Share

Is this Love? (Part 2)

Pagdating ng gabi. Simula na ng acquiantance party. Nasa backstage si Cassey, nanlalamig ang mga kamay at parang nanginginig ang mga kalamnan sa sobrang kaba.

"Napano ka?" tanong ni Arianey sa kanya.

"Kinakabahan ako. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ko kayang rumampa sa harap ng maraming tao" natatarantang sabi nito.

"Pero nakapagpractice naman tayo eh."

"Kahit na. Hindi ako mentally prepared"

Hinawakan ni Arianey ang kamay nito. "Relax ka lang. Magkasama tayong rarampa. Magkatabi din tayo ng bilang. Kung hindi ka confidence tignan mo lang ako lagi. Aalalayan kita."

Medyo kumalma si Cassey. Ano bang meron itong babaeng ito bakit ang bilis niya napapabago ang mood ko by just her words and siguro pati sa aura niya.

Dahil sa sinabi ni Arianey nagkaroon ng lakas ng loob si Cassey. Pero ng makatuntong na siya sa stage natigilan siya dahil sa dami ng tao. Hindi niya ineexpect na ganito karami ang manonood sa kanila. Bigla ay parang hindi niya maramdaman ang kanyang mga paa. Pero biglang may humawak sa kamay niya.

"I'm here" bulong ni Arianey sa kanya. Magkahawak ang kamay nila na rumampa sa stage. Kumalma ang isip ni Cassey pero hindi ang kanyang puso. Ang lakas ng tibok ng puso niya.

Pagkatapos ng rampa ay lumapit si Anthony sa kay Cassey. Inabutan niya ito ng tubig.

"Ayos hah. Nakarampa ka na nakahanap ka pa ng lovelife" pang-aasar nito sa kanya.

"sshhhh." sabay tapik nito ng balikat niya "baka marinig ka niya. Hindi ko siya lovelife no. Naging magkakilala lang kami dahil dito sa pagmomodel na to"

"Atleast. Aminin mo, crush mo siya no."

"Hindi hah"

"Ui boyfriend mo?" pagpansin ni Arianey sa kanila ng makitang magkasama sila.

Sasabihin sana ni Cassey na hindi pero mabilis siyang inakbayan ni Anthony. "Hindi pa. Nililigawan ko palang siya. Pero ayaw niya akong sagutin eh. Bakit kaya?" nang-aasar na sabi nito.

Tumingin ng masama si Cassey sa kanya pero wala siyang pakealam.

"Konting tiyaga lang kuya. Sige Cassey mauna na ako. By the way, alam niyo ba kung nasaan si Mark Ivan ngayon?"

"Kasama niya sina Nathan kanina bakit mo tinatanong?"

"Wala naman. I just want to talk to him."

Pagkaalis ni Arianey mabilis na siniko ni Cassey ang kaibigan. "Para kang baliw. Bakit mo sinabi yun sa kanya"

"Akala ko ba hindi mo siya crush? Edi okay lang yun" nakakaasar ang ngiti nito. Parang gusto niya tuloy tadyakan ito.

"Nagliligawan na pala kayo hindi niyo man lang ako ininform" sabi ni Daniella na nasa likod na nila. Halata sa mga mata nito na nasaktan siya sa narinig niya kanina.

Nagtinginan sina Anthony at Cassey. "No Dani." sabay na tanggi ng dalawa. Bago pa sila makapagpaliwanag ay umalis na si Daniella.

"Kasalanan mo to eh" naiinis na sabi ni Cassey. Napansin nito na hindi pa kumikilos si Anthony.

Wala ba siyang gagawin? Ang torpe talaga!

"Ano na? Hindi mo siya susundan? Baka gusto mo ako pa ang sumunod sa kanya para sayo? Tapos ako na din ang magsabi sa kanya na may gusto ka sa kanya"

"Pero hindi ko alam kung tama ba na umamin ako. What if hindi naman talaga niya ako gusto?"

"Pasapak nga ng isa sayo. Bwiset ka din eh no. Sige! Palagpasin mo yung pagkakataon na ito. Para sa susunod ang problemahin mo na kung paano pa siya mababawi sa iba"

Bahagyang nag-isip si Anthony pagkatapos ay nagdecide siyang sundan si Daniella.

****

Pinipigilan ni Daniella na bumagsak ang mga luha niya ng maramdaman niyang may kamay na humawak sa kamay niya. Alam niyang si Anthony yun dahil everytime na hinahawakan siya nito ay napakagentle ng hawak niya.

"Baka naman magselos si Cassey niyan"

"Walang magseselos dahil hindi ko naman talaga siya nililigawan. Magugunaw muna ang mundo bago ko siya magustuhan"

"Wag mo ng ideny" naiinis na sabi nito. "Matagal ko ng napapansin na iba yung treatment niyo sa isa't isa. Matagal ko ng napapansin na may gusto ka sa kanya"

"Ang taas ng imagination mo hah. Paano kami magkakagustuhan ni Cassandra kung pareho kaming nagkakagusto sa babae?" natatawang sagot nito.

Pakiramdam ni Daniella ay nabingi siya dahil sa sinabi nito. "Pakiulit nga ng sinabi mo?"

"Isn't obvious? Lesbian si Cassey. Kaya hindi kami magkakagustuhan. Sinabi ko kanina kay Arianey na nililigawan ko siya kase feeling ko crush niya yung Arianey na yun."

"Les si Cassey?" bahagyang napaisip si Daniella.

Hindi yun ang gusto kong i-point.

"Wait. Bago na naman malayo yung imagination mo. Sasabihin ko na. Hindi nagkagusto si Cassey sayo hah. Baka mag-assume ka bigla"

"Wala akong iniisip na ganiyan hah" bakit ba nakakainis kausap itong taong ito.

"Pero ako pwede mong i-assume. Kase may gusto talaga ko sayo"

Again, natigilan si Daniella sa narinig siya. "Pakiulit nga ulit?"

"Naglinis ka ba ng tenga mo? Kanina mo pa ko hindi naririnig?"

"Paano ba naman sinusuprise mo ko lagi sa mga sinasabi mo. Kanina yung about kay Cassey ngayon naman sinasabi mo na......" nahihiya siyang ituloy ang sasabihin.

"Oo gusto kita. Matagal na kitang mahal. Mga bata palang tayo. Alam din ni Cassey yung feelings ko para sayo at ilang beses na niya ko pinagtutulakan na umamin pero wala akong lakas ng loob. Madami kase ako what if. What if hindi mo naman talaga ako gusto at hanggang kaibigan lang ang kaya mong ibigay saken? What if hindi naman kita deserve? What if hindi ito magwork at masira lang yung friendship naten." bumuntong hininga si Anthony bago ituloy. "Pero natatakot din ako na baka may ibang lumapit o makapansin sayo. May ibang magkagusto sayo at hindi na kita makuha dun sa tao na yun. Gusto ko akin ka lang. Gusto ko ako nalang mahalin mo. Sabihin mo Daniella. Affected ka kanina ng akala mo nililigawan ko si Cassey. Ibig sabihin gusto mo din ako diba?"

"Sira ka pala eh!" sabay batok nito kay Anthony. "Hindi pa ba halata na gusto kita? Ikaw kaya yung puro pa-friendzone saken"

"Sorry na. Naduwag ako dati eh. Kaya nga ngayon nilakasan ko na ang loob ko. Can you be my girlfriend?" seryosong tanong nito habang nakahawak sa kamay ni Daniella.

"Of course. Ang tagal ko kayang hinintay na itanong mo saken yan" sabay yakap nito kay Anthony.

......

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status