Ika-10 ng Nobyembre ang bisperas ng pista ng bayang San Lorenzo sa lahat ng dako, makikita ang pagiging abala ng lahat sa napipintong kasayahan. Sa bukid, sa simbahan, sa mga lansangan ay naghahari ang isang di pangkaraniwang kasayahan. Ang mga bintana ng bawat bahay ay na dedekorasyonan ng makukulay na mga banderang tela. Walang tigil ang putok ng mga kuwitis at tugtog ng banda ng musiko na nagpaparoo't parito.
Higit na kapansin-pansin ang namumukod-tangi ng paghahanda sa bahay ng mga mayayaman. Ang mga dalaga ng tahanan ay abalang abala sa pag aayos ng hapagkainan na punong puno ng mga minatamis na bungang kahoy na nakasilid sa mga lalagyan ng kristal. Ang mga katulong ay akyat manaog na may dalang mga mamahaling plato, tasa, baso at mga kubyertos na pilak. Samantalang, namamayani ang matinis na halakhakan at tawanan sa iba't ibang panig ng kabahayan.
Ang masiglang paghahanda ay para sa lahat ng darating na panauhin. Sa mga kababayan, sa mga dayuhan, sa mga mah
Dumating sina Felicidad at Tiya Flora sa kanilang bahay dala nila ang napakaraming kahon ng pagkain, sari-saring inuming nakakalasing na buhat pa sa Europa, mga naglalakihang salamin, mga kuwadro at isang piyano. Isang napakalaking handaang isinasagawa sa bahay ni Gobernador Gregorio.Nakarating na rin si Gobernador Gregorio, may pasalubong siyang isang relikaryong ginto kay Felicidad. Ito ay napapalamutian ng brilyante at esmeralda.Si Francisco ay pinapurihan sa isa sa pinakasikat na dyaryo. Ang katangi-tanging Pilipinong-Kastila!Ang dakilang pilantropo! Ang henyo! at mayamang negosyante! Ang hindi maaaring tularan! Ang namumukod tanging binata! at marami pang iba.Nagkita sina Gobernador Gregorio at Francisco. Kanilang napag-usapan ang tungkol sa paaralan na ipinatayo ni Francisco. Iminungkahi ni Gobernador Gregorio, "Para sa akin, napakaganda at napakabanal kung tatawagin ninyong Paaralan ni San Francisco ang inyong proyekto. Hindi maganda kung tatawagin lam
Cada uno habla de la Feria como le va en ella. KAALAMAN TIME!Ang Cada uno habla de la Feria como le va en ella ay may nagsasabing ang bawat dumalo sa pista ay nagbabalita nang ayon sa kanyang kapakanan. ----------Ang alin mang bayan o lugar sa Pilipinas ay nagdiriwang ng kanilang kapistahan sa loob ng tatlong araw tulad ng bayan sa San Lorenzo. Ang karangyaan ng pagdiriwang ng San Lorenzo ay napalathala sa isang sikat na diyaryong Kastila sa buong San Lorenzo. Humigit kumulang narito ang buod ng lathalain ng unang dalawang oras na kapistahan.Maituturing na isang tagumpay ang pagdaraos ng kapistahan ng San Lorenzo sa pamamahala ng mga paring Franciscano. Ang pista ay walang makatulad sa karingalan at kaningningan.Di mabilang ang dami ng mga nagsidalo
Madaling araw pa lamang ay binulahaw na ang mga mamamayan ng tugtog ng mga musiko sa lansangan. Ngayon ang ikatlo at huling araw ng kapistahan. Ang mga tao ay nagsimula nang magbihis ng mga magagara nilang mga damit, maliban kay Don Julio na hindi nagbago ng pananamit. Iyon pa rin ang kanyang suot, ang ordinaryong damit, lumang sapatos at sombrero. Nagkita sina Don Vito, Tenyente Mayor at Don Julio. Binati ni Don Vito si Don Julio, "Mukhang higit kayong malungkot ngayon kaysa noong nakaraang araw. Ayaw ba ninyong magsaya kahit paminsan-minsan bagamat marami tayong dapat ikalungkot." Nangatuwiran ang pilosopo, "Ang pagsasaya ay hindi ang paggawa ng mga kabaliwan! Bakit dapat maglustay ng malaking halaga sa paghahanda taun-taon? Kayrami nang naghihikahos. Napakasamang tingnan ang nagpapakaluho samantalang ang iba ay naghihirap." Sumagot si Don Vito, "Ano ang magagawa ko sa kagustuhan ng Kura at ng Gobernador?" Mariing tumugon si Don Julio, "Magb
Hindi mahulugang-karayom ang loob ng simbahan dahil sa dami ng tao. Nagsisiksikan, nagtutulakan, naggigitgitan, nagkakatapakan ang kaunting lumalabas at maraming pumapasok na tao. Lalo na sa lugar ng agua bendita o sa benditadong tubig. Malayo pa ay nakaunat na ang mga bisig ng mga nagnanais na makasawsaw ang kamay sa kinaroroonan ng agua bendita, pero natatabig pa at napapalayo. Isang babaeng paangil nang sumigaw nang siya'y nayapakan at nasaktan pero patuloy ang pagtutulakan at halos walang pumansin sa kanya. Halos hindi makahinga sa loob ng simbahan. Napaka init at umaalingasaw ang iba't ibang amoy ng mga tao. Pero hindi pwedeng hindi marinig ang sermon sapagkat ito ay ginastusan ng ₱250. "Dalawang daan at limampung piso para sa isang sermon?" parang hindi makapaniwala si Don Julio. "Ano? Para sa isang sermon at para pakinggan ang isang tao! Sobra naman e, isipin mo ang halagang ito ay ikatlong bahagi lamang ng kabuuang halagang ibabayad sa mga komedyanteng magtat
Bilang pambungad binigkas ni Padre Ignacio ang sumusunod na salita mula sa Aklat ni Esdras; "At iginawad mo sa kanila ang iyong mahiwagang diwa para palaganapin mo sa kanila ang pangangaral at doon mo binawi ang salita ssa kanilang bibig at binigyan ng tubig upang mapawi ang kanilang uhaw."Hanga sina Padre Pedro at Padre Martin sa pambungad na sermon ni Padre Ignacio. Ang unang bahagi ng sermon ay Kastila at ang huli'y sa Tagalog.Ipinagpatuloy ni Padre Ignacio ang sermon, "Kagalang-galang na Alkalde, kabanal-banalang mga pari, mga Kristyano, mga kapatid kay Cristo." Sandaling tumigil at nang pansinin na ang kapaligiran ay nagpatuloy, itinuro ang pinto at dagliang isinara ng mga sakristan sa pag-aakalang iyon ang ipinahihiwatig ni Padre Ignacio.Ang alperes na nasa loob ng simbahan noon ay alumpihit, lalabas ba siya o hindi? Sa sermon ni Padre Ignacio ay inakala ng alperes na siya ang pinaparinggan.Nakaturo ang kamay ni Padre Ignacio sa kinaroroon
Isang lalaking may madilaw na kutis ang tumupad sa kanyang salita. Isang di pangkaraniwang makinarya o panghugos ang kanyang itinayo. Ito'y gagamitin sa pagbababa ng malaking tipak ng batong buhay bilang hudyat ng paglalagay ng unang bato sa ipinatatayong paaralan. Hindi karaniwang panghugos lamang na may kalo sa dulo ang ginawa ng taong ito tulad ng sinabi ng foreman na si Juan. Lumikha siya ng isang kahanga-hangang makinarya.Iyon ay may taas na higit sa walong metro. Sinusuportahan ito ng apat na malalaking troso na pinagkabit-kabit sa tuktok sa pamamagitan ng mga malalaking pako. Bawat gilid ng makinarya ay may malalaki at matitibay na kable o lubid. Sa dulo ng mga malalaking kable ay nakabitin ang malaki't napakabigat na batong buhay na may uka sa gitna upang siyang maging pang-ibabaw na isa pang may ukang bato na naihugos na sa hukay. Sa guwang na ito, ilalagay ang isang kahang kristal na paglalagyan ng mga kasulatan, ng mga pahayagan, mga medalya, salapi, ginto at iba
Hindi pa halos nakakapag bihis si Francisco ng lumapit ang kanyang utusan at sinabing may isang taong mukhang magbubukid na naghahanap sa kanya.Sa pagakala ni Francisco na ito ay kanyang manggagawa, kaya iniutos niyang pag hintayin ito sa kanyang aklatan at laboratoryo. Ngunit laking gulat niya pagkat kaharap niya ay ang mahiwagang si Claudio."Kayo ang nagligtas sa aking buhay," ang bati ni Claudio na parang nahuhulaan ang sasabihin ni Francisco. "Hindi pa ako nakakaganti ng utang na loob sa inyo." "Wala kayong dapat ipagpasalamat sa akin." "Pumunta ako rito para muling makiutang na loob." "Magsalita kayo," sagot ni Francisco na nagugulat dahil sa kapormalan ng anyo ng magbubukid."Sakaling mag-usig ang makapangyarihan, mangyari lamang na huwag babanggitin ang naibulong ko sa inyo sa simbahan.""Huwag kayong mabahala, bagamat alam kong kayo'y inuusig ngunit hindi ko kayo isusuplong," tugon ni Francisco."Tandaan po ninyo, hindi ito para sa
Nakabalik ka agad si Francisco sa pinagdausan ng pagbabasbas. Isang marangyang pananghalian ang inihanda para sa mga panauhin na kilalang mga tao sa lipunan. Naroon at nakaupo sa magkabilang dulo si Francisco at ang alkalde. Nasa gawing kanan ni Francisco si Felicidad at nasa gawing kaliwa naman ang eskribano. Naroon sa magkabilang hanay sina Gobernador Gregorio, alperes, ang kapitan, mga prayle, mga kawani at ilang mga kadalagahan. Masaya at masigla ang lahat. Noon ay nangangalahati na ang tanghalian ng biglang dumating ang mensahero na may dalang telegrama kay Gobernador Gregorio. Binasa ni Gobernador Gregorio ang telegrama. Sumiglang bigla si Gobernador Gregorio at may pagmamalaking sinabi: "Mga ginoo, ang kanyang kamahalan ang Kapitan Heneral ay darating at sa aking bahay tutuloy." Pagkasabi niyon ay nagmamadaling umalis si Gobernador Gregorio at naiwan tuloy ang kanyang sumbrero. Samantalang nagkakatinginan ang nga prayle na malinaw na ang ibig sabihin: "Isang p