Si Gobernador Gregorio ay bata sa tingin sa tunay na gulang. Parang edad niya ay nasa pagatin ng trenta at trenta'y singko. Siya'y pandak na mataba at kanyang kulay ay kayumangging-kayumanggi.
Sabi ng kanyang mga kaibigan: "Pinagpapala siya ng Panginoon kaya siya'y malusog."
Sabi naman ng kanyang kaaway: "Tumataba siya dahil sa pagsipsip ng dugo ng mahihirap."
Maliit na hugis-almond ang kanyang mga mata. Pango, bilugan na katamtaman ang laki ng kanyang ulo. Ayon sa iba ito raw ay punung-puno ng katalinuhan. Guwapo sana siya kaya lamang ang kanyang mga labi ay pinaitim ng kanyang paninigarilyo at pagnganga ng hitso na laging nakabukol sa kanyang pisngi. Mapuputi ang kanyang mga sungki-sungking ngipin na dalawa niyon ay pustiso.
Si Gobernador Gregorio ay itinuturing na pinakamayaman sa Sta. Clarita isang lugar sa San Lorenzo. Ang pinanggalingan ng kanyang yaman ay ang kanyang mga lupain sa Pampanga at sa Nueva Ecija lalo na sa San Lorenzo. Madalas siya sa San Lorenzo dahil sa magagandang tanawin dito, masarap na paliguan at higit sa lahat malalaking sabungan.
Sa Maynila, mayroon siyang mga lupain at mga paupahang bahay sa Sto. Cristo, sa kalye Rosario. Ngunit ang nagsasampa sa kanya ng limpak-limpak na salapi ay ang kanyang ilegal na gawain, ang pagtutulak ng opyo o apyan, kasosyo ng isang Intsik.
Ganito ang madalas wikain ni Gobernador Gregorio: "Masaya ang buhay ko. Pinagpala ako ng Diyos. Marami akong mga kaibigan. Kasundo ko ang pamahalaan."
May katwiran siya na sabihing pinaboran siya ng Diyos dahil ubod siya ng yaman. Nariyan ang mga pari para ipagmisa siya sapagkat bukas-palad siyang tumulong sa simbahan. Pati ang pagdarasal ay puwede niyang iupa sa mga mahihirap. Sa halagang piso ay magdarasal sila patungkol sa kaluluwa ng mayayaman ng labing-lima na misteryo at ipagbabasa ng lahat ng aklat dasalan. Sa kaunting dagdag sa bayad kahit bibliya ay babasahin.
Walang duda na siya'y kasundo ng pamahalaan dahil hindi siya lumabag sa batas. Maging ang pinakamababang pinuno ng anumang pamahalaan ay kanyang sinusunod. Mahilig siyang magregalo ng mga pagkain tulad ng hamon, baboy, pabo at mga imported na prutas mula sa ibang bansa. Dahil sa palagay niya sa kanyang sarili ay hindi siya Pilipino kaya ganoon na lamang kung pintasan niya ang kanyang kapwa Pilipino. Kapag naman sinisiraan ang isang Kastila siya ang tumutuligsa sa mga mapanirang-puri dahil ang palagay niya sa kanyang sarili ay isa ring Kastila. Siya ang unang-una na pumupuri sa mga mataas magpataw ng buwis lalo na kung naiisip niya ang tulong na nahihingi niya sa kanyang pinag-uukulan ng papuri.
Naging gobernadorsilyo si Gregorio De Quintos sa bayan ng San Lorenzo sa kabila ng pagtutol ng marami dahil sa isang Kastilang hindi marunong magbasa at magsulat. Sa loob ng tatlong taong panunungkulan bilang gobernadorsilyo, siya ay nakasira ng sampung prak, walong sombrero de copa at siyam na baston de borlas.
Ang prak at sombrero de copa ay suot niya kahit saan siya magpunta; sa ayutamiento o bahay pulungan, sa kwartel, sa sabungan, sa palengke, sa prusisyon at maging sa paglalakad lamang sa tapat ng kanilang bahay ay suot-suot niya ito.
Para sa mga Kastilang nakikinabang kay Gobernador Gregorio, siya'y isang taong masunurin, mabait at tahimik. Hindi siya nagbabasa ng mga babasahin galing sa España pero ang husay niyang mangastila. Anupa't kung tignan daw si Gobernador Gregorio ng mga makapangyarihang Kastila ay tulad sa pagtingin ng isang mahirap na estudyante sa kanyang sira at walang saysay na sapatos.
Pero iba naman ang pagtingin kay Gobernador Gregorio ng mga taong may galit sa kanya. Siya ay isa ring Pilipino, masama ang ugali, walang awa na nakatira sa San Lorenzo. Mapagsamantala sa mga taong nagigipit. Walang pakialam si Gobernador Gregorio kung ano man ang palagay nila sa kanya.
Si Gobernador Gregorio ay nag-iisang anak ng isang nakaririwasang pamilya na nagmamay-ari ng mga tubuhan sa Malabon. Ngunit maramot ang kanyang magulang kaya ni hindi siya pinag-aral. Napilitan siyang mamasukan bilang katulong sa isang mabait na paring Dominico na nagturo sa kanya ng mga karunungang dapat niyang matutuhan.
Sinuwerte si Gobernador Gregorio sa kanyang pag-aasawa. Ang kanyang napangasawa ay si Amelia Dela Cruz na taga-Sta. Cristo sa may Kalye Rosario sa bayan din ng San Lorenzo. Maganda ito. Balingkinitan ang pangangatawan, kabigha-bighani ang tindig. Magkatulong sila sa paghahanapbuhay hanggang sila'y yumaman at magkapangalan sa lipunan. Nakabili sila ng malawak na lupain sa San Lorenzo. Nakilala at naka-daop palad nila sa San Lorenzo si Padre Ignacio, hanggang sa ito ay naging matalik na kaibigan ng mag-asawa. Naging kaibigan din nila si Don Alonzo Lorenzo na itinuturing na pinakamayamang negosyante sa San Lorenzo noon.
Sa loob ng anim na taong pagsasama nina Gobernador Gregorio at Amelia Dela Cruz ay hindi sila nagkaanak. Ito marahil ang kanyang kamalasan. Si Amelia ay nagnonobena at namamanata sa mga Birhen. Hindi niya inalintana ang init ng araw sa pagsasayaw kung buwan ng Mayo sa harap ng mga Birhen. Ganon pa man wala pa ring buhay na pumipintig sa kanyang sinapupunan.
Minsan pinayuhan siya ni Padre Ignacio, "Kung mamanata ka kaya sa Obando, Amelia?" May himig na pag-uutos kaysa pagpapayo, "Magsasayaw ka sa kapistahan ni San Pascual Bailon para magkaanak ka."
May tatlong pintakasi ang bayan ng Obando - Nuestra Señora de Salambaw, Santa Clara at San Pascual Bailon para magkaanak. Amg mga pintakasing ito ay kilalang-kilala sa pagbibigay ng anak, malalake o mababae.
Si Amelia ay dagling naglihi. Ngunit naging maselan ang kanyang kalagayan sa panahon ng kanyang paglilihi. Naging malungkutin din siya. Ni ngiti ay hindi masilayan sa kanyang mga labi. Nawala din ang pagiging masiyahan hanggang sa siya'y mamayat at mahulog ang pangangatawan. Nang siya'y manganak na, dinapuan siya ng matinding lagnat hanggang siya'y mamatay, matapos maisilang ang isang pagkaganda-gandang sanggol na babae.
Ang sanggol ay inaanak ni Padre Ignacio sa binyag at pinangalanang Felicidad De Quintos bilang parangal sa Birhen ng Salambaw at Santa Clara.
Lumaki si Felicidad sa pangangalaga ni Tiya Flora. Maliit pa lamang siya ay kinapansinan na siya ng pambihirang kagandahan. Mamula-mula ang kanyang kulot ma buhok, kay gandang pagmasdan ang kanyang mga mata na itim na itim. Mga matang may kislap ng sigla at waring nangangarap kung siya'y masiya pero malungkot at namumungay kung siya'y may dalamhati. Malago at malantik ang kanyang mga pilik-mata. Katamtaman ang tangos ng ilong. Minana niya ang makipot na bibig sa kanyang ina at maging ang dalawang biloy sa kanyang magkabilang pisngi. Ang kanyang kutis na malasibuyas ay parang bulak sa kaputian.
Ayon kay Tiya Flora, "Ang kanyang pagiging mestisa ay dahil ipinaglihi ni Amelia ang batang iyan kay San Antonio. Sa buong panahon ng kanyang paglilihi lagi na'y nakikita siyang lumuluha sa harap ng imahen ni San Antonio."
Si Felicidad ay lumaking sagana sa pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa kanya. Maging ang mga pari ay natataranta kung sumasama si Felicidad sa mga prusisyon. Sila ang nag-aayos sa kanya. Binibihisan siya ng puti. Pinalalamutian ng mga bulaklak ng sampaguita at asuzena, ang malago at kulot na buhok. Nilalagyan siya ng dalawang maliit na pakpak sa likod na yari sa pilak at ginto. Sa kanyang mga kamay pinahahawakan ang dalawang puti na may lasong kulay asul. Halos mabaliw si Gobernador Gregorio dahil sa malaking katuwaan sa bata. Madalas tuloy purihin niya at handugan ng kanyang makakayanan ang naturang simbahan bilang pasasalamat.
Maagang namukadkad kumbaga sa bulaklak si Felicidad. Maituturing na siya ng dalaga sa gulang na wala pang labing-apat na taon. Sa payo ng kura sa Kalye Rosario, siya ipinasok sa kumbento ng Sta. Cristo. Batbat ng kalungkutan ang pagpapaalam nina Felicidad at ang kanyang matalik na kaibigan at kababata na si Francisco Lorenzo na hindi nagtagal ay naglakabay naman patungo sa Paris, ganoon din sa kanyang inaama na si Padre Ignacio.
Walong taon nanatili si Felicidad sa loob ng kumbento. Alam ni Felicidad nasa loob ng kumbento lilimutin niya ang buhay malaya. Alam din niya na kung siya'y makikipag-usap sa kanyang dalaw ay siwang lamang ng mahihigpit na madre.
Naramdaman din nina Gobernador Gregorio at Don Alonzo na mayroon nang pagkakaunawaan sina Francisco at Felicidad at ito'y hindi nila tinutulan. Sa halip, napagkasunduan nilang ipakasal at suportahan ang pagiibigan ng kanilang mga anak. Ikakasal sila pagkalipas ng tatlong taon pagkatapos maglakbay ng binata. Ang pagkakasundo na ito ay nagdala ng kagalakan sa magkasintahan na hindi nakakalimot kahit magkalayo silang dalawa.
-kung ano ang sinabi mo, babalik sa'yo. Kung ano ang iyong ibinigay, tatanggapin mo.
Si Francisco ay isang binatang Pilipino na nag-aral nang walong taon sa Paris at nagbalik sa San Lorenzo.Si Gobernador Gregorio ay naghandog ng isang hapunan sa pagdating ni Francisco Alonzo. Subalitay pangyayaring hindi inaasahan. Si Francisco makalawang beses na hinamak ni Padre Ignacio isang Franciscanong pari na naging kura ng San Lorenzo. Ang binata ay humingi ng paumanhin. Siya ay nagpaalam pagkat may mahalaga raw siyang pupuntahan.Si Francisco Alonzo ay katipan ni Felicidad de Quintos, isang kabigha-bighaning binibini, na sa kagandahan at mga katangian ay ginawang sagisag ng Inang Bayan. Si Felicidad ay anak sa turing ni Gobernador Gregorio, isa sa mayaman sa San Lorenzo maka-prayle at mapang-api sa mahihirap.Kinabukasan, panauhin ni Gobernador Gregorio sa kanyang tahanan si Francisco Alonzo. Sa pag-uusap ni Felicidad at Francisco ay muling nanariwa ang dalisay na pagmamahalang umusbong mula sa kanilang kamusmusan. Binasa noon ni Felicidad ang su
Magkikita ulit tayo pagdating ng ika-dalawampung taon mula ngayon. -Francisco This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. AUTHOR'S NOTE: Maraming salamat sa pagbabasa at pagsuporta ng aking istorya hindi ko ito makalilimutan. Maraming salamat sa taong nagpasok sa akin dito natulungan mo ako ng malaki mabuhay ka pa sana ng matagal, maraming salamat.
San LorenzoKalye Pilipo, Santo RosarioIka-31 ng Disyembre 1945Felicidad de Quintos y FloresKalye Burgos, Santa ClaraSan LorenzoMinamahal kong Francisco, Lubos akong nagagalak ng mabalitaan kong ikaw ay nakaligtas ngunit labis ang aking hinagpis ng malaman kong ika'y hindi na muling babalik pa sa lugar kung saan ang ating pag-iibigan ay nagsimula. Naaalala mo pa ba noong tayo'y mga musmos pa lamang lagi tayong nasa pampang ng Ilog ng Pag-ibig nagkukwentuhan sa ilalim ng matandang puno kung saan nakaukit ang ating mga pangalan, kung saan doon nanumpa sa pagdating ng tamang panahon tayo ay maikakasal at magkakaroon ng malulusog na supling. Ngunit sadyang malupit ang tadhana ang minsang pag-iibigan ay naudlot ng dahil lamang sa pagkakagalit mo at ng aking tunay na ama na si Padre Ignacio, siguro'y hindi mo na nabalitaan ang nangyari sa aking
This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila.MGA TAUHANI. Angkan ni Francisco Alonzo y MontevalloFrancisco AlonzoDon Lorenzo AlonzoDon Arthuro AlonzoII. Angkan ni Felicidad De Quintos y FloresFelicidad De QuintosGob. Gregorio De QuintosAmelia FloresTiya FloraIII. Mga
Pumasok sa kumbento si Felicidad. Iniwan na ni Padre Ignacio ang bayang kinaroroonan niya upang sa Maynila na manirahan. Si Padre Pedro ay nasa Maynila na rin. Samantalang naghihintay siyang maging obispo ay manakanakang nagsesermon sa simbahan ng Santa Clara at sa kumbento naman niti ay may mahalagang tungkulin. Di nagtagal si Padre Ignacio ay tumanggap ng isang kautusan ng Padre Provincial upang maging kura sa isang napakalayong lalawigan. Napabalitang dinamdam niya nang gayon kaya't kinabukasan ay natagpuan ang paring ito na patay na sa kanyang hihigan. May mga nagsasabi na namatay sa sakit na apoplegia, ang iba nama'y sa bangungot, ngunit ayon sa medikong tumingin, biglaan ang pagkamatay ng pari.Walang sinuman sa mga mambabasa ang ngayon ay nakakakilala kay Gobernador Gregorio. Ilang linggo bago suutan ng abiti si Felicidad para magmongha ay nakaramdam ng isang panlulumo na pinagmulan ng unti-unti niyang pamamayat. Siya ay naging malungkutin at mapag-isip. Noon ay katata
Sa itaas ng bundok sa tabi mg isang ilug-ilugan ay may nakakubli sa kakahuyan. Ito ay may isang dampa na yari sa mga balu-baluktot na punongkahoy. Dito ay may naninirahan na isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy. Sa ilalim ng puno ang nunong lalaki ay nagtitistis ng dahon ng niyog na gagawing walis. Isang dalaga naman ang naglagay ng isang bakol ng mga itlog ng manok, dayap at mga gulay. Dalawang batang lalaki at babae ang magkasamang naglalaro sa tabi ng isang batang maputla, malungkot at may malalaking mga mata.Si Manuel na may sugat sa paa ay hirap na hirap na tumindig at lumapit sa matanda. "Ingkong, mahigit isang buwan na po ba akong maysakit?" "Mula ng matagpuan ka naming walang malay ay dalawang beses nang bumilog ang buwan. Ang akala nga namin noon ay patay ka na.""Gantihan nawa kayo ng Diyos!" Kami po ay mahirap lamang," ang naisagot ni Manuel. "Subalit ngayon po ay Pasko, ibig ko po sanang umuwi sa bayan upang
Ang mga nakikitang regalo ni Felicidad ay walang halaga't kabuluhan, maging ang mga brilyante at mga burdadong pinya at sutla. Nakatingin sa pahayagan ang dalaga ngunit walang makita ni mabasa kaya. Bagama't may mga nagbabalita ng pagkamatay ni Francisco na nalunod sa lawa.Nang biglang nakaramdam siya noong na may dalawang palad na tumakip sa kanyang mga mata. Isang masayang tinig ang kanyang narinig, "Sino ako, sino ako? Natakot ka, ano? Dahil ba sa hindi mo inaasahan ng aking pagdating? Ako ay galing sa lalawigan upang makita ka at ang kasal mo," ang sabi ni Padre Ignacio. Nilapitan niya ang dalaga at iniabot ang kamay upang hagkan. Yumuko si Felicidad at nanginginig na hinagkan ang kamay ng pari. "Bakit ka nanlalamig, namumutla --- may sakit ka ba, anak?" Magiliw niyang kinabig ang dalaga at hinawakan ang dalawang kamay nito. "Wala ka na bang tiwala sa iyong inaama?" ang tanong ni Padre Ignacio. "Sige, maupo ka at sabihin mo sa akin ang problema mo tulad noong ginagawa mo
"Ginoo, pakinggan po ninyo ang panukalang naisip ko," ang sabi ni Claudio samantalang sila'y magtutungo sa San Gabriel. "Kayo'y aking itatago sa aking kaibigan. Dadalhin ko sa inyo ang lahat ng inyong kuwalta na aking iniligtas at itinago sa puno ng balite sa libingan ng inyong Inkong at tumungo na kayo sa inyong lupain." "Ako, patutungo sa ibang lupain?" ang sagot ni Francisco."Upang kayo'y makapamuhay nang tahimik sa panahong natitira sa inyong buhay. Kayo'y may mga kaibigan sa España, mayaman at maaari ninyong lakarin na kayo'y mapatawad sa pagkabilanggo. Ang ibang lupain, sa ganang akin, ay lalong mabuti kaysa ating sarili bayan."Tumahimik si Francisco,waring nag-iisip. Sila ay dumarating sa Ilog ng Pag-ibig at ang bangka ay nagsisimulang sumalunga sa agos. Sa tulay ng España ay may kabayuhang nagpapatakbo samantalang naririnig noon ang mahahaba ay matutunog na paswit."Claudio ang inyong kasawian ay nagbuhat sa aking kaanak. Ang buhay
Tuwang-tuwa si Gobernador Gregorio. Pagkat wala ni sino mang nakialam sa kanya sa buong maghapong kakila-kilabot. Hindi siya dinakip at hindi rin siya ikinulong. Ngunit nang bumalik si Kapitan Tinong sa kanyang bahay ay may sakit, namumutla at namamanas. Hindi nakabuti sa kanya ang paglalakbay. Hindi siya kumikibo di bumabati sa kanyang pamilyang umiiyak, tumatawa, nagsasalita at nababaliw sa kagalakan. Ngunit ni ang pinsang si Primitivo at ang lahat ng karunungan nito ay walang magawa para siya'y mapakibo. "Crede prime" ang sabi sa kanya. "Kung hindi ko nasunog ang lahat ng kasulatan ay nabitay ka na sana."Ang sinapit ni Kapitan Tinong ay kabaligtaran naman sa sinapit ni Gobernador Gregorio. Ayon kay Gobernador Gregorio, ito ay maaaring himala ng Mahal na Birhen ng Antipolo. "Ito marahil ay sa tulong na rin ng aking nga magulang at ng aking magiging manugang na si Lucas de España."Ang bulung-bulungan si Francisco ay bibitayin na. Bagamat may mga katibayan upa