamitin ko ang isang kaugaliang natutunan ko mula sa ibang bansa ng ako ay umalis dito sa bayan ng San Lorenzo, hindi sa ibig kong dalhin ang kaugaliang iyon ngunit hinihingi ng pangyayari na kapag dumalo ang isang tao sa isang pagtitipon at wala siyang kakilala dito, siya na mismo ang magpapakilala sa kanyang sarili. Nakabati na ako sa mga kababaihan at ngayon naman kayo ang gusto kong batiin. Ako po si Francisco Alonzo."

Isa-isa ring nagpakilala ang mga lalaking nilapitan ni Francisco.

Nakabihis ng barong tagalog na may mga butones na brilyante ang ginoong nakangiting lumapit kay Francisco. "Ginoong Francisco," aniya. "Nais ko pang magpakilala sa inyo. Ako'y kaibigan ni Gobernador Gregorio at kakilala ng inyong ama, si Kapitan Tinong po, taga Sitio Tondo mula dito sa San Lorenzo. Nais ko po sana kayong makasalo sa isang pananghalian bukas kung inyong mamarapatin. 

"Salamat po, ngunit may lakad po ako bukas," magiliw na tugon ng binata. 

"Sayang! Siguro po sa ibang pagkakataon ako po ay hindi ninyo bibiguin."

Isa-isang dumulog sa maluhong hapag.ang mga panauhing lalaki pero ang mga binibini at mga senyora ay pinipilit pa ni Tiya Flora para dumulog. 

Nang mapalapit si Tenyente Angeles sa nakaluksang binata ito'y tinitigan niyang mabuti mula ulo hanggang paa. Pangkaraniwang taas, may malusog na pangangatawan, maaliwalas ang mukha na mukhang edukado. Kulay kayumanggi na may mamula-mulang pisngi. 

"A! Narito pala ang kura ng aming bayan, ang matalik na kaibigan ng aking ama si Padre Ignacio," ang masayang bati ng binata. 

Ang pansin ng lahat ay napatuon kay Padre Ignacio na hindi naka kibo at parang walang narinig. 

"Pagpaumanhin po ninyo, tila ako'y nagkamali," ang nasabi ni Francisco.

"Hindi ka nagkamali," agaw ng pari. "Pero ang hindi ko matanggap ay ang sinabi mo na ako ay isa sa matalik na kaibigan ng iyong ama."

Dahan-dahang iniurong ni Francisco ang kamay na iniaabot sa prayle habang nababakas sa kaniyang mukha ang malaking pagtataka. Sa kanyang pagtalikod napaharap siya kay Tenyente Angeles na ang mga mata ay nagmamasid. 

"Tunay nga bang kayo ang anak ni Don Alonzo Lorenzo?"

Yumuko si Francisco bilang tanda ng paggalang, habang titig na titig si Padre Ignacio kay Tenyente Angeles.

Krus na pasan-pasan ay makakayanan kung taglay mo ang katatagan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Maikling Kabuuan Ng Mga Alaala Ng Nakaraan

    Si Francisco ay isang binatang Pilipino na nag-aral nang walong taon sa Paris at nagbalik sa San Lorenzo.Si Gobernador Gregorio ay naghandog ng isang hapunan sa pagdating ni Francisco Alonzo. Subalitay pangyayaring hindi inaasahan. Si Francisco makalawang beses na hinamak ni Padre Ignacio isang Franciscanong pari na naging kura ng San Lorenzo. Ang binata ay humingi ng paumanhin. Siya ay nagpaalam pagkat may mahalaga raw siyang pupuntahan.Si Francisco Alonzo ay katipan ni Felicidad de Quintos, isang kabigha-bighaning binibini, na sa kagandahan at mga katangian ay ginawang sagisag ng Inang Bayan. Si Felicidad ay anak sa turing ni Gobernador Gregorio, isa sa mayaman sa San Lorenzo maka-prayle at mapang-api sa mahihirap.Kinabukasan, panauhin ni Gobernador Gregorio sa kanyang tahanan si Francisco Alonzo. Sa pag-uusap ni Felicidad at Francisco ay muling nanariwa ang dalisay na pagmamahalang umusbong mula sa kanilang kamusmusan. Binasa noon ni Felicidad ang su

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Ang Huling Paalam: Francisco Alonzo y Montevallo

    Magkikita ulit tayo pagdating ng ika-dalawampung taon mula ngayon. -Francisco This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. AUTHOR'S NOTE: Maraming salamat sa pagbabasa at pagsuporta ng aking istorya hindi ko ito makalilimutan. Maraming salamat sa taong nagpasok sa akin dito natulungan mo ako ng malaki mabuhay ka pa sana ng matagal, maraming salamat.

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Ang Nawawalang Kabanata: Ang Huling Liham ni Felicidad

    San LorenzoKalye Pilipo, Santo RosarioIka-31 ng Disyembre 1945Felicidad de Quintos y FloresKalye Burgos, Santa ClaraSan LorenzoMinamahal kong Francisco, Lubos akong nagagalak ng mabalitaan kong ikaw ay nakaligtas ngunit labis ang aking hinagpis ng malaman kong ika'y hindi na muling babalik pa sa lugar kung saan ang ating pag-iibigan ay nagsimula. Naaalala mo pa ba noong tayo'y mga musmos pa lamang lagi tayong nasa pampang ng Ilog ng Pag-ibig nagkukwentuhan sa ilalim ng matandang puno kung saan nakaukit ang ating mga pangalan, kung saan doon nanumpa sa pagdating ng tamang panahon tayo ay maikakasal at magkakaroon ng malulusog na supling. Ngunit sadyang malupit ang tadhana ang minsang pag-iibigan ay naudlot ng dahil lamang sa pagkakagalit mo at ng aking tunay na ama na si Padre Ignacio, siguro'y hindi mo na nabalitaan ang nangyari sa aking

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Mga Alaala Ng Nakaraan: Wakas

    This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila.MGA TAUHANI. Angkan ni Francisco Alonzo y MontevalloFrancisco AlonzoDon Lorenzo AlonzoDon Arthuro AlonzoII. Angkan ni Felicidad De Quintos y FloresFelicidad De QuintosGob. Gregorio De QuintosAmelia FloresTiya FloraIII. Mga

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LXIV: Katapusan

    Pumasok sa kumbento si Felicidad. Iniwan na ni Padre Ignacio ang bayang kinaroroonan niya upang sa Maynila na manirahan. Si Padre Pedro ay nasa Maynila na rin. Samantalang naghihintay siyang maging obispo ay manakanakang nagsesermon sa simbahan ng Santa Clara at sa kumbento naman niti ay may mahalagang tungkulin. Di nagtagal si Padre Ignacio ay tumanggap ng isang kautusan ng Padre Provincial upang maging kura sa isang napakalayong lalawigan. Napabalitang dinamdam niya nang gayon kaya't kinabukasan ay natagpuan ang paring ito na patay na sa kanyang hihigan. May mga nagsasabi na namatay sa sakit na apoplegia, ang iba nama'y sa bangungot, ngunit ayon sa medikong tumingin, biglaan ang pagkamatay ng pari.Walang sinuman sa mga mambabasa ang ngayon ay nakakakilala kay Gobernador Gregorio. Ilang linggo bago suutan ng abiti si Felicidad para magmongha ay nakaramdam ng isang panlulumo na pinagmulan ng unti-unti niyang pamamayat. Siya ay naging malungkutin at mapag-isip. Noon ay katata

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LXIII: Noche Buena

    Sa itaas ng bundok sa tabi mg isang ilug-ilugan ay may nakakubli sa kakahuyan. Ito ay may isang dampa na yari sa mga balu-baluktot na punongkahoy. Dito ay may naninirahan na isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy. Sa ilalim ng puno ang nunong lalaki ay nagtitistis ng dahon ng niyog na gagawing walis. Isang dalaga naman ang naglagay ng isang bakol ng mga itlog ng manok, dayap at mga gulay. Dalawang batang lalaki at babae ang magkasamang naglalaro sa tabi ng isang batang maputla, malungkot at may malalaking mga mata.Si Manuel na may sugat sa paa ay hirap na hirap na tumindig at lumapit sa matanda. "Ingkong, mahigit isang buwan na po ba akong maysakit?" "Mula ng matagpuan ka naming walang malay ay dalawang beses nang bumilog ang buwan. Ang akala nga namin noon ay patay ka na.""Gantihan nawa kayo ng Diyos!" Kami po ay mahirap lamang," ang naisagot ni Manuel. "Subalit ngayon po ay Pasko, ibig ko po sanang umuwi sa bayan upang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status