Share

CHAPTER 7

last update Last Updated: 2021-10-15 18:11:54

Napatango naman siya sa sinabi nito. Tama nga naman ang kaibigan. Sa totoo lang, hindi niya inaakala na sa kanilang tatlo, ito pa ang makakapagpayo ng may katuturan kay Makisig. Tahimik lang kasi ito. Napakadalang magsalita at parang may sariling mundo.

Nakilala nila si Alab noong nag-aaral pa sila ng High school. May nakaaway si Makisig sa kanilang paaralan. Dalawa lang sila noon at pinagtutulungan ng isang grupo ng kalalakihan. Hindi pa sila maalam noon sa pakikipag-away.

Biglang dumating si Alab at sinita ang mga nambugbog sa kanila. Nang makita ito ng grupo ay bigla nalang ang mga itong namutla at nag-atrasan. Inalok sila ni Alab na sumali sa Taekwondo at Eskrima, na kaagad nilang sinang-ayonan. Simula noon, sabay na silang tatlo na umuuwi sa Isla tuwing bakasyon. Napag-alaman din kasi nila na ang Ina nito ay nakapag-asawa ng ka-tribo nila at doon na nanirahan.

"From your experienced ba iyan ah... Amigo?" pabirong sabi ni Makisig.

Umayos ito ng upo sa silya na gawa sa kahoy. Halos nakapikit na ang mga mata nito dahil sa kalasingan. Kanina pa ito inom ng inom ng alak. Halos maubos na nga nito ang isang pitsel na inihanda niya kanina.

"Umibig ka na ba, Amigo?" tanong pa nito pagkaraan.

Natigilan naman si Alab sa tanong ng kaibigan. Naiwan pa nito sa ere ang baso na may lamang palek. Napabuntong-hininga ito at tumingin ang mga mata sa malayo. Para bang may sinasariwang alaala.

"Oo, at minahal din niya ako" tugon nito na may mga ngiti sa labi.

Nagtataka naman silang nagkatinginan ni Makisig. Wala naman silang nabalitaan na naging nobya nito. Ni wala nga silang nakilala o nakita manlang na kasama nito na babae bukod sa Ina nito.

"May naging nobya ka?!" magkasabay pa nilang tanong sa kaibigan.

"Bakit hindi manlang namin alam?" dagdag pa ni Makisig na nilantakan na ang natirang pulotan.

"Hindi ko na nagawa. Biglaan nalang siyang nawala" paliwanag nito saka ininom ang alak.

"Paanong nawala? Hindi mo hinanap manlang? Ano 'yon multo?" biro ng kaibigan na si Makisig.

"Hindi siya multo. Basta, pagkagising ko, nang balikan ko siya, wala na" nagsalin pa uli ito ng alak at ibinigay naman sa kanya.

"Ah... Alam ko na! One night stand?!" hindi makapaniwalang tanong ni Makisig.

Pati siya ay nagulat din sa naging rebelasyon nito. Akalain mo nga naman, ang tahimik nilang kaibigan at parang may sariling mundo ay may naging nobya pala.

"Hindi. Turista siya sa Sabtang. Ako ang naatasan na maging Personal Diver Instructor niya. Nagkamabutihan kami at liligawan ko sana pero sinagot na ako bigla" paliwanag pa nito sa kanila.

"Woahh! Iba rin pala ang kamandag nitong si Alab natin, Dakila! Talo Ka pa! Tatahimik lang pero malakas sa chicks!" pumalakpak pa ito at biglang nahulog sa kinauupuan dahil sa kalasingan.

Tinulungan naman nila ito ni Alab na itayo. Lasing na lasing na talaga ang kaibigan. Pang-ilang pitsel ng palek na ba nila ito? Halos maubos na nga ang nasa tapayan. Kada nauubos kasi ito, sinasalinan kaagad ni Makisig. Dinala na kasi ni Alab ang tapayan sa labas nang mapansin nito na paubos na ang kanilang inumin.

"Tama na iyan. Ihahatid ka na namin ni Alab" awat niya sa kaibigan na kukuha pa sana ng palek.

"Inom pa! Alak pa!" sigaw nito na halos gumapang na sa sobrang kalasingan.

Napailing nalang silang dalawa ni Alab. Itinayo na nila ito at iniakbay ang mga balikat sa kanila. Malapit lang naman ang bahay ng kaibigan. Nagdala sila ng flashlight para may ilaw sila sa daan.

"Sumpain lahat ng Kora sa mundo!" sigaw ng kaibigan na si Makisig na kumawala sa kanila. Pasuray-suray ito na naglakad at muntikan pang mabuwal.

Inalalayan naman kaagad nila ito ni Alab bago paman bumagsak ang kaibigan. Lasing na lasing na talaga ito.

Seryoso pa silang nag-inuman kanina at nag-usap sa mga bagay-bagay nang bigla nalang itong magwala at heto na nga ngayon, nagsisisigaw na. Mabuti nalang talaga at nasa bukid sila. Malayo sa nayon kung saan pwede silang maka-disturbo sa mga natutulog na.

Binaybay nila ang masukal na daan patungo sa tahanan nito. Hindi pa napasemento ang bahaging ito sa kadahilanang hindi naman ito palaging nadadaanan ng mga ka-tribo. Magkalapit lang naman ang mga bahay nilang tatlo. Mga tatlong kilometro ang layo galing sa bahay niya kung susumahin.

Napagpasyahan nila na dito manirahan para malapit lang makauwi galing sa pagsasaka nila sa bukid. Inilapag na nila si Makisig sa higaan nito. Hinubad ang tsinelas at kinumotan. Naghihilik na ito sa sobrang himbing ng tulog. Naaawa siya sa kaibigan. Umiyak pa ito sa kanila kanina, sa sobrang pagdadalamhati sa nabigong pag-ibig. Naikwento sa kanila nito na bigla nalang naging malamig ang pakikitungo ng nobya. Nagta-trabaho ang nobya ni Makisig sa Maynila bilang accounting staff sa isang kompanya.

Umuuwi lang ito minsan upang magbakasyon. Dahil walang signal sa Isla, sa sulat lang sila nagkakausap ni Makisig. Maayos naman daw ang lahat noong una. Subalit, pagkalipas ng anim na buwan, unti-unting nagbago ang pakikitungo ng nobya. Noong nakauwi na ito ay sinubukan pa itong kausapin ng kaibigan nila pero umiwas na ang babae at heto na nga ngayon, ikinasal na pala ito sa ibang lalake na taga-Maynila.

Muling nagbalik sa kanyang alaala ang sinabi kanina ng kaibigan na si Makisig.

"Hindi ka manlang ba interesadong malaman kung sino siya?"

"Pumunta kaya ako kina Apo Milda?" napailing siya sa naisip.

Hinilot niya ang sentido at napabuntong-hininga. Sinabi niya sa sarili na hinding-hindi mag-aasawa. May prinsipyo siyang tao. Hindi niya babaliin ang kanyang panata. Napatigil siya sa ginagawa nang biglang may pumasok na ideya sa kanyang utak.

"Maaari kong gamiting gabay ang pangitain ni Apo Milda upang maiwasan ko ang babae na magiging asawa ko dapat!"

Napasuntok siya sa hangin sa naisip. Nilingon naman siya ng nagtatakang kaibigan na si Alab na sinagot lang niya ng matipid na ngiti. Isinarado na nila ang pinto ng bahay ni Makisig at nagpasya na ring umuwi sa kanya-kanyang tirahan.

"Tama! Bukas na bukas rin ay bibisita ako kina Apo Milda at nang makapaghanda ako sa mangyayari sa hinaharap! Seseguraduhin ko na hinding-hindi kailanman magtatagpo ang aming landas!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 44

    “Handa na ang pagkain...”Napalingon kami ni Mama Diwa sa tawag ni Dakila. Ang cute nitong tingnan sa suot nitong pink apron na galing sa akin. Ibinigay ko iyon sa kanya after kong makuha ang aking luggage bag. Noong una, ayaw niya pang tanggapin pero napilit ko rin kalaunan.“Kumain na muna tayo ng hapunan, Inang...” napakamot ito sa kanyang ulo at palipat-lipat ang tingin sa amin, “Nakadisturbo ba ako?”Mukhang napansin yata nito ang namamaga naming mga mata dahil sa naging iyakan namin kanina.“Tapos na kaming mag-usap, halika na Amara. Masarap iyong mga dala ko. Magugustuhan mo panigurado”Tumango ako kay Mama at saka magkasabay kaming naglakad patungo sa loob ng bahay. Nakasunod naman sa amin si Dakila na tahimik lang. Pagdating namin sa kusina ay nabungaran kaagad namin si Makisig na may malaking ngiti sa labi habang namimilog ang mga m

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 43

    Tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak si Mama. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nasasaktan ako para sa kanya. Hindi madali ang pinagdaanan ni Mama. Alam ko dahil pinagdaanan ko narin iyon. Nangyari narin sa akin na nasaktan ako ng pisikal ni Noah.“Tahan na, Mama...” I rubbed her back to calm her.“No, I’m okay... I want you to know what happened also...” inilayo nito ang sarili sa akin at binigyan ako ng isang matipid na ngiti, “Nagtiis ako. Akala ko kasi, magiging maayos din kami. Kasi, hindi naman siya ganun nung nagkakilala kami. He’s a very sweet and caring man. He loves me so much. Sabi ko sa sarili ko, hindi iyon si Jude. Hindi niya kayang gawin sa akin ang mga bagay na iyon. Pinaniwala ko ang sarili ko na magiging maayos kami muli. Kaya mas pinili ko parin mag-stay kahit binubugbog na niya ako ng paulit-ulit. Hanggang sa nag away na naman kami. Sinuntok niya ako sa sikmura. Alam mo kung ano ang

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 42

    Nakaupo kami ngayon sa sala. Magkatabi si Dakila at Makisig na nasa harapan namin habang kami naman ng Inang Diwa ni Dakila ang magkatabi. Ang Inang niya na dati ko palang nanny. Oo, tama kayo, ang hinahanap kong nanny ay nasa isang Isla lang pala na katabi ng Batanes. Ang nanny ko na itinuring ko ng pangalawang Nanay. Ang nanny na mahal na mahal ako at mahal na mahal ko. Nakayakap ako ngayon sa kanya. Naglalambing habang nakataas ang isang kilay kay Makisig. Ano ka ngayon ha?! May bago akong kakampi! “Ano bang nangyari sa inyong dalawa, Makisig?” tanong ni Inang Diwa sa malumanay na boses.Umayos ng upo si Makisig saka nagsimulang magpaliwanag.“Nagkukulitan lang naman kami, Dayang Diwa...” hindi makatingin nitong sagot.Bumaling naman si Inang Diwa sa akin. Hinaplos nito ang buhok ko at may ngiti sa mga labing nagsalita.“Amara... Ano bang nangyari

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 41

    Naiyak nalang ako ng tahimik sa loob ng cubicle. Hindi pa ako tapos magsalita. Bakit naman ganun?Natawa nalang ako nang maalala ang mga nangyari. Pagkatapos noon ay iniwan ako ni Noah sa restaurant. Mabuti nalang at dumating sina Cora at Faye upang tulungan ako.Gusto nga nila na hiwalayan ko kaagad si Noah after what happened pero nagpaliwanag naman din kasi ito na nagkaroon daw ng emergency sa bahay nila kung kaya hindi na nakapag-paalam sa akin. Syempre, mahal ko kaya pinatawad ko.Sinabunutan pa nga ako ni Faye noon na humantong sa tampuhan namin. Tanga raw kasi ako na sa ngayon ay masasabi kong tama talaga siya. Mabuti nalang at naayos ni Cora ang misunderstanding namin na iyon. Ilang beses rin naming pinag-awayan si Noah.Naalala ko rin ang dati na nag-away kami at hinayaan niya lang akong umiyak. Iniwan niya pa ako sa gitna ng kalsada. Ni hindi manlang naisip nito na mapapahamak ako. Mabut

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 40

    "Hala! Sorry! Ikaw kasi eh! Puro kababuyan ang mga sinasabi mo!" wika ko saka dali-daling kumuha ng tissue na palaging nasa gitna ng lamesa ni Dakila nakalagay.Napapikit ito at halatang nagpipigil lang sa sarili.Pinunasan ko ang mukha nito habang pinipigilan ang sarili kong matawa at the same time, naaawa rin ako rito. Poor Makisig. Sorry talaga."At natatawa ka pa talaga ha?" naiinis na bulyaw nito sa akin."Ha? Hindi... Sinong natatawa? Ako ba? Naku! Hindi. Bakit naman ako matatawa? May Buko-Salad ka lang naman sa may bukana ng ilong mo" sagot ko na hindi makatingin dito."Ano ba! Sinusundot mo na ang ilong ko eh!" reklamo nito."Ay naku! Sorry talaga Beshy..." inilayo nito ang mukha sa akin saka ito tumayo at naghilam

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 39

    Nagising ako dahil sa isang awitin na aking narinig. May kumakanta gamit ang gitara. Medyo husky ang boses ha? Alam kong hindi si Dakila iyon dahil alam ko na ang boses nun. Napailing nalang ako at tinampal ang aking noo."Baka naman nagkakamali ako? Baka si Dakila nga? May mga singer din naman na nag-iiba ang boses kapag umaawit na, diba?"Bumangon na ako saka niligpit ang aking higaan. Medyo, pagod parin ang pakiramdam ko. Malakas ang menstruation ko ngayon dahil first day. Usually kasi, lumalakas agad ang period ko basta unang araw at pangalawa. Kapag 3rd day na, medyo okay na ang pakiramdam ko nun. Hindi narin masyadong malakas ang period ko that day. Pagka-4th day, mawawala na. Kaya, tiis-tiis nalang muna ako sa period na ito.Binuksan ko ang pintuan at dumiritso muna sa banyo. Kailangan ko kasing e-dispose ang nakolektang dugo galing sa cervix ko at itapon. After that, huhugasan ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status