Share

Chapter 5

Auteur: Ajai_Kim
last update Dernière mise à jour: 2025-08-26 20:19:32

ISAAC'S POV

Pagkahatid ko kay Rebecca mula sa bahay nila ay kaagad kong pinuntahan ang kwarto ni Kuya Messiah.

I knock a several times bago niya ako pinagbuksan.

"What did you do earlier?" Nakatiim-bagang kong pambungad na tanong.

"What do you mean?" He asked na para bang hindi niya alam ang tinutukoy ko.

I laugh sarcastically.

"Bakit kanina e, hindi mo na iniiwasan si Rebecca? You even joined us in a pool tapos pagkabalik ko matapos ko kausapin si Dad ay halos magkatabi na kayo sa pool?" I gritted my teeth in anger.

Sinabi ko na kay Kuya Messiah na layuan niya si Rebecca dahil alam naman niyang pareho naming mahal ni Eli iyon. I don't know what's on his mind right now para gawin ang bagay na iyon. Hindi niya sinunod ang gusto namin ni Eli na layuan si Rebecca!

"Wala ka bang importanteng sasabihin? I'm tired and I need to rest." Bagot niyang sabi.

Akmang isasara na niya sana ang pintuan ng kwarto niya nang pinigilan ko ito at pumasok sa loob ng kwarto niya. He only sighed on what I did.

"Answer me, Kuya!" Tumaas na ang tono ng boses ko.

I'm mad right now especially when I saw him looking at Rebecca with a pure amusement on his face. I want to punch him because I'm so freaking jealous to him!

He just only look at me na mas lalong nagpagalit sa akin. Lumapit ako sa kanya at kwinelyuhan siya.

"Bakit hindi ka makasagot diyan? Are you starting to like Rebecca? Aagawin mo na ba siya sa akin?" Sigaw ko.

Natahimik siya ng ilang sandali sa sinabi ko bago niya ako sagutin.

"In the first place Isaac, you know that she likes me."

Natahimik ako sa sinabi niya habang nakatitig pa rin ng masama sa kanya.

"I know that you and Eli are so madly deeply in love with her. I'm avoiding Rebecca because you and Eli are my brothers." He said.

"Then kung iniiwasan mo pala siya bakit kanina nakisama ka pa sa amin sa pool area?" Galit ko pa rin'g tanong.

Umiling siya at tinitigan ako ng seryoso. "Rebecca is an attractive woman. I will lied to you kung sasabihin ko sa'yong hindi ako nagagandahan sa kanya knowing that she likes me a lot than you and Eli." Sabi niya.

"So, anong pinaparating mo sa amin? Na may karapatan ka na kay Rebecca dahil lang sa gusto ka niya? Tataluhin mo na kami ni Eli at aagawin mo na siya sa amin? Ayan ba ang tumatakbo sa utak mo, Kuya?" I said sarcastically pero pigil pa rin ang inis at galit ko sa kanya.

Unti-unti niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kwelyo ng damit niya at pagkatapos ay umupo ito sa computer chair niya. Hindi niya sinagot ang sinabi ko at inumpisahan na niyang gumamit ng computer niya.

"Just leave." Sabi niya habang nakatutok na ang mga mata nito sa computer screen.

"Hinding-hindi mo sa akin makukuha si Rebecca! She's mine!" Sigaw ko at padabog kong isinara ang pintuan ng kwarto niya at nagmadaling umalis.

Hindi ako tanga para hindi malaman ang mga ikinikilos ngayon ni Kuya Messiah. He's now having an interest to Rebecca and I'm too scared on what he will going to do. Alam kong makukuha niya si Rebecca nang walang kahirap-hirap because Rebecca likes him a lot.

It's ridiculous that I'm threatened with my own brother. But I really really love Rebecca at kung makukuha pa siya ng iba sa akin ay hindi ko na alam ang gagawin ko at baka mabaliw pa ako ng todo.

Kinabukasan ay pumasok na kami ni Rebecca sa school. Matapos ko siyang ihatid sa classroom niya ay nagpunta muna ako sa practice room para puntahan ang mga kabanda ko. May 15 minutes pa bago ang klase namin kaya dumiretso muna kami dito.

Napansin ko naman na nakangiti si Aiden na nakaupo sa gilid ng drumset habang may katext ito sa hawak niyang phone. This is not the usual him dahil kadalasan ay tahimik lang naman ito at bibihirang ngumiti.

"Do you think Aiden is courting someone? He looks happier, look." Tanong ko sa katabi kong si Kris na busy sa pagkain ng breakfast niya. Itinuro ko si Aiden sa kanya na tinignan naman niya.

"Siguro? Napapansin ko nga na napapadalas na ang pagngiti ng gunggong na 'yan at palaging nakatutok sa hawak niyang cellphone. Inlababo siguro 'yang koreano na 'yan." Nakangising sabi nito.

"I'm here!"

Napukaw naman ang atensyon namin sa kakapasok lang na si Demi na may nakasukbit na bag sa balikat niya at ngumiti ito sa amin. Sumulyap naman ito saglit kay Aiden na busy pa rin sa sulok habang nagtetext. Tumabi naman siya sa amin ni Kris na nakaupo sa couch.

"Demi, sa tingin mo ba may nililigawan na 'yang si Aiden? Tignan mo ang loko, mukhang tuwang-tuwa pa sa sinumang katext o kachat niya sa cellphone niya." Sabi ni Kris kay Demi at nginuso nito si Aiden.

"Hmm.. Isaac, may kailangan pala akong sabihin sa'yo pero sana ay 'wag kang magagalit pre, ha?"

Sumeryoso ang mukha ni Demi bago ako nito harapin.

"What is it?" Tanong ko naman.

"May nakapagsabi kasi sa akin na nakita daw niya sina Rebecca at Aiden na magkasama sa park na nagjojogging nung isang araw. I said na baka kamukha lang ni Rebecca 'yung babaeng kasama ni Aiden but she said na si Rebecca daw talaga ang nakita niya. I mean paanong nangyari 'yon e, hindi naman close sina Rebecca at Aiden?" Takang tanong ni Demi.

Napatingin naman kami ni Kris sa isa't-isa. Awtomatiko nalang na kumuyom ang mga kamao ko dahil sa galit na bigla nalang lumukob sa sistema ko.

I look again at Aiden at mukhang napansin na nito ang masasamang titig ko sa kanya. Kaagad ko siyang nilapitan at nagtiim-bagang. Itinago naman niya kaagad ang hawak niyang cellphone sa bulsa ng pantalon niya.

"Is that true? May nakakita daw sa inyo ni Rebecca sa parke? At sabay pa talaga kayong magjogging?" Madiin kong sabi na ikinagulat niya.

Hindi siya kaagad nakasagot.

"Oh ano, bakit hindi ka makapagsalita, Aiden? Is that true?" Tumawa ako ng mahina at anytime ay gusto ko na siyang suntukin.

"Yes. That's true-"

Hindi na ako nakapagtimpi pa at kaagad siyang sinuntok sa mukha. Awtomatiko namang lumapit sa akin si Kris at pilit niya akong inaawat habang si Demi naman ay nanatili pa rin'g nakaupo sa couch.

Akmang susugurin ko na sana ulit si Aiden nang biglang pumasok dito sa practice room sina Earl at Colt at napigilan ako sa pagsugod kay Aiden na sapo-sapo ang panga niyang nasuntok ko.

"Mga pre, what's happening here? Bakit nag-aaway kayo ni Aiden?" Tanong sa akin ni Earl na walang ideya sa pinag-aawayan namin.

Tumawa ako at itinuro si Aiden na nakatitig na ng masama sa akin.

"Ang ayoko sa lahat ay 'yung tatraydurin ako! Wala akong pakialam kung kahit kanino pa kayong babae mainvolve 'wag lang kay Rebecca! Sa oras na taluhin mo ako, Aiden ay talagang papatayin na kita!" Sigaw ko at akmang susugod pa ulit nang ihinarang naman ni Colt ang katawan niya sa harapan ko.

"Teka, ano bang ibig mong sabihin, Isaac? Hinding-hindi magagawa ni Aiden na taluhin ka-"

"He already did, Colt. Hinayaan niyang magkaroon sila ng bonding time ni Rebecca habang wala si Isaac sa paligid nila. Pasimple siyang dumadamoves para agawin si Rebecca mula kay Isaac." Sabi naman ni Demi habang nakangisi na ikinagulat ni Colt.

"Is that true, Aiden?" Tanong nito kay Aiden.

Yumuko naman si Aiden at hindi nakapagsalita. Mas lalo lang nadagdagan ang galit at pagkamuhi ko sa kanya.

"Wala kang karapatang magkagusto sa pag-aari ko, Aiden! Rebecca is only mine. Don't desire my woman or else I will kill you. Kahit papaano naging kaibigan rin naman kita pero sa oras na agawin mo si Rebecca sa akin ay gagawin kong miserable ang buhay mo. Aalis na rin ako sa bandang 'to kung lilimitahan mo ang pasensya ko." Madiin kong pagkakasabi habang nanginginig na sa galit.

Nagulat sila Earl, Kris, At Colt sa huling sinabi ko.

"Isaac, 'wag namang ganyan. You're important in our band at kapag nawala ka ay siguradong pati kami ay babagsak din." Pakiusap sa akin ni Earl at hinawakan nito ang isa kong braso.

Nag-angat naman ng tingin sa akin si Aiden at nginisian ako.

"Don't worry, Isaac. Ako nalang ang aalis sa banda natin kung 'yan ang gusto mo. But you can't stop me from liking Rebecca because I know that she deserves someone better and that's not you who's always ordering her around."

Sabi niya hanggang sa tuluyan na itong makalabas sa practice room.

"Shit! That moron!"

Sigaw ko at inis na sinabunutan ang sarili ko. Nanghihina naman akong napaupo sa couch habang pilit pa rin akong pinapakalma ng mga kabanda ko.

"Calm down, pre. Hinding-hindi niya makukuha sa'yo si Rebecca. We will help you to beat Aiden." Nag-aalalang sabi ni Earl na ikinatango ko nalang.

"He's such a traitor. I can't believe that Aiden will do that you." Naiiling namang sabi ni Demi sa akin habang nakangisi.

Aiden can't get away Rebecca from me.

Not ever.

ELI'S POV

Nandito ako ngayon sa living room nila Rebecca at hinihintay siyang makababa. I will apologize to her dahil hindi ko talaga kaya na may alitan na namamagitan sa amin.

I'm such a jerk to yell and mad at her nung nalaman kong nagjogging siyang mag-isa sa parke nang hindi ko alam. I hate what she was wearing that day dahil mas lalo lang naemphasize nun ang maganda at sexy niyang katawan.

I can't blame Rebecca for having that body pero naiinis lang talaga ako sa mga lalakeng makakakita ng katawan niya. Mas lalo lang silang magnanasa at maghahangad kay Rebecca na ayokong mangyari.

Pagkababa ni Rebecca mula sa kwarto niya ay kaagad ko siyang nilapitan at niyakap.

Shit! I really missed her presence. Hindi ko man lang siya nagawang kausapin kagabi dahil kinain na naman ako ng matinding pagseselos ko sa kanila ni Isaac.

"I'm so sorry, love. Please forgive me." Malungkot kong sabi at hinarap siya.

Tumango ito sa sinabi ko at nginitian ako. "I'm sorry too, Eli. Sorry kung hindi man lang kita kinausap at pinansin." Umiling ako.

"No. I'm the one who's fault here. Don't need to say sorry, love." Tumango lang siya sa sinabi ko at niyaya na ako nitong maupo sa sofa nila.

Nakatitig lang ako sa kanya habang nakangiti. Mas lalo lang talaga akong humahanga kay Rebecca. Bawat araw yata ay paganda siya ng paganda. Hindi siya nakakasawang tignan at pagmasdan.

I would be the luckiest guy in the world kapag sinagot na niya ako. Kaagad ko rin siyang papakasalan para lang maitali na siya sa akin. I'm so crazily in love with her to the point that I'm now thinking our marriage and our future.

"H-How are you these past few days? Do you still have some tons of works to do?" Nahihiyang sabi ni Rebecca at iniiwasan niya ang mga titig ko sa kanya.

I just smiled at hinawakan ang isang kamay niya.

"I'm still a busy person but we can date right now. Namiss lang talaga kitang kasama." I kiss the palm of her hands while I'm still staring at her.

Nagulat nalang ako nang bigla niyang binawi ang kamay niya sa akin at umiwas ito ng tingin.

"A-ano, I'm busy, too. Marami pa akong mga project and homeworks na gagawin at hindi ako pwede ngayon kaya I'm sorry, Eli." Sabi niya.

I clench my jaw. Tinatanggihan ba niya ako? But still, ngumiti nalang ako sa kanya.

"Ganon ba? Maybe we can date nalang dito sa bahay niyo. I can also help you with your projects and homeworks. Aanhin ko pa ang pagiging consistent honor student ko nung high school at college palang ako kung hindi kita tutulungan, right?" I carefully said.

Natigilan ito sa sinabi ko.

"Eli, I-I think that we can't da-"

Kaagad ko nang hinila ang isang braso niya para magpunta na kami sa kwarto niya.

"Let's do your things, love." I said while smiling.

She just sadfully nodded at me at nagtungo na kami papunta sa kwarto niya.

I don't want to hear what she will say.

Alam ko. Alam ko iyon at hindi ako makakapayag.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Messiah's Possession   11

    ALOU'S POV Gabi na, pero ang dojo ay buhay pa rin sa liwanag ng mga lampara. Tahimik lang pero ramdam ko ang tensyon sa hangin. Ang bawat anino ay parang nagbabantay sa amin. Nakaupo ako sa bench, at iniisip ang nangyari sa warehouse, ang biglaang pagkidnap sa akin ng mga Japanese drug lords at kung paano nila nakuha ang impormasyon tungkol sa amin. Si Kyohei ay nakatayo sa kabilang dulo ng room, hawak ang tablet na may blueprint ng warehouse. “Alou… may bagay dito na hindi nila inaasahan. This is our advantage. Pero kailangan nating maging maingat sa bawat galaw,” sabi niya, malakas pero kalmado. Tumango ako, pinipilit kontrolin ang kaba sa dibdib. “Okay… pero Kyohei, hindi natin alam kung ilan sila… o kung anong eksaktong gagawin nila sa atin.” Bawat corner ng dojo ay pinuntahan namin para suriin ang mga possible weak points. Binigyan ni Kyohei ng mga hand signals ang bawat movement. “Alou… tandaan, bawat sound, bawat galaw… may meaning. Silence is key. One wrong move, and t

  • Messiah's Possession   10

    ALOU'S POV: Kidnapped Malamig at tahimik ang silid. Nakaupo ako sa upuan, nakatali ang pulso ko sa likod, at bawat galaw ng katawan ko ay limitado. Bawat segundo ay parang walang katapusan, at bawat tunog ay napakalakas sa pandinig ko. Bulong ko sa sarili, “Okay, Alou… calm down. Think. There’s always a way.” Pero habang tumitingin ako sa paligid, parang walang exit, walang kahit anong bagay na puwede kong gamitin para makatakas. Lumapit ako sa bintana pero nakabarado ang mga metal grills. Great… trapped. Napatingin ako sa pinto. May guard sa labas. Malakas ang hakbang niya. Huminto siya, nakamasid sa akin. Pakiramdam ko ay nakikita niya bawat maliit na galaw ng katawan ko. Huminga ako nang malalim. Breathe… calculate… don’t panic. Alam ko, sa ganitong sitwasyon, kahit maliit na galaw ay maaaring maging mapanganib. Biglang may kumatok sa pinto, malakas ang tunog. “You move, you regret it,” banta ng masked guard. Napahawak ako sa upuan, pilit nag-iisip. Kailangan kong mag

  • Messiah's Possession   9

    ALOU’S POV The dojo smelled of polished wood and the faint scent of leather from the punching bags. I wiped the sweat from my forehead, breathing heavily, while Ryan adjusted his gloves and grinned at me. “Kaya mo pa ‘yan, Alou?” he teased, tossing me a towel. “Of course I can! Wag mo naman akong pagalitan, Ryan,” I said, rolling my shoulders. “Hindi ako beginner, you know.” Ryan chuckled, leaning casually against the wall. “Sigurado? Kahit limang rounds na tayo ngayon?” I smirked, punching the heavy bag with precision. “Bring it on. Kung sa training lang ‘to, panalo pa rin ako.” Ryan held up his fists. “Alright, sparring time. Let’s see if you’ve really improved.” I raised an eyebrow. “You sure you can handle this?” “Always,” he said, smirking. “But don’t cry later when I beat you.” We started, carefully circling each other. Every movement, every block, every jab was precise. But beneath the training, I noticed something more—Ryan’s eyes. Still intense, but calmer n

  • Messiah's Possession   8

    ALOU'S POVFlashbackHabang tahimik akong nagrereview sa Cafeteria ay nakita kong naglalakad papalapit si Ryan. Nang makalapit na siya ay tumabi siya sa akin at hinapit ang baywang ko.I force myself to smile back at him because I don't want him to be offended. He's my suitor, and he's doing everything he can to pursue me."Tapos na akong magreview. Uupo na lang ako dito at pagmamasdan kitang magreview." sabi niya nang nakangiti."Hindi ka ba magsasawa sa mukha kong 'to?" tanong ko at natawa ng mahina.He leaned against his chair, tucking some strands of my hair. "Bakit naman ako magsasawa sa mukha ng babaeng mahal ko? I adore you because you're beautiful, cute, and kind."Ryan is a man of sweet words. Wala yatang araw na hindi niya ako pupurihin. Some girls were envious of me dahil ako ang niligawan niya na hindi naman mala pang beauty queen ang ganda. However, some people believe that my brightest smile and charm are my assets, which is why boys are interested and attracted to me.I

  • Messiah's Possession   7

    Hidden Secrets and Lies ALOU'S POV "I'm glad na nagkaayos na kayo ni Kyohei, milabs. See? Sa huli ay matatanggap din niya ang relasyon natin." Nakangiting ani Mahiro habang kumakain kami ng dinner. Natigilan ako sa sinabi niya pero pagkaraan ay tumango na lang. Ayokong malaman pa niya na hinalikan ako ni Kyohei dahil sigurado akong gulo sa pagitan nila ang mangyayari kapag inamin ko iyon. I don't want them to despise each other because of me. Although I have no idea why Kyohei kissed me, I will keep my mouth shut for the sake of us. Kyohei's kiss has lingered in my mind for several days. His kiss is something new and different from how I feel about his father. Dapat ay kalimutan ko na lang ang ginawa niya pero nahihirapan ako at hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako nang dahil sa kanya. Mas gusto ko na lang iyong palagi siyang galit sa akin at hindi ako pinapansin hindi iyong bati na kami pero ramdam ko ang pagiging sweet at affectionate niya. Is he considering me to be hi

  • Messiah's Possession   6

    KYOHEI'S POV Holy fucking cow! Hindi na ako nakapagpigil kagabi kaya hinalikan ko si Alou. Alam ko na sa ginawa ko ay trinaydor ko si Dad at ngayon pa lang ay nakokonsensya na ako sa ginawa ko. Tama ba talaga itong ginagawa ko? For goddamn sake! Alou is my father's girlfriend and soon-to-be stepmom kung may balak silang magpakasal ni Dad pero naiisip ko pa lang na mangyayari iyon sa kanila ay para na akong mababaliw! I've never felt this way before, and this is the first time I've fallen in love with a girl, and the worst part is that she's off limits and also my father's girl. Why is this complicated? Bakit sa dinami-rami ng mga babae ay kay Alou pa ako nagkagusto? "Are you okay?" Jerson asked me. Pareho kaming nakaharap sa computer namin habang nagsusulat ng codes at may inaayos na web applications at programs. Nakakastress man ang trabaho namin bilang Software engineers na halos umaabot na ng kalahating araw ang pagtatrabaho namin araw-araw ay sanayan na lang talaga. "Yeah."

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status