Share

CHAPTER 35

DAKILA’S POV

Gusto kong matawa sa hitsura ngayon ni Amara. Mukhang binagsakan ito ng langit pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon. Wala naman segurong masama sa sinabi ko.

“You want us to be friends?!” malakas ang boses nitong tanong sa akin na tinanguan ko lang.

Napatayo ito at nakakunot-noong tumingin sa akin. Nilapitan ko siya upang subukang pakalmahin. Biglang naging frustrated ang mukha nito dahil sa sinabi ko. Gusto ko tuloy magsisi pero ito lang ang naiisip ko na paraan upang maging maayos kami ngunit mukhang iba ang naging dating kay Amara ng sinabi ko.

“Wala namang masama sa sinabi ko hindi ba?” hinawakan ko siya sa mga kamay at hinila pabalik upang maupo, “Gusto kong magsimula tayo sa unang hakbang. Ayokong madaliin ang lahat, Amara. Gusto kitang makilala ng lubusan. Gusto kong makilala mo rin kung sino ako bilang si Dakila. Hindi lang ang taong nakilala mo na nagligtas sa’yo

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status