Home / History / Memories of the Past [COMPLETED] / Kabanata X: San Lorenzo

Share

Kabanata X: San Lorenzo

Author: Demie
last update Last Updated: 2021-07-27 08:55:56

Ang bayan ng San Lorenzo ay saganang-sagana sa biyaya ng lupa, tulad ng tubo na ginagawang asukal, palay, kape, mga gulay at bungang-kahoy na ipinagbibili sa iba't-ibang bayan lalo na sa mga mapagsamantalang Instik. Ang bayan ay nasa baybay lawa na napapaikutan ng malawak na bukirin.

Ang buong kabayanan ay tanaw sa simboryo ng simbahan ng San Lorenzo. Ang mga kabahayan ay nakatumpok sa pinakagitna ng malawak na kabukiran. Ang mga bahay ay karaniwang may pawid na bubong na sinalitan ng mga kabunegro, yero at tisa. Mula pa rin sa tuktok ng simbahan ay kitang-kita rin ang mala ahas na ilog sa gitna ng bukid na kumikinang sa tama ng sikat ng araw. Sa di kalayuan ay may isang dampa na nakatayo sa gilid ng isang talampas na nakabukod sa karamihan.

Ang gubat sa gitna ng sakahang lupa ay kapansin-pansin para sa lahat. Ang mga puno rito ay masisinsin na malalaki at maliliit, kayat kahut ang sikat ng araw ay maramot na palaganapin ang liwanag sa loob ng gubat. Ang lugar ay pinangilagan ng mga taga roon dahil sa iba't ibang alamat na bumabalot dito. Ang isa sa pinaka-palasak sa mga alamat na ito ay:

Noong unang panahon ng ang San Lorenzo ay hindi pa ganap na baryo at kaunti pa lamang ang dito'y naninirahan. May isang matandang Kastila ang biglang dumating dito. Ang matanda kahit purong Kastila ay matatas magsalita ng Tagalog. Nilibot ng Kastila ang buong kagubatan na parang sinusukat ang lawak nito. Kapansin-pansin ang mainit na tubig na dumadaloy sa loob ng gubat. 

Ipinagtanong ng matandang Kastila sa mga tagaroon kung sinu-sino ang nagmamay-ari ng gubat. May ilang nagpanggap at sila'y binayaran ng matanda ng damit, alahas at salapi. Ngunit ang nakapagtataka ay ang biglang pagkawala ng matanda. Naglaho itong parang bula na ikinagulat ng marami. 

"Siguro naengkanto ang matandang Kastila," ito ang paniniwala ng karamihan.

Isang araw, naamoy ng ilang pastol ang mabahong alingasaw na nagmumula sa gubat. Hinanap ng mga pastol ang pinagmumulan ng hindi kanaos-nais na amoy. Ganoon na lamang ang kanilang panghihilakbot nang makita ang nabubulok na bangkay ng matandang Kastila na nakabitin sa isang puni ng balite. 

Labis na nahintakutan ang mga tagaroon nang matuklasan ang nagbigting bangkay ng matandang Kastila. 

Sabi nga ng isang matandang babae, "Noon pa man nabubuhay pa ang Kastilang iyan talagang nakatatakot na. Ang boses niya ay parang nagmumula sa isang madilim na balon. Nanlilisik ang kanyang nanlalalim na mga mata. Maging ang kanyang pagtawa ay parang nananaghoy."

Dahil sa matinding takot, ang mga salapi't hiyas na nanggaling mula sa Kastila ay itinapon ng mga tao sa ilog. Ang mga damit ay kanilang pinagsusunog. 

Ang labi ng matanda ay ibinaon mismo sa puno ng balite kung saan siya natagpuang nakabitin. Magmula noon ang nasabing puno ay pinagkatakutan at pinangilagan dahil sa mga balitang kumalat na may nakikitang ilaw sa punongkahoy kung gabi at nakaririnig din sila ng mga panaghoy na nanggagaling mula sa puno. 

Lumipas ang ilang taon, dumating sa nasabing pook ang isang binatang mukhang mistisong Kastila. Nagpakilala ito sa pangalang Arthuro. Ayon kay Arthuro, siya ang anak ng namatay na matanda at simula noon doon siya namalagi.

Si Arthuro ay masipag at matiyaga pero walang kibo, mapusok at malupit kung magalit. Pinagyaman ang mga lupang naiwan ng kanyang ama. Tinamnan niya ng indigo o tina ang sakahang lupa.

Pinabakuran ni Arthuro ang libing ng ama at madalas siyang dumalaw rito. 

May edad na si Arthuro nang magpakasal sa isang dalagang taga-Sta. Maynila. Isa lamang ang kanilang anak na pinangalanan nilang Lorenzo. Si Don Lorenzo ang ama ni Francisco Alonzo.

Dahil sa mabuting pag-uugali ni Don Lorenzo ay napamahal sa mga magsasaka. May katangi-tanging karunungan siya sa pagpapaunlad ng ari-arian kayat mabilis na umangat ang kanyang buhay. Dumagsa ang mga dayuhan lalo na ang nga Intsik na manirahan sa nasabing lugar dahil sa mabilis na pagsulong nito. Di nagtagal ito ay naging isang baryo, nagkaroon ito ng isang kurang Indio. Sa kalaunan iti ay naging isang nayon. Nang mamatay ang paring Indio si Padre Ignacio ang humalili.

Iginalang at hindi tinirahan ang pinaglibingan sa matandang Kastila. Hanggang ang pook ay parang naging gubat na nahiwalay sa karamihan. 

-sabihin kung tagasaan ka at sasabihin ko ang iyong pinagmulan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Maikling Kabuuan Ng Mga Alaala Ng Nakaraan

    Si Francisco ay isang binatang Pilipino na nag-aral nang walong taon sa Paris at nagbalik sa San Lorenzo.Si Gobernador Gregorio ay naghandog ng isang hapunan sa pagdating ni Francisco Alonzo. Subalitay pangyayaring hindi inaasahan. Si Francisco makalawang beses na hinamak ni Padre Ignacio isang Franciscanong pari na naging kura ng San Lorenzo. Ang binata ay humingi ng paumanhin. Siya ay nagpaalam pagkat may mahalaga raw siyang pupuntahan.Si Francisco Alonzo ay katipan ni Felicidad de Quintos, isang kabigha-bighaning binibini, na sa kagandahan at mga katangian ay ginawang sagisag ng Inang Bayan. Si Felicidad ay anak sa turing ni Gobernador Gregorio, isa sa mayaman sa San Lorenzo maka-prayle at mapang-api sa mahihirap.Kinabukasan, panauhin ni Gobernador Gregorio sa kanyang tahanan si Francisco Alonzo. Sa pag-uusap ni Felicidad at Francisco ay muling nanariwa ang dalisay na pagmamahalang umusbong mula sa kanilang kamusmusan. Binasa noon ni Felicidad ang su

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Ang Huling Paalam: Francisco Alonzo y Montevallo

    Magkikita ulit tayo pagdating ng ika-dalawampung taon mula ngayon. -Francisco This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. AUTHOR'S NOTE: Maraming salamat sa pagbabasa at pagsuporta ng aking istorya hindi ko ito makalilimutan. Maraming salamat sa taong nagpasok sa akin dito natulungan mo ako ng malaki mabuhay ka pa sana ng matagal, maraming salamat.

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Ang Nawawalang Kabanata: Ang Huling Liham ni Felicidad

    San LorenzoKalye Pilipo, Santo RosarioIka-31 ng Disyembre 1945Felicidad de Quintos y FloresKalye Burgos, Santa ClaraSan LorenzoMinamahal kong Francisco, Lubos akong nagagalak ng mabalitaan kong ikaw ay nakaligtas ngunit labis ang aking hinagpis ng malaman kong ika'y hindi na muling babalik pa sa lugar kung saan ang ating pag-iibigan ay nagsimula. Naaalala mo pa ba noong tayo'y mga musmos pa lamang lagi tayong nasa pampang ng Ilog ng Pag-ibig nagkukwentuhan sa ilalim ng matandang puno kung saan nakaukit ang ating mga pangalan, kung saan doon nanumpa sa pagdating ng tamang panahon tayo ay maikakasal at magkakaroon ng malulusog na supling. Ngunit sadyang malupit ang tadhana ang minsang pag-iibigan ay naudlot ng dahil lamang sa pagkakagalit mo at ng aking tunay na ama na si Padre Ignacio, siguro'y hindi mo na nabalitaan ang nangyari sa aking

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Mga Alaala Ng Nakaraan: Wakas

    This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila.MGA TAUHANI. Angkan ni Francisco Alonzo y MontevalloFrancisco AlonzoDon Lorenzo AlonzoDon Arthuro AlonzoII. Angkan ni Felicidad De Quintos y FloresFelicidad De QuintosGob. Gregorio De QuintosAmelia FloresTiya FloraIII. Mga

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LXIV: Katapusan

    Pumasok sa kumbento si Felicidad. Iniwan na ni Padre Ignacio ang bayang kinaroroonan niya upang sa Maynila na manirahan. Si Padre Pedro ay nasa Maynila na rin. Samantalang naghihintay siyang maging obispo ay manakanakang nagsesermon sa simbahan ng Santa Clara at sa kumbento naman niti ay may mahalagang tungkulin. Di nagtagal si Padre Ignacio ay tumanggap ng isang kautusan ng Padre Provincial upang maging kura sa isang napakalayong lalawigan. Napabalitang dinamdam niya nang gayon kaya't kinabukasan ay natagpuan ang paring ito na patay na sa kanyang hihigan. May mga nagsasabi na namatay sa sakit na apoplegia, ang iba nama'y sa bangungot, ngunit ayon sa medikong tumingin, biglaan ang pagkamatay ng pari.Walang sinuman sa mga mambabasa ang ngayon ay nakakakilala kay Gobernador Gregorio. Ilang linggo bago suutan ng abiti si Felicidad para magmongha ay nakaramdam ng isang panlulumo na pinagmulan ng unti-unti niyang pamamayat. Siya ay naging malungkutin at mapag-isip. Noon ay katata

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LXIII: Noche Buena

    Sa itaas ng bundok sa tabi mg isang ilug-ilugan ay may nakakubli sa kakahuyan. Ito ay may isang dampa na yari sa mga balu-baluktot na punongkahoy. Dito ay may naninirahan na isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy. Sa ilalim ng puno ang nunong lalaki ay nagtitistis ng dahon ng niyog na gagawing walis. Isang dalaga naman ang naglagay ng isang bakol ng mga itlog ng manok, dayap at mga gulay. Dalawang batang lalaki at babae ang magkasamang naglalaro sa tabi ng isang batang maputla, malungkot at may malalaking mga mata.Si Manuel na may sugat sa paa ay hirap na hirap na tumindig at lumapit sa matanda. "Ingkong, mahigit isang buwan na po ba akong maysakit?" "Mula ng matagpuan ka naming walang malay ay dalawang beses nang bumilog ang buwan. Ang akala nga namin noon ay patay ka na.""Gantihan nawa kayo ng Diyos!" Kami po ay mahirap lamang," ang naisagot ni Manuel. "Subalit ngayon po ay Pasko, ibig ko po sanang umuwi sa bayan upang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status