Home / History / Memories of the Past [COMPLETED] / Kabanata VII: Pag-uusap sa Balkonahe

Share

Kabanata VII: Pag-uusap sa Balkonahe

Author: Demie
last update Last Updated: 2021-07-27 08:46:21

Umagang-umaga sina Tiya Flora at Felicidad ay nagtungo sa simbahan upang magsimba.

Pagkatapos na pagkatapos ng misa, nagyaya na si Felicidad sa pag-uwi. Takang-taka si Tiya Flora kung bakit nagmamadali si Felicidad, galing ito sa kumbento kaya inaasahan ni Tiya Flora na dapat lamang matulad si Felicidad sa isang mongha.

Habang may kasabay na lumalakad palabas ng simbahan, sinabi ni Tiya Flora na tila nangangaral, "Katatapos lang ng misa ay nagyaya ka na. Bakit ka naiinip sa loob ng simbahan?"

Nasabi na lamang ni Felicidad sa sarili, "Patawarin ako ng Diyos, alam ng Diyos ang damdamin ng isang dalagang tulad ko. Anong malay ninyo sa niloloob ng isang dalagang tulad ko?"

Pagkatapos mag-agahan, wari'y naiinip si Felicidad na may hinihintay. Abala ang kanyang isap sa kung anong bagay. Iniisip niya ang tahimik na buhay sa kumbento. Parang ibig niyang magalit kung dumaraan ang alin mang sasakyan ay makalagpas iyon nang hindi humihinto.

Si Gobernador Gregorio ay parang abala sa pagsusuri ng kung anu-anong mga papeles. Napansin niya si Felicidad at nagwika, "Tama siguro ang sinabi sa iyo ng doktor, anak, mukha ka ngang maysakit. Namumutla ka. Dapat siguro'y magbakasyon ka muna."

Hindi nakasagot si Felicidad. Namula lang ang kanyang mukha.

Muling nagsalita si Gobernador Gregorio, "Huwag ka nang bumalik sa kumbento, anak, bumalik na lang kayo ng tiya mo roon upang kunin ang mga gamit mo at makapagpaalam sa iyong mga kaibigan."

Nang marinig ang sinabi ng ama, hindi nakasagot si Felicidad, hindi mawari ang kanyang nararamdaman.

Ipinagpatuloy ng ama ang pagsasalita, "Pagkaraan ng ilang araw, pagkatapos mong maihanda ang iyong mga damit ay dito ka na lamang sa bahay."

"Mas mabuti nga kung ganoon, maaari ka namang magburda o magpinta dito sa bahay."

Yayakapin sana ni Felicidad si Tiya Flora sa naging mungkahi nito, subalit napansin niya ang paghinto ng isang kalesa na sakay si Francisco.

"Si Don Francisco!" ang sigaw ni Gobernador Gregorio nang nakita ang dumating.

Nang pumapanhik na si Francisco pumasok sa silid si Felicidad at isinara ang pintuan. Idinikit niya ang taynga sa dahon ng pinto at sumilip sa butas ng susian. Naglambitin siya sa leeg ng tiyahin nang ito'y pumasok sa silid, upang ipakita ang labis na kaligayahan.

"Batang ito, anong nangyari sayo? Sige, labasin mo na siya," halos maiyak si Tiya Flora sa pakikigalak sa pamangkin.

"Mag-ayos ka na, huwag mo siyang paghintayin nang matagal."

Ganoon na lamang ang katuwaan sa mga mukha nina Felicidad at Francisco nang sila'y magkaharap. Matagal na panahon din silang hindi nagkita.

"Doon kayo pumuwesto sa lugar na nakikita ng mga kapitbahay," ang sigaw ni Tiya Flora.        

"Naalaala mo kaya ako? Sa dami ng mga lungsod at magagandang dalagang nakita mo sa iyong paglalakbay ay naalaala mo kaya ako?" nakasimangot na sinabi ni Felicidad.

"Imposible kitang malimot, Felicidad. Hindi ko maaaring malimutan ang gabing iyon. Nang gabing iyon nang ako'y iyong lapitan samantalang iniiyakan ko ang bangkay ng aking ina. Natatandaan mo ba, nang hawak ko ang iyong kamay? Hinawakan ko rin ang kamay ng aking ina. Sumumpa na ikaw ay aking mamahalin. Paliligayahin kita kahit na paanong paraan at ngayon ay inuulit ko ang sumpang iyon."

"Ang alaala mo ay hindi napawalay sa akin kahit sandali, kasama ko iyan sa lahat ng aking mga paglakad, Felicidad."

"Maging sa pagtulog ay kasama kita. Lagi na'y namamalas kita sa aking panaginip."

"Sa lahat ng lugar na nararating ko, ang iyong alaala ay hindi napawalay sa akin. Imposibleng hindi kita maalala. Sagisag ka ng dalawang bansang mahal sa akin, ang Pilipinas at ang Paris. Kung ano ang pagmamahal ko sa dalawang lupaing ito ay siyang pagmamahal ko sa'yo."

Magiliw na sumagot si Felicidad, "Ako'y hindi nakapgbiyaheng tulad mo. Wala akong kundi ang San Lorenzo pero mula noong tayo'y maghiwalay at pumasok ng kumbento, hindi kita nalimot. Hindi kita nalimot kahit na ipinag-utos ng aking padre kumpesor na limutin kita, hindi ko magawa. Naalala ko ang ating kamusmusan, ang ating paglalaro at pagkakagalit minsan."

"Naalala ko ng minsan tayo'y naglalakad pauwi, kainitan pa ng araw noon. Nanguha ako ng mga dahon ng sambong, ipinalagay ko sa iyong sombrero para hindi mainit ang iyong ulo at nang hindi iyon sumakit."

Napangiti si Francisco, binuksan ang dala niyang kalupi at may inilabas na nakabalot na papel na namumula na sa kalumaan.

"Ano ito?" Iniabot ni Francisco ang bilot ng papel matapos buksan at lumitaw doon ang ilang dahon ng kung ano na nangingitim sa kalumaan at pagkatuyo pero naroon pa ang bango.

"Iyon pa ang iyong mga dahon ng sambong!" Nakangiti si Francisco. "Iyon lang naman ang alaala mo sa akin, di ba?"

Si Felicidad naman ang may dinukot sa tapat ng kanyang dibdib.

"Heto, sulat mo nang ikaw ag paalis."

"At ano ang sinabi ko sa sulat na iyan?" ang tanong ni Francisco.

"Puro kasinungalingan! Kung gusto mo'y babasahin ko sa iyo."

Itinaas ni Felicidad ang papel na pormang hindi makikita ni Francisco at sinimulan ang pagbabasa sa parteng gusto niyang umpisahan.

"Nais ng aking ama na ako ay umalis. Ayaw niyang pansinin ang aking pagtutol. Ako raw ay lalaki at dapat kong isipin ang aking tungkulin at ang aking hinaharap. Dapat ko raw pag-aralan ang karunungan ng buhay upang mapakinabangan ko raw iyon balang araw."

"Sabi pa ng aking ama kung naiintindihan ko raw siya. Magbibinata na ako'y umiiyak pa. Dinamdaman ko iyon at ipinagtapat na iniibig kita. Hindi nakakibo ang aking ama at nagtanong, "Sa palagay mo ba'y ikaw lang ang marunong umibig? Mahal kita anak at magdaramdam ako kung mawalay ka sa akin. Di pa nagtatagal na tayo'y naulila sa iyong ina. Ako ngayo'y patungo na sa pagtanda kailangan ko ang tulong ng isang kabataang tulad mo. Hindi ko alam kung magkikita pa tayo, ngunit may importante kang dapat isipin. Ang bukas ay naghihintay sa'yo pero sa akin ay namamaalam na. Ang pag-ibig mo ay nagsisimula pa lamang, ang akin ay nagwawakas na. Pero umiiyak ka at hindi nakapagtiis gayong ang pupuntahan mo'y ang bukas na napakahalaga para sa'yong bayan." Malungkot ang aking ama at kasabay ang pagluha. Niyakap ko siya at humingi ng tawad at sinasabi kong nakahanda na akong bumiyahe."

Napahinto si Felicidad sa pagbabasa nang mapansin niyang pabalik-balik sa harap niya si Francisco, balisa at namumutla. 

"Bakit?" Nag-aalalang tanong ni Felicidad sa kanyang iniibig, "Ano ang nangyayari sayo?"

"Dahil sa iyo'y nalimutan ko ang lahat, Felicidad. May tungkulin nga pala akong dapat gampanan."

Sa sinabi ni Francisco ay hindi nakakibo si Felicidad.

"Sige na, umalis ka na't hindi kita pipigilan."

Inihatid ni Gobernador Gregorio si Francisco sa ibaba ng bahay samantalang si Felicidad ay pumasok sa silid dalanginan. 

Tinungo ni Gobernador Gregorio si Felicidad sa silid dalanginan at ipinag-utos, "Anak, magtulos ka ng dalawang kandilang tigbebente singko. Isa sa Poong San Roque at ang isa sa Poong San Rafael, ang pintaksi ng mga manlalakbay para sa kaligtasan ni Francisco."

-kay gandang gunitain mga nangakaraang puno ng paggiliw.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Maikling Kabuuan Ng Mga Alaala Ng Nakaraan

    Si Francisco ay isang binatang Pilipino na nag-aral nang walong taon sa Paris at nagbalik sa San Lorenzo.Si Gobernador Gregorio ay naghandog ng isang hapunan sa pagdating ni Francisco Alonzo. Subalitay pangyayaring hindi inaasahan. Si Francisco makalawang beses na hinamak ni Padre Ignacio isang Franciscanong pari na naging kura ng San Lorenzo. Ang binata ay humingi ng paumanhin. Siya ay nagpaalam pagkat may mahalaga raw siyang pupuntahan.Si Francisco Alonzo ay katipan ni Felicidad de Quintos, isang kabigha-bighaning binibini, na sa kagandahan at mga katangian ay ginawang sagisag ng Inang Bayan. Si Felicidad ay anak sa turing ni Gobernador Gregorio, isa sa mayaman sa San Lorenzo maka-prayle at mapang-api sa mahihirap.Kinabukasan, panauhin ni Gobernador Gregorio sa kanyang tahanan si Francisco Alonzo. Sa pag-uusap ni Felicidad at Francisco ay muling nanariwa ang dalisay na pagmamahalang umusbong mula sa kanilang kamusmusan. Binasa noon ni Felicidad ang su

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Ang Huling Paalam: Francisco Alonzo y Montevallo

    Magkikita ulit tayo pagdating ng ika-dalawampung taon mula ngayon. -Francisco This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. AUTHOR'S NOTE: Maraming salamat sa pagbabasa at pagsuporta ng aking istorya hindi ko ito makalilimutan. Maraming salamat sa taong nagpasok sa akin dito natulungan mo ako ng malaki mabuhay ka pa sana ng matagal, maraming salamat.

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Ang Nawawalang Kabanata: Ang Huling Liham ni Felicidad

    San LorenzoKalye Pilipo, Santo RosarioIka-31 ng Disyembre 1945Felicidad de Quintos y FloresKalye Burgos, Santa ClaraSan LorenzoMinamahal kong Francisco, Lubos akong nagagalak ng mabalitaan kong ikaw ay nakaligtas ngunit labis ang aking hinagpis ng malaman kong ika'y hindi na muling babalik pa sa lugar kung saan ang ating pag-iibigan ay nagsimula. Naaalala mo pa ba noong tayo'y mga musmos pa lamang lagi tayong nasa pampang ng Ilog ng Pag-ibig nagkukwentuhan sa ilalim ng matandang puno kung saan nakaukit ang ating mga pangalan, kung saan doon nanumpa sa pagdating ng tamang panahon tayo ay maikakasal at magkakaroon ng malulusog na supling. Ngunit sadyang malupit ang tadhana ang minsang pag-iibigan ay naudlot ng dahil lamang sa pagkakagalit mo at ng aking tunay na ama na si Padre Ignacio, siguro'y hindi mo na nabalitaan ang nangyari sa aking

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Mga Alaala Ng Nakaraan: Wakas

    This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila.MGA TAUHANI. Angkan ni Francisco Alonzo y MontevalloFrancisco AlonzoDon Lorenzo AlonzoDon Arthuro AlonzoII. Angkan ni Felicidad De Quintos y FloresFelicidad De QuintosGob. Gregorio De QuintosAmelia FloresTiya FloraIII. Mga

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LXIV: Katapusan

    Pumasok sa kumbento si Felicidad. Iniwan na ni Padre Ignacio ang bayang kinaroroonan niya upang sa Maynila na manirahan. Si Padre Pedro ay nasa Maynila na rin. Samantalang naghihintay siyang maging obispo ay manakanakang nagsesermon sa simbahan ng Santa Clara at sa kumbento naman niti ay may mahalagang tungkulin. Di nagtagal si Padre Ignacio ay tumanggap ng isang kautusan ng Padre Provincial upang maging kura sa isang napakalayong lalawigan. Napabalitang dinamdam niya nang gayon kaya't kinabukasan ay natagpuan ang paring ito na patay na sa kanyang hihigan. May mga nagsasabi na namatay sa sakit na apoplegia, ang iba nama'y sa bangungot, ngunit ayon sa medikong tumingin, biglaan ang pagkamatay ng pari.Walang sinuman sa mga mambabasa ang ngayon ay nakakakilala kay Gobernador Gregorio. Ilang linggo bago suutan ng abiti si Felicidad para magmongha ay nakaramdam ng isang panlulumo na pinagmulan ng unti-unti niyang pamamayat. Siya ay naging malungkutin at mapag-isip. Noon ay katata

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LXIII: Noche Buena

    Sa itaas ng bundok sa tabi mg isang ilug-ilugan ay may nakakubli sa kakahuyan. Ito ay may isang dampa na yari sa mga balu-baluktot na punongkahoy. Dito ay may naninirahan na isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy. Sa ilalim ng puno ang nunong lalaki ay nagtitistis ng dahon ng niyog na gagawing walis. Isang dalaga naman ang naglagay ng isang bakol ng mga itlog ng manok, dayap at mga gulay. Dalawang batang lalaki at babae ang magkasamang naglalaro sa tabi ng isang batang maputla, malungkot at may malalaking mga mata.Si Manuel na may sugat sa paa ay hirap na hirap na tumindig at lumapit sa matanda. "Ingkong, mahigit isang buwan na po ba akong maysakit?" "Mula ng matagpuan ka naming walang malay ay dalawang beses nang bumilog ang buwan. Ang akala nga namin noon ay patay ka na.""Gantihan nawa kayo ng Diyos!" Kami po ay mahirap lamang," ang naisagot ni Manuel. "Subalit ngayon po ay Pasko, ibig ko po sanang umuwi sa bayan upang

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LXII: Nagpaliwanag si Padre Ignacio

    Ang mga nakikitang regalo ni Felicidad ay walang halaga't kabuluhan, maging ang mga brilyante at mga burdadong pinya at sutla. Nakatingin sa pahayagan ang dalaga ngunit walang makita ni mabasa kaya. Bagama't may mga nagbabalita ng pagkamatay ni Francisco na nalunod sa lawa.Nang biglang nakaramdam siya noong na may dalawang palad na tumakip sa kanyang mga mata. Isang masayang tinig ang kanyang narinig, "Sino ako, sino ako? Natakot ka, ano? Dahil ba sa hindi mo inaasahan ng aking pagdating? Ako ay galing sa lalawigan upang makita ka at ang kasal mo," ang sabi ni Padre Ignacio. Nilapitan niya ang dalaga at iniabot ang kamay upang hagkan. Yumuko si Felicidad at nanginginig na hinagkan ang kamay ng pari. "Bakit ka nanlalamig, namumutla --- may sakit ka ba, anak?" Magiliw niyang kinabig ang dalaga at hinawakan ang dalawang kamay nito. "Wala ka na bang tiwala sa iyong inaama?" ang tanong ni Padre Ignacio. "Sige, maupo ka at sabihin mo sa akin ang problema mo tulad noong ginagawa mo

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LXI: Putukan sa Lawa

    "Ginoo, pakinggan po ninyo ang panukalang naisip ko," ang sabi ni Claudio samantalang sila'y magtutungo sa San Gabriel. "Kayo'y aking itatago sa aking kaibigan. Dadalhin ko sa inyo ang lahat ng inyong kuwalta na aking iniligtas at itinago sa puno ng balite sa libingan ng inyong Inkong at tumungo na kayo sa inyong lupain." "Ako, patutungo sa ibang lupain?" ang sagot ni Francisco."Upang kayo'y makapamuhay nang tahimik sa panahong natitira sa inyong buhay. Kayo'y may mga kaibigan sa España, mayaman at maaari ninyong lakarin na kayo'y mapatawad sa pagkabilanggo. Ang ibang lupain, sa ganang akin, ay lalong mabuti kaysa ating sarili bayan."Tumahimik si Francisco,waring nag-iisip. Sila ay dumarating sa Ilog ng Pag-ibig at ang bangka ay nagsisimulang sumalunga sa agos. Sa tulay ng España ay may kabayuhang nagpapatakbo samantalang naririnig noon ang mahahaba ay matutunog na paswit."Claudio ang inyong kasawian ay nagbuhat sa aking kaanak. Ang buhay

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LX: Magpapakasal na si Felicidad

    Tuwang-tuwa si Gobernador Gregorio. Pagkat wala ni sino mang nakialam sa kanya sa buong maghapong kakila-kilabot. Hindi siya dinakip at hindi rin siya ikinulong. Ngunit nang bumalik si Kapitan Tinong sa kanyang bahay ay may sakit, namumutla at namamanas. Hindi nakabuti sa kanya ang paglalakbay. Hindi siya kumikibo di bumabati sa kanyang pamilyang umiiyak, tumatawa, nagsasalita at nababaliw sa kagalakan. Ngunit ni ang pinsang si Primitivo at ang lahat ng karunungan nito ay walang magawa para siya'y mapakibo. "Crede prime" ang sabi sa kanya. "Kung hindi ko nasunog ang lahat ng kasulatan ay nabitay ka na sana."Ang sinapit ni Kapitan Tinong ay kabaligtaran naman sa sinapit ni Gobernador Gregorio. Ayon kay Gobernador Gregorio, ito ay maaaring himala ng Mahal na Birhen ng Antipolo. "Ito marahil ay sa tulong na rin ng aking nga magulang at ng aking magiging manugang na si Lucas de España."Ang bulung-bulungan si Francisco ay bibitayin na. Bagamat may mga katibayan upa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status