"Pwede mo ba akong..." napalunok siya bago nagpatuloy, "Bunti– ayy!"
Naputol ang dapat sanang sasabihin niya nang biglang kumulog ng malakas. Kasabay nun ay ang pagkawala ng kuryente.
"Dito ka na muna, Amara. Sisindihan ko lang ang mga lampara para may ilaw tayo"
Tumango lang siya rito at malungkot na napasandal sa higaan niya.
"Ang malas naman! Wrong timing eh!"
Napabuntong-hininga nalang siya sa kama. Baka nga, hindi pa oras para sabihin ko kay Dakila ang sitwasyon ko. Ang tanong, papayag din kaya ito sa alok ko?
Sa konting oras na nakasama niya ang binata ay nakita niya kung gaano ito kainosente at kabuting tao. Parang lumalabas na ako ang bad influence sa kanya kapag ako ang nag-initiate ng alam mo na...
“Sana nandito si Cora... Miss ko na sila ni Faye” bulong niya sa sarili.
Naalala na naman niya ang mga kaibigan. Sa ganitong sitwasyon, mas alam nila ang mga dapat gawin. Tinampal niya ang mukha. It's her 2nd life na pero heto siya at lumalandi.
"Ano na kayang nangyari sa kanila? Nabalitaan kaya nila ang nangyari sa akin?"
Sinubukan niyang igalaw ang kanang paa, namamaga parin ito. Ramdam niya ang kirot kahit wala siyang makita dahil sa dilim ng paligid. Umayos siya ng higa at ipinikit ang mga mata. Ngayon, ramdam na niya ang antok at pagod.
"Ano kaya ang mangyayari bukas? Makakauwi pa kaya ako ng ligtas?" bulong niya sa sarili bago siya tuluyang nakatulog.
Bandang alas 5 ng umaga, nagising na si Dakila. Tiningnan niya pa saglit ang natutulog na dalaga bago nagpasyang pumunta sa kusina para maghanda ng agahan nila. Binuksan niya ang maliit na refrigerator na nabili niya noong nakaraang buwan. Nagluto siya ng tocino na siya mismo ang may gawa, sunny side up eggs, tuyo at sinangag. Nagsalin din siya ng gatas ng baka sa dalawang baso. Bago tinungo ang kanyang silid para gisingin si Amara para makakain na sila.
"Amara... Gising na" pukaw niya rito saka marahang tinapik ang pisngi ng dalaga.
"Five minutes pa..." reklamo nito na nagtalukbong pa ng kumot.
"Amara, pasado alas 6 na ng umaga. Kailangan mong kumain para gumaling ka kaagad" kinuha niya ang kumot nito.
Pinagmasdan niya ang malalantik nitong mga pilik-mata. Ang mamula-mula nitong pisngi. Ngayon lang din niya napansin ang kulay ng buhok nito. Parang buhay na manika ang dalaga. Hindi niya mapigilan na mapangiti sa nakikita. Pupungas-pungas naman na bumangon si Amara. Nasilaw pa ito sa sikat ng araw na nanggagaling sa bintanang binuksan niya kanina.
"Dakila... Umaga na pala" sagot nito na naghikab pa.
"Oo, kaya halina't kumain nang makabawi ka kaagad ng lakas at gumaling. Nakapagluto na ako" dahan-dahan niyang binuhat ang dalaga papunta sa kusina at pinaupo ito sa silyang gawa sa kawayan.
Inilibot nito ang paningin sa mga pagkaing inihanda niya at namimilog ang mga matang nagsalita.
"Wow! Ang dami naman ng pagkain natin. May fiesta ba?" sumandok na ito ng kanin at nagsimulang kumain, "Ang sarap!"
"Walang piyesta. Ganito lang talaga ang agahan namin dito. Kailangan naming kumain ng marami dahil maghapon kaming nagta-trabaho" umupo na rin siya kaharap ni Amara at sumandok ng kanin, "Ito, gatas... Galing iyan sa mga baka na alaga ko"
Nakita niya ang pagningning ng mga mata ng dalaga na napatigil pa sa ginagawa. Lihim naman siyang napangiti.
"Talaga?! May alaga ka palang mga baka?" namimilog ang mga matang tanong nito at kumuha pa ng tocino.
"Kaunti lang... Uso kasi ang barter dito. Pina-barter ko ang ani kong palay sa baka. Noong una, dalawa lang. Hanggang naging anim na ngayon" paliwanag niya bago uminom ng gatas.
"Uhm... Hindi ba kayo gumagamit ng pera rito?" usisa nito at sumubo ng ulam.
"Siyemre, gumagamit parin naman. Ngunit, kadalasan talaga ay barter ang ginagawa namin. Iyon na ang nakaugalian ng mga ka-tribo. Doon na kami sanay at mas madali rin iyon para sa amin" paliwanag naman niya.
"Ganoon ba? Nakakatuwa naman... Parang noong sinaunang panahon lang" wika nito na napadighay pa sa sobrang busog, "Ooppsss! Sorry!"
Aliw na aliw siya sa inaasal ng dalaga. Ang inosente nitong tingnan. Dagdagan pa na nakakamay itong kumain. Wala manlang itong kaartehan sa katawan. Kung hindi nga lang sa pisikal na hitsura nito ay hindi mo talaga aakalain na anak-mayaman ang dalaga.
"Mabuti naman at nagustuhan mo ang inihanda ko" wika niya na nilagyan pa ng ulam si Amara sa plato.
"Ang galing mong magluto, Dakila. Alam mo, pwede ka ng mag-asawa" wika nito na ikinatigil naman ng pagsubo ni Dakila sa pagkain.
"B-Bakit? May nasabi ba akong masama?" naguguluhan nitong tanong.
Bigla nalang kasing naging seryoso ang mukha niya. Paano niya ba sasabihin sa dalaga ang panata niya tungkol sa bagay na ito?
-----------------------------------------------------
"Wala naman segurong mali sa sinabi ko?"
Pinagmasdan niya ang binata. Napaka-maskulado talaga nito. May eight pack abs pa!
Dagdagan pa ng gwapo nitong pagmumukha. Mukhang may lahi yata ang binata. Matangos kasi ang ilong nito na pinaresan pa ng nangungusap na mga mata. Makakapal na eyebrows at mga labi na kaysarap humalik!
"Wala naman..." sagot nito na tumayo na, "Siya nga pala, okay lang ba sa iyo na maiwan muna rito?"
"Uhm... Okay lang naman" sagot niya saka tumango rito.
"Mukhang na-offend talaga siya! Pero saan naman? Dahil lang sa sinabi kong pwede na siyang mag-asawa? Gano’n?! Parang ang babaw naman ng dahilan..."
"Babalik din ako kaagad. Pupuntahan ko lang ang kaibigan ko upang makiusap na papuntahin dito ang Inang ko" paliwanag nito na mukhang napansin ang pananahimik niya, "May mga extra si Inang na pambabaeng damit"
Tiningnan niya ang suot. Mga damit ito ni Dakila na ipinahiram sa kanya kagabi bago paman siya inihatid nito sa kwarto. Isang t-shirt na color black then short na hanggang tuhod niya. Mabuti nalang at medyo malaki ang mga damit nito kung hindi, mahahalata talaga ang hinaharap niya. Gifted pa naman siya!
"Sa kwarto nalang muna ako, Dakila. Doon nalang ako maghihintay"
Tumango naman ang binata at kinarga na siya papuntang kwarto.
"Magpahinga ka nalang muna. Alam kong pagod ka pa. Babalik din ako kaagad" ngumiti ito ng tipid kay Amara at umalis na.
Isinarado na ni Dakila ang pintuan at nagsimulang baybayin ang tirahan ng kaibigan niyang si Makisig. Ito ang papupuntahin niya sa nayon upang sunduin ang Inang niya. Kailangan niya kasing balikan si Amara kaagad upang malinisan ang mga sugat nito sa paa. Alam niyang naguguluhan ang dalaga sa naging reaksyon niya sa sinabi nito kanina.Naalala niya bigla ang pinagsaluhan nilang halik sa tabing-dagat nang makita niya ito sa unang pagkakataon. Mukhang nakalimot siya sa panata."Hindi dapat nangyari iyon! Isang malaking pagkakamali ang lahat!"Humugot muna siya ng malalim na hininga bago kumatok sa pinto ng bahay ni Makisig."Oh, Dakila! Imu sawen (ikaw pala) Anong atin?" mukhang nagulat yata ito sa pagdating niya, “Sumdep ka, maywayaw ka... (tuloy ka, maupo ka)Ara u maisidung ku jimu? (may maipaglilingkod ba ako sa'yo?)"Hindi
"Dininig na ni Bathala ang mga panalangin natin, Mahal ko" maluha-luha namang wika ng ginang. "Masaya ako para sa anak natin, Mahal" niyakap ng Datu ang asawa saka hinagkan sa noo nito, "Gusto mo bang samahan kita sa pagbisita?" "Naku, huwag na Mahal. Magpahinga ka nalang. Alam kong pagod ka. Ako na muna ang bibisita. Dadalhin din naman ng anak natin dito ang nobya niya. Isa pa, baka magulat pa natin ang nobya niya. Hintayin nalang natin ang pagbisita nila rito sa bahay" sagot nito, " Maiwan ka na muna namin, Iho. Aasikasuhin ko na muna ang Datu" "Sige lang po" tumango siya rito ng nakangiti. Hinila na ng ginang ang Datu sa kwarto nila upang makapagpahinga. Habang naiwan naman si Makisig sa sala na naghihintay lang. Hindi naman nagtagal ay nakabalik na ang ginang na may dalang isang malaking tampipi. "Ako na po ang magdadala nito, Dayang Diwa" kinuha niya kaagad ang bitbit nito at ini
Mabigat ang pakiramdam ni Amara nang magising. It’s almost 10 am in the morning. Medyo masakit din ang puson niya. Kinapa niya ang ilalim ng panty upang malaman kung may menstruation na ba siya. “Wala naman pala. Baka PMS lang...” Sinubukan niyang igalaw ang kanang paa ngunit may kirot pa rin siyang nararamdaman. Medyo namamaga pa rin ito. Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Dakila. Mukhang katatapos lang nitong maligo. May bitbit itong isang malaking kahon na hindi niya alam kung ano ang tawag. “Ano iyang hawak mo Dakila?” tinuro niya ang hawak nito. “Ah ito ba?” itinaas nito ang hawak na kahon, “Isa itong tampipi, may mga laman itong dam
Seryoso itong lumapit sa kanya at nakahalukipkip ang mga braso na nagsalita.“Ipagpaumanhin mo binibini, ngunit maaari ko bang malaman kung sino ka?”seryoso nitong tanong na nagpakaba sa kanya.Sa tono kasi ng pananalita nito ay para bang ayaw nito sa kanya. Para bang hindi nito gusto na nandito siya.Lumunok muna siya bago sumagot,“A-Ako si A-Ama–”Naputol ang sasabihin niya ng biglang dumating si Dakila galing sa kusina.“Oh Alab, narito ka pala...” wika ni Dakila saka inilapag ang dala-dalang maliit na planggana sa mesang nasa harapan niya.“Dala ko ito” bumaling ang atensyon nito kay Dakila saka itinaas ang bagahe na hawak nito, “Nakuha namin ito mula sa dagat. Mukhang inanod ng alon”Nilapitan ni Dakila ang binata at saka kinuha ang dala nito.“Ito lang ba ang nak
Kasalukuyang nasa kusina si Dakila at naghahanda ng Eskabetcheng Tuyo na ni-request ni Amara. Napangiti nalang ito nang maalala ang simpleng banat ng dalaga kanina sa kanya. Narinig niya ang sinabi nito. Malinaw. Malinaw na malinaw. Gusto niya lang asarin talaga ang dalaga na nangyari nga naman. Ang cute nitong maasar. Gustong-gusto niyang tinititigan ang dalaga. Ang ganda kasi ng luntian nitong mga mata. Dagdagan pa sa malalantik nitong mga pilik-mata. Hindi niya maintindihan ngunit naaaliw siya sa presensya ng dalaga. Ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganito. Para bang nagkakulay bigla ang mundo niya nang dumating si Amara. Kung dati, tahimik lang ang bahay niya, ngayon ay hindi na. Ngayon lang din siya ulit ginanahang magluto.Dati kasi, kung anong makuha lang niya sa refrigerator ay iyon nalang din ang kakainin niya. Subalit ngayon ay nag-iba na. Pinag-iisipan na niya ang mga inihahanda. Ang nakakatawa pa roo
Naitikom ko kaagadang aking bibig. Gosh! Nakakahiya! Tumalikod na ito at naghanda ng aming pananghalian. Bakit ba kasi ang gwapo mo?! Pinagmasdan ko lang ito habang abala sa ginagawa. Ang mga muscle nito sa likod ay parang nagfi-flex habang naghihiwa ng mga sangkap para sa sawsawan nito. Ang hot tuloy nitong tingnan. Grabe! Likod palang nito, ulam na! Walang binatbat ang mga dating nobyo ko pagdating kay Dakila. Height palang, panlaban na! Cooking Skills, pamatay na! At ang smile nito. Makalaglag panty! “Ito na ang Eskabetcheng Tuyo!” inilapag nito ang isang malaking plato na may lamang ulam.Naamoy ko kaagad ang mabangong aroma ng pagkain. Nakakatulo-laway ito at ang sarap tingnan. Lalo na ang nagluto! “Wow! Mukhang masarap ah?” komento ko saka kumuha
Nang matapos sa pananghalian ay napagdesisyonan nila Amara at Dakila na mamayang meryenda nalang nila kakainin ang natirang dessert na nasa refrigerator. Busog na busog si Amara. Napasarap ang kain niya kanina habang kakwentohan si Dakila.Naikwento niya rin kasi rito ang mga kagagahan nila ng mga kaibigan niya sa tuwing nalalasing sila sa club. Hindi nga niya alam kung bakit komportable siyang magkwento rito ng kahit na ano na kung tutuusin ay hindi dapat. Baka, na-turn off na ang binata sa kanya! Kasalukuyan silang nakatambay ngayon dito sa isang kubo sa labas na kalapit lang ng bahay ni Dakila. Gumagawa ang binata ng gagamitin niyang saklay. Nagsisi nga siya kung bakit pa siya nag-inarte kanina. Tapos na tuloy ang maliligayang araw niya. Katitila lang ng ulan kaya heto at nasa labas sila."Ikaw ba ang may gawa nito, Dakila?" tanong niya saka itinuro ang kubo.Nilingon siya ng binata na huminto
Kaya pala, ganito nalang ang reaksyon nito sa kanya. Galit na galit. Gustong manakit! Pero imposible, nakahalikan niya si Dakila. She's really sure he's not a gay. Oh my! Palihim lang ba ang nararamdaman ng lalakeng ito para kay Dakila? So, it means... Excuse lang nito ang sinabi kanina about sa kanya?"I'm sorry, kaya pala gano’n ka nalang kung makapag-react kanina. I really don't know na magseselos ka" she sincerely apologize.Kinuha niya ang mga kamay nito at saka mahigpit na hinawakan."I know, it's hard. Marami akong kaibigan na kagaya mo... Hiding on their closet dahil hindi pa kayang lumabas sa totoong sila. Does Dakila know about it? Oh my! He doesn't know right?" dagdag pa niya na napatakip ang isang kamay sa bibig.Napakunot-noo naman si Makisig na halatang naguguluhan na sa mga pinagsasabi ni Amara. Ayaw niya sa babae para kay Dakila dahil nakita niya ito sa newspaper na ikakasal