Share

Chapter 3

Napakagat labi na lamang si Elaine at medyo yumuko dahil sa sobrang kahihiyan.

Napatitig naman si Alexandros sa mga labi ng dalaga. Dahil dun napahawak sya ng mahigpit sa mesa. He's stopping himself not to grab and kiss her!

Biglang may lumapit sa kanilang lalaki at hinawakan sa balikat ang dalaga na ikinagulat ng huli at napatingin dito. Mula sa labi ng dalaga ay masamang tiningnan nya ang kamay na nakapatong sa balikat nito. Hindi nya gusto yung nararamdaman nya. Kailangan n'ya kumalma or else baka masuntok n'ya ang nag mamay-ari ng kamay na iyon.

''Is there's any problem here, Elaine?'' tanong ng bagong dating na lalaki. Tumingin pa ito sa kanya.

Tinaasan nya lang ito ng isang kilay at bored na sumandal sa upuan.

''Wala po, Sir Robert! Nagulat lang po ako kanina.''sagot ng dalaga dito.

''I'm hungry, can we order already?'' agaw nya sa atensyon sa mga ito.

Dali-dali naman inilabas ni Elaine ang maliliit na notebook at ballpen nito para makuha ang order nila. Pagkatapos isulat lahat ng order nya pati ng kasama nyang si Amari ay nagmamadaling nagpaalam at umalis na ito.  Sumabay nadin dito ang lalaking tinawag nitong Sir Robert ng masigurong wala namang problema.

Kung nakakamatay lang ang titig ay kanina pa nakabulagta ang kasabay na lalaki ni Elaine sa sama ng mga tingin nya dito. Bumaling sya kay Amari at pinagusapan kung ano ang plano bukas sa pagpunta nya sa MMC.

Taon nadin ang nakakalipas nung huli sya nakapasok sa lupain na pag mamay-ari nila. Para hindi naman masayang ang malaki nilang private island ay napag desisyonan nila na gawin na lang itong club para sa mga mayayaman na gusto makapag pahinga at makapag enjoy.

Hindi nila akalain na sisikat ang private club nila, puro mayayaman lang ang nakakapunta dun at nakakapag pa member dahil mahigpit ang Kuya Marcus nya. Gusto nito na sulit ang binayad ng mga nagpa member at para nadin sa privacy ng mga ito.   

Maya maya pa ay dumating na ang inorder nila pero hindi na si Elaine ang nagserve sa kanila. Natapos at nakaalis sila na hindi man lang nya ulit ito nakita pa. Siguro ay nagtatago ang dalaga sa kanya pagkatapos ng nangyare sa kanila kanina.

***

''Elaine, anong nangyare kanina sa table 12? Akala moba hindi ko nakita yun?'' sita sa kanya ng manager nilang si Jovie. Palibhasa matanda na ito at hindi na nagka asawa at anak kaya masungit ito.

Napatigil sya sa pagpupunas ng mga plato at tumingin dito. ''Wala po, konti hindi pagkaka unawaan lang pero naayos din naman po agad.'' Tumalikod na sya dito at sumimangot.

Kung bakit ba naman kasi nag react sya ng ganon, nakakahiya tuloy.

''Sya ng dahil sa nangyare kanina ikaw na ang maglinis dito sa kusina at hayaan mo na sila Mariel. Tumulong ka muna dito sa kusina at absent yung taga hugas natin.'' Utos nito sa kanya bago umalis.

Buhay nga naman, akala pa man din nya makakauwi sya ng maaga at pagod na sya sa maghapon. May extra pa naman sya pag tutor ng piano sa anak ng kapit bahay nila. Konti nanaman panigurado ang tulog ko nito.

Natapos na ang duty nya sa restaurant at wala na syang lakas maglakad pa pauwi. Gusto sana nya magsakay pero nagtitipid sya sa pamasahe, pandagdag nadin kasi sa gamot ni Sabrina. Napabuntong hininga na lamang sya at nagumpisa na maglakad. Gabi nadin at 30 minutes pa ang kailangan nya lakarin. Lakasan na lang talaga ng loob.

***

Sinusundan ni Alexandros si Elaine pauwi, kanina pa sya nasa kabilang lane nag-aantay matapos ang duty ng dalaga. Nakauwi na sya kanina pero hindi sya makatulog kakaisip sa dalaga. First time nangyare sa kanya ito at hindi sya natutuwa sa nararamdaman nya. Hindi nya maintindihan bakit ganito. Naiinis na napahampas sya sa manibela at papaandarin na sana ng mabilis ng may makita syang mga lasing na pasalubong sa dalaga.

Dali-dali naman syang bumaba ng sasakyan at pinuntahan ang dalaga na ngayon ay kinukulit ng mga lasing.

''Dali na, Miss sumama kanaaa samin. Saaaagleet laang! hik!'' sabi ng kalbong lasing at hinawakan pa sa braso ang dalaga at pilit hinihigit.

''If i were you aalisin ko yang kamay mo na nakahawak sa kanya.' 'banta ni Alexandros na bigla na lang sumulpot.

Mangiyak ngiyak na ang dalaga sa sobrang higpit ng pagkakahawak sa braso nito. Panigurado bukas ay magpapasa iyon, pilit nitong inaalis ang kamay ng kalbong lasing na nakahawak dito. Pero hinawakan lang ng isa pang lasing ang isa pang kamay ng dalaga.

Mas lalo nagdilim ang mukha nya ng makitang dalawa na ang nakahawak kay Elaine. How dare them!?

''I said let her go!''sigaw nya sabay paulan ng mga suntok sa dalawang nakahawak kay Elaine. Ang ibang kasama ng mga ito ay ang body guard na nya ang bahala. Alam nyang may naka sunod sa kanya kahit saan sya magpunta mula ng dumating sya ng pinas. 

Dere deretso padin ang pagsuntok nya sa kalbong lasing kahit duguan na ito at walang malay. Galit na galit sya dito, napahinto lamang sya ng makarinig sya ng humihikbi sa gilid nya. Pag angat nya ng tingin nakita nya umiiyak ang dalaga habang nanginginig. 

Bigla syang tumayo at niyakap ito ng mahigpit. ''Shhh, you're safe now. Stop crying.'' Bulong nya dito at hinalikan ito sa ibabaw ng ulo.

Hindi sya makapaniwala na muntikan na mapahamak ang dalaga, buti na lamang at naisipan nya bumalik. Nanginginig padin ang dalaga at tuloy-tuloy padin ang pagpatak ng mga luha nito.

''It's okay, no one can hurt you now.'' alo nya dito at inalalayan ito papunta sa kotse nyang nakaparada sa gilid. Pinagbuksan nya ito ng pinto at dahan dahan inalalayan makaupo.

Humarap sya sa mga body guard nya. ''Clear up the mess and make sure no one saw us.'' Utos nya sa mga ito sabay harap sa dalaga at isinarado ang pinto sa side nito bago sya umikot sa driver seat at sumakay.

''Hey.. Are you okay now?'' nagaalalang tanong nya sa dalaga. Hinubad nya ang suot na jacket at ipinatong dito. 

''Thank y.. you again for saving me.''mahinang sabi nito.

''Alexandros.''

''Ha?'' takang tanong nito.

''I said I'm Alexadros.'' ngumiti sya ng konti sa dalaga.

''Elaine.''

''I know, i saw your name earlier remember?'' humarap na sya sa manibela at pinaandar na ang sasakyan. ''Hatid na kita, just tell me kung saan bahay nyo.''

Sinabi naman sa kanya ng dalaga ang address nito, kahit alam naman na nya kung saan ito nakatira. Kailangan nyang umakto na walang alam sa dalaga. 

Lumingon sya dito para icheck kung ayos lamang ito, pero napansin nya nakatulog na ito kaya hinayaan na lamang nya. 

Kanina pa sila nasa harap ng bahay ng dalaga pero ayaw nya gisingin ito. Bakas pa sa maganda nitong mukha ang pagiyak kanina. 

Humigpit ang paghawak nya sa manibela ng maalala ang nangyari. Buti na lamang at nagdesisyon syang balikan ang dalaga kanina, kung hindi baka napaano na ito. Unti unti gumalaw nag dalaga at tuluyan na nga itong nagising.

Umayos ito ng upo at nahihiyang ngumiti sa kanya. 

''Pasensya kana at nakatulog pala ako. Kanina pa ba tayo dito?'' 

''No, halos kakadating lang natin.'' sagot nya dito.

Tumango tango ito at binalik ang jacket nya na gamit nito kanina. ''Thank you ulit Alexandros at pasensya kana din sa nangyare sa airport.''

''It's okay.'' 

''Sige, pasok nako sa loob. Salamat ulit.'' Lumabas na ito ng sasakyan nya at dere deretso sa may pintuan nang bigla ito huminto at humarap ulit sa kanya. Ngumiti ito bago tuluyang pumasok sa loob.

Pinaandar nadin nya ang sasakyan ng makitang nakapasok na ng tuluyan sa loob ang dalaga. Umuwi na sya sa condo unit n'ya at humiga. Nakatitig nanaman sya sa kisame, gulong gulo ang isipan nya.

How can this happened? I just met her! But why I'm feeling like this? Maybe once na nasa MMC na sya ay makakalimutan din nya si Elaine. Pumikit na sya at pinilit ang sarili makatulog dahil bukas na ang punta nya sa MMC.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status