LOGIN“You don't have to choose anymore, Alexander. Because tonight... you just lost your wife.” Sa loob ng tatlong taon, tahimik na minahal ni Isabel Madrigal ang lalaking kailanman ay hindi siya pinili. Bilang asawa ni Alexander Montenegro na isang billionaire, tiniis niya ang pangmamaliit ng pamilya nito, ang pangungutya ng mga kaibigan, at ang malamig na pagtrato ng lalaking buong puso niyang minahal. Ngunit nang bumalik si Chloe Lopez, ang first love ni Alexander, tuluyan niyang nakita ang katotohanang matagal na niyang itinatanggi. Ang pagmamahal na hinihintay niya ay hindi kailanman naging para sa kanya. Sa gabing pinili ni Alexander si Chloe, pinili ni Isabel na lumayo. Ang hindi alam ng lahat, si Isabel ay hindi isang ordinaryong babae. Siya ang nag-iisang tagapagmana ng Madrigal Global Holdings, isang multi-bilyong business empire na kabilang sa pinakamakapangyarihan sa mundo. Pagkaraan ng apat na taon, bumalik siya bilang isang makapangyarihang businesswoman at mapagmahal na ina. Habang patuloy siyang umaangat, unti-unti namang bumabagsak ang L-M Holdings, ang kumpanyang binuo nina Alexander at Chloe. At nang wala nang ibang makapagsalba sa kanyang negosyo, napilitan si Alexander na tanggapin ang rescue acquisition ng Madrigal Global Holdings. Sa isang iglap, ang dating asawang binale-wala niya ang naging pinakamakapangyarihang tao sa kanyang buhay. Habang unti-unting nalalantad ang mga lihim ng nakaraan, matutuklasan ni Alexander ang masakit na katotohanan: minahal siya ni Isabel bago pa sila ikasal, itinago nito ang pagiging heiress para masigurong mamahalin siya nang totoo, at mayroon silang anak na hindi niya nakilalang lumaki. Ngayon, handa siyang gawin ang lahat upang mabawi ang babaeng sinayang niya. Pero matapos ang lahat ng sakit na kanyang idinulot, may natitira pa kayang lugar sa puso ni Isabel para sa pangalawang pagkakataon? O habang-buhay na lamang niyang pagsisisihan ang babaeng minsang minahal siya nang higit sa sarili nito?
View MoreThe Wife He Never Acknowledged
“Gaano katagal mo na akong niloloko, Alexander?”
Parang sumabog ang isang bomba sa gitna ng marangyang ballroom. Huminto ang tugtog ng orchestra. Natigil ang mga pag-uusap at isa-isang napalingon ang mga bisita sa babaeng nakatayo sa bungad ng bulwagan.
Ngunit wala na siyang pakialam sa mga matang nakatitig sa kanya. Sa sandaling iyon, iisa lang ang mahalaga. Si Alexander Montenegro. Ang kanyang asawa at ang babaeng nakahawak sa braso nito. Si Chloe Lopez. Ang babaeng matagal na niyang kinakatakutan na bumalik. Ang first love ni Alexander.
“Isabel.” Bahagyang kumunot ang noo ni Alexander nang makita siya.
“Not here.”
Napatawa siya. Isang masakit at basag na tawa. “Not here?”
Humakbang siya palapit. “Then tell me where, Alexander.”
Natahimik ang paligid.
“Sa bahay?” nanginginig niyang tanong.
“Sa bahay na halos hindi mo na inuuwian?”
“Lower your voice.”
“Why?” Namumula na ang mga mata niya.
“Nahihiya ka bang marinig nilang asawa mo ako?”
Malamig ang mukha ni Alexander. “Don't make a scene.”
Scene.
Siya pa ang gumagawa ng eksena. Hindi ba't siya ang asawa? Hindi ba't siya ang dapat na nasa tabi nito? Hindi ba't siya ang dapat nitong ipinapakilala ngayong gabi?
“Kitang-kita ko kayong naglalampungan at gusto mong manahimik lang ako?” Bahagyang nabasag ang kanyang boses.
Huminga ng malalim si Alexander. Pagkatapos ay tumitig ito sa kanya na para bang napapagod na sa kanyang presensya. Lumapit at pabulong, “You're forgetting something.”
Nanlalamig ang buong katawan ni Isabel.
Tahimik siyang tinitigan ng lalaki at mahinang sinabing, “Our marriage was an arrangement.”
Napakurap siya. Parang may kung anong unti-unting nababasag sa kanyang dibdib.
Ngunit hindi pa roon nagtapos si Alexander. “And it's still an arrangement.”
Bigla siyang nabuhusan ng malamig na tubig. Oo nga naman, isang kasunduan lang ang kanilang kasal. At gustong ipahiwatig ni Alexander na wala siyang karapatang magtanong. Wala siyang karapatang gumawa ng eksena. Pero umasa kasi siyang mamahalin din siya.
“Ano'ng problema rito?” Tumunog ang matinis na boses ni Victoria Montenegro.
Lumapit ang ina ni Alexander na parang kanina pa hinihintay ang pagkakataong ito.
“Huwag kang umasta na parang ikaw ang biktima rito, Isabel.”
Napatawa si Isabel pero may luha ng namumuo sa kanyang mga mata. “Talaga?”
“Hindi mo ba nakikitang napapahiya ang pamilya namin sa ginagawa mo?”
Napatitig siya rito. Pamilya namin. Hindi pamilya natin.
Napakasakit palang marinig ang isang katotohanan na matagal mo nang alam.
“Ma,” babala ni Alexander.
Ngunit alam niya na hindi siya ipinagtatanggol nito. Pinipigilan lamang nito ang iskandalo.
“At anong mali sa sinabi ko?” taas-noong tanong ni Victoria.
Pagkatapos ay humarap ito sa mga bisita. “Tutal gusto ng asawa mo ng eksena, sabihin na natin ang totoo.”
Natahimik ang buong ballroom.
“Meet Isabel, the wife of Alexander Montenegro in papers only. Isang hampas lupang matagal nang naghahangad na maging parte ng Montenegro family.”
Nagkatinginan ang mga tao at nagsimulang magbulungan. Bulungang nakakabingi sa tainga.
“For three years ay nagpakasasa sa yaman ng Montenegro at ngayon gustong sirain ang gabing ito.”
“Hindi yan totoo,” mahinang sabi ni Isabel.
Ngunit hindi siya pinansin ni Victoria. “Then tell everyone the truth.” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
Nanahimik lang siya. Wala siyang lakas para ipagtanggol ang sarili.
Di na nagkapag-antay si Victoria sa sasabihin niya. “I’ll tell the truth! Kahit kailangan hindi ka nababagay sa pamilya ng Montenegro. Asawa ka lang sa papel dahil nagawa mong paikutin sa palad mo si papa?”
“Hindi yan totoo!” malakas na sambit ni Isabel na parang may tumarak sa kanyang dibdib.
At bago pa siya makapagsalita ay tumawa ang isa sa mga kaibigan ni Alexander.
Nagtawanan na rin ang iba.
“Come on, Isabel. Hindi ba’t mula pa noong college tayo ay matagal mo nang pinapangarap na mapasayo si Alexander? Ngunit hindi ko akalaing magiging desperado ka nang ganoon. Pati ang lolo niya, nagawa mong linlangin para lamang maabot ang hangarin mo,” ani ni Denver na puno ng pangungutya.
Lalong napalakas ang bulungan ng mga bisita na naroroon at halos mahubaran siya sa kanilang mga tingin.
"Dapat grateful ka."
“Napangasawa mo si Alexander Montenegro.”
“Maraming babae ang nangangarap ng buhay mo.”
“Jackpot ang tawag diyan.”
At pagkatapos ay dumating ang pinakamasakit.
“Kung hindi ka gold digger, ano ka?”
Lalong lumakas ang tawanan.
Muli siyang napatingin kay Alexander. Nangungusap. Umaasa na ipagtanggol siya nito. Kahit isang salita lang ang sabihin nito ay sapat na. Ngunit walang nabigkas. Wala ni isang salita. Ni isang pagtatanggol. At sa sandaling iyon, tuluyan niyang naunawaan ang katotohanan.
Hindi siya kailanman tinanggap ng mga Montenegro. Hindi siya kailanman nirespeto ng mga kaibigan nito. At higit sa lahat... Hindi siya kailanman minahal ng kanyang asawa.
“Please.”
Napalingon silang lahat kay Chloe. Napakalambing ng boses nito. Napakaamo.
“Huwag na kayong mag-away dahil sa akin.” Lumapit ito kay Alexander. At agad namang gumalaw ang lalaki upang alalayan ito. Para bang natatakot itong masaktan ang babae.
Naramdaman ni Isabel ang panibagong kirot sa dibdib.
“Isabel,” mahinang sabi ni Chloe. “Hindi ko ginusto na masaktan ka.”
Napatingin siya sa kamay nitong nakakapit pa rin sa asawa niya. Wala man lang pagtatanggi ang kanyang asawa at hinawakan pa ang kamay ni Chloe ng mahigpit.
At doon tuluyang namatay ang natitira niyang pag-asa. Wala na ring saysay ang anumang salita. Tumalikod siya at mabilis na naglakad palayo. Bawat hakbang ay parang pagkapunit ng piraso ng kanyang puso. Pero hindi siya lumingon. Ni minsan.
Walang pumigil. Walang humabol. Walang nagtanong kung ayos lang siya. Tanging mga bulong. Tanging mga tingin. Tanging mga paratang na siya ay "Gold digger."
Malinaw na ang lahat na simula pa lang ay niloloko na siya ni Alexander. Maaring siya ang kasa-kasama nito sa loob ng tatlong taon, pero ang kanyang puso ay na kay Chloe. Ang babaeng nanloko sa kanya.
…
Pagdating sa hardin ng hotel, saka lamang siya tuluyang bumigay. Napaupo siya sa malamig na marmol na bangko at tahimik siyang umiyak.
Napahawak siya sa kanyang tiyan. “Baby…”
Tuluyan ng nabasag ang kanyang boses. “Excited na excited si Mommy na sabihin sa Daddy mo na darating ka.”
Napatawa siya habang umiiyak. Isang malungkot at wasak na tawa. “Akala ko magiging masaya na tayo dahil darating ka.”
Tuluy-tuloy ang pagpatak ng luha sa kanyang pisngi. “Pero mali ako.”
…
Ilang minuto ang lumipas bago siya nakarinig ng mga yabag. Mabilis siyang nagtago sa likod ng isang haligi.
Hindi siya nakita nina Alexander at Chloe.
“Alex.” Mahina ang boses ni Chloe.
“Nagi-guilty ako kay Isabel.”
“Don't.” Agad ang sagot nito.
“She's still your wife.”
Tahimik. Pagkatapos ay muling nagsalita ang babae.
“What if she refuses to let go?”
“She will.”
“At kung hindi?”
Huminto ang kanyang paghinga na nakatago sa likod ng haligi. Pakiramdam niya ay nakasabit ang kanyang puso sa isang manipis na sinulid.
Pagkatapos ay narinig niya ang boses ni Alexander. Malamig, sigurado, at walang pag-aalinlangan.
“Then I'll choose you.”
Mariing ipinikit niya ang kanyang mga mata. Tinakpan niya ng isang kamay ang kanyang bibig, desperadong pigilan ang paghagulhol na gustong kumawala. Ngunit gaano man niya ito subukang supilin, hindi niya mapigilan ang pagyanig ng kanyang balikat sa sakit na unti-unting dumudurog sa kanyang puso.
Napatingin siya sa suot niyang wedding ring. Dahan-dahan niya itong hinubad sa kanyang daliri habang nanginginig ang mga kamay niya. Hindi dahil nag-aalinlangan siya. Kundi dahil tatlong taon niyang pinanghawakan ang singsing na iyon bilang simbolo ng pag-asa.
Ngunit ngayong gabi, wala na siyang dahilan para hawakan pa iyon. Tinitigan niya ang maliit na diyamanteng minsan niyang itinuring na pangako ng habambuhay. Ngayon, isa na lamang itong paalala ng lahat ng gabing umiyak siyang mag-isa. Ng lahat ng pagkakataong pinili niyang manatili. At ng lahat ng pagkakataong hindi siya pinili ni Alexander.
Mahigpit niya itong isinara sa kanyang palad. Isang luha ang tuluyang bumagsak.
“You don't have to choose anymore, Alexander.”
Hinaplos niya ang kanyang tiyan. At sa unang pagkakataon matapos ang tatlong taon, pinili niya ang sarili niya. Pinili niya ang anak niya. Hindi na ang lalaking hindi kailanman pumili sa kanya.
“Because tonight, you lost your wife.”
The First MoveTahimik ang buong top floor ng Madrigal Global Tower.Mula sa floor-to-ceiling windows ng kanyang opisina, tanaw ni Isabel Madrigal ang unti-unting paggising ng lungsod. Ang mga sasakyan ay tila maliliit na ilaw na dumadaloy sa mga lansangan habang ang mga gusali ay sinasalubong ang unang sinag ng araw.Apat na taon.Apat na taon mula ng lisanin niya ang Montenegro residence na wasak ang puso at durog na durog ang pagkatao.Apat na taon mula nang piliin niyang ibaon ang pangalang Isabel Montenegro.At ngayon, nakaupo siya sa opisina ng Chairwoman ng Madrigal Global Holdings, isa sa pinakamakapangyarihang conglomerates sa mundo.Ngunit hindi sapat ang kapangyarihan upang burahin ang mga alaala.Minsan pa ring bumabalik sa kanyang isip ang gabing iyon.Ang mga tawanan.Ang mga pangungutya.Ang salitang gold digger.At ang katahimikan ni Alexander.Naputol ang kanyang pag-iisip nang marinig ang mahinang katok sa pinto."Come in."Bumukas ang pinto at pumasok si Manuel bitb
The Things He Never Missed... Until NowHatinggabi nang makauwi si Alexander Montenegro sa kanyang mansion. Tahimik ang buong bahay. Pagkapasok niya sa malawak na bulwagan ng entrada, awtomatiko siyang napatingin sa malaking hagdanan.Walang tao. Wala namang dapat naroon. Matagal nang wala si Isabel. Apat na taon na.Ngunit sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, tila may bahagi ng kanyang isip na naghahanap pa rin ng isang presensyang matagal nang nawala.Agad niyang itinulak ang kaisipang iyon. Pagod lang siya. Mahaba ang naging araw. Masyadong maraming tao. Masyadong maraming usapan tungkol sa negosyo. At higit sa lahat, masyadong maraming tanong na hindi niya masagot kahit sa sarili niya.Diretso siyang nagtungo sa kanyang private office na katabi ng master's bedroom. Ang kwartong minsang pinagsaluhan nila ni Isabel bilang mag-asawa. Ang kwartong ngayon ay matagal nang si Chloe ang nagmamay-ari ng espasyo.Pagpasok niya sa opisina, agad siyang lumapit sa wine cabinet at nagsalin ng
The Woman He Lost“Isabel?”Halos hindi makapaniwala si Alexander sa kanyang nakikita. Apat na taon na ang nakalipas mula nang huli niyang makita ang dating asawa, pero walang duda sa kanyang isipan. Si Isabel nga iyon.Ang babaeng minsan niyang itinuring na walang ibang kayang gawin kundi ang maghintay sa kanya ay nakatayo ngayon sa harap ng daan-daang kilalang business leaders bilang tagapagmana ng Madrigal empire.“Alex? What's wrong?” tanong ni Chloe nang mapansin ang pagtitig nito sa babaeng paakyat sa entablado.Hindi ito sumagot.Sinundan ni Chloe ang direksyon ng kanyang tingin. Ilang segundo niyang pinagmasdan ang babaeng nakatayo sa ilalim ng spotlight. Napakunot ang noo niya. “Who’s that?”Lalo siyang napatingin sa babae. Nanlaki ang kanyang mga mata nang tuluyan niya itong makilala.“What the heck? Is that Isabel?” Napatingin siya kay Alexander. “But what is she doing here?”“She's the newly appointed chairwoman of Madrigal Global Holdings,” sagot nito.Biglang napalingo
The Heiress Returns“I'm giving you a divorce, Alexander.”Napatingin si Alexander Montenegro mula sa mga dokumentong binabasa niya. Ilang segundo niyang tinitigan ang babaeng nakatayo sa harap ng kanyang desk bago napailing at natawa.“What's this now? Another drama?”Hindi siya natinag. Hawak niya ang isang brown envelope habang diretso ang tingin sa asawa.“Hindi ito drama, Alexander. Gusto ko nang makipaghiwalay sa iyo.”Sumandal si Alexander sa kanyang upuan.“Seriously? Dahil lang kay Chloe? You're acting like a child.”“Hindi lang dahil kay Chloe. It's because I'm tired of being your wife when you've never treated me as one.”Nawala ang ngiti sa mukha ni Alexander. “Watch your words, Isabel.”“Why? Nasasaktan ka ba sa katotohanan?”Tumayo ito at inayos ang suot na suit.“Let's get one thing straight. Alam mo naman kung ano ang pinasok mo noong pinakasalan mo ako. We had an arrangement. Hindi kita pinangakuan ng pagmamahal.”“Alam ko. At ngayon, tinatapos ko na ang arrangement n






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.