Ang mga panauhin ay nagsidulog nasa hapag-kainan. Walang tigil sa pagpuri sa handa samantalang hindi pa naman nila natitikman ang mga iyon.
Parang nag-uunahang tinungo nina Padre Ignacio at Padre Martin ang kabisera ng hapag-kainan. Pero nang halos sabay na makarating doon ay parehong tumigil na para bang handang magbigay sa isa't-isa. Nagkaraoon ng bahagyang pagtatalo kung sino ang uupo sa kabisera.
"Sige, maupo na kayo, Padre Ignacio," itinuro ni Padre Martin ang upuang panguluhan sa hapag.
Sa himig na nagbibigay, isinagot ni Padre Ignacio, "Kayo na, Padre Martin."
Ngumiti ng alanganin si Padre Martin.
"Mas kilala kayo sa bahay na ito. Kayo pa yata ang kumpesor ng nasirang misis ni Gobernador Gregorio. At alang-alang na rin na kayo ay higit na nakakatanda."
"Bakit natin dadaanin sa patandaan?" tanong ni Padre Ignacio.
"Kayo ang pari sa pook na ito, kaya kayo ang dapat na maupo sa kabisera."
"Sa utos ninyo, ako'y handang sumunod," sagot ni Padre Martin at umasta nang uupo.
"Aba, hindi ko kayo inuutusan! Bakit ko kayo uutusan?" hawak pa rin ni Padre Ignacio ang sandalan ng upuan.
Maging si Tenyente Angeles ay inalok din ni Padre Martin ngunit tumanggi ang tenyente, sapagkat halata ang pagkukunwari ng prayle. Para palabasin ang kanyang pagkamapagbigay, sinabi niya sa Tenyente, "Dahil nasa lipunan tayo at wala sa simbahan, dine na kayo maupo." Isa pang dahilan sa pagtanggi ay ayaw niyang mapagitna ng upo sa dalawang pari.
Sino man sa dalawang pari ay di nakaalalang alukin si Gobernador Gregorio, tanging si Francisco lamang, ngunit may tao na ang lahat ng upuan. Kaya nang anyong ibibigay ng binata ang kanyang upuan, "Aba huwag kayong titindig," ang wika ni Gobernador Gregorio kay Francisco. "Ang hapunang ito'y pasasalamat sa Mahal na Panginoon dahil sa iyong pagdating."
"Oy dalhin na rito ang tinola!" Bumaling kay Francisco at sinabing, "Nagpaluto ako ng tinola para sa inyo G. Francisco. Kasi'y alam kong matagal na ninyong ito'y hindi natitikman."
Ipanasok ng utusan ang tinola at sinimulang ipamahagi. Sa sinasadya man o hindi maraming upo at sabaw, kapirasong leeg at maganit na pakpak ang napunta kay Padre Ignacio samantalang kay Francisco ay puro pitso, hita at mga lamang-loob. Ibinagsak ni Padre Ignacio ang kutsara at itinulak sa harapan ang pinggan dahil sa sama ng loob. Kinusa marahil na hindi pansinin ang ginawa ng pari.
Habang kumakain, kwentuhan, balitaan at tanungan ang naganap. Tinanong si Francisco ng ibang panauhin tungkol sa kanyang paglalakbay sa Paris.
"Ilang taon kayo nawala sa inyong bayan?" ang tanong ni Carlito kay Francisco.
"Humigit-kumulang po sa sampung taon," sagot ni Francisco.
"Kung gayo'y maaaring limot na ninyo ang bayan ng San Lorenzo?"
"Malayong makalimutan ko ang bayan ng San Lorenzo. Kung ako man ay sakaling nalimot na nga ng aking bayan, ako nama'y laging alaala sa kanya."
"Ano ang ibig ninyong sabihin?" ang tanong ng lalaking may madilaw na buhok.
"Isang taon na akong hindi nakakatanggap ng mga balita buhat sa aking bayan. Para akong isang dayuhan na di nakababatid kung kailan at papaanong namatay ang aking ama."
"A, ganoon pala ang nangyayari sa inyo," ang wika ng nakikinig na tenyente.
"Saan kayo naroon at hindi kayo tumelegrema?" ang tanong ni Doña Beatrice na humalo sa usapan, "Nang ikasal kami, nagpadala kami ng telegrama sa España."
"Pasensya na po Doña Beatrice ngunit hindi po ako pumupunta sa España dahil nasa Paris po ako" sagot ni Francisco.
Nakaramdam ng kaunting pagkapahiya si Doña Beatrice ngunit isinawalang bahal na lamang ito ng mga naroroon.
"Anong wika ang inyong ginagamit kung kayo ay nasa ibang bansa?" usisa kay Francisco.
"Ginagamit ko po ang wika ng bayang kinaroroonan ko."
"At alin sa mga bansa sa Paris ang lalong naibigan ninyo?" ang tanong ng lalaking may madilaw na buhok.
"Higit ko pong gusto ang Paris na siya kong ikalawang bayan. Pero naibigan ko rin po ang lahat ng ibang lugar na pinuntahan ko."
"Aling bansa sa mga narating ninyo ang nakatawag sa inyong pansin na may kinalaman sa pamumuhay ng bayan, sa lipunan, sa pulitika, sa relihiyo, sa kalahatan, sa diwa, sa kabuuan?" ang usisa naman ni Carlito.
"Bago po ako pumunta sa isang bayan, pinag-aaralan ko muna ang kasaysayan ng bayang ito. Pinag-aaralan ko kung paano iyon umuunlad at sumulong ang kabuhayan. At natuklasan ko ang paghihirap o pag-unlad ng isang bayan ay laging may kaugnayan sa kalayaan o kagipitan ng naturang bayan. Pag malaya ang kaisipan ng mga mamamayan, mas malamang na umunlad din ang kanilang kabuhayan."
"Wala ka bang nakita kundi iyan?" tatawa-tawa, nanunuyang sagot ni Padre Ignacio na noon lamang sumagot. "Hindi mo dapat inaksaya ang iyong salapi upang matutuhan ang maliit na kaalamang iyan. Ang sino mang batang eskwela ay nakaaalam niyan.
Natakot ang lahat na humantong sa gulo ang usapan. Si Francisco ay napatingin sa madla nang di malaman ang sasabihin. Nakuha pa rin niya ang magtimpi.
"Mga ginoo, huwag po kayong magtaka at palagay lang ang loob sa akin ng dati naming kura. Bata pa kasi ako'y palagay na ang loob ss akin ni Padre Ignacio. Ngunit pinasasalamatan ko pa rin ang aming kura pagkat sinasariwa nila sa aking gunita ang mga araw na yaong madalas silang dumalaw sa aming tahanan at magpaunlak sa pakikisalo sa hapag ng aking ama."
Napatingin si Padre Martin kay Padre Ignacio. Nahalata ng una na parang nanginginig si Padre Ignacio. Kung anong dahilan, hindi alam ni Padre Martin.
Si Francisco ay nagpatuloy sa pagsasalita na sinabayan ng tindig. "Paalam na po sa inyo, mga Ginoo, kararating ko lamang at dapat ding umalis ako bukas. Marami pa po akong mga bagay na dapat asikasuhin. Ang pinakamahalagang bahagi ng hapunan ay natapos na. Ako naman po ay hindi umiinom ng alak. Hindi ko nakagawiang uminom ng inuming nakakalasing." Dinampot ni Francisco ang nasa harap niyang kopita ng alak na wala pang bawas at tinungga iyon hanggang sa masaid. Ang matandang tenyente ay nakigayang tumungga nang walang kaimik-imik.
Noo'y nakalapit si Francisco kay Gobernador Gregorio, "Huwag ka munang umalis. Darating si Felicidad, sinundo ni Flora. Darating din ang bagong kura sa ating bayan, banal ang kurang iyon!"
"Babalik po ako bukas bago umalis. Mayroon lamang po akong dadalawin na di dapat ipagpaliban."
Tuluyan nang umalis si Francisco, samantalang si Padre Ignacio ay mayroon pang sinasabi, hinarap ang lalaking may dilaw na buhok, "Nakita na ninyo! Kay yabang! Hindi matanggap na mapagsalitaan sila ng kura. Ang tingin sa sarili'y akala mk kung sinong nakapag-aral. Iyan ang masamang bunga ng pagpapaaral ng mga taga-rito sa ibang bansa. Kung ako lang ang masusunod, ipagbabawal ko ang pagpapadala ng mga mamamayan dito patungo sa ibang bansa."
Kilalanin muna ang kapwa bago maghusga.
Si Francisco ay isang binatang Pilipino na nag-aral nang walong taon sa Paris at nagbalik sa San Lorenzo.Si Gobernador Gregorio ay naghandog ng isang hapunan sa pagdating ni Francisco Alonzo. Subalitay pangyayaring hindi inaasahan. Si Francisco makalawang beses na hinamak ni Padre Ignacio isang Franciscanong pari na naging kura ng San Lorenzo. Ang binata ay humingi ng paumanhin. Siya ay nagpaalam pagkat may mahalaga raw siyang pupuntahan.Si Francisco Alonzo ay katipan ni Felicidad de Quintos, isang kabigha-bighaning binibini, na sa kagandahan at mga katangian ay ginawang sagisag ng Inang Bayan. Si Felicidad ay anak sa turing ni Gobernador Gregorio, isa sa mayaman sa San Lorenzo maka-prayle at mapang-api sa mahihirap.Kinabukasan, panauhin ni Gobernador Gregorio sa kanyang tahanan si Francisco Alonzo. Sa pag-uusap ni Felicidad at Francisco ay muling nanariwa ang dalisay na pagmamahalang umusbong mula sa kanilang kamusmusan. Binasa noon ni Felicidad ang su
Magkikita ulit tayo pagdating ng ika-dalawampung taon mula ngayon. -Francisco This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. AUTHOR'S NOTE: Maraming salamat sa pagbabasa at pagsuporta ng aking istorya hindi ko ito makalilimutan. Maraming salamat sa taong nagpasok sa akin dito natulungan mo ako ng malaki mabuhay ka pa sana ng matagal, maraming salamat.
San LorenzoKalye Pilipo, Santo RosarioIka-31 ng Disyembre 1945Felicidad de Quintos y FloresKalye Burgos, Santa ClaraSan LorenzoMinamahal kong Francisco, Lubos akong nagagalak ng mabalitaan kong ikaw ay nakaligtas ngunit labis ang aking hinagpis ng malaman kong ika'y hindi na muling babalik pa sa lugar kung saan ang ating pag-iibigan ay nagsimula. Naaalala mo pa ba noong tayo'y mga musmos pa lamang lagi tayong nasa pampang ng Ilog ng Pag-ibig nagkukwentuhan sa ilalim ng matandang puno kung saan nakaukit ang ating mga pangalan, kung saan doon nanumpa sa pagdating ng tamang panahon tayo ay maikakasal at magkakaroon ng malulusog na supling. Ngunit sadyang malupit ang tadhana ang minsang pag-iibigan ay naudlot ng dahil lamang sa pagkakagalit mo at ng aking tunay na ama na si Padre Ignacio, siguro'y hindi mo na nabalitaan ang nangyari sa aking
This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila.MGA TAUHANI. Angkan ni Francisco Alonzo y MontevalloFrancisco AlonzoDon Lorenzo AlonzoDon Arthuro AlonzoII. Angkan ni Felicidad De Quintos y FloresFelicidad De QuintosGob. Gregorio De QuintosAmelia FloresTiya FloraIII. Mga
Pumasok sa kumbento si Felicidad. Iniwan na ni Padre Ignacio ang bayang kinaroroonan niya upang sa Maynila na manirahan. Si Padre Pedro ay nasa Maynila na rin. Samantalang naghihintay siyang maging obispo ay manakanakang nagsesermon sa simbahan ng Santa Clara at sa kumbento naman niti ay may mahalagang tungkulin. Di nagtagal si Padre Ignacio ay tumanggap ng isang kautusan ng Padre Provincial upang maging kura sa isang napakalayong lalawigan. Napabalitang dinamdam niya nang gayon kaya't kinabukasan ay natagpuan ang paring ito na patay na sa kanyang hihigan. May mga nagsasabi na namatay sa sakit na apoplegia, ang iba nama'y sa bangungot, ngunit ayon sa medikong tumingin, biglaan ang pagkamatay ng pari.Walang sinuman sa mga mambabasa ang ngayon ay nakakakilala kay Gobernador Gregorio. Ilang linggo bago suutan ng abiti si Felicidad para magmongha ay nakaramdam ng isang panlulumo na pinagmulan ng unti-unti niyang pamamayat. Siya ay naging malungkutin at mapag-isip. Noon ay katata
Sa itaas ng bundok sa tabi mg isang ilug-ilugan ay may nakakubli sa kakahuyan. Ito ay may isang dampa na yari sa mga balu-baluktot na punongkahoy. Dito ay may naninirahan na isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy. Sa ilalim ng puno ang nunong lalaki ay nagtitistis ng dahon ng niyog na gagawing walis. Isang dalaga naman ang naglagay ng isang bakol ng mga itlog ng manok, dayap at mga gulay. Dalawang batang lalaki at babae ang magkasamang naglalaro sa tabi ng isang batang maputla, malungkot at may malalaking mga mata.Si Manuel na may sugat sa paa ay hirap na hirap na tumindig at lumapit sa matanda. "Ingkong, mahigit isang buwan na po ba akong maysakit?" "Mula ng matagpuan ka naming walang malay ay dalawang beses nang bumilog ang buwan. Ang akala nga namin noon ay patay ka na.""Gantihan nawa kayo ng Diyos!" Kami po ay mahirap lamang," ang naisagot ni Manuel. "Subalit ngayon po ay Pasko, ibig ko po sanang umuwi sa bayan upang
Ang mga nakikitang regalo ni Felicidad ay walang halaga't kabuluhan, maging ang mga brilyante at mga burdadong pinya at sutla. Nakatingin sa pahayagan ang dalaga ngunit walang makita ni mabasa kaya. Bagama't may mga nagbabalita ng pagkamatay ni Francisco na nalunod sa lawa.Nang biglang nakaramdam siya noong na may dalawang palad na tumakip sa kanyang mga mata. Isang masayang tinig ang kanyang narinig, "Sino ako, sino ako? Natakot ka, ano? Dahil ba sa hindi mo inaasahan ng aking pagdating? Ako ay galing sa lalawigan upang makita ka at ang kasal mo," ang sabi ni Padre Ignacio. Nilapitan niya ang dalaga at iniabot ang kamay upang hagkan. Yumuko si Felicidad at nanginginig na hinagkan ang kamay ng pari. "Bakit ka nanlalamig, namumutla --- may sakit ka ba, anak?" Magiliw niyang kinabig ang dalaga at hinawakan ang dalawang kamay nito. "Wala ka na bang tiwala sa iyong inaama?" ang tanong ni Padre Ignacio. "Sige, maupo ka at sabihin mo sa akin ang problema mo tulad noong ginagawa mo
"Ginoo, pakinggan po ninyo ang panukalang naisip ko," ang sabi ni Claudio samantalang sila'y magtutungo sa San Gabriel. "Kayo'y aking itatago sa aking kaibigan. Dadalhin ko sa inyo ang lahat ng inyong kuwalta na aking iniligtas at itinago sa puno ng balite sa libingan ng inyong Inkong at tumungo na kayo sa inyong lupain." "Ako, patutungo sa ibang lupain?" ang sagot ni Francisco."Upang kayo'y makapamuhay nang tahimik sa panahong natitira sa inyong buhay. Kayo'y may mga kaibigan sa España, mayaman at maaari ninyong lakarin na kayo'y mapatawad sa pagkabilanggo. Ang ibang lupain, sa ganang akin, ay lalong mabuti kaysa ating sarili bayan."Tumahimik si Francisco,waring nag-iisip. Sila ay dumarating sa Ilog ng Pag-ibig at ang bangka ay nagsisimulang sumalunga sa agos. Sa tulay ng España ay may kabayuhang nagpapatakbo samantalang naririnig noon ang mahahaba ay matutunog na paswit."Claudio ang inyong kasawian ay nagbuhat sa aking kaanak. Ang buhay
Tuwang-tuwa si Gobernador Gregorio. Pagkat wala ni sino mang nakialam sa kanya sa buong maghapong kakila-kilabot. Hindi siya dinakip at hindi rin siya ikinulong. Ngunit nang bumalik si Kapitan Tinong sa kanyang bahay ay may sakit, namumutla at namamanas. Hindi nakabuti sa kanya ang paglalakbay. Hindi siya kumikibo di bumabati sa kanyang pamilyang umiiyak, tumatawa, nagsasalita at nababaliw sa kagalakan. Ngunit ni ang pinsang si Primitivo at ang lahat ng karunungan nito ay walang magawa para siya'y mapakibo. "Crede prime" ang sabi sa kanya. "Kung hindi ko nasunog ang lahat ng kasulatan ay nabitay ka na sana."Ang sinapit ni Kapitan Tinong ay kabaligtaran naman sa sinapit ni Gobernador Gregorio. Ayon kay Gobernador Gregorio, ito ay maaaring himala ng Mahal na Birhen ng Antipolo. "Ito marahil ay sa tulong na rin ng aking nga magulang at ng aking magiging manugang na si Lucas de España."Ang bulung-bulungan si Francisco ay bibitayin na. Bagamat may mga katibayan upa