Hindi dalawin ng antok si Francisco. Balisa siya. Minabuti niya na pumasok sa kanyang gabinete. Gusto niyang malibang at maiwaksi ang malungkot na pangyayaring naganap sa buong magdamag.
Pumasok ang utusan at ipinababatid sa binata ang pagdating ng isang tagabukid. "Patuluyin mo," ang sagot ni Francisco na hindi man lamang lumingon. Tumuloy si Claudio at nanatili sa pagkakatayong di umimik. Parang nagulat si Francisco nang mapansin si Claudio. "Ipagpaumanhin po ninyong pinaghihintay ko kayo. Mayroon po akong mahalagang ginagawang pagsubok."
"Hindi ko po sana gustong kayo'y gambalain," sagot ng piloto. "Ngunit nagsadya po ako rito, una baka may ipagbibilin kayo sa lalawigan ng Batangas pagkat pupunta ako roon at ang pangalawa ay ipaalam ko sa inyo ang isang masamang balita." Tinitigan siya ni Francisco. "Si Felicidad po ay may sakit." "Anong sakit niya?" "Nilalagnat po, pero huwag kayong mabahala, hindi po naman malubha ang kanyang sakit."
"Maraming s
Naghahari ang kalungkutan sa bahay ni Gobernador Gregorio dahil sa pagkakasakit ni Felicidad. Nakapinid ang mga durungawan, nakatiyad kung lumakad ang mga tao at sa kusina lamang maaaring makapag-usap nang malakas.Si Gobernador Gregorio at Tiya Flora ay nag-uusap. Ang paksa ng kanilang usapan ay tungkol sa Krus ng Tunasan at sa Krus ng Matahong at kung ano ang mas mapaghimala. Ang Krus ng Tunasan ay lumalaki datapwat ang Krus ng Matahong ay nagpapawis. Ang lahat ay nagpapawis at kaya mas mainam ang lumalaki, ang dahilan ni Tiya Flora.Tumango-tango si Gobernador Gregorio pero hindi kumbinsido sa sinabi ng pinsan. Tanong ni Gobernador Gregorio, "Nakakita ka ba ng kahoy na ginawa ng paa ng bangko na nagpawis. Kaya nga mabuti siguro para sa madaling paggaling ni Felicidad ay maglimos tayo sa dalawang krus at baka mag hinanakit pa sa kanila ang isa." Bigla siya ang may naalaala dapat nga palang iayos ang silid ng dalaga sapagkat darating ang manggagamot at may kasam
Walang pinansing sinuman si Padre Ignacio. Siya ay tuloy-tuloy na pumasok sa silid ni Felicidad. Nilapitan niya ang may sakit na dalaga. Halos maiyak si Padre Ignacio, basag ang tinig niya. "F-Felicidad, anak ko! Hindi ka mamamatay."Marahang iminulat ni Felicidad ang mga mata. Tiningnan nito si Padre Ignacio ng may pagtataka. Lalong tumingkad ang lungkot at kaba sa mukha ng Franciscano. Gayon man ang mga taong naroroon ay naging saksi sa tagpong iyon. Kilala nila ang katigasan ng damdamin ng paring ito. Alam nila ang pagkawalang-puso nito. Ngunit ngayon ay nangingilid ang luha sa mga mata. Sa wari'y hindi matagalan ang tinitimping damdamin at tumalikod si Padre Ignacio. Doon niya ibinukas ang lahat ng kanyang sama ng loob. Siya ay napaiyak. Lubhang napamahal sa kanya ang kanyang inaanak, iyon ang naisip na dahilan ng lahat.Nang medyo nahimasmasan na ang kanyang loob ay magalang na lumapit sa kanya si Doña Beatrice. Gusto niyang ipakilala si Lucas. Tiningnan ni
Nangumpisal si Felicidad. Ngunit hindi yata nakabuti ang ginawa niyang pangungumpisal dahila ang talaga ay mukhang nabinat. Lumulubha ang sakit ng dalaga at sa gitna ng kanyang pagkahibang ay wala siyang nasasambit kung hindi ang pangalan ng kanyang ina bagamat hindi niya ito nakilala. Naroon at nakabantay sa kanya ang kanyang mga kaibigang babae, ang kanyang ama at si Tiya Flora. Si Gobernador Gregorio ay nakahandang magpamisa at maglimos sa mga napaghimalang santo. Nangako rin itong mag-aalay ng isang bastong ginto sa Birhen sa Antipolo. Ang lagnat ng dalaga ay unti-unti nang bumaba.Samantala si William de España ay namangha sa bisa ng jarabe de altea at ng dinalisay na liquen. Sa isang di ako si Doña Beatrice ay nasisiyahang labis sa asawa.Kaya nang matapakan nito ang kola ng kanyang bata ay di niya hinablot ang pustisong ngipin. Nagkasya na lamang siya ng pagsasabing: "Palibhasa'y pilay ka!"Si Gobernador Gregorio at ang pamilya ni Do&n
Ang liwanag ng buwan ay malamlam. Masisinsin at mayayabong ang sanga ng mga punong kahoy. Ngunit may isang lalaki na banayad at mahinahong lumalakad sa kagubatan. Sa kabila ng maraming sagabal ay nakarating din siya sa isang maliit na puwang na naliliwanagan ng buwan na noon ay bago pa lamang lumalaki. Dito ay may matatayog na batong buhay na sa tuktok ay tinutubuan ng mga kahoy ang nakapaligid sa naturang pook.Sa wakas dumating din ang naturang lalaki. Biglang lumitaw ang isang lalaki buhat sa likod ng isang malaking batong buhay. Sabay hugot sa rebolber. "Sino ka?" Ang marahas na tanong ng lalaking nagkakasa ng sandatang hawak-hawak. "Kasamahan ba ninyo ang si Kapitan Pablo?" Ang tanong ng lalaki na di pinansin at ikinatakot ang gayong pagsino. "Si Kapitan Pablo ba ang iyong tinutukoy? Oo narito siya." "Maaari po bang pakisabi sa kanya na hinahanap siya ni Claudio," ang sabi ng lalaki, ang mahiwagang piloto."Kayo po ba si Claudio?" ang my paggalang na tanong
Ang araw ng Linggo ay pangilin. Ang mga tao ay karaniwang nagsasadya sa sabungan sa Pilipinas. Samantalang sa España ay nagsasadya naman sa palaro ng mga toro. Ang larong sabong ay may isandaang taon na ngayong dinala sa lupaing ito. Ito'y pinaunlad upang pagkakitaan. Ito ay isa sa masamang hilig ng bayan na lalong masidhi kaysa paghitit ng apyan ng mga Intsik. Ang paglalaro ng sabong ay hindi naman ipinagbawal ng pamahalaan ngunit sila ay pinagbilinan na magsadya sa sabungan upang hanapin ang ilang kakilala.Ang sabungan sa San Lorenzo ay walang iniwan sa mga sabungang nasa ibang bayan. Ito ay nahahati sa tatlong bahagi. Ang una ay ang pasukan. Ito ay may laki o sukat na dalawampung metro ang luwang. Sa isang panig nito ay may isang pinto at may isang babaeng naniningil sa pasukan. Ang isang bahagi ng pinagtipunan ng madla bago magtuloy sa pagdarausan ng sultada ay kilala sa tawag na ulutan. Dito ay makikita ang manok na tinali. Sa kabilang dako ang mga tahur, ang mga
Habang inilalaban ni Gobernador Gregorio ang kanyang lasak, si Doña Beatrice naman ay namamasyal sa bayan na ang layunin ay masdan kung paano namamahay at nagsasaka ang mga tamad na Indio. Panay ang pintas ni Doña Beatrice sa mga bahay ng mga Indio. "Hindi ko malaman kung paano sila nabubuhay dito? Kailangan ngang maging Indio. Mga walang pinag-aralan at mapagmalaki pa. Biruin mo nakakasalubong natin ay di man lamang nagpupugay." Iniutos ni Doña Beatrice sa asawa na paluin ang mga ito ng sumbrero at turuan ng urbanidad. Ngunit baka daw siya ay gantihan. Nagalit si Doña Beatrice sa asawa.Dumaan sila sa harap ng bahay ng alperes. Noon ay nakadungaw sa bintana si Doña Evelyn. Tulad ng kanyang nakagawian, siya'y nakapranela at nakatabako. Dahil mababa ang bahay kaya't nagkatinginan kaagad ang dalawang babae. Tinignan ni Doña Beatrice mula sa ulo hanggang sa paa si Doña Evelyn at matapos ngusuan ay dumura at lumingon sa kabila. Hin
Katulad ng sinabi ni Lucas, si Francisco ay dumating kinabukasan. Una niyang dinalaw ay ang tahanan ni Gobernador Gregorio upang kanyang makita si Felicidad at maibalita na hindi na siya excomunicado. Lubhang ikinagalak ni Tiya Flora ang balita sapagkat sadyang kinagigiliwan niya si Francisco at ayaw niya na makasal si Felicidad kay Lucas. Si Gobernador Gregorio ay wala noon sa bahay. Pinatuloy ni Tiya Flora si Francisco Alonzo at tinawag niya si Felicidad para ibalita nito na si Francisco ay hindi na excomunicado.Subalit si Francisco ay nagulat sa kanyang nakita. Noo'y nakita niya si Lucas na kalapit ni Felicidad sa balkon at nag-aayos ng punpon ng mga bulaklak at dahon ng mga baging samantalang sa lapag ay nagkalat ang mga rosas at sampaga. Si Felicidad ay namutla. Ito ay napasandig sa silyon at nilaro ang isang abanikong garing.Pagkakita ni Lucas kay Francisco ay namutla ito at pinamulaan naman ng pisngi si Felicidad. Gusto sanang tumayo ng dalaga ngunit dahil sa
Hindi pa lumulubog ang araw, si Francisco ay sakay na sa bangka ni Claudio na nasa baybayin ng lawa. Medyo ang binata ay di yata nasisiyahan."Ipagpaumanhin po ninyo ang aking kapangahasan na makipagtipan sa inyo. Ninais ko po kayong makausap ng sarilinan. Dito ay walang gagambala sa atin sa loob ng isang oras tayo ay makakabalik na.""Namamali kayo, kaibigang Claudio," ang sagot ni Francisco. "Kailangan ninyo akong maihatid sa bayang iyan na ang kampanaryo'y ating natatanaw dito. Sapagkat nakatagpo ko ang alperes na nagpupumilit na sumama sa akin. Dahil sa nalalaman ko na kayo ay kilala na niya kaya sinabi ko na ako ay pumunta sa ibang bayan.""Nagpapasalamat po ako sa inyong pag-aalala, subalit sana ay inyo na siyang inanyayahan na kayo'y samahan," ang tugon ni Claudio. "Pero paano kayo?" "Ako po'y hindi niya makikilala. Sapagkat sa minsang pagkakita sa akin ay di niya matatandaan ang aking pagmumukha.""Ano po ba ang sasabihin ninyo sa akin?" Tum