Home / Fantasy / Mikaela / Chapter 7

Share

Chapter 7

Author: DreamingPen
last update Last Updated: 2021-11-07 14:13:51

Chapter 7: Can't be fooled by an act

"Nyenyenye. Whatever, Mikaela. I told you to stop pero hindi ka sumunod. Wala kang kwenta."

Napakunot noo ako at pinigilan na lang ang inis na nagsisimulang sumibol sa dibdib ko nang muli akong batuhin ng papel ni Galand. Kanina pa niya ako kinakausap. Hindi ko alam pero wala ako sa mood makipag-away sa lalaking isip bata. Kung nagkataon, baka nasabunutan ko na 'to.

"Mikaela naman! Kanina pa kaya kita binabato! Tulalang tulala ka dyan! Ano bang meron sa dingding? Mas gwapo naman ako dyan ah? May abs pa."

Hindi ko pinansin ang pagmamalaki niya sa kaniyang pandesal. Kadiri lang. Akala naman niya mahilig ako sa may abs. Saka akala mo naman talaga, may abs.

"Mikaela, ang cute ko."

Hindi ko pa rin sya binalingan ng tingin.

"Mikaela, ang lakas ng dating ko."

Wala akong narinig.

"Mikaela."

Napakunot ang noo ko at napairap na napatingin sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita na hawak niya ang isa sa pinakamamahaling vase dito sa office ko. Nakaupo pa sya sa lamesa ko at nakapwesto ang kamay na para bang babatuhin ako.

"A-Ano ba Galand? Ang kulit mo! Papansin masyado. Tigilan mo nga ako! Saka ano ba?!" tumayo ako at mabilis na hinablot ang vase mula sa kaniya. "Balak mo bang basagin 'to?! Hindi mo ba alam na kulang pa ang buhay mo para mabayaran ang vase na ito?!" naiinis kong ibinalik ang vase sa dati nitong pwesto.

Nakasunod lang ang mga mata niya sa akin. Hindi nagtagal e umayos sya ng pagkakaupo sa lamesa at sumimangot.

"Nakakainis ka naman. Bakit ka ba Galand ng Galand dyan? Zero Quelite ang pangalan ko. Ang ganda ganda ayaw mong banggitin."

Hindi ko sya pinansin at bumalik na lamang sa pagkakaupo sa upuan ko.

"Atsaka, ano bang mahirap sa gusto ko? Ang hinihiling ko lang naman sa'yo e itigil mo na ang ginagawa mong pagtatanggol sa mga may sala sa harap ng batas. Hindi mo naman kailangang umalis sa trabaho pero pumili ka naman sana ng kliyenteng inosente. Yung ipagtatanggol mo lang. Yung hindi mo na kailangang pumeke pa ng mga ebidensya at dokumento para lang maging inosenste sila." liniyata niya pero hindi ko sya pinansin.

Ano naman sakaniya kung pinepeke ko ang mga ebidensya at dokumento ng kliyente ko? Pera naman ang kapalit n'on ah?

"Mikaela naman..." napabuntong hininga na lamang sya ng hindi ko sya sulyapan man lang. Nakakainis na rin kasi. Sa loob ng three months, wala syang ibang ginawa kung hindi ipilit ang mga bagay na hindi ko nakasanayang gawin at hindi ko plinanong gawin. Inilalayo niya ako sa pinagkakakitaan ko ng pera. Pakialamero.

"Hay. Oh sya sige na nga. Ibang topic naman." mahinang bulong niya at muling tumingin sa akin.

"Bakit ka nakatulala? Kanina ka pa wala sa sarili mo, e. Anong problema mo?" curious na tanong nito.

Hindi ko sya muling pinansin. Hindi ko din naman kasi alam kung anong nangyayari sa akin. Alam kong may problema ako pero hindi ko malaman kung ano. Basta. Ang hirap kasi lutasin kapag hindi mo alam ang sarili mong problema.

"Ano ba naman yan. Ang snob mo naman. Iniba ko na nga yung usapan, e." d***g niya.

"Ay!" napaatras ako ng magpalumbaba sya sa harap mismo mo ng mukha ko. Nakasimangot sya na pumipikit-pikit pa.

"A-Ano ba nam--"

Napasandal ako at napahawak sa sentido. Biglang sumakit ang ulo ko. Napakurap ako ng pumasok ang imahe ng isang babae sa isip ko. Nakasuot ito ng dilaw na dress, heels at hat. Mukha itong sopistikada.

"Hoy! Mikaela, anong nangyayari sa'yo?! Hoy!"

Natauhan ako ng sigawan ako ni Galand. Napatingin ako sa sariling lamesa at hinanap ang cellphone. Mabilis ko itong dinampot at dinial ang numero ng information ng company na ito.

"Hello? This is Attorney Perez. I just want to ask kung may darating ba akong bisita ngayon?" tanong ko.

"Ano yun, Mikaela?" sinulyapan ko lamang si Galand pero hindi na sinagot.

("Ah! You're just in time, Atty. Perez. Tatawagan ko po pa lamang kayo para ipaalalang may darating po kayong kliyente ngayon in behalf of your secretary. Sya po yung kliyenteng nagpa-schedule noong isa--")

"Ah. Okay. That's all I wanted to know. Bye." ibinaba ko na ang tawag at hinarap si Galand na nakakunot ang noo.

"Bumaba ka sa lamesa ko. May bisita ako." saad ko.

"Sino?" tanong nito kaya napairap ako.

"Basta, bumaba ka na lang." akmang itutulak ko sya ng mabilis syang nakatalon pababa. Napailing na lamang ako at mabilos na iniligpit ang mga papel na ibinato niya sa akin kanina saka sya tiningnan.

"Tumahimik ka lang dyan kung ayaw mong palayasin kita sa tinitirhan mo ngayon."

"At bakit? Si ate Kim nam--"

"And one more thing." tiningnan ko aya at itinaas ang sariling hintuturo. "Call me, Attorney Perez."

"At baki--"

Naputol ang sasabihin niya ng biglang may kumatok sa pinto. Mabilis ko syang pinanlakihan ng mata kaya wala syang nagawa kundi ang umupo na lamang ng maayos.

Pumasok ang isang sopistikadang babae sa loob ng office kaya kaagad akong ngumiti ng peke. Nakangiti itong pumasok bitbit ang kaniyang dilaw na bag. Mabilis itong naglakad palapit sa akin at umupo sa tapat ng table ko kaya magkaharap sila ni Galand ngayon.

"Attorney Perez, right?" tanong niya kaya tumango ako.

"Oh well," ipinagkros niya ang kaniyang binti. "I'm Sunshine, by the way." inilahad niya ang kaniyang kamay kaya ngumiti ako ng pekeng tinanggap iyon.

Pinagmasdan ko sya at lihim na napangisi sa isipan dahil mukhang mayaman ang isang 'to. Napansin ko na nakatingin sya sa akin ngumiti akong muli.

"So," umupo ako ng ayos. "What can I do for you, Ms. Sunshine?" tanong ko.

Kapansin-pansin ang pag-iiba ng expression ng kaniyang mukha. Ang kaninang maliwanag na mukha ay nandilim na.

"Well," tumikhim sya. "Attorney Perez. Nabalitaan kong isa ka sa pinakamagagaling na lawyer dito. Ayon sa pagkakarinig ko, wala ka pa raw naipapatalong kaso." tumingin sya ng seryoso sa akin.

"I want you to help me. I want you you to be my lawyer. I want you to prove my innocence." saad nito.

Napatikhim si Galand sa sinabi niya kaya pinanlakihan ko sya ng mata bago taas noong tumingin kay Ms. Sunshine. Epal na 'to. Subukan lang niyang makialam, bukas na bukas wala na syang titirhan.

"Why? What happened? Bakit ka nila sasampahan ng kaso? Anong ginawa mo?" tanong ko kaya lalo syang napasimangot bago bumuntong-hininga.

"M-My--M-My husband.... hurt me..."

"Ano?! Sinaktan ka ng asawa mo?!"

Bago pa ako makapag-react e sumigaw na kaagad si Galand. Mabilis akong napatingin sakaniya kaya napaiwas sya kaagad ng tingin at natahimik.

"If that's the case. Bakit ikaw ang sasampahan ng kaso? Ikaw ang nasaktan, hindi ba?" ani ko na nakakunot ang noo.

Sa halip na sumagot ay nanlaki ang mga mata ko ng magsimula syang itaas ang dress niya. Makikita na ang maikling short nito. Napasulyap ako kay Galand na nakatitig pa rin na para bang naghihintay na maitaas pa ng babae ang dress nito hanggang dibdib.

"Ms--Mrs. Sunshine! What are you doing?"

Napatigil sya sa ginagawa. Sumulyap sya sa akin kaya sumulyap ako kay Galand. Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong iparating kaya napatango sya.

"P-Pasensya na. H-Hindi ko naisip na may lalaki nga pala dito sa loob. I'm about to show you some evidence, sana."

Napailing na lang sya at itinaas na lamang ang manggas ng damit. Napangiwi ako ng makita ang maraming sugat at pasa. Mukhang sumali sya sa fraternity at nagpa-paddle.

"Hala?! Anong nangyari dyan?" napasigaw si Galand kaya pinandilatan ko sya. Sinabi ng huwag manggugulo.

Nabalik ang tingin ko kay Mrs. Sunshine na parang nagpipigil na umiyak. Nakakuyom ang mga kamao nito na nakapatong sa hita.

"P-Pasensya na." mabilis niyang pinahid ang mga luhang nagsisimula ng pumatak mula sa kaniyang mga mata. Napatawa pa sya ng peke at napatingala.

"I-Ilan lang y-yan sa pasa at s-sugat na nakuha k-ko kay H-Hector." saad niya bago tumingin sa akin.

"I need a lawyer. Anytime soon, aarestuhin na ako." humikbi sya habang napatango naman ako. Sa gilid e napansin ko ang pagkunot noo ni Galand. Halatang nagtataka ang bobo kung bakit aarestuhin si Sunshine.

"I killed my husband. B-But believe me! I-It's a s-self defense!"

Mababakas ang matinding lungkot sa mga mata niya. Napansin ko naman na nagulat si Galand bago naging maiitim ang aura.

"He asked me to copulate with him but I declined!" napapikit sya. "Nagawa na namin yon last night before the incident! W-Wala pa akong tulog. Kailangan k-kong gumawa ng gawaing bahay after." pinahid niya ang kaniyang luha. "I-I'm so exausted that time."

Paulit-ulit na humikbi ang babae kaya nanatili akong nakasandal sa aking upuan. Maya-maya pa e nagsalita na syang muli.

"P-Pero nagalit sya. B-Binugbog niya ako pero hindi ko na kinaya." mas lalong lumakas ang hikbi niya.

"I kil-- I s-stabbed him by a knife!"

Tiningnan ko si Galand. Napangiwi ako ng makita ang naiiyak niyang ekspresyon. Bago pa sya makapagdrama e sinipa ko na ang binti niya mula sa ilalim. Mabilis na nabaling ang atensyon niya sa akin kaya inginuso ko ang pintong daan palabas. Sumimangot sya kaya pinanlakihan ko sya ng mata. Napatayo naman sya bago ako inirapan at tuluyang umalis.

Pagkasarado ng pinto e mabilis akong tumayo at nagtimpla ng milo. Kumuha pa akong isang tasa at nilagyan iyong ng tsaa. Bumalik ako sa upuan ko at inilatag sa harap ni Mrs. Sunshine na kasalukuyan pa ring humihikbi.

"S-Salamat." sambit nito bago pinahid ang luha niya.

Nantili akong nakatitig sakaniya. Totoong mababakas mo ang pagod sa mg mata niya. Parang hinang-hina sya at walang ganang gumalaw. Kahit sinong makakita sakaniya e talagang maaawa. Pinatapos ko muna syang inuman ang tsaa bago itinuon ang siko sa lamesa at nagsalita.

"Ms. Sunshine." tawag ko sakaniya. Mabilis ko namang naagaw ang atensyon niya.

"B-Bakit?" she asked in confusion kaya bumuntong-hininga ako.

"Ms. Sunshine. I am a lawyer. It's my job to prove someone's innocence." tumuwid ako ng upo. "Even though it's fake."

Napatikhim siya sa sinabi ko. Parang hindi niya inaasahan na marinig iyon mula sa akin. Akala niya siguro, maniniwala ako sa gawa-gawa niyang kwento. As if naman. Ang dami ko ng nahawakang kaso. Ngayon pa ba ako magpapaloko?

Muli ko syang tinitigan.

"Kaya Ms. Sunshine. Let's repeat your story from the begining. No lies. You just have to tell me the truth and the only truth, got it?"

Sandali syang natigilan. Nanatili akong nakatingin sakaniya ng bigla syang ngumisi  at tumango. "Okay. Let's start."

---

"Ano daw mangyayari sa asawa ni Ms. Sunshine? Makukulong ba 'yon? Makakamit kaya ni Ms. Sunshine ang katarungan? Kaya mo bang ipanalo yung kaso?" sunod-sunod na tanong ni Galand matapos sarhan ang pinto ng kotse ko. Napairap na lang ako sakaniya. Parang hindi ko nakasama ng tatlong buwan kung magsalita. Parang hindi ako kilala.

"Stop being a claptrap. Kung magsalita ka parang hindi mo ako kilala. Psh."

Inunahan ko na sya sa paglalakad papasok sa bahay ni ate Kim. Naisipan ko lang bumisita. It's been a month no'ng huli kong punta dito. Gusto ko silang makita.

"E, gusto ko lang naman makasigurado. Baka mamaya, makawawa pa si Ms. Sunshine. Sya na yung nasaktan, sya pa rin yung makukulong. Hindi naman tama 'yon."

"Leave it to me, Galand. Kaya ko na iyon." saad ko at itinaas ang isang kamay upang tumigil na sya. Nasa likuran ko kasi sya nakapwesto.

"Sure ka ha?" napatigil ako sa paglalakad ng humarang sya sa dinadaanan ko. Napakunot ang noo ko ng itaas niya ang kaniyang daliri. Iyong palasinsingan.

"Ano 'yan?" tanong ko kaya nginuso niya iyon.

"Hearts promise."

"Ha?" takang saad ko kaya napasimangot sya. Nagulat ako ng hawakan niya ang aking kamay at kinuha ang palasinsingan kaya hinigit ko iyon pero nanatili iyon na hawak niya.

"Ano ba? Hearts promise. Sabi kasi nila, nakakonekta ang palasinsingan sa puso ng tao. Kaya instead of pinky promise, I prefer Hearts Promise. Gusto ko galing sa puso." kinuha niya muli ang kamay ko. "Kaya ayan." ipinagkros niya ang palasinsingan namin at inipit. "Naipromise mo na sa akin na ipapanalo mo ang kaso ni Ms. Sunshine. Okay?" tinaasan niya ako ng kilay at nginitian kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Kung alam lang niya kung anong klaseng tao ang hinihiling niyang ipagtanggol ko, panigurado kabaligtaran ang hinihiling niya ngayon.

Mabilis kong hinila ang kamay ko at tumalikod. "Ewan ko sa'yo."

Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko na sya pinansin at dumiresto ns sa pinto. Hinawakan ko ang door knob at nagtaka ng malamang naka-lock iyon. Naramdaman ko ang paglapit ni Galand aa likuran ko.

"Bakit ayaw mo-- Ay. Nakalock."

Inilabas ko ang aking cellphone at idinial ang number ni ate upang tawagan. Matapos ang apat na ring e sinagot na niya ito.

"Hello? Ate?"

Lumipas ang ilang segundo e hindi pa rin sya sumasagot kaya nagsalita akong muli.

"Ate? Andyan ka pa?"

Napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng paghikbi.

"Ate?! Hello?! Ayos ka lang?! Bakit ka umiiyak?!" natatarantang saad ko. Napatingin ako kay Galand na nagtatanong rin ang mga mata.

("M-Mikaela...")

"Hello? Ate! Ano bang nangyayari sa'yo?!"

("M-Mikaela...") lalong lumakas ang iyak niya.

"Ate, what happened?! Asan ka ngayon?!"

Natahimik sa kabilang liniya ng ilang segundo. Nakaramdam ako ng matindin kaba kaya napahawak ako sa pinto.

"A-Ate... A-Asan ka?"

("M-Mikaela... S-Si Shzane, n-nawawala. She's m-missing.")

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mikaela   Chapter 34

    Unti-unti kong ginalaw ang aking daliri saka dahan-dahang iminulat ang mata. Malabo pa ang paningin ko kaya pilit akong kumukurap upang maging malinaw ito. Naaaninag ko ang isang lalaking nakaputi sa harapan ko na animo'y doktor.Maya-maya lang ay biglang luminaw ang mata ko at mukhang hindi iyon napansin ng doctor. Pinagmasdan ko s'ya na parang may kinakalikot na tila ba may balak na gawing hindi kaaya-aya. Bigla ang pagragasa ng kaba sa aking dibdib nang tumagilid ang doctor. Naka-medical mask ito kaya hindi ko mamukhaan. Nakita ko ang isang bote at kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita na bote iyon ng lason.Sa lagay ko ngayon ay hindi ko kayang makipaglabanan ng dahasan. Nanghihina ang katawan ko dahil kagagaling ko lang sa pagtulog.Nanginginig kong tinanggal ang swero mula sa aking braso at pasimpleng inipit iyon sa kama. Kaagad akong pumikit nang biglang humarap ang doktor o kung tunay nga ba iyong doktor. Sinsisipat-sipat nito ang syringe bago lumapit sa swero ko. Walan

  • Mikaela   Chapter 33

    Chapter 33: Almost a loser Pinalagatok ko ang aking leeg at humikab. Napatingin ako sa digital clock sa aking table at nakitang 11:23 na ng gabi. Sa wakas. Natapos ko rin ang dapat tapusin. Pinagtyagaan ko talagang tapusin ito ngayong araw kahit na abutin ako ng gabi. Kapag hindi ko tinatapos kaagad, pakiramdam ko ay sobrang dami. Napabuntong-hininga ako nang maalala na wala na si Galand ngayon dito. Nag-paalam ito sa akin na may importanteng lakad pero hindi sinasabi sa akin kung saan kaya hindi na ako nagpumilit sa kabila ng kyuryusidad na nararamdaman. Inayos ko muna sandali ang aking mga gamit bago lumabas ng building. Nagpaalam pa sa akin ang guard kaya tinanguhan ko lang ito at nginitian. Mabilis naman akong sumakay ng sasakyan at muling napahikab. I'm really sleepy right now. Gustong-gusto ko na matulog but I can't just sleep here. Binuksan ko ang makina ng sasakyan at kaagad itong pinaandar. In-on ko na rin ang radyo at nilakasan nang marinig na tumutugtog ang kantang Dom

  • Mikaela   Chapter 32

    Chapter 32: Line after wealthTahimik lang akong nakatitig sa harapan. Pinagmamasdan ang dinaraaanan namin ni Galand.Nandito kami sa sasakyan dahil pupunta kami sa police station. Pupuntahan ko si Hugo to talk about things. Itatanong ko na rin sakan'ya ang maaring itanong ng kalaban sakan'ya sa susunod na hearing.Originally, ang schedule ng hearing ay dapat bukas na but the other team keeps on adjusting it. Palibhasa ay mapepera kaya madaling nabayaran ang mga tiwaling tao.Sabi ko nga kanina, tahimik lang akong nakatitig but deep inside ay nabibwisit ako kay Galand. Maya't maya ang sulyap nito sa akin na kapag tiningnan ko naman ay umiiwas ng tingin. Noong nakaraan pa s'ya ganito. Simula noong mahospital s'ya ay mukha ng tanga ang akto nito."You can either stare or don't look at me at all,"Naibulalas ko nang maramdamang papatingin na naman s'ya sa direksyon ko. Binaling ko ang tingin ko rito na kaagad namang nag-iwas ng tingin."H-Hindi kita tinitingnan ah!""So guni-guni ko lan

  • Mikaela   Chapter 31

    Chapter 31: Truth for my thoughtsHINDI maipaliwanag ang aking nararamdaman habang nakatitig sa patong-patong na regalong nasa harapan ko ngayon. Hindi dahil mamahalin ang mga ito, pero dahil ito ay nagmula sa kanilang mga puso. Tanda ito ng kanilang pasasalamat sa akin.I didn't think that being appreciated by unknown people feels great. Ako na ang nagsasabi, sobrang sarap sa pakiramdam.Inisa-isa kong tingnan ang mga regalo. Ang iba ay may sulat ng pasasalamat habang ang iba ay walang pangalan kung kanino manggaling. Mukhang mas pinili nilang magpasalamat nang hindi ko nalalaman. Ganon pa man, it made my heart jump."I don't know what to say..." mahinang bulong ko sa aking sarili.Akmang bubuksan ko ang isa sa aking regalong natanggap nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Ms. De Luna na hinihingal pa kaya kaagad akong napatayo at napakunot noo."What is it now, Ms. D--"Z-Zero! Si Z-Zer--""What about Galand?!" natatarantang sagot ko sakan'ya at kaagad na lumapit."S

  • Mikaela   Chapter 30

    Chapter 30: An ey for this feeling"DRINK this Mikaela."Mamasa-masa ang mata kong nilingon ang nakalahad na maligamgam na tubig sa harapan ko. Si ate ang nag-abot nito sa akin. Napasinok pa akong inabot ito."Mikaela, calm down. It's alright now." pagpapakalma sa akin ni Sean.Sa kabila ng pag-aamo nila ay tila naging isa akong bato na walang naririnig. Basta ang alam ko, I am badly terrified. Napatungo ako at nakita ang kamay kong mabilis na gumagalaw. I am shaking. Hindi ko makontrol at mapigil ang panginginig. Dala ito ng takot.Napatungo ako lalo. I don't know but I am deeply hurt. The fact that I don't know or recognize myself now hurts me so bad. I felt like a stranger to myself. The Mikaela that is capable of doing unbelievable things is a stranger to me."Mikaela? Bakit nandito ka--bakit ka may baril?!"Nang lingunin ko s'ya ay bumungad sa akin ang gulat na mukha at nanlalaking mga mata nito.

  • Mikaela   Chapter 29

    Chapter 29: Ice cream vs. Life"TITA, I want ice cream."Ibinaba ko ang librong aking binabasa nang magsalita si Shzane sa tabi ko. Kaagad ko s'yang tiningnan at ang nangungusap na tingin ang bumungad sa akin. Napailing ako dahil kapag ginamit na n'ya sa akin ang ganitong mukha ay nahihirapan na ako tumanggi."Gabi na ah? Bukas na lang kaya?" kalmadong kumbinsi ko.Nandito kami ngayon sa bahay nina ate. Syempre, Galand is with me. Kasama rin namin kanina ang yaya ni Shzane pero umuwi na rin ito kaagad noong mag-ala-sais.Ngumuso si Shzane. "Gusto ko talaga ng ice cream eh. Please po tita?"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status