After that, the chief financial officer (CFO) discussed the status update of the company. The company's performance and profit. Then she dismissed the meeting after. Bumalik na rin siya sa kanyang opisina pagkatapos at humingi ng kape sa kanyang sekretarya na kaagad namang sinunod nito. She's busy signing some papers when her secretary knock on the door.
"Get in..." wika niya.
Napalingon naman siya sa sinabi nito.
"Si Noah? Ano namang ginagawa ng gago na yun dito?!"
Napabuntong-hininga siya sa sariling tanong. It's been 6 months after that horrifying night. Kung saan, nabisto niya ang ex-boyfriend at ang isa pa niyang kaibigan na si Layla na may relasyon pala. Noong una, todo walwal pa siya pero ngayon, hindi na. Tanggap na niya ang lahat at masaya na sa pagiging single. Salamat sa mga kaibigan niya na hindi talaga siya iniwan.
" Sabihin mo na busy ako. Bumalik nalang siya sa ibang araw" aniya at nagpatuloy na sa ginagawa.
Tumango naman ito at kaagad ng umalis.
Pasado ala-syete na ng gabi nang matapos siya sa ginagawa. Hinilot niya ang nangangalay na leeg at napasandal sa kanyang swivel chair. Hindi na niya napansin ang oras sa sobrang busy kanina. Inayos na niya ang mga dokumento na nagkalat sa lamesa at tumayo na para umuwi. Ngayon palang niya naramdaman ang gutom. Hindi nga pala siya nakapag-lunch. Pagkababa sa lobby ay agad naman siyang binati ng gwardya nila na si Mang Ramel. Ito ang naka-duty for night shift.
"Magandang gabi po ma'am Hernandez, Ako na po ang kukuha sa sasakyan niyo ma'am" wika nito sa kanya.
"Sige ho, Mang Ramel. Salamat" Ibinigay niya ang susi dito at umupo na muna sa silya.
Tiningnan niya ang kalangitan at napangiti nang makita ang buwan. Bilog na bilog ito. The dark sky was full of stars and the moon shines so bright. Naaalala niya tuloy ang kanyang nanny. Mahilig ito sa buwan. Palagi sila noong nag-aabang sa kabilogan ng buwan. Mahilig din itong magkwento tungkol kay Mayari. Ang Diyos ng buwan. Bago matulog ay palagi siya nitong kinukwentohan and she would always get excited about it. Napukaw siya sa pag-iisip nang muli na namang kumalam ang sikmura.
"Gutom na talaga ako!" himutok niya sa isip.
Maya-maya pa ay natanaw na niya ang sasakyan. Kaagad naman siyang nagpasalamat kay Mang Ramel. Nagpaalam na rin siya rito at sumakay na. Bago umuwi ay pumunta na muna siya sa isang restaurant upang kumain. Gutom na gutom na talaga siya kaya naparami ang order. Pagkarating ng pagkain ay nilantakan na niya kaagad ito. Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan siya.
"Bahala kayo dyan...Basta, ako, busog!"
She finished her meal after a minute. Busog na busog siya. She's sipping her drink when someone approach her.
"Noah?!" bulalas niya.
"Anong nangyari sa'yo?" gulat na gulat na wika niya.
Ang Noah na nasa harapan niya ngayon ay ibang-iba sa Noah na nakilala at naging nobyo niya noon. Hinawakan nito ang mga kamay niya at nagsusumamo ang mga mata.
"Babe... Please, bumalik ka na sa akin. Patawarin mo na ako" pagmamakaawa nito sa kanya.
Inalis niya ang pagkakahawak nito sa kanyang mga kamay at napailing nalang.
"I'm sorry, Noah... pero malabo ng maging tayo muli" aniya na may malungkot na ekspresyon sa mukha.
"When you cheated on me, I was so devastated. Hindi ko nga alam kung paano magsisimulang ulit. 8 years.
8 years ang pinagsamahan natin na itinapon mo lang. Back then, I would always asked myself kung bakit? Ang dami kong tanong pero kalaunan, napagtanto ko na hindi ko naman kasalanan ang nangyari. Baka, hindi lang talaga tayo ang para sa isa't isa"Tumayo na siya at iniwang nakatulala si Noah sa loob. Ayaw na niya. Tama na ang pagpapakatanga. Sabi nga ni Faye, hindi na uso ang martir ngayon. Tapos na sila ni Noah. Ngayon naman ay dapat mahalin niya ang sarili. Bubuksan na sana niya ang pintuan ng sasakyan nang may humablot sa kanya.
"Hindi pa tayo tapos Amara!" asik pa nito.
"Ano ba Noah! Bitawan mo nga ako. Nasasaktan na ako, ano ba!" sigaw niya rito habang pilit na inaagaw ang balikat na hawak nito.
"Hindi! Bakit Amara?! Bakit ang dali-dali lang sa'yong tanggapin na wala na tayo ha?!" nanlilisik ang mga matang sigaw nito.
Huminto siya sa pagpupumiglas at saka humarap kay Noah.
"Anong karapatan mong sabihin 'yan sa akin?! Bakit? Nung nakipaglampungan ka ba sa kaibigan ko, naisip mo ba ang pinagsamahan natin ha! Noong hinahalikan mo siya, naisip mo ba ang mararamdaman ko? Naisip mo ba na masasaktan ako?!" hindi na niya napigilan pa ang pagdaloy ng kanyang mga luha.
"Hindi ako ang tumapos sa relasyon natin, kundi ikaw!" tinalikuran na niya ito.
"May kasalanan ka rin!" sagot nito na nakapagpahinto sa kanya. Hinarap niya itong muli na nakakunot-noo.
"Ilang ulit na kitang pinagsabihan na bitawan ang p*tang-*nang kompanya na iyan! Pero anong ginawa mo? Hindi ka nakinig sa akin. Alam mo ba na palagi akong napapahiya ng dahil sa'yo? Hindi sila naniniwala na birhen ka dahil puro kalaswaan ang negosyo mo! Pinagtatawanan ako ng mga tao sa paligid ko, Amara" galit na wika nito.
"Negosyo iyon na ipinamana lang sa akin ng mga magulang ko Noah!" sagot niya rito.
"Walang ibang sasalo nun. Ako lang! Dahil ako lang ang nag-iisang anak at alam mo iyon! Sa lahat ng tao, ikaw ang mas nakakaalam na trabaho lang iyon. Na negosyo lang iyon at hindi ako 'yon!"
Nanghihina siyang napasandal sa sasakyan niya. Hindi niya akalain na ganito ang kahahantungan nila ni Noah. Minahal niya ng lubos ang lalake. Akala niya, naiintindihan nito ang lahat. Akala niya, mahal siya nito. Na tanggap siya nito.
" Iyon ba talaga ang dahilan ha, Amara? O baka naman totoo ang sinasabi nila na pa-feeling virgin ka lang?! Na pokpok ka naman talaga at mas nanaisin mo pa ang mga dildo keysa sa totoong t*t* ng isang lalake?" ngumisi ito ng nakakaloko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
" Ano Amara, totoo ba ha?! Pokpok ka ba talaga? Sabihin mo, pokpok ka ba– "
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Noah. Hindi na niya napigilan ang sarili sa sobrang galit. Nanginginig ang kanyang mga kamay at hilam ng luha ang kanyang mga mata. Galit na galit siya sa dating nobyo. Anong karapatan nitong kwestyunin ang buong pagkatao niya? Ni minsan, hindi siya nagpahalik manlang sa kahit na sinong dumaan na lalake sa buhay niya. Ni hindi nga siya lumandi kahit sa mga naging boyfriend niya. She preserved her virginity to the man that will bring her to the church. Sa lalakeng pakakasalan siya. Sa kanilang dalawa, ito ang nagkasala. He cheated on her for goodness sake! Tapos ngayon, ito pa ang galit dahil ayaw niyang balikan?
Agad na niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan at malakas itong isinara. Bubuksan pa sana ni Noah ang pintuan ngunit pinindot niya ang button na may electrified door handles option. Kung kaya nakuryente ito at natumba.
"Buti nga sa'yo, gago!" wika niya sa isip habang tinitingnan si Noah na namimilipit sa sakit dahil sa electric shock na natamo nito. Kaagad na niyang pinaandar ang sasakyan at iniwan ang lalake.
“Handa na ang pagkain...”Napalingon kami ni Mama Diwa sa tawag ni Dakila. Ang cute nitong tingnan sa suot nitong pink apron na galing sa akin. Ibinigay ko iyon sa kanya after kong makuha ang aking luggage bag. Noong una, ayaw niya pang tanggapin pero napilit ko rin kalaunan.“Kumain na muna tayo ng hapunan, Inang...” napakamot ito sa kanyang ulo at palipat-lipat ang tingin sa amin, “Nakadisturbo ba ako?”Mukhang napansin yata nito ang namamaga naming mga mata dahil sa naging iyakan namin kanina.“Tapos na kaming mag-usap, halika na Amara. Masarap iyong mga dala ko. Magugustuhan mo panigurado”Tumango ako kay Mama at saka magkasabay kaming naglakad patungo sa loob ng bahay. Nakasunod naman sa amin si Dakila na tahimik lang. Pagdating namin sa kusina ay nabungaran kaagad namin si Makisig na may malaking ngiti sa labi habang namimilog ang mga m
Tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak si Mama. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nasasaktan ako para sa kanya. Hindi madali ang pinagdaanan ni Mama. Alam ko dahil pinagdaanan ko narin iyon. Nangyari narin sa akin na nasaktan ako ng pisikal ni Noah.“Tahan na, Mama...” I rubbed her back to calm her.“No, I’m okay... I want you to know what happened also...” inilayo nito ang sarili sa akin at binigyan ako ng isang matipid na ngiti, “Nagtiis ako. Akala ko kasi, magiging maayos din kami. Kasi, hindi naman siya ganun nung nagkakilala kami. He’s a very sweet and caring man. He loves me so much. Sabi ko sa sarili ko, hindi iyon si Jude. Hindi niya kayang gawin sa akin ang mga bagay na iyon. Pinaniwala ko ang sarili ko na magiging maayos kami muli. Kaya mas pinili ko parin mag-stay kahit binubugbog na niya ako ng paulit-ulit. Hanggang sa nag away na naman kami. Sinuntok niya ako sa sikmura. Alam mo kung ano ang
Nakaupo kami ngayon sa sala. Magkatabi si Dakila at Makisig na nasa harapan namin habang kami naman ng Inang Diwa ni Dakila ang magkatabi. Ang Inang niya na dati ko palang nanny. Oo, tama kayo, ang hinahanap kong nanny ay nasa isang Isla lang pala na katabi ng Batanes. Ang nanny ko na itinuring ko ng pangalawang Nanay. Ang nanny na mahal na mahal ako at mahal na mahal ko. Nakayakap ako ngayon sa kanya. Naglalambing habang nakataas ang isang kilay kay Makisig. Ano ka ngayon ha?! May bago akong kakampi! “Ano bang nangyari sa inyong dalawa, Makisig?” tanong ni Inang Diwa sa malumanay na boses.Umayos ng upo si Makisig saka nagsimulang magpaliwanag.“Nagkukulitan lang naman kami, Dayang Diwa...” hindi makatingin nitong sagot.Bumaling naman si Inang Diwa sa akin. Hinaplos nito ang buhok ko at may ngiti sa mga labing nagsalita.“Amara... Ano bang nangyari
Naiyak nalang ako ng tahimik sa loob ng cubicle. Hindi pa ako tapos magsalita. Bakit naman ganun?Natawa nalang ako nang maalala ang mga nangyari. Pagkatapos noon ay iniwan ako ni Noah sa restaurant. Mabuti nalang at dumating sina Cora at Faye upang tulungan ako.Gusto nga nila na hiwalayan ko kaagad si Noah after what happened pero nagpaliwanag naman din kasi ito na nagkaroon daw ng emergency sa bahay nila kung kaya hindi na nakapag-paalam sa akin. Syempre, mahal ko kaya pinatawad ko.Sinabunutan pa nga ako ni Faye noon na humantong sa tampuhan namin. Tanga raw kasi ako na sa ngayon ay masasabi kong tama talaga siya. Mabuti nalang at naayos ni Cora ang misunderstanding namin na iyon. Ilang beses rin naming pinag-awayan si Noah.Naalala ko rin ang dati na nag-away kami at hinayaan niya lang akong umiyak. Iniwan niya pa ako sa gitna ng kalsada. Ni hindi manlang naisip nito na mapapahamak ako. Mabut
"Hala! Sorry! Ikaw kasi eh! Puro kababuyan ang mga sinasabi mo!" wika ko saka dali-daling kumuha ng tissue na palaging nasa gitna ng lamesa ni Dakila nakalagay.Napapikit ito at halatang nagpipigil lang sa sarili.Pinunasan ko ang mukha nito habang pinipigilan ang sarili kong matawa at the same time, naaawa rin ako rito. Poor Makisig. Sorry talaga."At natatawa ka pa talaga ha?" naiinis na bulyaw nito sa akin."Ha? Hindi... Sinong natatawa? Ako ba? Naku! Hindi. Bakit naman ako matatawa? May Buko-Salad ka lang naman sa may bukana ng ilong mo" sagot ko na hindi makatingin dito."Ano ba! Sinusundot mo na ang ilong ko eh!" reklamo nito."Ay naku! Sorry talaga Beshy..." inilayo nito ang mukha sa akin saka ito tumayo at naghilam
Nagising ako dahil sa isang awitin na aking narinig. May kumakanta gamit ang gitara. Medyo husky ang boses ha? Alam kong hindi si Dakila iyon dahil alam ko na ang boses nun. Napailing nalang ako at tinampal ang aking noo."Baka naman nagkakamali ako? Baka si Dakila nga? May mga singer din naman na nag-iiba ang boses kapag umaawit na, diba?"Bumangon na ako saka niligpit ang aking higaan. Medyo, pagod parin ang pakiramdam ko. Malakas ang menstruation ko ngayon dahil first day. Usually kasi, lumalakas agad ang period ko basta unang araw at pangalawa. Kapag 3rd day na, medyo okay na ang pakiramdam ko nun. Hindi narin masyadong malakas ang period ko that day. Pagka-4th day, mawawala na. Kaya, tiis-tiis nalang muna ako sa period na ito.Binuksan ko ang pintuan at dumiritso muna sa banyo. Kailangan ko kasing e-dispose ang nakolektang dugo galing sa cervix ko at itapon. After that, huhugasan ko