Home / Fantasy / Mikaela / Chapter 8

Share

Chapter 8

Author: DreamingPen
last update Last Updated: 2021-11-08 15:16:53

Chapter 8: Money makes the robot move

Habol-hininga kong itinulak ang pinto papasok sa police station. Napahawak ako sa tuhod ko at napapikit. Napasulyap pa ako sa sandals ko at napailing ng makitang nabali na ang heels nito.

"Ano bang ginagawa nyo?! Pwede bang simulan nyo na ang paghahanap sa anak ko?! Ano pang tinutunganga at dina-dada nyo dyan?! For Pete's sake! Nawawala ang anak ko! Can you atleast make a move?!"

Mabilis na nalipat ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses. Mula dito e natanaw ko si ate na umiiyak habang sumisigaw. Hawak pa sya ng dalawang pulis upang pigilan ang pagwawala niya.

"Ano?! Where's ate Kim?!"

Napaigtad ako sa pagsulpot ni Galand sa likuran ko. Nagpahuli kasi sya dahil ipinarada niya pa ng maayos ang sasakyan ko. Hindi ko na sya pinagtuonan ng pansin at mabilis na naglakad palapit kay ate.  Nang matanaw niya ako e lalo syang napahagulhol. Mabilis syang kumawala sa humahawak sakaniya at tumakbo sa akin at yumakap. Muntikan na akong matumba, mabuti na lang at nahawakan ni Galand ang likuran ko.

"A-Ate.." nag-aalalang saad ko. Natahimik ang tao sa loob ng kwadra. Tanging ang mga hikbi lang ni ate ang maririnig. Napasulyap ako sa mga pulis at napansin kong parang nagulat silang lahat.

"A-Attorney---Attorney-- Attorney Perez!" napakunot noo ako ng marinig ang sigaw ng isa sa mga pulis habang nakaturo sa akin.

"Tama! Sya yung humawak ng kaso ni Mr. Guzman! Sya yung nasa balita! Yung magaling na lawyer!" narinig kong sigaw pa no'ng isa.

"F-Famous ka pala." bulong ni Galand.

Hindi ko na sila pinansin at muling ibinalik ang atensyon kay ate na umiiyak pa rin saka nagsalita.

"A-Ate... K-Kumusta? A-Anong sabi nila?" saad ko habang marahang tinatapik ang likuran niya. Naramdaman ko ang lalong pag-lakas ng hikbi niya.

"A-Ate..."

"Attorney, kakilala nyo po pala si ma'am? Pasensya na po. Pero hindi pa namin magagawa ang iginigiit niya."

Kumunot ang noo ko at nakaramdam ng inis sa nangyayari.

"Anong ginigiit?" tanong ko.

Tumayo naman yung pulis mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin.

"Attorney. Wala pa po kasing 24 hours simula ng mawala ang batang tinutukoy niya. Hindi pa kami pwedeng umaksyon kapag gan'on ayon sa rules. Pero matigas ang ulo ng kakilala nyo at ipinipilit ang gusto niya, kaya ayan ang nangyari."

I gritted my teeth. Naramdaman ko ang pag-init ng ulo ko. Parang may bulkang gustong sumabog sa loob ko. Ikinuyom ko ang aking kamao at bumitaw kay ate na mabilis namang dinaluhan ni Galand, bago ako humarap sa pulis.

"Sir.." tumingin ako sa apelyido niyang nakalagay sa kaniyang damit. "Romero. Sir Romero." ulit ko sa pangalan niya. Inayos ko ang buhok na tumatabon sa mukha ko at humarap sa kaniya. "Ang batang tinutukoy niya ay ang pamangkin ko. Ang babaeng tinutukoy mong kakilala ko ay ang ate ko." bakas ang pagkagulat sa mga mata niya.

"At hindi ko gusto ang ginagawa nyo. I want you to make a move now. Huwag nyo ng hintayin pa ang bukas." matigas na saad ko.

"P-Pero Attorney. A-Ayon sa batas namin, p-pwede lang kaming umaksyon kapag lumampas ng isang araw ang pagkawala ng bata. But in your case, 17 hours pa lang po ang nakakalip--"

"I don't care!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at naibasak ang kamay sa katabi kong lamesa. "I don't care about your rules! I want you to make a move now! Hindi nyo ba naiintindihan?! Nawawala ang pamangkin ko! We can no longer wait! Hindi mo ba naiintindihan?! Try putting yourself in our situation!" itinuro ko sya.

"I'll pay you a million. Just please, make a move. Now ."

Natahimik sandali ang buong kwadra. Nang matauhan ang pulis ay kaagad syang nag-utos na hanapin na ang pamangkin ko.

Mabilis akong tumalikod saka tuluyang lumabas.

---

It's been two days simula ng mawala si Shane. At sa loob ng dalawang araw na yon, hindi pa rin ako makatulog katulad ni ate at Galand.

Of all the struggles I'd experience, this is the hardest one. Walang kasiguraduhan ang nangyayari. Masyadong mahirap i-predict.

"Oh, Mikaela, tubig mo." napatingin ako kay Galand at kinuha ang iniabot niya. Umupo naman sya sa tabi ko.

"Mikaela, two days na oh. Wala pa rin bang balita ang pulis?"

Hindi ko sya sinagot at uminom na lamang ng tubig at mariing napapikit.

I'm hurt. I'm deeply hurt.

Si Ate at Shane na lamang ang meron ako. I can't stand loosing one of them. Mahal na mahal ko ang pamangkin ko.

Bumalik na ako sa police station kahapon. Wala pa rin silang lead sa mga nangyayari. Pero hindi ako bobo. Sa loob ko ay mukhang hindi lang simpleng pagkaligaw ang nangyari kay Shane. Damn. At ayokong isipin iyon.

"Mikaela..." tawag ni Galand pero nanatili akong nakapikit at nakatingala.

"Mikaela... stop it." saad niya. Naramdaman kong lumapat ang mga kamay niya sa mukha ko.

"Stop crying, Mikaela. It's very not you. Be strong, Mikaela. Mahahanap natin si Shane. Just believe, maniwala at magtiwala ka."

Mabilis kong natabig ang kamay niya at napakapa sa pisngi. Kaagad ko iyong pinunasan ng makapang basa iyon. Ni hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Tama si Galand. It's very not me.

"Hindi ako umiiyak." giit ko saka bahagyang tumalikod. "Where's ate Kim?"

Nandito kami sa kalsada. Namimigay at nagdidikit ng flyers na mayroong mukha ni Shane.

Naalala ko, everytime na nakakakita ako ng flyers, hindi ko iyon pinapansin. Hindi ko alam na ganito pala kahirap.

"Nandon sa kabilang kanto. Nagdidikit. Puntahan natin? Kanina pa yun walang pahinga e. Baka kung mapaano."

Tumango lang ako at mabilis na tumayo. Naramdaman kong sumunod sa akin si Galand. Tahimik kaming naglakad papunta kay ate.

Umupa naman ako ng maraming tao na na magdikit at mamigay ng flyers sa ibang lugar. Sa baranggay na 'to, tantya ko ay pito kami. Ang apat pa ay hindi ko alam kung nasaan.

Mula sa kanto ay nakita ko si ate na nagdidikit ng flyer. Seryoso lamang ang mukha niya. Hindi alintana ang mainit na sikat ng araw at ang pawis niyang tumatagaktak na.

Mabilis kaming lumapit sakaniya. Halatang naka-pokus sya sa ginagawa dahil hindi niya napansin ang pagdating namin ni Galand.

"A-Ate, tubig oh." inilahad ko sa harapan niya ang bote na naglalaman ng tubig. Mahahalatang hindi niya namalayan ang pagdating namin dahil napaigtad sya sa pagkagulat.

"M-Mikaela.." bahagya s'yang ngumiti ng makita kami ni Galand. Ngunit laking gulat ko ng biglang umikot ang mata niya.

"Ate!" sigaw ko ng bigla s'yang matumba. Mabuti na lamang at nasalo sya ni Galand.

---

"Maayos naman po ang lagay ni doktora. Kailangan n'ya lang po ng tamang pahinga. Masyadong napagod ang katawan at utak niya."

Tinanguhan ko lang ang doktor na tumingin sa kalagayan ni ate. Mabilis akong lumapit sa kinahihigaan ni ate saka humawak sa kamay niya.

Napabuntong-hininga ako at mariing napapikit.

"Bakit ba kailangang mangyari ang lahat ng 'to?" mahinang bulong ko atsaka napailing.

Pinagmamasdan ko lang si ate ng aking mapansin ang medyo may kalakihang balat sa kamay niya. Wala sa sariling hinawakan ko iyon. Matagal ko na iyong napapansin at sa tuwing uusisain ko kung anong dahilan ng pagkakaroon n'ya no'n e sasabihin niyang nabanlian iyong ng mantika.

Napatingin ako sa pinto ng biglang pumasok si Galand. Mayroon s'yang dalang mga prutas at iba pang pagkain.

"Anong sabi? Kumusta daw si ate Kim? Maayos na ba ang kalagayan niya o hindi pa maayos? Ano ngang sabi?"

Napairap ako kay Galand at bumalik na sa pagmamasid kay ate.

"Maayos na. Pagod lang." saad ko.

Narinig kong ibinababa na niya ang mga pagkain sa lamesa.

"Tingnan mo 'to. Alam mo Mikaela? Wala ng paglagyan yang kasungitan mo. Walang pinipili e. Basta kapag sa'kin, napakataray mo. Ang ganda mo nga sana. Nakakapanghinayang. Kung ikaw siguro mabait, crush na kita."

Hindi ko na lang s'ya sinagot. Sigurado ako na basta s'ya ang kausap ko e walang kwenta ang magiging usapan namin.

"'Diba aking kamay?" dinig kong saad niya na halata namang ipinaparinig sa akin.

"Mikaela, kung nagugutom ka na, may pagkain na dito. Huwag ka ng umasang ipaghahain pa kita. Kapal mo na no'n."

Tinanguhan ko s'ya. "Hindi ako gutom."

"Pag-nagutom ka na n--" napatigil s'ya sa pagsasalita ng biglang tumunog ang t'yan ko. Mabilis akong napahawak doon at napalunok. Hotek.

"A-Ayaw kong kumain." pagbabago ko sa sinabi ko kanina.

"Hala. Bakit? Kumain ka. Nagugutom ka diba? Naririnig ko nga e."

Palihim lang akong napairap sa sinasabi n'ya.

"Baka magka-ulcer ka. Stomach and duodenal ulcers are usually due to one of two causes: the bacterium Helicobacter pylori or nonsteroidal anti-inflammatory drugs like aspirin, ibuprofen, and naproxen. An ulcer, regardless of the cause, can cause abdominal pain, bleeding, or even cause a hole." napakunot ang noo ko ng marinig ang sinasabi niya kaya kaagad akong tumingin sakan'ya at napasimangot ng makitang binabasa niya ang nasa cellphone niya.

"Ewan ko sa'yo." muli kong binalingan ng tingin si ate.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga n'ya at hindi na nagsalita ulit. Tanging pagtunog lamang ng mga utensils ang naririnig ko.

"Oh ito oh." napaatras ako ng biglang sumulpot si Galand sa harapan ko. Nakalahad ang kamay niya sa harapan ko na may bitbit na pagkain.

"Kainin mo na 'to. Ako na ang nag-adjust. 'Diba sabi ko hindi kita ipahahain? Pinaghain na kita. Ako rin ang bumili. Huwag mo naman sabihin na gusto mo pang subuan kita."

Kumunot ang noo ko at umiling sakaniya. "Hindi nga ako kakain. Ang kulit."

"Kumain ka na kasi."

"Hindi."

"Kakain ka."

"Ayoko nga."

"Kumain ka na."

"Hindi ko gusto."

Napailing s'ya saka kumuha ng kutsara. Tiningnan ko lang s'ya habang sinasandok n'ya ang kanin. Napaatras ako ng ilapit niya 'yong kutsara sa akin at sumimangot.

"Oh ayan na. Sabi ko di kita susubuan pero heto ako, susubuan ka."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mikaela   Chapter 34

    Unti-unti kong ginalaw ang aking daliri saka dahan-dahang iminulat ang mata. Malabo pa ang paningin ko kaya pilit akong kumukurap upang maging malinaw ito. Naaaninag ko ang isang lalaking nakaputi sa harapan ko na animo'y doktor.Maya-maya lang ay biglang luminaw ang mata ko at mukhang hindi iyon napansin ng doctor. Pinagmasdan ko s'ya na parang may kinakalikot na tila ba may balak na gawing hindi kaaya-aya. Bigla ang pagragasa ng kaba sa aking dibdib nang tumagilid ang doctor. Naka-medical mask ito kaya hindi ko mamukhaan. Nakita ko ang isang bote at kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita na bote iyon ng lason.Sa lagay ko ngayon ay hindi ko kayang makipaglabanan ng dahasan. Nanghihina ang katawan ko dahil kagagaling ko lang sa pagtulog.Nanginginig kong tinanggal ang swero mula sa aking braso at pasimpleng inipit iyon sa kama. Kaagad akong pumikit nang biglang humarap ang doktor o kung tunay nga ba iyong doktor. Sinsisipat-sipat nito ang syringe bago lumapit sa swero ko. Walan

  • Mikaela   Chapter 33

    Chapter 33: Almost a loser Pinalagatok ko ang aking leeg at humikab. Napatingin ako sa digital clock sa aking table at nakitang 11:23 na ng gabi. Sa wakas. Natapos ko rin ang dapat tapusin. Pinagtyagaan ko talagang tapusin ito ngayong araw kahit na abutin ako ng gabi. Kapag hindi ko tinatapos kaagad, pakiramdam ko ay sobrang dami. Napabuntong-hininga ako nang maalala na wala na si Galand ngayon dito. Nag-paalam ito sa akin na may importanteng lakad pero hindi sinasabi sa akin kung saan kaya hindi na ako nagpumilit sa kabila ng kyuryusidad na nararamdaman. Inayos ko muna sandali ang aking mga gamit bago lumabas ng building. Nagpaalam pa sa akin ang guard kaya tinanguhan ko lang ito at nginitian. Mabilis naman akong sumakay ng sasakyan at muling napahikab. I'm really sleepy right now. Gustong-gusto ko na matulog but I can't just sleep here. Binuksan ko ang makina ng sasakyan at kaagad itong pinaandar. In-on ko na rin ang radyo at nilakasan nang marinig na tumutugtog ang kantang Dom

  • Mikaela   Chapter 32

    Chapter 32: Line after wealthTahimik lang akong nakatitig sa harapan. Pinagmamasdan ang dinaraaanan namin ni Galand.Nandito kami sa sasakyan dahil pupunta kami sa police station. Pupuntahan ko si Hugo to talk about things. Itatanong ko na rin sakan'ya ang maaring itanong ng kalaban sakan'ya sa susunod na hearing.Originally, ang schedule ng hearing ay dapat bukas na but the other team keeps on adjusting it. Palibhasa ay mapepera kaya madaling nabayaran ang mga tiwaling tao.Sabi ko nga kanina, tahimik lang akong nakatitig but deep inside ay nabibwisit ako kay Galand. Maya't maya ang sulyap nito sa akin na kapag tiningnan ko naman ay umiiwas ng tingin. Noong nakaraan pa s'ya ganito. Simula noong mahospital s'ya ay mukha ng tanga ang akto nito."You can either stare or don't look at me at all,"Naibulalas ko nang maramdamang papatingin na naman s'ya sa direksyon ko. Binaling ko ang tingin ko rito na kaagad namang nag-iwas ng tingin."H-Hindi kita tinitingnan ah!""So guni-guni ko lan

  • Mikaela   Chapter 31

    Chapter 31: Truth for my thoughtsHINDI maipaliwanag ang aking nararamdaman habang nakatitig sa patong-patong na regalong nasa harapan ko ngayon. Hindi dahil mamahalin ang mga ito, pero dahil ito ay nagmula sa kanilang mga puso. Tanda ito ng kanilang pasasalamat sa akin.I didn't think that being appreciated by unknown people feels great. Ako na ang nagsasabi, sobrang sarap sa pakiramdam.Inisa-isa kong tingnan ang mga regalo. Ang iba ay may sulat ng pasasalamat habang ang iba ay walang pangalan kung kanino manggaling. Mukhang mas pinili nilang magpasalamat nang hindi ko nalalaman. Ganon pa man, it made my heart jump."I don't know what to say..." mahinang bulong ko sa aking sarili.Akmang bubuksan ko ang isa sa aking regalong natanggap nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Ms. De Luna na hinihingal pa kaya kaagad akong napatayo at napakunot noo."What is it now, Ms. D--"Z-Zero! Si Z-Zer--""What about Galand?!" natatarantang sagot ko sakan'ya at kaagad na lumapit."S

  • Mikaela   Chapter 30

    Chapter 30: An ey for this feeling"DRINK this Mikaela."Mamasa-masa ang mata kong nilingon ang nakalahad na maligamgam na tubig sa harapan ko. Si ate ang nag-abot nito sa akin. Napasinok pa akong inabot ito."Mikaela, calm down. It's alright now." pagpapakalma sa akin ni Sean.Sa kabila ng pag-aamo nila ay tila naging isa akong bato na walang naririnig. Basta ang alam ko, I am badly terrified. Napatungo ako at nakita ang kamay kong mabilis na gumagalaw. I am shaking. Hindi ko makontrol at mapigil ang panginginig. Dala ito ng takot.Napatungo ako lalo. I don't know but I am deeply hurt. The fact that I don't know or recognize myself now hurts me so bad. I felt like a stranger to myself. The Mikaela that is capable of doing unbelievable things is a stranger to me."Mikaela? Bakit nandito ka--bakit ka may baril?!"Nang lingunin ko s'ya ay bumungad sa akin ang gulat na mukha at nanlalaking mga mata nito.

  • Mikaela   Chapter 29

    Chapter 29: Ice cream vs. Life"TITA, I want ice cream."Ibinaba ko ang librong aking binabasa nang magsalita si Shzane sa tabi ko. Kaagad ko s'yang tiningnan at ang nangungusap na tingin ang bumungad sa akin. Napailing ako dahil kapag ginamit na n'ya sa akin ang ganitong mukha ay nahihirapan na ako tumanggi."Gabi na ah? Bukas na lang kaya?" kalmadong kumbinsi ko.Nandito kami ngayon sa bahay nina ate. Syempre, Galand is with me. Kasama rin namin kanina ang yaya ni Shzane pero umuwi na rin ito kaagad noong mag-ala-sais.Ngumuso si Shzane. "Gusto ko talaga ng ice cream eh. Please po tita?"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status