Share

1

Author: MM16
last update Last Updated: 2023-08-14 08:15:26

Chapter 1 - Desire

Daig pa niya ang nanonood ng isang telenovela sa TV matapos ang kanyang nasaksihan na proposal, pero biglang dumating ang isang kontrabida, sa katauhan ng kanyang Daddy. Galit na galit, gustong manakit.

Tinutulan nun ang inaalok na kasal ni Midnight sa kanyang Ate Abby kaya parang mga bulang naglaho ang mga kaibigan ng Ate Abby niya. Sayang ang kanyang damit at sapatos. Napaltos pa naman ang mga paa niya dahil sa pagsusuot ng sapatos na de takong, tapos napurnada lang ang lahat. Now, they're inside the mansion. Pinalayas ng Daddy niya si Midnight sa bahay nila at ayaw na raw makitang muli ang pagmumukha nun.

She saw how that guy clenched his jaws, and she doesn't know if he was hurt or mad. Nakiusap yun pero hindi pa man lang tapos ay binara na kaagad ni Salvatore na parang isang inidoro.

Her father was so mad. He just arrived from his trip to Hongkong. Inatasan iyon ng Presidente ng Pilipinas na pumunta roon para sa mahahalagang bagay. Nagulantang nga rin siya nang sumulpot na lang yun bigla, kasama ang ina nila.

Desire's father, Salvatore is a General of the Armed Forces of the Philippines. Hindi pa iyon nagre-retire dahil bata pa, at halata naman na nai-enjoy pa ang trabaho bilang Militar, kaya sa bahay ay medyo batas Militar din.

"Babaan mo ang boses mo, Daddy," saway ng Mommy nila sa ama nilang halos mamula na sa galit, pero parang bingi lang naman yun sa mga sinasabi ng asawa.

Ganun naman talaga si Salvatore kapag nagagalit, sarili lang ang pinakikinggan. Si Jemena naman ay tamang mga paalala lang, dahil alam naman nito na wala naman itong magagawa.

Salvatore is the head of the family, and he has the power to make the rules and regulations.

"I never knew you were keeping that man in your pants, Abegail!" Duro nito sa kapatid niya. Nakaupo lang siya sa may piano, nakatunganga habang kumakain ng cake.

"Bakit hindi ka gumaya dito sa kapatid mong walang interes sa lalaki? Ikaw pa naman ang mas nakatatanda, di ka marunong magturo ng tama!"

"Wala naman akong interes, Dad. Isa lang naman ang interes ko, si Midnight," sagot naman ng Ate Abegail niya kaya naman napamadali siya sa pagsubo.

Napaubo siya kunwari. Weeeeh, 'di nga?

Nangangamoy high blood. Lalong maiirita ang daddy niya sa pagsagot-sagot nito, sigurado yun.

"Hindi ko alam kung anong kagagahan ang pumasok diyan sa kukote mo, Abegail. Noong nagbabakasyon kayo ni Desire sa probinsya nina Pareng Tomas, si Gian ang gusto mo. You even promised him when he asked for your hand. Your Tito Ramon valued that thing, and he wanted you to marry his son. Yet, when you're here, ang isa sa mga bastardo na anak ni Castelloverde ang gusto mo."

Hindi nakaimik ang Ate niya sa mga sinabi ni Salvatore dahil totoo iyon. Hindi nga lang si Midnight ang lalaking dumarating sa mansyon, may iba pa. Mahirap na lang magsalita pero hindi siya komporme sa sinasabi nitong si Midnight lang ang interes nito. Siguro, si Midnight lang ang mula pagkabata niya ay nakikita niya, just that.

Hindi sila tunay na anak ng mag-asawa. Napatay sa engkwentro ang mga magulang nila. Hindi sila magkaano-ano sa totoong buhay, hindi magkapatid. Mabuti na lang, nagmagandang loob ang mag-asawa na alagaan sila at ampunin, kaya naging mga legal silang anak nina Salvatore at Jemena.

Their mother is a doctor. Mula at sapol ay idolo niya ang kinilala niyang ina. Kasama siya nito sa ospital madalas. Nanonood siya ng mga pag-opera at kung anu-ano pa, basta related sa pagsasalba mg mga buhay ng mga pasyente.

Her mother was the reason why she chose to take up medicine, and she was quite happy with the career that she chose. Naroon ang puso niya.

"Ramon will come tomorrow," medyo humupa na ang Daddy niya at tumalikod na sa kapatid niya, "Mag-aasikaso na kayo ng kasal ni Gian."

Desire blinked when she heard it. Walang nagawa si Abby kung hindi ang tumungo. Bakit parang nakikita ni Desire na nalilito ito kung sino ang mahal sa mga lalaking dinadala sa mansyon?

Ang hirap naman maging maganda, naisip niya, pero bakit natutuwa ang puso niya na hindi natuloy ang engagement? Traydor siyang kapatid dahil ang tagal na niyang may paghanga kay Midnight, pero sport naman siya na tinanggap na ang Ate niya ang boyfriend nun. He was even too old for Desire anyway. At least that's what she thinks.

"Ikaw," baling sa kanya ng Daddy niya kaya naman nanlaki ang mga mata niya.

She pointed at her chest, "What about me, Daddy? Papakasak mo rin ako kay Tito Ramon?"

Humalakhak ang ama niya at parang nawala ang galit sa mundo.

"Silly. Nakisali ka pa sa engagement ng kapatid mo."

"Aba, gusto ko lang makikain. Libre ang foods."

Nangingiti ang Mommy niya sa kanya pero ang Ate niya ay matabang na tumalikod, kaya nasundan niya ng tingin.

There's no rivalry between the two of them. They manage their own lives. Hindi naman siya nakikialam dito kahit na marami siyang nakikita. Mas may edad naman kasi ito kaya naniniwala siyang alam na nito ang ginagawa sa buhay. Yun lang, iba't iba talaga ang mga lalaki ni Abegail. She doesn't get contented with one guy. Random guys were pulling down her undies for her and Desire just ignored it.

Abby's still her sister.

"Daddy," aniya sa ama nang mawala ang kapatid niya sa paningin niya.

"Don't you think you're being too harsh on her?"

Napakunot ang Daddy niya ng noo kaya medyo naalarma siya. Baka sa taong lipod siya nito ipakasal dahil sa pakikialam niya.

She remembers taong lipod when they spend a vacation in the province. Uso roon ang mga nuno, aswang at taong lipod, o yung mga laman lupa.

"I mean, gusto niya talaga si Midnight," kibit balikat niya sa ama.

"I know what I'm doing, Desire. Go to your room now and change. May pasok ka pa bukas," anitong tumalikod.

Tinanguan siya ng Mommy niya kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Midnight's Fall - DBS 1   Special Chapter

    Special Chapter 4 months later... MALAKI ang tiyan, hindi naka-uniform. Iyon ang itsura ni Desire nang lumabas sa classroom, kasabay ang pambansang best friend na si Devi. Nasa ika-limang buwan na siya ng pagbubuntis ngayon. Tapos na halos ang paghihirap tuwing gumigising siya sa umaga ara magsuka. Sumusuka pa rin siya pero hindi tulad ng dati. Noon, ang katawan niya ay mala Jessy Mendiola, noong binabansagan pa iyon na, 'chubby is the new sexy', pero ngayon ay pumayat si Desire. Nabaliktad na ang takbo ng buhay niya. Apat na buwan na lang ay lalabas na ang kanyang little Midnight. The ultrasound last month showed the gender of the baby. Napakaaga para makita pero hindi rin naman imposible. Wala pang nakakaalam no'n, siya pa lang. Ang litrato ng ultrasound ay ipinakita niya kay Midnight, pero tanga naman iyon na hindi alam kung alin ang itlog at ang putotoy ng anak niya. Ang sabi no'n ay ang ganda ng utak ng anak nila. Tawa siya nang tawa at sinarili niya ang sikreto sa kasarian

  • Midnight's Fall - DBS 1   Epilogue

    Epilogue BUKOD sa napakahaba ng leeg ni Desire ay kandahaba rin ang binti niya habang nasa sidestand ng Red Bull Arena, kasama ang Mommy at Daddy niya at si Leonardo. Tatlong taon pa lang ang lumipas. Ang anak nila ni Midnight na si Rafayel na magtatatlong taon na ay hindi pa nasusundan. Sobra-sobra ang pag-iingat nila ni Midnight para makapagtapos na rin kaagad siya ng pag-aaral. Naoagkasunduan nila iyon, kahit na gusto sana nila na marami silang maging anak. Kasama niya ang anak, nasa side bench din kasama si Jocelyn. Iyon ang nag-aalaga kay Leaf, palayaw ng anak nila. Nasa stadium sila, sa Harrison, New Jersey para suportahan si Midnight at ang buong team, para sa fun game fir a cause. Ang mananalo sa laro na ito ay mabe-benepisyuhan ang mga homeless people sa Pilipinas. Si Midnight ay naimbitahan na sumali sa laro at dalahin ang Pilipinas sa laban. Sikat na sikat pa rin ang mister niya sa larangan ng football. Nagsisipagtilian ang mga dating fans nito, magpa Pilipino o foreig

  • Midnight's Fall - DBS 1   60.1

    Chapter 60.1 "JESUS!" Bulalas ni Midnight sa may likod ng dalawang babae na nagsipag-tilian. Si Desire ay agad na nakadampot ng kung anong bagay at pikit-mata na inihampas sa kanya. "Damn it!" Bulalas din ng binata matapos na dumapo sa mukha niya ang isang matigas na bagay. "Oh God!" Anito at agad siyang nahawakan sa mukha. Mabuti na lamang at hindi matalim o kahoy ang nadampot nito, paglalamayan sana ang gwapo niyang mukha, mukha na tinitilian, pinipilahan at kinababaliwan. "Ikaw talaga, lagi kang nanggugulat," she sassed and hugged him right away, "Sorry," masuyo nitong sabi. "Diyos ko naman, pards. Makatalsik kaluluwa ka naman. Alam mo naman na nandito tayo sa historical place ng baliw na doctor tapos may pabalikat ka," anaman ni Devi na parang hiningal, hindi niya alam kung sa takot o sa katabaan. "I decided to come to check the place. Mahirap na. Kahit may bodyguards, mas tiwala pa rin ako sa abilidad ko," pagmamayabang naman niya kaya natawa ang dalawa. "Sus, may nalala

  • Midnight's Fall - DBS 1   60

    Chapter 60 HAWAK ang sumakit na tagiliran ay napangiwi si Midnight. Ganoon na lang ang pagkataranta ni Desire at kaagad na ipinihit ang mukha ng binata. "Achy?" She asked right away. They even paused at the door. Tumango ito nang kaunti. "Babalik tayo sa hospital," aniya pero natawa ito sa kanya. "I can handle this, love," anito sa kanya pero naiinis siya. "Napakayabang mo naman kasi!" Angil niya rito kaya pangiti-ngiti si Chaos na pumasok at nilagpasan sila. "Castelloverde, Sire," ani Chaos sa kanya habang bitbit no'n ang ilang bag, na may mga gamit nila ni Midnight. "Ay pogi," komento ng mga kasambahay nang makita si Chaos. "Love naman," ani naman ni Midnight sa kanya. "You're so mapilit kasi na umuwi. You don't even want to use the wheelchair. Now, you'd complain because your stitch was aching," naiinis na litanya niya. Si Matilde ay nangingiti habang nakahawak pa rin sa pintuan, naghihintay na tuluyan silang makapasok sa loob ng bahay. "Tak tak tak tak," an

  • Midnight's Fall - DBS 1   59

    Chapter 59DESIRE wasn't in the room when the police officers came with Salvatore. Tanging kasama ni Midnight ay ang ama niya. Lumabas kasi ang dalaga para ihatid ang mga kaibigan na bumisita sa kanila."Sorry, it took a while for me to visit you. I was busy. I was cooperating with these people to finally get what kind of justice you deserve," Salvatore told him.Nasa tabi nito ang asawa, na siyang nag-aalaga sa kanya roon. Iyon ang tumatayo niyang doctor, bukod pa sa mga surgeon na umopera sa kanya."Thank you, Tito," he said and cleared his throat, "Where is the demon anyway?" Galit na tanong niya.Nagpupuyos pa rin ang kalooban niya sa tuwing naalala ang kwento ni Desire sa kanya. Damn that Mason for tasting his woman."Three counts of attempted murder, wala siyang kawala, Midnight. Nasa ospital siya, inopera ang ulo pero pagkatapos ay sa kulungan na ang bagsak niya. I will not let him get away with this, not with what he did to my daughter, to you and to my grandchild," anito sak

  • Midnight's Fall - DBS 1   58

    Chapter 58 KALIWA at kanan ng pakikipag-usap sa telepono ang parating nakikita ni Desire sa labas ng pinto ng kwarto ni Midnight. Nakahanda na iyon para sa paglipat sa binata mula sa ICU. Hindi na siya makapaghintay sa sandaling iyon. Leonardo decided to let his son stay inside the intensive care unit to fully monitor Midnight. Bente kwatro oras, iyon ang gusto ng matanda kaya matyaga siyang naghihintay sa natitirang trenta minutos bago tuluyang makita ang pinakamamahal niyang lalaki. Pakiramdam ng dalaga ay taon na ang ipinaghihintay niya na makausap si Midnight. Though he was doing okay, she still missed him so much. Nalulungkot siya dahil alam niyang masakit ang mga sugat, at masa masakit ang nangyari. Lumabas na muna siya para hindi siya mainip, at parehas na nasa lobby ang dalawang matanda, kanya-kanyang style sa pagdakip kay Mason. She had given her full testimony to the police. Masakit man na balikan ang lahat ng nangyari, kailangan niyang gawin iyon para sa ikalulutas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status