Share

Kabanata III

                                                                                       ________

HINDI napigilan ni  Elise ang bahagyang pagkadismaya nang imulat niya ang kanyang mga mata. Minsan lang siyang magkaroon ng wet dreams tapos medyo bitin. Gusto niya sanang magtagal pa sa panaginip na iyon. Kaagad niyang hinanap ang kanyang cellphone. Nakpkap niya ito sa ilalim ng kanyang unan. Alas-syete na ng umaga.

" Damn it!," she cursed under her breath. 

7:30 ang unang klase niya at mayroon na lang siyang eksaktong 30 na minuto upang maghanda.Mabilis siyang nagtungo sa shower room, mabuti na lang at hindi pa peak hours. May bakante pang mga cubicle kaya hindi  na niya kailangan pang pumila. Wala siyang inaksayang oras at kagaad na naligo. Pagkatapos ay nagtooth brush na din siya. Habang sinisiipat niya ang kanyang repleksyon sa salamin ay kaagad na nagtungo ang kanyang paningin sa kanyang leeg. Doon siya hinalikan ng lalaki sa kanyang panaginip at preskong presko pa sa kanyang isip ang ginawa nila kagabi. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya.

Ganoon na ba siya sa sexually frustrated?

Napailing siya. Hindi dapat siya nag-iisip ng ganoon. Wala din namang patutunguhan. A dream is just a dream. Nang makalabas siya ng shower ay nakasalubong niya si Agatha. Kakagising lang nito.

" O, naligo ka na?"

" Oo kasi di ba 7:30 am yung unang class natin ngayon?"

" Gagi! Opening excercise lang ngayon, ano ka ba."

" Ha?" lutang na tanong niya.

" Hindi pa official ang klase ngayon 'no. Mga next week pa, ata. Bago kasi ang dean natin ngayon kaya iniba na ang set up."

Napaamang na lang siya sa sinabi ng kaibigan.

" Bakit ngayon mo lang sinabi sakin?"

" Wala lang," kibit-balikat na sagot nito. " Gusto ko kasing makitang nagpa-panic ka hahahha."

" Baliw ka talaga, Agatha Joy," aniya at akmang hahampasin sana ito ng dala niyang tuwalya pero mabilis itong nakasibat.

Matutulog na nga lang siya ulit. Baka may  dugtong pa ang panaginip niya. Tutal wala din namang siyang gagawin sa Org Fair kasi hindi naman siya kasali sa kahit anong organization sa kanilang university. Bumalik siya sa kanilang kwarto at natagpuan si Agatha na nakasalampak sa kama nito.

" Alam mo sobrang nakakatawa talaga kanina ang expression mo hahahha."

" Bwesit ka ! Dapat sinabi mo kagabi. Alam mo namang ang dali kong makalimot ng mga ganoong bagay."

" Sus,pero yung feelings mo kay Jules hindi mo malimot limot," kantyaw nito sa kanya

"Hindi  'no," mariin niyang tanggi. " I am completely, definitely, and absolutely over him."

" Weh? Seryoso?"

" Oo nga e. Saka tumahimik ka na baka marinig ka ni Sherry. Nasa kabilang kwarto pa naman 'yun."

" Oy affected siya!"

" Alam mo ang aga-aga, sinisira mo na ang mood ko."

" Oo na po, shut up na," anito at nagkunwaring sinisirado ang bibig. " So anong gagawin natin ngayon? Alam ko namang hindi ka parte ng kahit anong organization tulad ko kaya wala din naamn tayong masyadong gagawin mamaya."

" Matulog?"

" Gagi, puro ka na lang tulog. Be productive naman."

" Punta na lang tayo sa mga kiosk mamaya."

" Sounds fun. Sige. Saka nga pala, attend tayo ng after party ng Stellians mamaya."

Ang Stellians ang pinakaprominenteng sorority sa kanilang university at sa kinamalas-malasan , ang head nito ay si Sherry.  

" Ayoko! Andun sina Sherry. Ako na naman ang pagdidiskitahan 'nun. Saka hindi naman ako mahilig sa mga ganoong bagay."

"For a change ba. My God! Magtatatlong taon na tayo dito sa uni, pero ni isang party wala ka pa ring dinadaluhan. How boring can your life be? Dapat ini-enjoy natin nag upuntong ito ng buhay natin and parties are just one of way to do that. Come on, Elise. Live a little."

" Hey, I don't go to paries because I dont want to." 

" I know,  I know. Pero ang tanong hanggang kailan ka magiging reclusive? Next year magte-thesis na tayo so magiging mas busy na tayo which meana mababawasan na ang ating social life. We should do it now."

Sabagay may punto naman ito at isa pa, minsan lang din naman. Magandang distraction din 'yun para mawala sa utak niya ang kakaibang panaginip niya kagabi.

                                                                                       _________

KINAHAPUNAN ay tumingin-tingin nga sila ng mga kiosk sa org fair. Samu't sari ang tinda ng mga ito. Magmula sa mga pagkain hanggang sa mga personalized stickers at bookmarks. May mga pa-games din ang iba't ibang  fraternity at sorority. Paroo't parito ang mga estudyante at bumibili ng mga paninda. 

" Elise!" tawag ng kung sino sa kanya. Hinanap niya ang pinanggalingan ng boses sa bulto ng mga estudyanteng naroon. Nadismaya siya ng makitang nanggaling pala iyon  kay Sherry. 

" Hey...Kanina pa kita hinahanap," anito at inilahad ang kanyang palad. " I just want to apologize to you directly."

Two-face bitch!

" Bakit nagsosorry ang bruhang yan sayo?" bulong ni Agatha.

May perpektong timing si Sherry pagdating sa pagsira ng araw niya.Ang gusto lang naman niya ay matapos ang araw na  ito nang walang nagpapaalala sa kanya nang kung anumang nangyari sa isla ngunit mukhang malabong mangyari iyon dahil sa bruhang nasa harap niya.

Mas minabuti niyang hindi sagutin ang tanong ni Agatha at binalingan si Sherry. Hinawakan niya ang kamay ni Sherry. Kahit na alam niyang hindi sincere ang paghingi nito ng tawad. Gusto lang niyang itaboy siya.

" It's no big deal...No harm done."

Please umalis ka na!

" But  you got hurt because of me," paawa pa nito.

Can't she just leave me alone?!

" You got hurt , Elise? May nangyari ba sa isla?" tanong naman ni Agatha.

" O, you did not know? Elise was found---" 

" Sherry!"

Si Jules. For the first time naipagpasalamat niya ang pagdating nito. 

" What are you doing here hinhanap ka na sa kiosk."

Otomatiko namang pumuluput naman si Sherry dito.

" Babe... I am just apologiizng to Elise for what happened."

Bumaling si Jules sa kanya. Parang may gusto nitong sabihin sa kanya. Parang gustong niyang sampalin ang sarili sa mga oras na iyon.Sa loob ng mga taong magkasama sila ay nakasanayan na niyang basahin ang kung anumang iniisip nito.  Iyon din siguro ang dahilan kung bakit madali siya nitong naloko. Akala niya kilala niya ito ng lubos ngunit nagkamali siya. Magtatatlong buwan na silang hiwalay ngunit hindi pa rin mawala-wala sa sistema niya ang naging parte nito sa kanyang buhay. 

Biglang bumalot ang galit at hinanakit sa kanya. Hindi na ito ang Jules na kilala niya. Ang mga Jules na kilala niya noon ay hindi maglalakas loob na saktan siya. Ito ay dapat na isang masamang buhay.  May sasabihin sana ito sa kanya pero hinablot niya ang bisig ni Agatha at hinila ito palayo. " Lets get out of here."

" Ha? Bakit naman? Saka hindi mo pa nga sinasabi sa kin kung bakit nag-sosorry yung gagang Sherry na yun eh."

" I will answer your questions later."

Bumalik sila ng dorm at doon na niya ipinagtapat ang lahat kay Agatha. Liban na lang sa katotohanan na   hindi siya lasing. Mabuti na alang at hinid na sya nito binomba ng mga tanong. Saka naintindihan din nito ang kagustuhan niyang huwag nang aalalahanin ang mga nangyari. 

" Sherry that bitch! Ang sarap niyang balatan ng buhay," nanggigil na saad nito.

" Hayaan mo na 'yun. She does not deserve any of our attention."

" Kahit na. Feeling talaga ng gagang 'yan siya ang pinakamaganda sa campus. At si Jules? Hindi ko akalaing nagtagal kayo ng 5 year tapos itinapon niya lang ang lahat ng iyon dahil kay Sherry."

Highschool pa lang ay magkasintahan na sila si Jules. He was her first love, first kiss, and first in everything. Pero madaming nagbago ng dumating sila sa college. Hindi na ito ang Jules na kilalal niya. Higit sa lahat, he took advantage of her. Siya ang naging tagagawa ng mga project at assignemnts nito habang nag-aaliw ito kasama ang bagong barkada nito. Noong una ay naninbago siya dahil hinidi naman kasi nito ugali iyon. Pareho silang matalino kaya nga nakapasok sila sa isang prominenteng unibersidad. It all started he joined that fraternity. Madalas itong mag-hang out kasama ang mga kaibigan nito sa mga club at resto bar sa labas ng school. Ininda niya lahat iyon kahit na nawalan na ito ng oras sa kanya. Kaya naman nang makita niya itong nakikipaghalikan kay Sherry ay nasaktan talaga siya. Akala niya, sila ang magkakatuluyan sa huli ngunit sadyang may mga bagay sa mundo na hindi talaga magkatotoo.  

                                                                                       _________  

MALAYO pa lang ay rinig na rinig na ni Elise ang ,masigabong na musikang nanggagaling saparty. Nasa isang abandonadong resort maalas isinasagawa ng mga sorority at fraternity ang kanilang mga ganoong pagtitipon. Nasa likuran lang iyon ng school at tago kaya hindi madaling mapuntahan.

" Bumalik na lang kaya tayo, Agatha?" ungot niya sa kaibigan.

Napakunot-noo naman ito, " Ano ka ba ? Nandito na tayo e. Saka hinihintay na tayo ni Francesca sa loob."

" Kinakabahan talaga ako e."

" At bakit ka naman kakabahan? Don't tell me that your chickening out?"

" Hindi bato ilegal? Private property kaya tong resort."

" Pinabayaan na naman ito ng may-ari. Saka maraming party na ang naganap dito. Imposible namang walang kaalam-alam ang mga nasa admin. "

Hindi na siya nakaumang pa dahil bigla na lang siya nitong hinila papasok. Bago pa man sila tuluyang makapasok ay hinarang na sila ng dalawang babae. Hinuha niya ay miyembro ang mga ito ng Stellians.

" Kakapasok niyo pa lang ba dito?" tanong babaeng may maikling buhok.

" Yeah..." sagot naman ni Agatha.

"Well, you need to drink a shot before you can enter the part. Are you cool with that?"

"Actually, aalis na ---- "

Hinidi na niya naituloy pa ang sasabihin ng inunahan siya ni Agatha.

"Yes, sure na sure."

Pinandilatan siya nito ng mata at bumulong ng," I thought we have already agreed to this?"

" Okay. Diane, please bring these two beautiful ladies  their drinks."

Umalis ang blonde na babae at bumalik nang may hawak hawak na cup. Ibinigay niyon ang mga ito sa kanilang dalawa. Walang sabi-sabing    tinungga ng kaibigan niya ang laman ng cup. Sa kabilang banda naman ay matagal na tinitigan ni Elise  ang inuming nasa kanyang mga kamay.

" Inumin mo na," sulsul ni Agatha.

Amoy pa lang ng likodong nasa cup ay halos masuka na si Elise. Huminga siya ng malalim at nilagok ang likido sa isang shot. Parang nasusumpungan ang lalamunan niya. Nang maubod ang laman ng cup ay halos hindi maipinta ang kanyang mukha.

" Good girl," ani ng kanyang kaibigan.

" Looks like you have already emptied your cups, pwede na kayong pumasok. Enjoy the party."

Wala nang inaksaya pang panahon si Agatha at hinila na siya nito papunta sa kinaroroonan ni Francesca.

" I can't believe you girls are here tonight!"  Pagewang-gewang na ito at sigurado siyang marami na itong nainom. Pagkatapos ay sabik na inakbayan siya ni Francesca sa isang mahigpit na yakap.

" Elise, I'm so glad your here."

Nangangamoy alak ito. Sinubukan naman ni Elise na lumayo  sa lasing na kaibigan dahil medyo nahihirapan na siyang huminga sa yakap nito.

" Naku kung alam mo lang talaga. Ang hirap niyang pilitin kaninan."

" Hindi kaya... I am just worried kasi trespassing 'tong ginagawa natin." 

Binigyan siya ng mga ito ng kakaibang titig at tumawa ng malakasPareho silang binigyan ng kakaibang titig at nagtawanan.

" Stop being miss-goody-two- shoes, Elise. Kaya ka iniwanan ni Jules e because your plain and boring, " pasaring ni Francesca sa kanya. 

Medyo nasaktan siya sa sinabi nito  pero hindi niya iyon ipinakita. Hindi naman kasi kasalanan ang  magsabi ng totoo.  Wala siyang ka amor-amor o kung anumang exciting tungkol sa kanya. Palagi siyang natatakpan ng anino ng iba. 

" Ay, ano ba! Kalimutan na natin ang Jules-Jules na 'yan. We will drink till we dropppp!"tumaas-baba ang kilay ni Agatha, " Hindi ba, Elise?"

Tumango-tango lang siya. 

Tumabi sa kanya si Agatha at bumulong sa kanyang tainga," Pagpasensyahan mo na yang si Francesca. Lasing lang yan."

Inilibot niya ang paningin sa palid. Halos kalahati ng mga estudyante sa kanilang university ay naroon. May iba ding nanggaling sa ibang school. May iilang nagme-make out sa gilid habang sa may dance floor naman ay puno ng mga sumasayaw. Hanggang sa  gilid ng kanyang mata, may nakatawag sa kanyang atensyon. Nakalambitin si Sherry kay Jules at naghahalikan! 

  Parang lumubo ang kanyang puso sa sobrang sakit ng loob at anumang oras ay pwede iyong sumabog. Bago pa man tumulo ang kanyang mga luha ay inagaw niya kay Francesca ang cup nito at tuloy tuloy na ininum ang laman nito. Napaamang na lang ang kanyang mga kaibigan sa ginawa niya. Sa pagkakataong ito ay nakasanayan narin niya ang dala nitong pait. 

" Wow.." iyon lang ang tanging lumabas a bibig ni Agatha

" Can you bring me some more please?" tanong niya kay  Francesca.

" Yeah sure. Hintayin niyo ko jan. we are going to have a long and wild night!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status