Share

Chapter 4

"Bye, Mommy! Daddy!" Paalam ko at nagmamadaling sumakay ng kotse ko.

"Zetha, magtino ka!" Iyan lagi ang bilin sa'kin ni Daddy.

Nailing na lang ako. Binuhay ko ang makina ng sasakyan at umalis na. Makikita ko na naman ang pagmumukha ni Leenox. Pumasok ako sa school at sumalubong sa'kin si Leenox na may kasamang babae. Nagtagpo ang aming tingin. Nakangisi siya at sumaludo pa sa'kin samantalang inirapan ko lang siya.

Hindi na ako magtataka kung lahat ng babae rito sa EZU ay magiging fling niya. Habang tumatagal ay nasasanay na ako sa tingin ng mga estudyante sa'kin. Hindi lang bilang Zetha na kilala nila, isama mo ma rin na nalilink ako kay Leenox. As if naman papatulan ko ang lalaking iyon.

Kaklase ko si Akeem sa unang subject ko ngayong araw. Ipinagpapasalamat ko nga't kahit isang subject ay may hindi ko kaklase si Leenox. I don't know what's going on with Akeem and my best friend. Ako lang ba ang nagbibigay ng malisya? Pakiramdam ko kasi ay may something sa kanilang dalawa. Umupo ako sa tabi ni Akeem.

"Naihatid mo ba ng maayos si Alexa?" Mataray kong bungad sa kanya.

Tinapunan niya ako ng tingin. "Oo naman. Hindi ko naman pababayaan ang kaibigan mo." Sagot niya.

Nakatali ang kanyang blonde hair. Dahil ang angkan nila ang may-ari ng University, hindi sila binabawal na magkulay ng buhok.

"Sumabay ulit kayo sa'ming mag-lunch." Wika niya.

Tumango ako. "No problem." Ngumisi ako sa kanya. Iba talaga ang pakiramdam ko sa kanila. "Crush mo ba si Alexa?" I bluntly asked.

Halos masamid naman siya sa sariling laway dahil sa tinanong ko. "Crush? That's too shallow." He commented.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Too shallow? Then, you like her? You're attracted?"

Tumawa siya. Bahagyang nawawala ang mga mata niya kapag tumatawa siya. Singkit kasi. Habang tinititigan ko siya ng matagal ay napagtatanto kong mas magkahawig sila ni Carver. Kung hindi mo sila kilala, mas aakalain mong magkapatid si Akeem at Carver.

Si Chace ang kakambal ni Carver, oo, pero mas magkahawig talaga itong si Akeem at si Carver. Bukod sa pareho sila ng height, maraming bagay pa ang pinagkatulad nila. Si Chace kasi ay mas matangkad sa kakambal niya. Mas malalim ang mga mata nito samantalang magkatulad ang shape ng mga mata ni Akeem at Carver. Ewan, nakakalito.

"Why so curious? How about you, Miss Zetha? Do you like my cousin?" Balik-tanong niya sa'kin.

Pagak akong tumawa. "I don't like Leenox." Sagot ko.

Kumunot ang noo ko dahil mas lalo siyang tumawa. Nang makabawi ay nauwi iyon sa ngisi. "I never mention him. Wala akong sinabing si Leenox." Nanunuyang nginisihan niya ako.

"Well, hindi ba't siya naman talaga ang pinupunto mo?"

Tumaas ang kanyang kilay. "Ows? Baka naman siya ang unang pumasok sa isip mo?" He teased.

"Akeem Zamora, bigla yatang napunta sa'kin ang topic?" I sarcastically asked.

Nagkibit-balikat siya. "Kung ano man ang tingin ko sa kaibigan mo, sa akin na lang 'yon." Makahulugang wika niya.

Naiiling na lang akong umayos ng upo at nakinig sa prof. Kung sakaling may gusto man siya kay Alexa, goodluck na lang sa kanya. Mabuti na lang at hindi nagsalita si Akeem sa tabi ko. Mas ayos pa ngang siya ang katabi ko kaysa kay Leenox.

Hindi ako makapagfocus kapag si Leenox ang katabi ko. Masyadong madaldal. Alam kong hindi ako 'yung tipong matinong estudyante pero nag-aaral din naman akong mabuti. Ayokong madissapoint sila Mommy at Daddy sa'kin. Lahat ay binibigay nila sa'kin kaya ayokong magfail sa kahit anong subject.

Oo, aaminin ko takot akong magfail kapag pag-aaral na ang usapan. Dahil pakiramdam ko ay hindi lang ako nagfail bilang estudyante, kundi bilang anak na rin. Hindi ako pinepressure nila Mommy pero syempre alam ko pa rin kung ano ang goal ko.

Sa sununod na klase ay halos ayaw ko nang pumasok. Makikita ko na naman si Leenox. Bagot akong umupo sa tabi niya.

"How have you been?" He asked.

"Buhay pa naman." Pamimilosopo ko.

"Alam kong buhay ka pa--"

"Aware ka naman pala, ba't nagtatanong ka pa?" Putol ko sa sinasabi niya.

Bahagya siyang ngumuso. "Halikan kita diyan." Bulong niya.

"Tapyasin ko 'yang labi mo. Gusto mo?" Sagot ko.

"Maraming magluluksa kapag ginawa mo 'yon." Nakangisi niyang wika.

"Kahit gaano sila karami, ako pa naman ang pinakamagiging masayang tao kapag nagawa ko 'yon." Bara ko.

"Bakit ang taray mo sa'kin minsan? Tapos minsan naman, ang bait mo rin. Ang hirap mong basahin." Komento niya.

Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na kumibo pa. Hindi ko alam. Kahit na naaasar ako sa kanya, pinapansin ko pa rin siya. Parang hindi ko siya kayang hindian.

"Psst."

Dinisiplina ko ang sarili kong h'wag pansinin si Leenox.

"Zetharine." Tawag pa niya.

Nilingon ko siya at sumenyas na h'wag maingay. Kung papatulan ko ang katarantaduhan nitong lalaking katabi ko, parehas kaming mapapagalitan. I mean, sanay akong mapagalitan pero kung kasama si Leenox ay h'wag na lang. Mas lalo lang akong malilink sa playboy na 'to.

Mayamaya pa'y yumanig ang buong sistema ko nang maramdaman kong dumampi ang malambot niyang labi sa pisngi ko. Mabilis ko siya nilingon at pinanlakihan ng mga mata.

"What the fuck?" Iritang sigaw ko na ikinatigil ng lahat.

Ngingisi lang si Leenox samantalang nasa akin ang atensyon ng lahat.

"Miss Zetha! If you're not interested in my class, you can go out." Seryoso wika ng prof namin.

"Ma'am—"

"Okay. We will go out." Nakangising putol ni Leenox sa sinasabi ko.

Sinukbit niya ang isang strap ng bag niya sa balikat at kinuha ang bag ko. Ang isang kamay naman niya ang mahigpit na humawak sa palapulsuhan ko at tuluyan akong hinila palabas. Nalaglag ang panga ng mga kaklase ko at isama mo na rin ang prof namin. Maangas ang paglakad ni Leenox na nagsusumigaw na isa siya sa mga hari dito sa EZU.

Inis kong hinawi ang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko. Salubong ang kilay ko. Kumukulo ang dugo ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Mas lalo pa akong nainis dahil nakuha pa niyang ngumisi.

"Ano bang problema mo!?" Iritang sigaw ko sa kanya.

"Ikaw, anong bang problema mo?" Nakangusong balik-tanong niya sa'kin.

I threw him a glance that was unmistakably loaded with daggers. Pagak akong tumawa. I pointed my index finger to myself. "Ako pa ang may problema? Ikaw itong bigla na lang nanghahalik sa pisngi." Wika ko. May talim at diin ang bawat salitang binibigkas ko.

"Ayaw mo kasi akong pansinin." His mouth still drawn into a pout.

"What!? Dahil lang doon?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Leenox! Mukha lang akong hindi matino pero seryoso ako sa pag-aaral ko! Napalabas tuloy ako dahil sa kababawan mo. Saka ano bang mapapala mo kapag pinansin kita!? Wala naman 'di ba?"

Sa sobrang inis ay nilayasan ko siya. Next class na lang ako papasok tutal napalabas na rin ako sa class ko ngayon. Kung tutuusin ay pwede ko namang sabihin kay Leenox na papasukin ulit ako pero ayokong manghingi ng pabor sa kanya.

Pero siya ang may kasalanan kaya ka nga napalabas 'di ba?

Sa canteen na ako dinala ng mga paa ko. Bumili ako ng isang slice ng mocha cake at isang juice. Ikakain ko na lang itong inis na nararamdaman ko. Habang kumakain ay may biglang umupo sa kaharap ko. Tataasan ko sana ng kilay pero hindi 'yon natuloy nang makita kong si Chace iyon.

May dala rin siyang isang tray na may lamang isang slice ng cake at sprite in can. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy sa pagkain. Bakit ba simula nung nagdare kami nila Alexa ay naging malapit na ang landas namin sa mga Zamora?

"May klase pa kayo ni Leenox 'di ba?" Tanong ni Chace.

"Napalabas." Tipid kong sagot.

"Dahil hindi mo siya pinansin?"

"Paano mo nalaman?"

Nagkibit-balikat siya at nailing. "Leenox will always be Leenox. May sayad 'yon sa utak." Wika nito.

"Sa'yo pa nanggaling. Ikaw nga itong presidente ng mga may sayad sa utak."

Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Si Desmond. His intimidating aura scares me pero mas umiibabaw pa rin ang pagkamangha ko sa kabuuan niya. Kulay asul ang kanyang buhok, unlike Chace na itim na may highlights na kulay abo. Halos matanggal na ang panga ng mga estudyanteng nakatingin sa'min. Kasama ko lang naman ang cold na si Chace at si Desmond na kayang bumali ng buto kahit ano mang oras.

"Atlis ako hindi ako nakakasira ng gamit at hindi ako nakakabali ng buto." Balik ni Chace.

"Nasisira ang gamit dahil marupok at nababali ang buto nila dahil kasalanan naman nila 'yon. You know me, hindi ako basta-basta pumapatol ng walang dahilan." Nakangising sagot ni Desmond. Halos tumaas ang balahibo ko sa ginawa niyang pagngisi.

Gosh! Bakit gano'n? Kapag ngumisi si Chace, Desmond, at isama mo na rin si Carver ay talagang kikilabutan ka. Iyong ngisi pa lang nila alam mo nang may hindi mangyayaring maganda. Pero kapag ang ngumisi ay sila Leenox, Amaury, Akeem, at Blakeleigh... ayos lang naman.

"Hey yow!" Biglang may tumabi sa'kin. Si Blakeleigh.

"Wala ba kayong mga klase?" Nalilitong tanong ko sa kanila. Bigla-bigla na lang kasing sumusulpot dito sa tabi ko.

 “Free time ko." Sagot ni Chace habang nakatutok sa cellphone.

"Wala kaming klase." Sagot ni Desmond habang kinakain ang cake ni Chace.

"Excuse kami sa klase dahil nagtetraining kami para sa debate." Sagot ni Blakeleigh at ininom ang juice ni Chace.

"Yah! Ba't hindi kayo kumuha ng sariling pagkain niyo!?" Iritadong wika ni Chace.

"Bakit pa kukuha kung meron ka naman?" Pabalang na sagot ni Blakeleigh.

"Kumusta ang pag-uusap niyo ni Mr. Perez?" Tanong ni Desmond kay Blakeleigh.

"Kailangan matapos muna namin ang paglevel up ng Goals of Life. I-pe-present namin tapos pag-iisipan niya kung kanino mapupunta ang rights." Sagot ni Blakeleigh.

"Naglalaro kayo ng GOL?" Tanong ko.

"Of course." Sagot ni Chace at pinakita ang cellphone kung saan nagpeplay nga ang GOL.

"Sino ang asawa mo diyan?" Tanong ko.

"His ex-girlfriend." Nakangising sagot ni Desmond.

"Shut up." Iritadong sagot ni Chace.

Humalakhak si Blakeleigh. "Hindi nga pala alam ni Maiza na ikaw si Zyto." Username siguro iyon ni Chace.

Maiza? Never heard that name. So, may ex-girlfriend pala itong si Chace. Bakit kaya sila naghiwalay? I mean, alam naman ng lahat na cold si Chace pero kahit sino ay hindi bibitiwan ang isang Zamora. What's the real reason why Chace and that Maiza broke up?

Pagkatapos ng isang oras ay pumasok na ako sa susunod kong klase. Nagtaka ako kung bakit wala pa si Leenox sa tabing upuan. Nasanay na kasi akong lagi siyang nauunang pumasok kaysa sa'kin. Ilang minuto pa ang lumipas at nakahoody jacket si Leenox nang pumasok.

Nakayuko ito at tahimik na umupo sa tabi ko. Hanggang sa matapos ang huling klase namin at tahimik lang si Leenox. I should be happy but something is bothering me. Nang lumabas kami sa room ay hinila ko siya at hinarap sa'kin.

Hinipo ko ang noo niya pero wala naman siyang sakit. Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa ginawa ko.

"Ayos ka lang?" I asked him.

"I'm fine." Tipid niyang sagot at saka nag-iwas ng tingin.

"Bakit ang tahimik mo?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. "Baka mainis ka lalo kapag dinaldal kita. Ayaw mo kasing kinukulit kita kapag nagkaklase kaya nanahimik na lang ako."

He smiled, but then his expression become more serious. It was then I realized how much I appreciated Leenox' presence. He didn't make me feel out of place. Wala na akong ibang kaibigan bukod kay Alexa at Patrice. Kaya kapag wala sila sa tabi ko, I feel like a loner.

"Naiinis pa rin ako." Sabi ko at tinalikuran siya.

May kung ano sa sistema ko ang hindi mapakali. Hindi ko kayang tagalan ang titig niya. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinarap ako sa kanya. Trembling a bit, my lips stretched for a secret smile. Nagdiwang ang sistema ko ginawa niya kahit na hindi naman dapat.

"Libre na lang kita. Tara sa mall." Wika niya at tuluyan akong hinila. Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanya.

Leenox bakit ka ganyan? Anong ginagawa mo sa'kin? Matagal ko nang pingbawalan ang sistema kong makaramdam ng ganito. Bakit pilit mong binubuhay ang pakiramdam na matagal ko nang pinatay? I can't fall in love because I don't want the feeling of being left alone again.

Especially, I can't fall in love with you. I can't fall to a playboy. Alam kong babalik sa'kin ang mga ginawa ko. Kung ikaw man ang magiging karma ko dahil pinaglalaruan ko ang feelings ng ibang mga lalaki, then, you will be my sweetest and favorite karma.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status