"Ang tataas ng mga scores mo nitong mga nakaraang araw Sky. You are doing great" complement ni Zidane sa kanya. Sabay hawak nito sa ulo niya.
Napangiti si Sky sa sinabi nito. "Gusto ko kase maging mataas ang grades ko ngayong semester na ito."
"Okay yan kung ganon."
"Saka okay naman pala ang psychology"
"Anong ibig mong sabihin sa okay lang naman pala ang psychology? Hindi mo ba siya pinili dahil sa gusto siya?" umiling si Sky. "Then, why did you choose this course?"
"Nag-aalala kase ako kay Nathan. Gusto niya kase ang psychology kase naniniwala siya na sa course na ito niya makikilala ulit ang sarili niya. Hindi ko alam kung makakatulong ito sa kanya pero dahil yun ang gusto niya sinamahan ko na siya. Wala din naman akong goal after maggraduate. Diko alam kung ano ang kukunin ko kaya sinamahan ko nalang siya"
"Lahat nalang ba ng gagawin mo dahil kay Nathan?" napansin ni Skyler na nagbago ang expression nito.
Wala ba siyang ibang buhay bukod dun sa Nathan.. Nathan.. Nathan.. Buong buhay nalang niya tumatakbo sa taong yun.
"Syempre magkaibigan kami" napangiti ito ng maalala ang kaibigan. Natutuwa siya sa iba't ibang side ni Nathan. Kapag takot siya o nahihiya kase maraming tao sa isang lugar. Minsan nag-aact din siya na parang matured at madala siya sermonan. Pero hindi din siya takot ipakita ang mga weakness niya kay Skyler.
"Pero hindi mo ba narerealize na minsan nagiging sobra na. Kaibigan pa ba ang tingin mo sa kanya?"
"hah? Oo naman" inoobserbahan niya ang reaksyon ng kanyang teacher. "Kung ang sinasabi mo ay may gusto ko sa kanya. Imposible yun. Ayoko ng makigulo sa love story niya. Huwag kang makulit. Ilang beses ko ng sinasabi sayo na hindi ko siya gusto sa ganiyang way. Yuck yan"
"Pero siya pa rin yung reason bakit gusto mong magpsychology"
"Oo pero ikaw naman ang reason kung bakit ako nag-aaral ng maayos ngayon" natigilan si Skyler sa kanyang sinabi. Minsan talaga pahamak ang bibig niya.
Nagtaas ng kilay Si Zidane. "Bakit ako naging reason ng pag-aaral mo ng maayos?"
"Ano kase. Gusto ko patunayan sayo na magaling din ako. Kaya dapat bigyan mo ko ng reward kapag wala akong mas mababang grade sa 1.5"
Bahagyang nag-isip si Zidane. "Okay. Basta walang bababa sa 1.5"
"Promise yan?"
"Promise. Saka tutal sinabi mo na ako yung dahilan kung bakit nag-aaral ka ng mabuti. At least hindi ka puro Nathan"
***
Day before the acquiantance. Busy na ang mga estudyante dahil sa kanya-kanya nilang preparation.
Naassign si Jaspher sa pagpipintura ng mga ilang decoration na gagawin nila sa stage. Katulong niya si Archie. Natuon ang atensyon ni Archie kay Jaspher ng marinig nito ang kanyang buntong-hininga.
"Hindi ka naman masyadong problemado no" natatawang sabi nito. Palaging kalmado si Jaspher kaya nakakapagtaka na parang problemado siya ngayon.
Bahagyang tawa lang ang response ni Jaspher. Naisip ni Archie baka hindi ito kumportable na mag-open sa kanya kaya hindi nalang siya nagtanong pa ulit.
"Archie, Kumusta na kayo ni Nikko?" si Jaspher ang nagtanong bigla.
Wait! Tama ba na itinanong ko yun? Grabe. Nakakahiya ako. Baka kung ano ang isipin niya.
Medyo nagulat si Archie sa tanong nito. Napasulyap tuloy ito sa boyfriend niya na kasama si Nathan nagdidikit ng mga letters sa stage.
"Okay naman kami? Bakit mo biglang naitanong?"
"Paano ka nakasiguro na love mo siya? Hindi ba marami kang niligawan dati?" hindi pa din siya makapaniwala na yung kaklase nilang babaero biglang magcoconfess sa isang lalake at boyfriend na niya ngayon.
"Matagal na akong inlove kay Nikko. Pero matagal ko ding hindi pinakinggan ang puso ko. Magkaibigan kase kami at ayokong masira yun. Sinubukan ko din ituon yung love ko sa iba pero siya pa rin talaga" tumigil sa pagkukwento si Archie at inobserbahan ang reaksyon ni Jaspher. "Kung mahal mo ang isang tao tanggapin mo ng buo sa sarili mo. Hindi mo kailangang isipin ang sasabihin ng ibang tao."
"Paano ko ba malalaman kung mahal ko nga talaga ang isang tao?"
Natawa si Archie sa tanong nito. "Hindi ko alam. Magkakaiba kase tao ng way of love. Kaya magkakaiba din ang paraan naten para malaman kung mahal natin ang isang tao"
"Ano bang dapat kong gawin?"
"Huwag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao. Kung gusto mong makasiguro ka sa feelings mo. Alisin mo lahat ng what if mo. Kung wala ang what ifs na yun. Ano ba ang gusto mong gawin? Ano ba ang gusto mong mangyari?"
Natahimik si Jaspher. Kailangan kong alisin ang mga what if?
...
Chapter 38Dumating na din ang graduation. Napuno ng ingay ang buong school dahil sa excitement ng mga graduates pati na rin ng mga magulang."Gosh! I can't believe it. Graduate na din tayo" sigaw ni Daniella na yumakap sa boyfriend niya. Pero si Anthony tahimik lang. Napatingin ang lahat sa kan
Chapter 37Although hindi lahat. Karamihan sa mga kaklase nina Skyler ay natanggap na ang relasyon nila ni Zidane. Naging okay ang lahat sa loob ng classroom pero hindi sa buong school.Pagkalipas ng ilang araw ipinatawag si Zidane ng Director para i-transfer siya.
Chapter 36Pagkalipas ng ilang araw nakapasok na din ng school si Nathan. Kasabay niyang pumasok sina Skyler ngayon at si Alvin. Nasa bungad palang sila ng gate ng daanan sila ng isang classmate nila."Ibang klase ka din pala no Skyler" natatawang comment niya dito.
Bago umuwi galing ng ospital sina Zidane ay dumaan muna sila sa 7/11 store. "Mas mabuti pang magpahinga muna tayo dito para marelax ka. Stress ka kase kaninang papunta ng ospital. Buti nalang hindi ganon kaseryoso ang nangyari" inabutan niya ito ng juice."Oo nga eh. Nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong okay lang si Nathan."
Paulit-ulit nagfla-flashback sa utak ni Jenny ang aksidenteng nangyari kay Nathan. Paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili sa nangyari. Lumapit sa kanya si Jane."Sinisisi mong sarili mo tama? Hindi ka pa din talaga nagbabago" natatawang sabi nito. "Okay na ang anak mo. Nagrerecover nalang siya. Ilang oras lang magigising na din siya. Kaya wag mo ng masyado i-stress ang sarili mo."
Pagkalabas ng gate ni Jenny ay nasalubong niyang papasok sina Jaspher at Nathan sa bahay nina Jaspher."Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong nito sa anak niya."Ano bang sinasabi mo ma? Bahay ito ng boyfriend ko. Natural lang na pumunta ko dito. Ikaw? Anong ginagawa mo dito" may pagdududang