Share

Kabanata XL: Ang Karapatan at Ang Lakas

Noon ay mag-iikasampu na ng gabi. Ngunit meron pa rin ang manaka-nakang putok ng kuwitis. Sa kaitaasan ay makikita ang mga lobong papel na may maningning na kulay. Ito ang pinataas sa pamamagitan ng asoge. Subalit ang mga ilaw ay nasindihan. Mga pailaw na may sarisaring hugis at laki. Ito ay may hugis gulong ng sasakyan, may hugis ng bahay may parang kalabaw, may parang kastilyo at may parang malalaking bituin at araw. Talaga namang naglustay ng salapi ang San Lorenzo. 

Matapos ang putukan. Humugos ang mga tao sa liwasan upang dumalo sa pagtatanghal ng dula. Dito ay may sinususuhang luses de Bengala. Ito ang nagbibigay ng isang kagila-gilalas na kariktan sa masasayang grupo ng mga tao.

Malaki ang entablado, nagliliwanag gawa ng libu-libong mga ilaw na nakapaligid at buhay na nakasabit sa bubong at nakaungos sa lupa. Ang orchestra ay nasa harap ng entablado. Na paminsan-minsang nagpaparinig ng mga simulang tugtugin. Sa likod naman nito'y nakaupo ang mga mayayaman

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status