Tatlo ang misang karaniwang iniaalay sa mga kaluluwa ng mga yumao. Mag-iikapito ng umaga nang si Padre Pedro ay makatapos ng kanyanv huling misa. Kapansin-pansin ang kanyang pananamlay.
"Ang kura ay maysakit," ang puna ng mga manang. "Siya'y walang sigla di-tulad ng dati."
Naghubad siya ng kanyang damit pangmisa nang walang imik. Lumabas ng sakristiya at saka umakyat sa kumbento. Naraan niya bago umakyat ng kumbento ang pito o walang babae at isang lalaki na nangakupo sa bangko. Ang mga manang at manong na ito ay naghihintay sa kanya para humalik ngunit hindi niya pinansin.
May mahalagang sadya ang mga taong naghihintay na ito sa kanya. Gusto nilang ipaalam kay Padre Pedro kung sino ang nais nilang magsermon sa araw ng kapistahan ng San Lorenzo. Tatlo ang pinagpipilian nila: Sina Padre Ignacio, Padre Victor o si Padre Pedro.
Nagpaparamihan sila ng mga nakamit na indulgencia. Nagpapaligsahan kung sino ang may mabisang paraan para makamit ito. Para sa
Si Francisco at ang guro ay nasa ibabaw ng isang talampas sa lawa nang sila ay magkita at mapag-usapan ang mga problema ng isang guro sa bayan ng San Lorenzo."Diyan po sa lawang iyan itinapon ang bangkay ng inyong ama na inanod ng tubig sa lakas ng ulan! Kami ni Tenyente Angeles ay dinala rito ng sepulturero.""Marami pong salamat," kinamayan ni Francisco ang guro."Wala po kayong dapat ipasalamat sa akin," sabi ng guro. "Ang nagawa ko lamang po ay makipaglibing samantalang napakalaki ng utang na loob ko sa inyonv ama," dugtong pa ng guro."Napakabait po ng inyong ama, napakalaki ng naitulong niya para sa ikasusulong ng edukasyon. Bukod sa mga gamit sa paaralan, binibigyan pa niya ng pera ang mahihirap na mag-aaral.Nag-alis ng sambalilo si Francisco, bahagyang tumingala sa pormang nagdarasal. "Sabi po ninyo tumutulong ang aking ama sa mga mag aaral ngayon po paano na ang mga bata?""Ginagawa po ng mga bata ang kanilang ma
Ang mga may kapangyarihan sa bayan at nayon ay nagkatipun tipon sa bulwagang pulungan ng tribunal. Mahaba at maluwang ang pulungan. May mga larawang nakasabit sa dingding. Ang bulwagan ay nakadekorasyon ang larawan ng Hari ng España na nakasabit sa pader. Sa ilalim ng larawan naroon ang isang upuang parang trono ng hari. Sa harap ng naturang upuan ay may isang mahabang mesa na sa magkabilang panig nakahanay ang mga upuan at bangko. Sa paligid ng hapag ay nakaupo na at nag uusap usap ang mga miyembro ng dalawang partido ng bayan. Ang dalawang partidong ito sa anumang pagpupulong ay hindi na nagkasundo. Ang partido Conservado na binubuo ng mga matatanda, at ang partido Liberal na kinabibilangan ng mga kabataan. Dahil sa kalakarang iyon, syempre magkahiwalay ang dalawang grupo maging sa pag-uusap. "Nakapagdududa at nakakawala ng tiwala ang ikinikilos ng kapitan" sabi ni Don Vito sa kanyang mga kaibigan, si Don Vito ang tenyente mayor at leader ng lapiang Liberal. "Tila gusto ng
Nang malaman ni Catalina mula sa kusinero ng kura na wala si Miguel sa kumbento agad-agad na umalis siya. Patakbo siyang umuwi, gulo ang isip at hindi alam kung ano ang gagawin upang mailigtas ang kanyang mga anak.Kinausap niya ang sarili, "Hinuli na kaya si Manuel? Nasaan ang kaawaawa kong si Miguel?"Sa hindi kalayuan, natanaw ni Catalina ang mga guwardiya sibil na tila galing na sa kanyang bahay, hindi kasama ang ainuman sa kanyang dalawang anak."O, kay buti nila!" naibulong ni Catalina sa sarili. Alam ni Catalina kung gaano kabagsik at kawalang-puso ang guwardiya sibil. Hindi iginagalang ng mga iyon ang mga mayayaman, sila pa kayang pulubi? Bumalik ang kanyang tiwala sa mga ito, sinalubong niya, bakit hindi yata siya pinansin at tila hindi siya nakita.Ngunit hindi pa siya naka lalayo ay narinig niya ang tinatawag siya. Hindi niya pinansin kunwari wala siyang narinig. Muli siyang tinanong at may kasama nang pagmumura."Wag kang ma
Tatlong araw ang lumipas, tatlong araw at tatlong gabing iniukol ng San Lorenzo sa paghahanda sa nalalapit na kapistahan ng bayan.Samantalang kinapansinan naman si Padre Pedro ng pagbabago sa mga inuugali nito na kanilang labis na pinagtatakhan. Sabi nga ng kanyang mga kinukumpisal, "Ang pari ay madalas natitigilan kapag nagmimisa, di na nakikipagkuwentuhan sa kanila pagkatapos ng misa di tulad nang dati at siya ay nangangayayat at tila namamanglaw." Pero ang lalong nag palala sa sabi-sabi ng mga tao ay ang kapansin-pansin na pagliliwanag ng kumbento sa mga gabing si Padre Pedro ay dumadalaw sa bahay nila Felicidad.Lalong lumala ang alingasngas ng kaguluhan nang dumating si Francisco pagkaraan ng ikatlong araw mula sa kabisera ng lalawigan. Ang binata ay lulan ng isang karwaheng tumigil sa tapat ng bahay ng kanyang kasintahan. Nagkita at nagbatian sina Francisco at Padre Pedro na noon ay patungo rin sa tahanan ng dalaga.Ilang sandali pa ay nag-uusap na ang ma
Maagang-maaga pa ay naglalakad na patungo sa lawa ang grupo ng mga kadalagahan kasama ang kani-kanilang ina at tiyuhin. Sinusundan sila ng ilang katulong na mga babae rin na may dalang pagkain, pinggan at iba pang kagamitan. Masasaya silang naghaharutan at nagtatawanan. "Hoy magsitigil nga kayo! Baka nabubulabog ninyo ang mga natutulog pa." Saway ni Tiya Flora. "Noong panahon namin hindi ganyan ka ingay ang mga dalaga." "Kasi'y hindi kayo gumigising ng kasing aga namin at hindi rin palatulog ang mga matatanda ngayon di tulad noon," sagot naman ni Luningning. Hindi nagtagal ay kusa silang tumahimik sapagkat natanaw nilang dumarating ang pangkat ng kabinataan, na ang isa ay tumutugtog pa ng gitara. "Parang gitara ng namamalimos," hindi nakapagpigil ang sadyang pilyang si Luningning. Tumahimik at pormal ang mga dalaga nang kaharap na nila ang mga binata. Binati sila ng mga binata at nagbigay-galang sa mga ina. "Huwag po kayong mag-a
Maagang-maaga nakapag misa noon si Padre Pedro. Pagkatapos ng misa, binasa ang ilang sulat na dinatnan sa kumbento. Pero nang matapos mabasa ang sulat tila nawalan ng gana. Ni hindi napag-ukulang inumin ang nakahandang tsokolate hanggang tuluyang lumamig.Hindi mapakali, nagpalakad-lakad sa maluwag na bulwagan na waring nag iisip ng malalim habang hawak ang nilamukos na sulat.Sa di kawasa'y ipinahanda ang kanyang karwahe. Sumakay at pinag-utos sa kanyang kutsero na ihatid siya sa gubat na pinagdadausan ng piknik. Pagdating ni Padre Pedro sa lugar na hindi kayang pasukin ng karwahe ay inutos na lamang sa kanyang kutsero na ibalik ang kanyang sinasakyan at siya'y maglalakad na lamang.Malayu-layo na rin ang nalakad no Padre Pedro sa looh ng madilim at mabaging na gubat nang makarinig siya ng masayang halakhakan ng mga kababaihan na nagmula sa dakong batis."Kung makakatagpo ako ng pugad ng gansa. . ." anang isang kaakit-akit at matamis na tinig
Kinabukasan pagkatapos ng papiknik ni Francisco, pinasyalan niya ang kanyang lupain at nagtuloy sa bahay ni Don Julio. Dahil sa walang makitang tao, tuloy-tuloy na pumanhik sa bahay. Napansin niyang abalang-abala ang Don kaya nagpasya ng umalis, ngunit noon naman siya napuna ng matanda. "Aba! Nariyan pala kayo," sabi ng matanda. "Aalis na nga sana ako, dahil napuna kong masyado kayong abala," ang sabi ni Francisco. "Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo? May konti lang akong isinusulat, ihihinto ko na nga sana at makapag pahinga," sabi ng matanda. "Mayroon po sana akong isasangguni sa inyo," sinasabi ni Francisco habang tinitingnan ang isinusulat ni Don Julio. "Ano po itong isinusulat ninyo?" "Ito'y isang jeroglifico." KAALAMAN TIME! Ang jeroglifico ay isang uri ng pagsulat na pasagisag ang paglalarawan ng mga bagay upang hindi agad
Ika-10 ng Nobyembre ang bisperas ng pista ng bayang San Lorenzo sa lahat ng dako, makikita ang pagiging abala ng lahat sa napipintong kasayahan. Sa bukid, sa simbahan, sa mga lansangan ay naghahari ang isang di pangkaraniwang kasayahan. Ang mga bintana ng bawat bahay ay na dedekorasyonan ng makukulay na mga banderang tela. Walang tigil ang putok ng mga kuwitis at tugtog ng banda ng musiko na nagpaparoo't parito.Higit na kapansin-pansin ang namumukod-tangi ng paghahanda sa bahay ng mga mayayaman. Ang mga dalaga ng tahanan ay abalang abala sa pag aayos ng hapagkainan na punong puno ng mga minatamis na bungang kahoy na nakasilid sa mga lalagyan ng kristal. Ang mga katulong ay akyat manaog na may dalang mga mamahaling plato, tasa, baso at mga kubyertos na pilak. Samantalang, namamayani ang matinis na halakhakan at tawanan sa iba't ibang panig ng kabahayan.Ang masiglang paghahanda ay para sa lahat ng darating na panauhin. Sa mga kababayan, sa mga dayuhan, sa mga mah