Itinaas nya ang bondpaper na may sulat ng pangalan nito. Maya maya pa ay may lumapit sa kanyang matangkad na lalaki na naka shade.
''Elaine, right?'' tanong nito.
''Yes Sir! You must be, Robert?'' nakangiting tanong nya dito.
Tumango ito sa kanya.
''Tulungan ko na po kayo sa gamit nyo.'' Kinuha nya ang isang maleta na hawak nito.
''Wag na, mabigat ang gamit ko.'' Sinubukan nito kunin sa kanya ang maleta pero itinaas nya ang isang kamay na parang sinasabi dito tumigil.
''Kaya ko naman Sir, hihilahin lang naman ito. Tara na po at naghihintay sa inyo ang Tita nyo.'' Nauna na sya maglakad habang nakasunod ito sa likod nya.
Hindi nya nakita ang pagngiti ni Robert sa likod.
Pumara na sya ng taxi at sumakay sa likod. Pagkatapos maiayos lahat ng gamit sa likod ng compartment ng taxi ay tumabi sa kanya si Robert at nagpahatid na sila sa Escusina De Restaurant.
***
''Amari?''
''Yes sir?''
''Find out kung sino yung babae kanina. Alamin mo lahat about her.'' Utos nya dito habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
''Okay, Sir.'' Sagot nito.
Sumandal sya at ipinikit ang mga mata. Naaalala n'ya ang mukha nang babae na nakatapon ng kape sa kanya kanina. Ang maamong mukha nito at mamula mulang labi, kung hindi lamang sya nagmamadali ngayon ay nakuha nya sana ang numero nito.
Naputol ang kanyang pagiisip ng huminto ang sasakyan at narinig nya ang pagbukas ng pintuan sa side nya. Bago pa sya makamulat ay may biglang yumakap sa kanya.
''I miss you, Kuya Dros!''
Napaayos sya ng upo at napatingin sa nagmamay-ari ng boses na kulang na lang mabingi sya sa sigaw nito.
''I miss you too, Little Sister. But please, stop screaming.''
Humagikgik ito na parang bata sabay peace sign sa kanya.
Lumabas na silang dalawa ng sasakyan at pumasok sa Ruffalo Empire Building, ang main office ng mga business nila. May taas itong 56 floor at pinaka mataas na building sa Manila.
Kada nadadanan nilang empleyado ay bumabati sa kanila, tumatango lang sya habang si Selena ay deretso lang ang tingin at hindi man lang ngumingiti o bumabati pabalik. Mataray talaga ang bunso nilang kapatid kaya kapag napunta ito sa main building ay iwas ang mga empleyado nila dito.
Pagkapasok pa lang nila sa opisina ni Marcus ay agad na tumakbo na parang bata si Selena sabay talon at yakap dito sa leeg na ikinasakal nito.
''Selena! Get off me!'' sigaw ni Marcus at nagpupumiglas.
''Brader! hamishoo bery beryy much!'' tawa ng tawa si Selena nang may lumapit na lalaki dito at inalis ang mga kamay nito sa leeg ni Marcus.
Napasimangot si Selena ng makita kung sino ang nag alis ng kamay nya at inirapan ito sabay upo sa malapit na sofa.
''Dross, this is Jaxon, my personal security.'' Pakilala ni Marcus sa lalaking inirapan ni Selena.
Inabot nya ang nakalahad na kamay nito at nakipag shake hand. ''Nice to meet you, Jaxon.''
''Nice to meet you too, Sir Alexandros.''
''Nah, just call me, Dross.''
Bumaling sya sa nakatatandang kapatid. '' Why do you need a personal security? is there's something wrong?'' tanong nya dito.
Bago pa man makasagot si Marcus ay lahat sila napatingin sa pintuan ng bumakas 'yon at pumasok ang mag-asawang Ruffalo at ang pangalawa nilang kapatid na si Ethan. Isa isa silang lumapit sa magulang nila at niyakap ang mga ito.
''Hello, Kiddos!'' bati ni Greg, ang kanilang ama.
Napangiwi na lang si Alexandros sa bati sa kanila ng ama. Hanggang ngayon na matatanda na sila at nasa tamang edad na para mag-asawa ay para padin silang bata kung tratuhin ng kanilang mga magulang. Buti na lamang at sa pribado lugar lang sila tinatrato ng ganon.
Sa kanilang ama ata nila nakuha ang lagi naka poker face or wala emosyon kapag may iba tao, pero kapag sila-sila lang ay lumalabas ang kakulitan.
Tumabi naman sa kanya ang kanilang ina na si Lenie at yumakap sa kanyang braso.
''So kids, the reason kung bakit ko kayo pinapunta ditong lahat ay para sabihing oras na para kayo naman ang mag handle ng mga business natin. I want to travel with your mom and enjoy.''
Tumango tango naman ang kanilang ina. ''That's right, malalaki na kayo kaya give this to us. Me and your Dad deserve this.''
''But Dad, you're still young. Bakit gusto nyo na agad magretiro?'' tanong nya dito.
''Dad, we can't handle the business without you training us first.'' Angal ni Ethan.
''Nonsense!'' kumumpas pa ang isang kamay ni Greg. ''Bata pa lang kayo sinanay na agad namin kayo sa negosyo. Lalo na si Marcus, if may problema sa kanya kayo lumapit at magtanong. He will be the new CEO of Ruffalo Empire.''
''Mga Kuya, you can handle it! kayo pa ba.'' Pagccheer up pa sa kanila ni Selena. ''If you guys want, I can help naman sa ibang business.''
''NO!'' tutol nilang tatlo magkakapatid na lalaki.
Ayaw kasi nilang magtrabaho ang bunso nila lalo pa't nagiisang babae ito. Kayang kaya nila suportahan kahit magka apo pa ang apo nito. Gusto nila na mag enjoy ito at gawin kung ano gusto.
''Okay.'' nagkibit balikat pa ito.
Mahaba haba pa ang pinagusapan nila mag anak tungkol sa negosyo at sa buhay-buhay nila bago tuluyang umalis ang kanilang magulang. Papunta raw ang mga ito sa America para dalawin ang iba pa nila kamag anak kinabukasan.
Naiwan na lamang sila tatlo nila Ethan at Marcus dahil sumabay na si Selena sa magulang nila. Tumayo nadin sya at handa na sana umalis ng bigla magsalita si Marcus.
''Don't forget na bukas na ang punta mo ng MMC like what we discussed earlier.'' Paalala nito sa kanya.
Tumango lamang sya dito.
Pagkalabas nya ay agad syang sinalubong ng kanyang secretary habang hawak nito ang Ipad. Pinapaalala nito ang schedule pa n'ya ngayon araw, nakalabas na sya ng building at papasakay na sa sasakyan ng banggitin nito yung inutos nya kanina.
Inabot nito ang hawak na Ipad sa kanya.''This is all the information i got about her, Sir.''
Nakaupo sya sa likod ng sasakyan habang binabasa ang detalye tungkol sa babae nakabuhos ng kape sa kanya kanina.
Hmmm.. Elaine, 25 years old, working in ...
''Kuya Berto i want to have some early dinner. Let's go to Escusina De Restaurant.''
''Okay sir!''
***''Hoy, Mariel! Nakuha mona ba yung order ng table 12?'' tanong ni Elaine sabay siko dito.
''Ha? Hindi pa! Akala ko nakuha mona.''
Lutang nanaman si Mariel, basta talaga makakita ng gwapo nakakalimutan na minsan na nasa trabaho. Napabuntong hininga na lamang sya at kinuha ang menu folder at nagpunta sa table 12.
''Good Evening, Sir and Ma'am! Welcome sa Escusina De Restaurant.'' Inilapag nya sa harap ng mga ito ang menu folder habang hindi nakatingin sa mga mukha ng customer. ''Please let me know if ready na kayo umorder.''
Pupuntahan na sana nya ang kabilang table dahil tinatawag sya ng bigla may humawak sa kamay nya.
''Elaine.''
Gulat na napatingin sya sa kamay na nakahawak sa kanya at tumingin sa nag mamay-ari nito. Ganon na lang ang gulat nya ng makilala nya ito, yung lalaking natapunan nya ng kape kanina!
''Ikaw!? ano ginagawa mo dito?''gulat na sabi nya at nanlalaki ang mata nakatingin dito.
Napalakas ang boses nya kaya napatingin sa kanila ang ibang customer. Nahihiyang humingi sya ng pasensya sa mga ito. Bumaling ulit sya sa lalaki na hawak hawak padin ang kanyang kamay.
''Paano mo nalaman ang pangalan ko? bakit ka andito? sinusundan mo ba ako? at pwede ba paki bitawan ng kamay ko!'' mahina pero mataray nyang sita dito.
Binitawan s'ya nito at pinag krus ang mga braso sa dibdib at ngumiti ng konti na akala mo natutuwa sa nangyayare. Busy naman sa Ipad ang kasama nitong babae na para bang wala pakialam sa nangyayare sa paligid nito.
''So?'' pagtataray padin nya.
''Elaine.''
''So bakit nga alam mo pangalan ko!?'' konti na lang napipikon na sya. Puro na lang Elaine Elaine sinasabi nitong kaharap nya.
Tinuro nito ang name plate na nakasabit sa kabilang dibdib na merong pangalan nya.
''I saw your name sa nameplate mo, also hindi kita sinusundan. I have a meeting here and i didn't know you're working here.'' Paliwanag nito sa kanya.
Ramdam nya na nagiinit ang mukha nya, paniguradong pulang-pula sya sa kahihiyan! Napaka feelingyera mo kasi self!
Hindi na nya mabilang kung ilang beses na sya humugot ng malalalim na paghinga, basta ang alam nya grabe ang kabog ng kanyang puso na para bang tatalon ito papalabas ng kanyang dibdib.Today is the day!Ikakasal na sila ni Alexandros at mawiwitness ‘yon ng mga mahal nila sa buhay. Maski ang mga member ng Millionaire Men’s Club ay kumpleto para sa espesyal na araw na ito.Mas lalo naghigpit ang seguridad ng isla dahil gusto nilang pribado lamang ang kanilang kasal. Ayaw nilang may makapasok na press para makuhanan ang kasal nila. Gusto kasi nila ay sa kanila mismo manggagaling ang ilalabas na litrato para maprotektahan padin kahit papaano ang privacy nila.Ayaw sana nila ni Alexandros, pero dahil isa itong Ruffalo, kailangan nila gawin ‘yon.Napatitig sya salamin na nasa harapan nya. Hindi padin sya makapaniwala, ikakasal na talaga sya!“Girl! Ang make-up mo masisira!” natatarantang inabutan sya ni Selena ng tissue bago pa pumatak ang kanyang mga luha.Agad naman nya ‘yon kinuha at dah
“Kamusta na sya?” tanong nya kay Keith. Nakasalubong nya ito sa hallway ng malaking clinic dito sa loob ng isla. May bitbit itong paper bag ng fresh floating restaurant. Mukhang bumili lang ito ng pagkain at bumalik din agad. Bakas sa mukha nito ang pagod at kita sa ilalim ng mga mata nito na wala din itong maayos na tulog.Napailing tuloy sya ng wala sa oras. Hindi magugustuhan ni Melody na makita ito na nagkaka ganito.Ngumiti ito ng pilit. “Hindi pa din sya nagigising, Elaine.”“Sorry.” Ang tanging nasabi lamang nya.Hindi nya alam ang gagawin para gumaan ang loob ni Keith kahit papaano, maski kasi sya ay nasasaktan. Hindi nya maiwasan sisihin din ang sarili kung bakit nasa ganoon na kalagayan ang kanyang kaibigan. Dahil sa pagprotekta nito sa kanya, ito ngayon ang walang malay.Tinapik naman ni Alexandros ang balikat ng kaibigan. Bakas ang simpatya sa mukha ng nobyo nya.“Don’t be sorry, Elaine. We both know, if Melody is awake, she won’t like it that you’re blaming yourself. You
Nililipad ng malakas na hangin ang kanyang buhok habang nakatanaw sya sa walang hangganan karagatan sa kanyang harapan. Sakay ng yate, pabalik na sila ni Alexandros sa isla.Iniwan muna nila ang kanyang pamilya sa manila dahil may tatapusin pa raw ang kanyang kapatid na si Raven sa school nito. Si Sabrina naman ay may follow up check up sa doctor nito sa puso. Kaya kahit gustuhin man n’yang isama na ang mga ito ay hindi maaari. Excited pa naman s’yang ipakita sa kanyang Ina ang kanyang susuotin na wedding gown sa kasal nila ni Alexandros sa susunod na linggo.Nangako naman ang mga ito na susunod din naman agad.Napangiti sya. Malapit na ang kasal nila ni Alexandros.May pumulupot na mga braso sa kanyang bewang mula sa likod nya. Mas lalo tuloy lumawak ang kanyang pagngiti ng maamoy ang pamilyar na pabango.“Anong iniisip ng misis ko?” malambing na bulong ni Alexandros sa kanyang tenga na s’yang nagpakilig sa kanya.Sinandal nya ang kanyang likod sa dibdib nito. Humigpit naman ang pagk
“Oo, bakit?” takang tanong sa kanya ni Elaine.Maski ang ina ni Elaine na nagpupunas ng lapida ng asawa nito ay napatigil at napalingon sa kanya dahil sa bahagyang pagtaas ng kanyang boses.Humigpit ang hawak nya sa kamay ni Elaine habang titig na titig pa din sya sa litrato ng ama nito. Talagang pinaglalaruan sila ng tadhana! Ang ama lang naman nito ang sumagip sa kanyang buhay ng muntikan na s’yang mamatay ng araw na ‘yun.“Alexandros?” tawag sa kanya ng nagtatakang si Elaine.Pumikit sya ng mariin at huminga ng malalim bago nagmulat ng mga mata. Humarap sya sa kanyang nobya na bakas sa mukha ang pag-aalala dahil sa kanyang inaasal.Inalalayan na muna nya itong maka-upo sa upuan na nilagay ni Elliot sa harapan ng lapida ng ama nito. Mukhang oras na para sabihin sa mga ito ang nangyari sa araw na nawala ang ama nito.Tumayo naman ang ina nito sa gilid ni Elaine. Habang sila Raven at Sabrina ay naupo sa damuhan sa gilid nila at nag-aabang din sa sasabihin nya.Napasulyap ulit sya ng m
Readers I’m sorry for not updating Alexandros and Elaine story for almost one month now. Katulad po ng sinabi ko sa last update ko, hindi po maganda ang lagay ng aking lola. Kinailangan ko pong umuwi ng pinas para makasama sya dahil sa kahilingan nya. But sad to say, tuluyan na po kaming iniwan ng aking lola last Saturday (September 14, 2024) Sana po ay inyong maintindihan kung bakit hindi po ako makapag sulat sa ngayon. Sobrang bigat at sakit po ng aking nararamdamam at ayaw ko pong pilitin ang aking sarili magsulat dahil ayaw ko pong hindi nyo magustuhan ang ending ng kwento nila Elaine at Alexandros. Kapag nakabalik na po ako ng UK ay susubukan ko pong magsulat agad para matapos na ang kwento nila Alexandros at Elaine. Para din po maipost kona ang susunod na kwento ng isa sa member ng Millionaire Men’s Club. Again, sana po ay maintindihan nyo.
"Ma!! Sabrina! Raven!" malakas na tawag nya habang pumapasok sila ni Alexandros sa loob ng bahay nila. Susunduin kasi nila ang mga ito dahil pupuntahan nila kung saan nakalibing ang kanyang ama. Gusto kasi ni Alexandros na madalaw ito para na rin makilala."Andito kami sa taas ate!!" sigaw ni Raven."Bumaba na kayo at tinatamad na akong umakyat." sigaw nya pabalik sabay upo sa sofa. Kanina pa kasi sumasakit ang paa nya kakalakad. Kahit pa nga hindi naman malayo ang nilalakad nila dahil sumasakay naman sila sa sasakyan ni Alexandros.Hinubad nya ang suot na doll shoes at akmang yuyuko para masahihin ang paa ng pigilan sya ni Alexandros. Bigla itong umupo sa sahig nila at ito ang nagmasahe sa paa nya. Pinagmasdan nya ang ginagawa nito, seryosong-seryoso na para bang may alam talaga ito sa pagmamasahe gayong anak mayaman ito. Maski nga pagkaka salampak nito sa sahig ay wala itong pakialam kung madumihan ang mamahalin nitong damit.Mas lalo tuloy s'yang nainlove dito. Talagang ginagawa ni
Mahinang tapik ang nagpabalik sa kanyang sarili. Tiningnan nya ang kaharap na si Alexandros na bakas sa mukha ang pag-aalala para sa kanya. Ngumiti sya ng pilit para hindi na ito mag-alala pa sa kanya. Pero dahil kilalang-kilala sya nito, alam n'yang alam nito na hindi sya okay at kung ano ang nasa isip nya. Isa lang naman ang rason kung bakit sya nagkaka ganito pagkatapos ng insidente nangyare isang buwan na ang nakakalipas.Bumuntong-hininga ito at hinawakan ang kamay nya. "She'll be fine." Alexandros said with sincere voice."Isang buwan na.. bakit hindi pa rin sya nagigising? paano kung hindi na sya magising?" mahinang tanong nya.Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay nya. "She will. Her body just need some rest. Tsaka kilala mo naman ang kaibigan mong 'yun, malakas. Kaya wag kana mag-alala pa kay Melody." Hinaplos ng isa nitong kamay ang umbok n'yang tyan. "Baka mamaya magising 'yun at mapagalitan kapa dahil pinapabayaan mo ang inaanak nya."Umingos naman sya sa sinabi nito. "
-ELAINE- *1 month ago* Akmang sasaksakin sya ni Nicole gamit ang basag na baso ng biglang sumulpot si Melody kung saan at niyakap sya. Napaigik ito sa sakit ng pagbaon ng basag na baso sa likurang bahagi nito. Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa gulat dahil sa ginawa nito pagsalo ng saksak para sa kanya. "M-melody!" "I'm sorry, Bff.." nangingilid ang mga luha nito sa gilid ng mga mata dahil sa sakit pero nagawa pa rin ngumiti sa kanya. Hinugot ni Nicole ang basag na baso na may dugo ni Melody at akmang sasaksakin sya ng umalingawngaw ang isang putok ng baril. Tumama ang bala sa isang kamay ni Nicole na ikinahiyaw nito sa sakit at nagpabitaw sa hawak nitong panaksak. Mas lalo naman napadiin ang hawak ng isa nitong kamay sa buhok nya na s'yang ikinapikit nya dahil rin sa sakit.Nawalan ng balanse si Nicole at dahil hawak sya nito sa buhok at nakayakap sa kanya si Melody, tatlo silang nalaglag sa dagat. Mas lalo naman s'yang niyakap ng mahigpit ni Melody na para bang pino-protekta
"Yes, Babe! That's right! The reason kung bakit ko kayo pinapunta dito ng pamilya mo ay para masaksihan nila ang proposal ko sayo." Pakikisakay pa rin ni Alexandros sa iniisip ni Nicole. Ang lahat ng tao na nakakasaksi sa nangyayari ay sobrang kabado. Isang maling galaw lang kasi ay maaari mapanganib ang buhay ni Elaine at ng magiging anak nila.Iniikot nya ng pasimple ang mga mata para hanapin kung nasaan sila Elliot at Joe. Inihabilin nya sa mga ito na wag hihiwalay sa dalaga pero bakit hindi ata nya makita ang mga ito? Ang nakangiting mukha ni Nicole ay biglang nagbago at naging mabagsik. Hinablot ulit nito si Elaine sa buhok na nagpahiyaw sa dalaga. Maski sila ay napasigaw ng mas lalo diniinan ni Nicole ang hawak na basag na wine glass sa leeg ni Elaine."You think you can fool me again!?" tumawa ng nakakaloka si Nicole. "I'm not stupid, Alexandros!" Itinaas nya ang dalawang kamay at dahan-dahan naglakad papalapit kay nicole. "Please.. let her go." nagmamakaawang sambit nya hab