IT WAS THE MOST TIRING and longest week of my life. Hindi pa rin ako tinantanan ni Finn kahit na nagkaharap na kami. Hindi ako baliw para kalimutan na lang ng ginawa niya sa akin. Hindi ako gaya ng kawawang Mommy niya na ilang ulit nang niloko pero hindi pa rin hiniwalayan ang asawa.
Finn doesn't deserve a second chance and I don't feel his sincerity whenever he tries to ask for forgiveness. Tiyak akong ang Daddy niya lang ang nag-uudyok sa kaniyang makipag-ayos sa akin for the sake of their reputation at sa assets na pwedeng mawala sa kanila.That manipulative man is thinking he could use me as one of his puppets. Kita naman sa anak niyang hindi makatanggi sa utos niya na kahit nag-asawa na ay pinakikialam niya pa ang desisyon nito kaya kapag opisyal na kaming hiwalay ni Finn ay matutuwa akong he's no longer my in-law. Mabuti sana kung bago pa lamang ang relasyon nila ni Diane, baka mapatawad ko pa siya at iurong ko ang diborsyo, pero hello—isa't kalahating taon na nila akong niloloko!Ang nakakainis pa, dahil hindi ko siya mapagbigyan, he tried to turn the table. Sinubukan nilang iliko ang katotohanan. They told the attorney review ang petition for divorce na gawa-gawa ko lang ang lahat dahil pera ang habol kong makuha sa asawa ko na those pictures we showed as evidence na may kalaguyo siya ay peke at edited. Binalak pa nilang palabasin na ako ang nagkulang at ako ang may kasalanan kung bakit siya naghanap ng iba para protektahan ang pangalan nila. Kalat na sa kompanya nila ang ginawa ni Finn at kahapon lang ay sinabi sa akin ng isa sa malapit na empleyado sa akin na the company has a new policy regarding sa private issues sa kompanya. Natatawa na lang ako dahil huli na sila ng aksyon. Amoy na amoy na silang mag-ama ng lahat hindi lang nila alam. Nakikita naman na kasi, ano pang gusto nilang itago?Dahil sa mga pambabaligtad nila, I needed to contact the private investigator to show the camera he used and the original copies of pictures he took. Mabuti na lang at hindi niya binura. He knew it will happen he said kaya handa siya at maraming salamat sa kaniya. Kung tutuusin, hindi naman na dapat umabot sa ganito kung pinirmahan lang sana agad. Malaya na sana niyang nakakasama ang Diane ng buhay niya at hindi kami naaabala pareho.Today is the day, malalaman na namin ang resulta. We were asked to come to the attorney's office para sabay naming marinig. Sabay kami halos ng lawyer ko na dumating. He's my Dad's trusted lawyer as well. May edad na ngunit mahusay. I have my own lawyer na naging kaibigan ko rito sa England. Kilala siya ni Finn at medyo close sila kaya naman Dad suggested na iyong kilala na lamang niya ang hayaan kong maghandle. Naintindihan naman ng lawyer ko ang sitwasyon.Sumakay lang ako ng taxi dahil wala akong sasakyan, wala na rin naman akong balak na bumili rito sa England dahil aalis na rin naman ako at babalik ng Pilipinas pagkatapos nitong problema ko.Pumasok na kami sa loob ng building at mukhang ako lang ang kinakabahan. Ang nakaiinis dito sa UK, dito mismo sa England, adultery is not considered a crime anymore. Inalis na sa listahan ng mga krimen ang pakikipaglandian sa iba while married to someone. Ang unfair para sa akin, pero it can be used as reason to petition a divorce. Kaya malakas ang loob ng ama ni Finn na ilang beses din ginawa ang pagloloko sa kawawang asawa niya.Ang totoo niyan, malapit ako sa Mommy ni Finn. Mabait siyang ina at mapagmahal. Marami rin akong natutunan sa kaniya at kung mayroon sa pamilya nila na masasabi kong matino sa, ang Mom niya lang. Nakalulungkot lang isipin na hinahayaan niya lang ang asawa niya na manipulahin siya. I don't know the history behind it dahil ayaw pag-usap ni Finn na paksa iyon and everytime na mababanggit ko ay iniiwasan lang ako nito na para bang natatakot siya.I found that very strange. Parang may misteryo sa loob ng pamilya nila na silang tatlo lang may alam. Sa kaiisip ko ng kung ano-ano ay hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng pinto ng pakay naming opisina. Kami pa lamang ng lawyer ko ang dumating. Wala pa si Attorney at wala pa rin si Finn.Pinaupo kami ng sekretarya and she asked us to wait. Maaga pa naman, kami lang itong excited. Dumating si Attorney after a few minutes, pero wala pang Finn na nagpapakita sa amin. "Did Mr.Willems call?" tanong ng Attorney sa secretary niya dahil nagtataka na siya na wala pa ito."No, Ma'am." Narinig kong sagot sa kaniya ng babae.After more than half an hour, finally dumating na rin siya, but there's something I noticed—may cut sa gilid ng labi niya. Bigla akong nag-alala. Gusto ko sanang itanong kung anong nangyari pero natigilan ako nang pumasok sa pinto ang Dad niya kasunod ng asawa nito. Full force ang mga Willems when it's just me here alone and my lawyer. Umuwi ka kasi ang mga magulang ko, bumalik na sila sa Turkey, but they made sure na updated sila sa mga nangyayari sa akin.Nakapagtataka na wala pa ang lawyer nila. Either na late lang like them o hindi na pupunta. I could sense something is going on.I saw Finn looking at me with a dark expression on his eyes. Mukha siyang batang kagagaling lang sa mahaba-habang sermon. Ang ama niya nang lumingon sa akin ay masamang tingin naman ang ipinukol and his Mom gave me a look that I found so confusing, na parang masaya siya ang at the same time nakikisimpatya sa akin.Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip at magtanong sa sarili kung masaya ba siya ngayon for me. Wala naman kasi kaming problema ng Mommy ni Finn at noong time na she found out her husband cheated again, I'm the one she called to tell the news. Pinuntahan ko pa siya noon to comfort her. She's one of the nicest women I know and I felt sad na napalilibutan siya ng mga cheater, from her husband and now his beloved son followed his Dad's footsteps. That was also the last she cried on me. Parang iniwasan na niya ako pagkatapos nang araw na 'yon and I know who made her do it. Hindi ko tuloy napigilan ang pagbuntong-hininga. Naaawa ako sa kaniya, she seems helpless. Halata namang nagpapanggap lang silang mag-asawa na wala silang problema. I know enough para masabi kong they're faking it.Naupo na silang tatlo. Magkakaharap lang kami, pare-parehong nakaupo sa mahabang sofa na kasya ang lima katao. Mayroon lamang center table na namamagitan sa amin habang ang Attorney ay nasa kaniyang swivel chair nakaupo."Are we still waiting for someone or we could start now?" tanong ni Attorney nang mapansin din na wala ang mga lawyer ng kabilang kampo."We could start now." Hindi si Finn ang sumagot kahit sa kaniya nakatingin ang nagtanong dahil ang Dad ni Finn ang nagsalitang iyon."Okay then, let's start," anang Attorney at kinuha ang envelope nasa ibabaw ng lamesa at tumayo mula sa pagkakaupo. Lumipat siya ng upuan malapit sa amin at doon siya sa pang-isahan.She started reading it, lahat kami ay tahimik lang na nakinig. Sa nagsasalita ako nakatingin, ngunit ramdam ko ang matatalim na pagbaling sa akin.Naiilang ako ngunit ipinagkibit-balikat ko na lang. Just silently praying the day will go smoothly at matapos na rin ang lahat ng ito.She read the entire content na nasa hawak niyang printed result ng ginawa niyang pag-aanalisa sa petition kong diborsiyo, with the help of the evidence of Finn's unfaithfulness, binigay na niya ang kaniyang hatol dito.Umalis kami ng lawyer ko sa building na may ngiti sa aming mga labi. Sa sobrang galak niya nga ay siya na ang unang nagsabi sa mga magulang ko ng resulta. Naunang lumabas sina Finn at hinayaan muna namin ang ilang minuto bago sumunod sa kanila dahil galit na galit na lumabas ang Dad ni Finn ng opisina.We both signed the divorce papers and after almost a week of grieving ang heartaches, tila ba nabuhayan ako ng loob. Nakalaya mula sa kanila at para bang binigyan ako ng panibagong buhay. Napakagaan lang sa pakiramdam. Naiisip ko tuloy bigla kung lahat kaya ng mga kababaihan na nakaranas ng gaya ng nangyari sa akin ay nakaramdam din ng ganitong tuwa. Siguro oo, kung ikaw sa sarili mo alam mong wala kang ginagawang masama at naging faithful ka naman as a wife to a man tapos nagawa ka pang lokohin. Napaka-unfair pero fair na putilin na ang ties dahil mas mahihirapan lang naman kapag pinatagal pa.If you know your worth, dapat lang kumawala. A faithful woman doesn't deserve a cheating husband. She deserves more, a great man, respectful and not someone who will try to manipulate her like she doesn't have a will to decide for herself. I'm just so glad I'm finally free from Finn. Not only from him, from his Dad as well.“Why here?" nagtatakang tanong ni Elyana kay Florentin habang binabasa ang malakingkaratula ng Camilla's Flower Garden kung saan siya dinala nito. "Are you sure na narito si Felipe?" Kaniyang dugtong pang tanong habang tinatanaw mula sa bintana ng sasakyan ang labas private garden na naroon. Mababakas sa tono ng kaniyang boses ang panggigigil nang mga sandaling 'yon. Mula pa nang nagdaang araw ay kung ano-anong mga bagay na ang pumapasok sa isip niya na maaring dahilan kung bakit hindi umuwi si Felipe at kung saan maaring nagpunta. Nagtatagis ang panga niya sa daan pa lamang sila at ini-imagine na kung ano ang gagawin sakaliman na makaharap na niya ang matchmaker."Wait lang, bawal yata mag-park dito. Mauna ka ng pumasok, susunod na lang ako," wika niFlorentin imbes na sagutin ang mga tanong ng naggagalaiting si Elyana.Wala naman itong nagawa kundi ang bumaba na at mauna sa pagpasok, ngunit dahil hindi niya alam kung saan eksaktong makikita ang kanilang hinahanap, nanatili siya il
Sabado nang umaga, maagang nagising si Felipe matapos ang isang matamis na gabi na pinagsaluhan nilang muli ni Elyana. Unti-unti na niyang nagagamit ang mga turo ng pilyong si Florentin. Napakaraming alam ng dating playboy na kanilang kaibigan.Hindi na niya ginising si Elyana at hindi niya rin sinabi rito ang kaniyang plano para sa araw na iyon. Alas nuebe na nang magising si Elyana. Nagising sa nakasisilaw na liwanag mula sa bintana.Una niyang hinanap sa kaniyang pagmulat ay si Felipe ngunit wala na ito sa kaniyang tabi. Bumangon na siya sa pag-aakala na baka nauna na sa baba, ngunit matapos niyang makapaligo at makapagbihis ay wala siya nakitang Felipe sa paligid. Wala rin sa nursery nang silipin niya ang kaniyang anak na gising na at pinaliliguan ng kaniyang yaya at ni Daldalita.Tumuloy na siya sa kusina kung nasaan ang ibang mga kasambahay upang tanungin sila dahil walang alam ang dalawa na nag-aasikaso sa bata.“Wala bang nasabi sa inyo si Felipe kung saan siya pupunta?” tanong
Felicity's Point of View "Parang gusto ko na lang magpakabakla ulit. Nakakapagod palang maging lalaki at manligaw lalo na kung alam niyang he’s doing it with great reasons." Pabagsak akong naupo sa swivel chair ko sa office dahil sa labis na pagkadismaya. Galing kasi ako nag-lunch sa mansion. Inuwi ko na rin ang nakita kong magandang dress na nabili ko para kay Elyana. May client kasi na sa Mall nakipagkita. Napadaan ako sa isang boutique at nakita ang floral dress na suot na mannequin na kasing katawan ng bruha kanina. Una kong naisip na bagay sa kaniya kaya ko binili pero nang ibinigay ko na sa kaniya, hindi man lang tinignan kung anong laman ng paper bag at wala akong narinig na pasalamat. Inabot niya sa isa sa mga kasambahay at ipinadala sa kwarto. I somehow understand na may kausap siya sa cellphone that time pero nakakatampo lang kasi dahil hindi iyon ang unang beses na nangyari. Hindi na lang ako nagreklamo o nagsalita ng kahit na ano. Iwanan ko na lang siya na may kausap s
Elyana’s Point of ViewNagpabalik-balik kami ni bakla sa pagbisita kay Helen sa loob isang linggong pamamalagi namin sa England. There was discomfort between me and Finn that Felipe kept noticing and he even told me that I should better talk to him. It sounded like I was the one who did something wrong in the past para ako pa ang mag-initiate ng conversation. Isa pa, hindi naman siya ang ipinunta ko roon, pero iyong baklang ‘yon made me realized na tama lang na makapag-usap kami dahil at that moment, Finn needed something na kahit papaano mapagpapagaan ng sitwasyon niya. Sa mismong araw kung kailan kami uuwi. Helen requested na roon kami mananghalian bago kami lumipad pabalik sa Pilipinas. Pinaunlakan na namin para sa ikaliligaya niya. Pagkatapos namin managhalian, doon na isip ni bakla na gumawa ng paraan na makapagsarilinan kami ni Finn. “We’ll be flying tonight and you still haven't seen the whole place, Elyana,” pag-uudyok ni bakla and when Helen heard it, agad siyang nagkoment
Walang problema sa mga magulang ni Elyana ang kaniyang planong pag-alis. Batid kasi nilang pareho kung gaano naging malapit ang kanilang anak sa ginang.Mayroon naman silang mga contact sa England na siyang magdadala kay Elyana sa lugar kung saan kasalukuyang naninirahan ang mag-inang Finn at Helen. Sila na rin ang aatasan ng mag-asawa na maging bantay ng anak upang matiyak ang kaligtasan nito roon.Nag-book agad siya ng ticket pagkatapos kumunsulta kay doktora Lilia kung maari na ba siyang magbiyahe sa malayo dahil magdadalawang buwan naman na halos ang hiwa sa kaniyang tiyan mula sa C-section.Ang pagdadahilan niya, humilom na sa labas at hindi na rin sumasakit gaya ng mga unang linggo kaya binigyan siya agad ng permiso. Binilinan na lamang na mag-ingat dahil hindi pa lubusang naghihilom iyon sa kaloob-looban at alam naman niya't nararamdaman niya rin minsan ang pagkirot sa kaloob-looban ng kaniyang tiyan.Namili na rin siya ng mga maaring ipasalubong sa ginang na hindi makasasama ri
Marami ang nagulat sa biglaang pagbabago ni Felicity. Karamihan sa kanila ay natuwa sa kaniyang naging pasya para sa kabutihan ng kaniyang anak na si Aquia. Oo, may kaunting pag-uudyok galing sa pari na huli niyang nakausap tungkol sa kaniyang personal na suliranin ngunit nasa kaniya pa rin nagmula ang mga hakbang at una pa lamang ay isa na iyon sa mga ideyang nasa isipan nito. “Masaya ako anak dahil sa wakas mayroon ka na ring nakitang dahilan para ituwid ang buhay mo.” Kaniyang nakuhang komento sa ina nang dumalaw siya kinabukasan sa kanila upang doon mananghalian gaya nang kaniyang nakagawian. “Para namang sinabi mo, mother Earth na dating patapon ang buhay ko,” maarteng reklamo ni Felicity dahil sa sinabi nito. “Hindi ko naman sinabing patapon ang buhay mo noon, a! Wala akong anak na patapon ang buhay!” “Relax lang, mudra! Sisigaw agad? Kulang na lang bugahan mo ako ng apoy,” pagpapakalma niya sa ginang habang natatawa sa reaksyon nito. “E, loko ka kasing bata ka,” halos pabu