Share

Chapter 5

Kumain lang kami ni Leenox sa mall kahapon at umuwi na. Habang naglalakad sa corridor ay may isang lalaki ang humarang sa'kin. Mukhang first year lang, I'm not sure.

"Miss Zetha, pinapatawag ka ni Ma'am Franco." Wika nito. Tila nahihiya pang kausapin ako.

Tumango. "Alright."

Ngumiti ako ng matamis sa kanya. Mabilis itong gumilid sa dadaanan ko. Bahagya akong natawa nang mamula ang magkabilang pisngi nito. Gano'n talaga ang epekto ko sa kahit na sino. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi hanapin ang presensiya ni Leenox. Madalas ko kasi itong nakakasalubong, minsan pa nga'y may nakalingkis na babae.

Nagtext ako kay Alexa na mauna na sila sa Amoraz. Pupusta ako, kapag nabasa niya ang text ko ay magrereklamo na naman iyon na masyado akong pa-VIP. Dumiretso ako sa office ni Ma'am Franco.

Pagpasok ko sa office ni Ma'am Franco ay naabutan kong nandoon rin si Leenox. Anong ginagawa niya rito? Baka may katarantaduhan siyang ginawa at dinamay pa ako. Tumabi ako sa kanya at bumulong.

"H'wag mong sabihing may ginawa kang katarantaduhan at dinamay mo pa ako?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ginulo niya ang kanyang buhok para bahagyang pumangit pero failed naman. Lalo lang siyang gumuwapo nang bumagsak ang ilang hibla ng buhok sa mukha niya. Muli niyang hinagod ang buhok para bumalik sa ayos saka mahinang tumawa. Napasimangot ako. No one should be perfect. Umiling siya sa'kin at nagkibit-balikat.

"Good morning, Ma'am." Bati ko.

Dahil nadistract kay Leenox, ngayon ko lang naalalang batiin si Ma'am Franco. Ngumiti ito sa'min.

"Pinatawag ko kayo dahil maraming estudyante ang nagsuggest na kayo ang ilaban sa quiz bee." Panimula ni Ma'am.

"Ma'am, excuse lang po. Kalilipat ko lang po rito last, last week... ayos lang ba 'yon?" I asked.

Matamis itong ngumiti sa'kin. "Of course. 'Yun nga lang ang dati mong school ang isa makakalaban niyo." Sagot nito.

"Ma'am Franco, bakit nakasama ako?" Takang tanong ni Leenox. "Ba't hindi si Kuya Blakeleigh?"

"Leenox, may debate sila Blakeleigh. Hindi nila 'yon mapagsasabay." Bumaling sa'kim si Ma'am. "May extra points naman kapag sumali kayo."

"Payag po ako, Ma'am." Sagot ko.

Lumipat ang tingin nito kay Leenox. "Kung ayaw mo, si Akeem na lang ang kakausapin ko."

Mabilis na sumagot si Leenox. "Ma'am, wala po akong sinabing ayaw ko."

Mahinang natawa si Ma'am Franco sa sinabi ni Leenox. "Okay. Sinabi ko na sa inyo hangga't maaga para makapagreview na kayo. Leenox, i-email ko sa'yo ang topics na rereviewhin niyo."

He nodded. "Thanks, Ma'am. Alis na po kami." Paalam nito at hinila ako palabas ng office ni Ma'am Franco.

"Ba't pumayag ka?" Tanong ko sa kanya.

"Ba't pumayag ka rin?" Balik-tanong niya sa'kin.

"Sayang 'yung extra points." Sagot ko.

Humalakhak siya. "Akala ko wala kang pakialam sa grades."

Inis kong hinamapas ang braso niya. "Hoy! Alam ko namang maattitude ako pero 'di ko naman pinababayaan ang grades ko.”

Tinuro niya ang sarili niya. "Unlike me? Sorry to say pero ako kasi, hindi ko na kailangan ng extra points para makapasa. You know, natural na akong matalino."

"Makakapasa rin ako kahit walang extra points, sayang lang kaya um-oo ako." Iritado kong sagot. "Ikaw? Ba't pumayag ka pa? Hindi mo naman pala kailangan ng extra points."

"Pumayag ako kasi pumayag ka. Gusto kitang makasama."

"Gusto mo akong makasama para masira mo lagi ang araw ko. Genius!" Sarkastikong puri ko sa kanya.

"Araw-araw mo naman akong nakikita ah!" Depensa niya.

"At madadagdagan pa ng ilang oras." Dugtong ko.

"C'mon! Stop acting like you're not attracted to me. Napakaswerte mo't lagi mo akong kasama." Madamdaming wika ni Leenox.

Bumuntong-hininga na lang ako at tinapik ang kanyang balikat bago siya iniwan. Dumiretso ako sa parking lot at umalis na. Habang nagdadrive ay nag-ring ang cellphone ko.

"Bakit?" Bungad ko kay Alexa.

"Nasaan ka na!? Kanina pa kami rito sa Amoraz." Bakas ang pagkairita sa boses nito.

"Papunta na ako." Saglt ko at pinatay ang tawag.

Ipinagpasalamat ko na hindi traffic dahil paniguradong kapag nagbagal pa ako ay uusok na ang magkabilang tenga ni Alexa. Mabilis akong nakarating. Tanging naabutan ko lang sa usual spot namin ay sila Alexa, Patrice, Carver, Akeem, at Leenox. Nauna pa sa'kin si Leenox ah! Hindi kumpleto ang magpipinsan, nakakapanibago. Umupo ako sa tabi ni Alexa at kaharap ko naman si Leenox.

"Kayo pala ang ilalaban sa quiz bee." Wika ni Akeem.

"Oo. Dapat sila Kuya Blakeleigh pero nasabay sa debate." Sagot ni Leenox.

Kasali kasi sa dabate si Desmond at Blakeleigh. Tulad ng sabi ko, si Blakeleigh ang leader at ang alam ko ay isa sa sub si Desmond incase na hindi pwede ang isang member. Iyong original na members ay umalis na kaya naghire sila mula sa freshmen. Bakit alam ko? Kasi sila ang kalaban ng former school ko.

Tatlo ang bagong sali sa kanila, kilala ko sa pangalan pero hindi sa mukha. Maria Angel, Marie Glynelle, at Atlas. Sumulyap ako kay Leenox na busy sa kanyang cellphone.

"Sino nga pala ang mga kalaban niyo?" Tanong ni Alexa.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko kilala."

"Kilala ko kung sino ang representative ng former school mo." Sabat ni Leenox na ikinakuha ng atensyon ko.

"Sino?" Kuryoso kong tanong.

"Lucas Morioña." Tipid niyang sagot at inabot sa'kin ang cellphone niya. Bumungad sa'kin ang isang litrato ng lalaki.

"Woah! Ex mo 'yan 'di ba?" Manghang wika ni Alexa.

Sinulyapan ko ang mukha ni Leenox. Seryoso ito. "Oo. Ex ko nga 'yan." Sagot ko kahit hindi ko na masyadong matandaan kung bakit ko naging boyfriend 'yang Lucas Morioña.

"You're everybody's ex, Zetha."

That made me shut up for a moment. A full-fledge smile darted across his face. He turned his eyes on me studying me with candid directness. All at once, I felt extremely uncomfortable. Binawi niya ang phone sa kamay ko.

I greeted my teeth and tried to maintain my cool. "Coming from you, Leenox?" Balik ko sa kanya.

"Lalaki ako, babae ka. Hindi 'yon magandang tingnan."

Tinaasan ko siya ng kilay. "C'mon! Hindi porque't lalaki kayo, kayo lang ang may karapatang magpapalit-palit ng jowa. Where's the equality? Oo, babae ako at kaya rin kitang sabayan."

"Debate lang? Ba't hindi kayo ang pumalit kila Blakeleigh?" Sarkastikong sabat sabat ni Patrice.

"Ikaw? Kailan ka ba magtitino?" Sabat ni Carver kay Patrice.

"Nahiya naman ako sa'yo. Kahit tahimik ka, alam kong may nakatagong demonyo sa loob mo." Iritadong sagot ni Patrice.

Carver suddenly smirked. His smirk sent shiver down to my spine. "Wanna see? Kaso baka hindi ka makalakad ng mga ilang araw."

Biglang namula ang magkabilang pisngi ni Patrice. Nasamid naman si Akeem at humagalpak ng tawa ni Alexa. Nagkibit-balikat lang kami ni Leenox.

"Hindi 'yon ang tinutukoy ko!" Inis na wika ni Patrice.

Mabilis lumipas ang oras at nang maghapon ay umuwi na ako. Wala pa sila Mommy sa bahay. Binaba ko ang bag ko sa single sofa at dumiretso sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator para tingnan kung ano ang pwedeng kainin. Mabuti na lang at may natirang cassava cake. Kumuha ako ng platito. Wala naman akong masyadong gagawin ngayon. Mas mabuting magreview ako.

Ako:

Leenox! Na-email na ba sa'yo ni Ma'am Franco ang mga topics?

Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin  nagrereply si Leenox. Naubos ko na ang kinakain ko pero wala pa rin siyang reply. Sa pagkakakaalam ko, wala naman siyang pinagkakaabalahan. Baka busy sa babae? Kinuha ko ulit ang phone na nakapatong sa mesa at tinawagan siya.

The phone rang a few times before a not-so-familiar voice answered.

"Hello?"

Ilang segundo akong tahimik bago makapagsalita. "Who's this?"

"This is Rose. I saw Leenox' phone ringing so I answered. Naliligo pa kasi siya and... uhm.. I saw your caller ID, so I bet your name is Zetha?"

Busy nga sa babae.

"Oh yes! Mukhang busy naman siya, gonna hang-up. Just tell him that I called.” Mabilis kong pinatay ang tawag.

Who's that girl? Of course, tintanong pa ba 'yan? Malamang ay isa mga kalandian niya. Hindi talaga nababakante ang hinayupak na 'yon. Sinasayang niya ang sperm niya.

Naligo ako at nagpalit ng damit. I'm wearing simple blue tube top and white mini skirt. Nagtext ako kila Mommy na pupunta akong Dos. Sumakay ako sa kotse at pinaandar. Nang makarating ako sa Dos at sumalubong sa'kin ang maingay na tugtog. Dumiretso ako sa bar counter at sinenyasan ang bartender na bigyan ako ng isang shot.

Nilibot ko ang paningin ko sa dance floor habang pinaglalaruan ang hawak na shot glass. Wala akong kasama ngayon kaya maghahanap ako.

Bumuntong-hininga ako nang wala man lang kumuha ng atensyon ko. Nakakasawa rin pala ang manlalake. Nagpalipas lang ako ng ilang oras at napagdesisyunan ko nang lumabas. I was walking in the parking lot when suddenly, someone bumped me. Nahulog ang phone ko sa sahig. Inis kong pinulot iyom at nag-angat ng tingin sa taong kaharap ko.

"Hey--" Natigilan ako nang makita kung sino ang nasa harapan ko.

"Zetha?"

I secretly smiled as he recognized me. "Hi! Long time no see, Lucas." I gave him an alluring smile.

Gwapo si Lucas at bukod roon, matalino pa.

"Paalis ka na?" He obviously asked.

"Sana... but you're here!" I answered using my flirty voice.

"And I'm also here."

My skipped a bit when I heard Leenox' voice. I don't know why I'm sweating so much that I can feel each drop of my sweat on my forehead. Pakiramdam ko ay nahuli ako ng boyfriend ko na may kalaguyo ako. And then, my heart pounded so fast as his arms wrapped comfortably around my waist.

"Leenox..."

"Gotta go, Zetha. Hope to see you again." A mischievous smile flashed on Lucas' face.

Nang makaalis si Lucas ay saka ako pinakawalan ni Leenox. Naaaning na naman ang lalaking 'to.

"What are you doing here?"

"Bawal ba?" He asked me back using his grumpy face.

I shrugged. "I just thought you're busy with someone else."

Mataman niya akong tiningnan. "I'm definitely not busy with someone." Sagot niya. "How 'bout you? Busy flirting with your ex? Bringing back the old times when you were together?" He sarcastically asked.

I scoffed. "What's the big deal? You're making me laugh, Leenox. I can hugged, kissed, and be in relationship with someone without having a romantic feelings." I proudly said.

He laughed. "I can also do that."

Pumalakpak ako. "Then, congrats. We're both expert."

He smiled but for only a second, his expression become more serious. "By the way, bakit magkasama kayo ni Lucas?"

"Masama ba?" He glared at me. "Just kidding. Nagkasalubong lang kami. Why?"

"I just feel that... you being with him is not right." Mahinang wika niya. Hindi ko alam kung sa'kin lang ba pero pakiramdam ko ay doble ang meaning no'n. Mukhang napansin niya ang nagtataka kong mukha kaya mabilis niyang nilinaw. "What I mean... kalaban natin siya."

Nakahinga ko ng maluwag. "Sa quiz bee? Yes. Pero nasa labas naman tayo ng school." Sagot ko.

"If you say so. Kumain ka na ba? Let's have a dinner then ihahatid na kita sa inyo." He offered.

Mabilis akong umiling. "Hindi pa ako magdidinner pero sa bahay na lang. May dala akong sasakyan kaya hindi mo na ako kailangang ihatid. Stop being nice to me, Leenox. Hindi ako sanay." Natatawa kong wika.

"Edi masanay ka na." Sagot niya.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Stop it. Konti na lang at iisipin ko nang may gusto ka sa'kin."

"I have no problem with that.”

Alanganin akong tumawa. "You really need to stop, Leenox. That's dangerous. Aalis na ako and 'yung topics na rereviewhin pakisend sa'kin." Paalala ko sa kanya.

Tumalikod ako at maglalakad na sana paalis nang hawakan niya ang palapulsuhan ko para pigilan. Nagtataka ko siyang nilingon. Ilang segundo siyang nakatitig sa mukha ko.

"May problema ba?"

Natauhan siya nang magsalita ako. Mabilis niyang binitawan ang palapulsuhan ko at nag-iwas ng tingin.

"Nothing. Take care." Rinig kong sagot niya.

I smiled at him. "I know. Enjoy your night." Wika ko at umalis na.

Nang makasakay ako sa kotse ko ay napadudok ako sa manibela. Mabilis ang tibok ng puso ko. What's wrong with me? So, what if may gusto nga siya sa'kin? I should be proud kasi isang Leenox Zamora ay may gusto sa'kin. But in the other side, ayokong mapabilang sa mga babae niya.

What am I doing? Why am I nervous? Why my heart is beating so fast? No. Kailangan ko nang umuwi. Binuhay ko ang makina ng sasakyan at pinaandar. Huminga ako ng malalim nang maalala ang paghawak niya sa palapulsuhan ko kanina.

I need to stop thinking that moment! Being nervous is normal as well. It means nothing. Right, nothing.

"Zetha, anong oras na? Kumain ka na ba?" Bungad sa'kin ni Mommy pagkauwi ko.

"Kakain pa lang, Mommy. Si Daddy?" I asked her. Dumiretso ako sa kusina at kumain.

"Natutulog na. Bawas-bawasan mo ang pagpunta sa bar." Bilin nito sa'kin bago umakyat sa taas.

Pagkatapos kong kumain at nag-half bath ako. Pabagsak ako humiga sa kama. Inabot ko ang cellphone ko na nasa bedside table. Bumungad sa-'kin ang message ni Leenox.

Leenox:

Nasend ko na yung mga topics.

Ako:

Okay. Kailan tayo magrereview?

Leenox:

Tomorrow start na tayo. Library.

Ako:

Okay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status