Napakamot naman ang kaibigan sa ulo nito at natawa nalang na humabol sa kanya.
"Ngay"(okay) sagot pa nito, "Eto naman, sobrang seryoso. English is the universal language, kaya okay lang na gamitin natin ito. Isa pa, halos mga dayuhan ang mga turista sa kabilang Isla. Gamit na gamit ito para sa akin Amigo"
Tinapik pa nito ang balikat niya at nauna nang naglakad habang pasipol-sipol. Nagkatinginan nalang sila ni Alab na nagkibit-balikat lang.
"Balita ko, kinasal na raw si Kora"
Napahinto ito sa paglalakad at napayuko. Si Kora ay matagal ng kasintahan ni Makisig pero biglang nagpakasal sa isang taga Maynila.
"Iyon din ang alam ko. Hindi pa naman kami nagkakausap. Biglaan lang ang lahat. Ni wala manlang siyang sinabi. Sana, nakapaghanda ako" sagot nito na may matigas na ekspresyon sa mukha.
"Kamusta ka naman? May palek (alak) ako sa bahay. Baka gusto mong pag-usapan?" alok niya sa kaibigan.
"Sumabay ka na rin sa'min Alab..." aniya na nilingon ang isa pang kaibigan.
Tumango lang ito sa kanya. Pagkarating sa sariling tahanan. Agad na nilang inihanda ang maliit na lamesa at mga upuan na gawa sa kahoy. Pumunta naman sa kusina si Dakila para kunin ang palek (alak) na siya mismo ang gumawa.Nakatago ito sa kabinet. Tinatawag nila itong Basi dati na kalaunan ay naging palek.
Upang magawa ang katutubong alak na ito, kinakailangan munang durugin ang tubo (sugarcane) at kunin ang katas nito at pakuluan. Kapag kumulo na, nilalagyan nila ito ng duhat para magkakulay. Pagkatapos ay isasalin sa tapayan. The jars are then sealed with banana leaves and allowed to ferment in several years until it's ready to be drunk. The resulting drink is pale red in color. Kaagad na kumuha siya ng palek at nagsalin sa isang pitsel na gawa sa kawayan. Kumuha na rin siya ng baso para magamit nila at binalikan na ang kanyang mga kaibigan sa labas.
"Pasensya na at natagalan" wika niya at inilapag na ang mga bitbit sa mesa.
Napansin niyang si Makisig lang ang nandun. Wala si Alab. Nagsiga ito ng apoy para magsilbing ilaw nila sa madilim na gabi at nang hindi sila papakin ng mga lamok.
"Nasaan nga pala si Alab? Hindi ba siya sasali sa inuman natin?" umupo na rin siya kaharap nito.
"Umuwi muna, kukunin daw ang mga nahuling isda niya kanina. Gagawing pulutan" sagot ni Makisig.
Di naman nagtagal ay nakabalik na ang kaibigan na may dalang malalaking isda na tinatawag nilang Dibang (flying fish). Malapit lang naman ang bahay nito mula sa kanyang tirahan. Mga isang kilometro lang ang layo at dalawang kilometro naman sa bahay ni Makisig.
"Makikigamit muna ako sa kusina mo Dakila, Ihahanda ko lang muna ang ating pulutan. Hintayin niyo ako" wika ni Alab at tumalikod na.
"Ito talagang si Alab, akala naman niya, ganun na ako kaatat sa inuman" bwelta pa ni Makisig na ikinatawa niya.
"Bakit, hindi ba?" tudyo niya sa kaibigan na tinawanan lang nito.
"Maiba ako, nakasalubong ko si Apo Milda kanina. Hinahanap ka niya at mayroon daw'ng nakita na pangitain tungkol sa mapapangasawa mo" ani Makisig na nakakuha ng atensyon niya. Si Apo Milda ay isang Babaylan sa kanilang tribo. Magaling itong manggamot at may kakayahan na mahulaan ang hinaharap. Dito sila sumasangguni upang makapaghanda kapag may paparating na bagyo.
"Wala sa plano ko ang pag-aasawa. Gusto kong pagsilbihan ang tribo. Makakaabala lang iyon sa tungkulin ko. Isa pa, mas higit na pinagpapala ni Bathala ang taong hindi pa nababahiran ng kapusokan" mahabang paliwanag niya sa kaibigan.
"Hindi ka manlang ba interesadong malaman kung sino siya?" tanong nito na nagpakunot ng noo niya.
"Para saan pa? Hindi rin naman kami magkakatuluyan" sagot niya saka napabuntong-hininga. Tumango-tango naman ang kaibigan sa tinuran niya.
"Hindi ko kailanman babaliin ang aking panata na manatiling dalisay"
Maya-maya pa ay bumalik na si Alab na dala-dala ang kanilang magiging pulutan. Ang lataven a dibang o kinilaw na isda.
"Mukhang masarap ang inuman natin ngayon ah" komento niya sa kaibigan na tipid lang nitong ikinangiti.
"Sumabay ako sa pangingisda kina Mang Isko kanina bago dumalo sa pagpupulong. Iilan lang ito sa mga huli namin. Dinala ko na rito para matikman niyo narin" wika nito na umupo sa pagitan nila.
"Simulan na natin ang inuman nang makarami" ani Makisig na kinuha ang pitsel at nagsalin na kaagad sa baso ng palek at kaagad na ininom ito. Kumuha ito ulit ng alak at ibinigay kay Alab na agad naman nitong tinungga.
"Ano ng plano mo ngayon, mukhang dito maninirahan si Kora at ang asawa niya" seryoso na wika ni Alab at sinalinan ang baso ng palek at ibinigay kay Dakila.
"Hindi ko alam... Hindi ko pa matanggap ang pagtataksil niya sa'kin" sagot ng kaibigan na umigting ang panga at may madilim na ekspresyon sa mukha.
"Nagplano na kami ng pamamanhikan, binalak ko ng hingin ang kamay niya sa kanyang mga magulang. Naging matapat ako't iginalang siya. Ni hindi ko pinapadapuan ng lamok sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang!" nagsalin ulit ito ng palek at kaagad na tinungga.
"Hindi ba kayo nag-away ni Kora bago pa siya umalis papuntang Maynila?" tanong niya rito at kumuha ng isda na kanilang pulutan.
"Hindi parin iyon sapat na dahilan para lokohin niya si Makisig" sagot ni Alab sa kanya at nagsalin ng palek para ibigay sa kaibigan nila.
"Hindi kami nag-away. Iyon nga ang mas masakit. Wala manlang akong mahanap na dahilan kung bakit niya ako iniwan. Ni hindi manlang siya nagpaalam" sagot ni Makisig na namumula ang mga mata. Nagbabadya na itong umiyak.
Naawa siya sa kaibigan pero wala siyang maipayo dito na maganda. Kahit siya mismo, hindi alam ang gagawin kung siya ang nasa sitwasyon ng kaibigan. Ang kaya lang niya ay damayan ito sa kalungkutan at maging tagapakinig kapag kailangan nito ng kausap.
"Hayaan mo ang sarili mo na magluksa" wika ni Alab na hinarap si Makisig at tinapik sa balikat.
"Nagmahal ka. Normal lang na masaktan. Kapag hindi ka nasaktan, hindi ka tunay na nagmahal. Ganoon lang 'yon" kumuha ito ng palek at tinungga, "Gawin mong halimbawa ang nangyaring ito sa'yo. Para sa susunod na iibig kang muli, alam mo na ang mga dapat at hindi dapat gawin. Masarap magmahal, Oo. Pero walang masama kung mas piliin mo na magtira para sa sarili mo"
“Handa na ang pagkain...”Napalingon kami ni Mama Diwa sa tawag ni Dakila. Ang cute nitong tingnan sa suot nitong pink apron na galing sa akin. Ibinigay ko iyon sa kanya after kong makuha ang aking luggage bag. Noong una, ayaw niya pang tanggapin pero napilit ko rin kalaunan.“Kumain na muna tayo ng hapunan, Inang...” napakamot ito sa kanyang ulo at palipat-lipat ang tingin sa amin, “Nakadisturbo ba ako?”Mukhang napansin yata nito ang namamaga naming mga mata dahil sa naging iyakan namin kanina.“Tapos na kaming mag-usap, halika na Amara. Masarap iyong mga dala ko. Magugustuhan mo panigurado”Tumango ako kay Mama at saka magkasabay kaming naglakad patungo sa loob ng bahay. Nakasunod naman sa amin si Dakila na tahimik lang. Pagdating namin sa kusina ay nabungaran kaagad namin si Makisig na may malaking ngiti sa labi habang namimilog ang mga m
Tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak si Mama. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nasasaktan ako para sa kanya. Hindi madali ang pinagdaanan ni Mama. Alam ko dahil pinagdaanan ko narin iyon. Nangyari narin sa akin na nasaktan ako ng pisikal ni Noah.“Tahan na, Mama...” I rubbed her back to calm her.“No, I’m okay... I want you to know what happened also...” inilayo nito ang sarili sa akin at binigyan ako ng isang matipid na ngiti, “Nagtiis ako. Akala ko kasi, magiging maayos din kami. Kasi, hindi naman siya ganun nung nagkakilala kami. He’s a very sweet and caring man. He loves me so much. Sabi ko sa sarili ko, hindi iyon si Jude. Hindi niya kayang gawin sa akin ang mga bagay na iyon. Pinaniwala ko ang sarili ko na magiging maayos kami muli. Kaya mas pinili ko parin mag-stay kahit binubugbog na niya ako ng paulit-ulit. Hanggang sa nag away na naman kami. Sinuntok niya ako sa sikmura. Alam mo kung ano ang
Nakaupo kami ngayon sa sala. Magkatabi si Dakila at Makisig na nasa harapan namin habang kami naman ng Inang Diwa ni Dakila ang magkatabi. Ang Inang niya na dati ko palang nanny. Oo, tama kayo, ang hinahanap kong nanny ay nasa isang Isla lang pala na katabi ng Batanes. Ang nanny ko na itinuring ko ng pangalawang Nanay. Ang nanny na mahal na mahal ako at mahal na mahal ko. Nakayakap ako ngayon sa kanya. Naglalambing habang nakataas ang isang kilay kay Makisig. Ano ka ngayon ha?! May bago akong kakampi! “Ano bang nangyari sa inyong dalawa, Makisig?” tanong ni Inang Diwa sa malumanay na boses.Umayos ng upo si Makisig saka nagsimulang magpaliwanag.“Nagkukulitan lang naman kami, Dayang Diwa...” hindi makatingin nitong sagot.Bumaling naman si Inang Diwa sa akin. Hinaplos nito ang buhok ko at may ngiti sa mga labing nagsalita.“Amara... Ano bang nangyari
Naiyak nalang ako ng tahimik sa loob ng cubicle. Hindi pa ako tapos magsalita. Bakit naman ganun?Natawa nalang ako nang maalala ang mga nangyari. Pagkatapos noon ay iniwan ako ni Noah sa restaurant. Mabuti nalang at dumating sina Cora at Faye upang tulungan ako.Gusto nga nila na hiwalayan ko kaagad si Noah after what happened pero nagpaliwanag naman din kasi ito na nagkaroon daw ng emergency sa bahay nila kung kaya hindi na nakapag-paalam sa akin. Syempre, mahal ko kaya pinatawad ko.Sinabunutan pa nga ako ni Faye noon na humantong sa tampuhan namin. Tanga raw kasi ako na sa ngayon ay masasabi kong tama talaga siya. Mabuti nalang at naayos ni Cora ang misunderstanding namin na iyon. Ilang beses rin naming pinag-awayan si Noah.Naalala ko rin ang dati na nag-away kami at hinayaan niya lang akong umiyak. Iniwan niya pa ako sa gitna ng kalsada. Ni hindi manlang naisip nito na mapapahamak ako. Mabut
"Hala! Sorry! Ikaw kasi eh! Puro kababuyan ang mga sinasabi mo!" wika ko saka dali-daling kumuha ng tissue na palaging nasa gitna ng lamesa ni Dakila nakalagay.Napapikit ito at halatang nagpipigil lang sa sarili.Pinunasan ko ang mukha nito habang pinipigilan ang sarili kong matawa at the same time, naaawa rin ako rito. Poor Makisig. Sorry talaga."At natatawa ka pa talaga ha?" naiinis na bulyaw nito sa akin."Ha? Hindi... Sinong natatawa? Ako ba? Naku! Hindi. Bakit naman ako matatawa? May Buko-Salad ka lang naman sa may bukana ng ilong mo" sagot ko na hindi makatingin dito."Ano ba! Sinusundot mo na ang ilong ko eh!" reklamo nito."Ay naku! Sorry talaga Beshy..." inilayo nito ang mukha sa akin saka ito tumayo at naghilam
Nagising ako dahil sa isang awitin na aking narinig. May kumakanta gamit ang gitara. Medyo husky ang boses ha? Alam kong hindi si Dakila iyon dahil alam ko na ang boses nun. Napailing nalang ako at tinampal ang aking noo."Baka naman nagkakamali ako? Baka si Dakila nga? May mga singer din naman na nag-iiba ang boses kapag umaawit na, diba?"Bumangon na ako saka niligpit ang aking higaan. Medyo, pagod parin ang pakiramdam ko. Malakas ang menstruation ko ngayon dahil first day. Usually kasi, lumalakas agad ang period ko basta unang araw at pangalawa. Kapag 3rd day na, medyo okay na ang pakiramdam ko nun. Hindi narin masyadong malakas ang period ko that day. Pagka-4th day, mawawala na. Kaya, tiis-tiis nalang muna ako sa period na ito.Binuksan ko ang pintuan at dumiritso muna sa banyo. Kailangan ko kasing e-dispose ang nakolektang dugo galing sa cervix ko at itapon. After that, huhugasan ko