My Second Life belongs to the Ruthless Prince

My Second Life belongs to the Ruthless Prince

last updateLast Updated : 2026-11-09
By:  Chil RaeUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
5views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“If fate gives me another chance, hahanapin kita. Kahit buong mundo pa ang kailangan kong libutin, I will find you.” Iyon ang huling pangako ni Luna Villareal bago lamunin ng dilim ang kanyang buhay. Sa una niyang buhay, minahal niya si Adrian De Veyra. Para sa lalaking inakala niyang tagapagligtas niya, tinalikuran niya ang pamilya, isinuko ang mana, at ibinigay ang lahat. Ngunit betrayal ang isinukli sa kanya. Kasama ang inang si Doña Isadora, winasak ni Adrian ang kanyang buhay—nilason siya, pinagkaitan ng paningin, at iniwan sa isang mass grave na parang basura. May isang lalaking nagbigay sa kanya ng dahilan para mabuhay. Lucien. Hindi niya nakita ang mukha nito, pero hindi niya malilimutan ang malalim nitong boses at mahabang peklat sa likod ng kamay nito. Tinuruan siya nitong tumugtog ng harp, gumamit ng latigo, at maniwalang may halaga siya. Ngayon, nagising si Luna bilang labinlimang taong gulang, dala ang mga alaala ng nakaraan. This time, hindi na siya magpapaloko. Poprotektahan niya ang pamilya, bubuo ng yaman, at hahanapin si Lucien. Pero hindi madaling baguhin ang kapalaran. Matapos tanggihan si Adrian, isang royal decree ang nagtulak sa kanya sa kasal kasama ang nakatatandang half-brother nito—si Prince Damien De Veyra, ang Ruthless Crown Prince ng Maharlika. Sabi-sabi, mga babaeng nagiging asawa niya ay sinasalubong ng trahedya. Ayaw ni Luna na maging susunod na biktima. Ngunit nang makita niya ang peklat sa kamay ni Damien, napahinto siya. Could the ruthless prince be the man she has been searching for? At kung siya nga si Lucien, bakit tila hindi siya nito nakikilala? Hindi na si Luna ang babaeng kayang wasakin. Haharapin niya ang mga kaaway, ilalantad ang kanilang mga lihim, at aangkinin ang kapalaran. She died as a betrayed wife. This time, will she rise as a queen who never kneels?

View More

Chapter 1

Chapter 1

“Lucien… kung may next life man, hahanapin kita.”

Halos hindi na marinig ang bulong ni Luna Villareal.

Nakahiga siya sa malamig na sahig, nanginginig ang katawan, at bawat paghinga ay parang may kasamang talim. Matagal nang nawala ang kanyang paningin. Ngayon, pati ang natitirang lakas niya, unti-unti nang kinukuha ng lason.

Pero kahit sa gitna ng sakit, may isang alaala siyang mahigpit na pinanghahawakan. Ang mga kamay ng lalaking minsang naging tahanan niya.

“Luna.” Aniya ng pamilyar na boses ng lalaki.

Napahinto ang kanyang paghinga.

Pamilyar na pamilyar ang boses na iyon—malalim, mahinahon, at may lambing na hindi niya kailanman natanggap mula sa sariling asawa.

“Lucien?” Mahina siyang ngumiti. “Ikaw ba ’yan?”

May mainit na palad na dumampi sa kanyang pisngi.

“Yes. I’m here.” Sambit ng lalaki sa kanya.

Gusto niyang abutin ito. Gusto niyang makita kahit isang beses ang mukha ng lalaking nagbigay sa kanya ng dahilan para mabuhay. Pero halos hindi na gumalaw ang kanyang mga daliri.

“Promise me…” Naputol ang boses niya. “Sa next life, hahanapin mo ako?”

Matagal na katahimikan ang yumanig sa paligid. Pagkatapos, marahan na hinigpitan ni Lucien ang hawak sa kanyang kamay.

“I will. Kahit buong Maharlika ang hanapin ko, hahanapin kita.”

Tumulo ang luha sa pisngi ni Luna sa sinabi ng lalaki.

“Then… I’ll wait.” sambit niya nang puno ng pag-asa at tiwala sa sinabi ng lalaki.

“Don’t leave me, Luna.” Pagmamakaawa ng lalaki.

Pero alam niyang huli na ang lahat. Kahit nahihirapan na ay sinikap niya paring maibuka ang bibig.

“Lucien…” Isang huling hinga. “I love you.” Aniya bago tuluyang nilamon siya ng dilim.

***

“Miss! Miss Luna!” sambit ng isang pamilyar na tinig sa paligid

Napabalikwas siya sa kama ng marinig niya ang boses ng babae. Mabilis siyang napahawak sa kanyang mukha at sa kanyang leeg. Wala itong anumang sugat, kulubot o anumang peklat.  At sa kanyang mga mata, na nakapagtataka sa kanya.

“Walang dilim?” “Nakikita niya ang kabuoan ng silid” “Pamilyar na kurtina sa my bintana nito” napabulong siya sa kanyang sarili.

Sa harap niya, nakatayo ang isang dalagang may hawak na baso ng tubig. Pamilyar ang mukha nito—sobrang pamilyar.

“Elena?” pabulong na sabi niya rito.

Napakunot-noo ang maid. “Yes, Miss. Bakit po?”

Hinawakan ni Luna ang kamay niya. “Anong taon na?”

“Miss?” “Anong taon?” napakunot noong tanong nga babae sa kanya.

Nag-alangan si Elena. “2005 po. May sakit ba kayo?”

Bumata ako ulit, nabalik ako sa nakaraan. 15 years old ako ngayon ulit.

Dalawang taon bago namatay ang kanyang ina. Tatlong taon bago siya nagpakasal kay Adrian. Limang taon bago tuluyang kumalat ang lason sa kanyang katawan.

 “Thank you,” bulong niya, habang nangingilid ang luha.

“Miss, bakit kayo umiiyak?” pagtatakang tanong nito.

Umiling siya at ngumiti, kahit nanginginig ang labi. “Wala. Masaya lang ako… na nandito ka.”

Sa unang buhay niya, naparusahan si Elena dahil sa kanya. Nasunog ang magandang mukha nito at pinilit na magpakasal sa isang matandang servant.

Hindi niya naipagtanggol ang maid na naging parang kapatid niya. Pero ngayon? Hindi na niya hahayaang maulit iyon. Hindi na niya hahayaang may masaktan dahil sa kanya.

Makalipas ang dalawang taon, nakatayo si Luna sa mulberry garden ng kanilang estate sa Laguna.

Sa loob ng dalawang taon, pinag-aralan niya ang medisina, pinamahalaan ang kanilang lupain, at nagpraktis ng paggamit ng latigo—ang skill na itinuro sa kanya ni Lucien sa dati niyang buhay.

May tatlong pangako siyang hindi kailanman kakalimutan. Hindi siya magpapakasal kay Adrian. Hindi niya hahayaang mawalan ng proteksyon ang pamilya niya. At hahanapin niya si Lucien.

Napatingin siya sa mga puno. Nilalanghap ang masarawing hangin na dumadampi sa kanyang maaninag na mukha.

“Nasaan ka na kaya?” buntong hiningang tanong niya sa sarili.

Hinawakan niya ang latigo at muling nagpraktis. Humagis ang tunog nito sa hangin, naramdaman niyang may kumaluskos sa likod niya at bago pa siya makalingon, may mabigat na katawan na bumagsak sa kanya.

“Argh! Get off me!” pasigaw na sabi niya.

Napadapa siya sa lupa. May lalaking nakahandusay sa kanyang likod.

“Sir, ano ba—” sambit niya dito.

Napahinto siya nang maamoy ang dugo. Mabilis siyang gumapang palayo at lumingon. Isang lalaki ang nakasuot ng dark military uniform. Maputla ang mukha, hirap huminga, at may sugat na dumudugo sa tagiliran. Sa tabi nito, nakahandusay ang isang espada.

Guard? Napakunot siya rito.

Hindi. Nang makita niya ang insignia, nanlamig ang kanyang mga daliri.

Royal military.

May halong kaba sa kanyang isip. Maingat niyang binaligtad ang lalaki. At nang makita ang mukha nito, parang tumigil ang mundo. Matangos na ilong. Matulis na panga. Maitim na buhok.

Ito ay si Prince Damien De Veyra. Ang elder half-brother ng lalaking kinasusuklaman niya. Ang Ruthless Prince.

“Bakit ikaw pa?” napabulong siya sa kanyang sarili.

Dapat iwan niya ito. Dapat magkunwari siyang walang nakita. Pero kumalat na ang dugo sa uniform nito. Mamamatay ito kung hindi niya gagamutin. Napabuntong-hininga si Luna. “Fine. I’ll save you.”

Kinuha niya ang medical pouch.

“Pero, Your Highness… you owe me.” Aniya rito

Habang nililinis niya ang sugat, napansin niya ang isang mahabang peklat sa likod ng kamay nito. Nanginig ang kanyang mga daliri. Hindi.  Hindi puwede!  Naguguluhan niyang sabi sa sarili.

Lumapit siya, halos hindi makahinga.

Ang peklat na iyon… Kilala niya. Hindi ko maaring makalimutan iyon.  Nahawakan niya iyon nang maraming beses sa nakaraang buhay.

“Lucien?” tanong niya rito ng may halong kaba.

Hindi sumagot ang prinsipe.

Pero sa unang pagkakataon mula nang mabuhay siyang muli, naramdaman ni Luna na baka hindi na siya malayo sa lalaking hinahanap niya. Hindi niya alam na ang simpleng pagliligtas na iyon ang magpapabago sa buong kapalaran niya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status