She’s Her Bestfriend’s Father’s Secret Wife

She’s Her Bestfriend’s Father’s Secret Wife

作家:  Henny Djayadiたった今更新されました
言語: Filipino
goodnovel18goodnovel
評価が足りません
50チャプター
2ビュー
読む
本棚に追加

共有:  

報告
あらすじ
カタログ
コードをスキャンしてアプリで読む

概要

Age Gap

Forbidden Love

CEO

Goodgirl

Third-Person POV

Drama

Ni minsan, hindi naisip ni Celine na magiging secret wife siya ng isang Warren Alcantara—ang mismong ama ng bestfriend niya. Ang mas masakit pa doon, sa mata ng lahat, ibang babae ang kinikilalang asawa ng lalaki. Hanggang sa isang gabi… tuluyang nagbago ang lahat. Isang mapanganib na patibong ang nagtulak sa kanila sa isang gabing puno ng pagkakamali. Isang pagkakamaling tuluyang nagpalabo sa hangganan ng awa at pagnanasa. Ngayon, naiipit si Celine sa isang relasyong kailangang itago sa lahat…. Secret wife siya ng ama ng kanyang matalik na kaibigan, at ang pagmamahal niya rito ay isang malaking kasalanang hindi niya dapat ginawa. Pero paano kung unti-unting mabunyag ang lihim nila? Kakayanin ba ni Celine ang lahat, o tuluyan siyang madudurog ng pag-ibig na kahit kailan ay hindi dapat naging kanya?

もっと見る

第1話

CHAPTER 1

“Argh!”

Basa, malamig at malagkit.

Natapon ang pulang fruit cocktail sa uniform ni Celine, na agad na nag-iwan ng mantsa sa tela. Napapikit siya nang mariin habang lalong humihigpit ang pagkakahawak niya sa tray para pigilan ang galit niya.

“Oops! Did that on purpose!” natatawang sabi ng isa sa mga classmate niya sa university. Padabog nitong inilapag ang empty glass sa tray niya. “Doesn’t look like this place is the right fit for you, Celine.”

Masakit. Pero hindi na bago kay Celine ang ganitong pagtrato.

Kahit matalino siya at madalas pang tumulong sa mga kaklase niya sa mga assignment, hindi pa rin siya matanggap ng mga ito.

Siguro dahil sa mundong ginagalawan nila, hindi sapat ang talino para respetuhin ka. Lalo na kung mahirap ka.

“Hey! Anong nangyayari rito?”

Mabilis na lumapit si Kendra, suot ang kumikinang niyang silver gown sa ilalim ng mararangyang crystal chandelier.

“Best friend ko si Celine! I was the one who invited her…” Naputol ang sasabihin niya nang mapatingin sa uniform ni Celine. Mula ulo hanggang paa, sinuri niya ang kaibigan. “Bakit iyan ang suot mo? Why didn’t you wear the dress I gave you yesterday”

Agad na natahimik ang mga nasa paligid nila. Pero imbes na awa, pangungutya ang mababakas sa mga mukha ng mga ito.

Para sa kanila, ganoon kahirap si Celine na kahit ang damit na isinusuot niya ay kailangan pang manggaling sa bestfriend niya. Hindi lang ang damit na pang-party ang bigay ng isang Kendra Alcantara sa kanya. Maging ang mga damit na madalas niyang isuot sa campus ay galing din dito.

Gustuhin mang lumubog ni Celine sa kinatatayuan niya, pinilit pa rin niyang ngumiti.

“Kailangan ko nang bumalik sa trabaho,” mahinahon niyang wika. “Happy birthday, Kendra.”

“Doon ka muna sa restroom sa likod ng ballroom. Clean yourself up,” utos ni Kendra. Matigas ang tono nito, pero may bahid din ng pag-aalala sa boses.

Bahagyang tumango si Celine bago mabilis na naglakad palayo. Hindi lang naman dahil gusto niyang linisin ang mantsa sa uniform niya. Gusto rin niyang makatakas sa mga taong kanina pa nagpaparamdam sa kanya kung gaano siya kaliit sa paningin ng mga ito.

Pagkaalis ni Celine, agad na napatingin si Kendra sa entrance ng ballroom. Halatang may hinihintay siya.

“Right on time,” nakangiting bulong niya. Pagkatapos, mabilis siyang naglakad patungo sa bagong dating na guest na para bang wala nang ibang tao sa paligid.

“Daniel!” Malambing at mapang-akit ang pagkakabati niya sa guwapong binata.

“Happy birthday,” malamig na bati ni Daniel habang inaabot ang regalo. Halatang napilitan lang itong dumalo.

Hindi nagtagal ang tingin niya kay Kendra. Sa halip, nilibot niya ng tingin ang buong ballroom, na para bang may ibang taong hinahanap.

Samantala, tahimik at malamig ang hallway patungo sa mga restroom. Dahan-dahang pinupunasan ni Celine ang mantsa sa dibdib ng kanyang uniform nang bigla siyang mapahinto.

May narinig siyang boses mula sa kanto. Isang boses na pamilyar na pamilyar sa kanya.

“Oh… darling, please. Just one more time!”

Halos magmakaawa ang boses ng lalaki. Malayong-malayo iyon sa karaniwang imahe ni Warren Alcantara—ang may-ari ng isang malaking architectural firm na madalas niyang nakikita sa marangyang mansiyon kung saan siya nag-aaral.

Kilala si Warren sa pagiging seryoso, malamig, at walang sinumang kayang makalapit sa kaniya.

“Please, intindihin mo naman ako, Megan. Hindi ko puwedeng basta iwan ang birthday party ni Kendra ngayon. She’d throw a fit, and that would be disastrous for our relationship later on.”

Nakasandal ang ulo ni Warren habang mariin na nakadikit sa tainga niya ang cellphone. Napabuntong-hininga siya nang malalim. Bakas sa noo ng tatlumpu't pitong taong gulang na lalaki ang matinding pagod.

Sa ilalim ng mga corridor lights ng hotel, para bang nawala ang karaniwang tikas at awtoridad ni Warren. Ang natira ay isang lalaking naiipit sa pagitan ng dalawang babaeng pinakamahalaga sa buhay niya—ang nag-iisa niyang anak at ang babaeng minamahal niya.

Napahinto ang paghinga ni Celine. Isang kakaibang kirot ng inggit ang biglang bumalot sa dibdib niya.

Agad na sumagi sa isip niya ang masikip at mainit nilang barung-barong na bahay, pati na ang mukha ng kaniyang amang si Dennis.

Ni minsan, hindi siya nakarinig ng ganoon kalambing na pananalita mula sa ama niya. Ang alam lang ni Dennis ay sumigaw, manakit gamit ang sinturon nito, o magbasag ng mga bote ng alak kapag hindi nasusunod ang gusto nito.

Ito rin ang dahilan kung bakit tuluyang umalis ang mama niya ilang taon na ang nakalilipas, iniwan siyang mag-isa para magsikap at magbanat ng buto para mabuhay.

‘Kung sana nagkaroon ako ng amang katulad niya,’ mapait na naisip ni Celine. ‘Siguro hindi lumayas si Mama. Siguro buo pa rin ang pamilya namin, at masaya kaming magkakasama.’

Biglang lumingon si Warren. Agad na nahagip ng mga mata niya ang dalagang nakatayo sa sulok ng pasilyo. Nakilala niya kaagad ang best friend ng anak niya.

“Celine?”

Ibinaba ni Warren ang cellphone at bahagyang naniningkit ang mga mata habang sinusuri ang suot nitong uniform ng catering staff.

“Ano’ng ginagawa mo rito? Why aren’t you inside with Kendra and the others?”

Napayuko si Celine. “N-Nagtatrabaho po ako, Sir.”

Sandaling natahimik si Warren habang pinagmamasdan ang dalaga. Kapansin-pansin ang malaking pagkakaiba ng itsura nito sa mga guests na nakasuot ng mga designer gown na nagkakahalaga ng hundred thousand pesos at naglalakad sa ballroom.

Si Celine ang pinaka-bestfriend ni Kendra, pero hindi siya naroon bilang isang invited guest. Nandoon siya bilang isang laborer.

“Come on, sumama ka sa amin. Let’s celebrate Kendra’s birthday.”

“Salamat po, Sir, pero huwag na po.” Agad na tumanggi si Celine nang hindi man lang nagdalawang-isip. Napatingin siya sa suot niyang uniform. “Ayoko pong masira ang party ni Kendra.”

Hindi na nga kanais-nais para sa mga naroon ang presensya niya bilang isang server. Mas lalo pa siguro silang mangungutya kung makikita siyang kasama mismo ng Daddy ng may birthday.

Napansin ni Warren ang paglalaro ng mga daliri ni Celine sa laylayan ng damit nito. Bahagya siyang tumango na para bang nauunawaan niya ang sitwasyon.

Hindi na niya ito pinilit. Alam niyang hindi comfortable ang dalaga na mapagitnaan ng mga mayayamang guests habang suot ang uniform ng catering staff.

“Sige. Next time, if you have any problems, don’t hesitate to speak up, perhaps I can help.”

Tumango si Celine. “Thank you po, Tito.”

“Don’t push yourself too hard.”

Maikli man ang sinabi ni Warren, dama ni Celine ang pag-aalala sa tinig nito. Sa simpleng pangungusap na iyon, nakaramdam siya ng init sa kaniyang puso.

Tumalikod si Warren at naglakad patungo sa ballroom. Matatag at confident ang bawat hakbang niya.

Naiwan nakatayo si Celine, hindi maalis ang tingin sa malapad nitong likod. Isang likod na animoy sapat ang tibay upang sandalan sa oras ng pangangailangan.

Pagsapit ng alas-onse ng gabi, natapos din ang party. Unti-unting tumahimik ang corridor ng hotel, at ang natira na lamang sa hangin ay ang banayad na halimuyak ng mamahaling perfume.

Sa lobby, hindi mapakali si Kendra. Nakatutok ang mga mata niya kay Daniel, ang lalaking matagal na niyang gustong makuha niya… na pabalik-balik sa may glass door at binabantayan ang mga guests palabas ng hotel.

Alam na alam ni Kendra kung sino ang hinihintay nito. Sa tuwing naiisip niya iyon, nag-aalab ang dibdib niya sa matinding selos.

“Daddy!”

Sinalubong ni Kendra si Warren pagkalabas nito ng elevator.

“Dad, puwede bang ihatid mo na lang si Celine sa bahay nila? It’s late, and I feel bad for her.”

Kumunot ang noo ni Warren bago ibinaling ang tingin kay Celine, na nagbalik na suot ang simple nitong flannel shirt.

“Kailangan mo siyang ihatid, Daddy. Hindi ako mapapanatag kung mag-isa siyang uuwi sa ganitong oras,” giit ni Kendra.

Mapilit ang tono niya habang hinihila ang braso ng ama patungo kay Celine. Sinubukan namang tumanggi ng dalaga.

“Hindi na, Ken. Kaya ko naman umuwi mag-isa.”

“Celine, huwag ka nang makipagtalo!” matalim ang tinging ibinigay ni Kendra sa kaniya. Pagkatapos, bumaling ito sa ama. “You don’t mind, do you, Dad?”

Sandaling pinagmasdan ni Warren si Celine bago maikli siyang tumango. Hindi lang dahil gusto niyang pagbigyan ang anak, kundi dahil naaawa rin siya sa dalaga.

“Come on. Ihahatid na kita.”

Labag man sa loob, wala nang nagawa si Celine kundi sumunod.

Habang dahan-dahang umaalis ang itim na kotse ni Warren sa hotel grounds, napangiti si Kendra sa saya. Pagkatapos, mabilis siyang naglakad patungo kay Daniel na naghihintay pa rin kay Celine.

“Daniel!”

Nagkunwari siyang malungkot habang tinatawag ang binata.

“Puwede mo ba akong ihatid sa house? Biglang may kailangang asikasuhin si Daddy, kaya naiwan akong mag-isa.”

Lumingon si Daniel, pero nanatili ang mga mata nitong naghahanap sa mga taong nasa paligid.

“Nakita mo ba si Celine?”

Agad na napasinghap si Kendra at nagkunwaring walang pakialam.

“Ah, si Celine? Kanina pa siya umalis. You’re too late. May lalaking dumating at sumundo sa kaniya.”

Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Daniel. Napabuntong-hininga siya, hindi maitago ang pagkadismaya at selos sa isiping may ibang lalaking kasama ngayon si Celine.

“Daniel! Could you take me?” muling pakiusap ni Kendra, mapang-akit na nakatingin sa lalaki.

Napasinghap si Daniel sa inis.

Alam niyang may naka-book na penthouse sa hotel ang pamilya ni Kendra. Pero kung tatanggihan niya ito, baka mas humaba pa ang oras na kailangan niyang kausapin ang dalaga.

“Get in” utos niya, pilit na itinatago ang pagkainis sa boses.

Samantala, mabilis na binabagtas ng kotse ni Warren ang tahimik na mga kalsada. Halos lumiit si Celine sa lawak ng malambot na leather seat. Nakapatong ang mga kamay niya sa kandungan, kinakalikot ang laylayan ng luma niyang damit dahil sa kaba.

“Why take on a side job on your own best friend’s birthday?”

Binasag ni Warren ang katahimikan. Nanatiling nakatuon ang mga mata niya sa kalsada.

“Kailangan ko po ng pera, Sir.”

“For what?”

“Three months na po akong hindi nakakabayad ng tuition, e. Kapag hindi ko po nabayaran hanggang next week, mae-expell na po ako sa university.”

Lalong yumuko si Celine dahil sa hiya.

“Kung iyon lang pala ang problema, matutulungan kita,” ani Warren at saglit na sumulyap sa kaniya. “In return, I’d like a small favor.”

Parang biglang bumagsak ang sikmura ni Celine. Agad siyang napalingon sa lalaki.

Sa loob ng kotse na bahagyang naliliwanagan ng mga ilaw sa kalsada, nanatiling kalmado at seryoso ang mga mata ng isang Warren Alcantara. Taglay nito ang awtoridad ng isang lalaking sanay na masunod ang lahat ng gusto niya.

Isang bagay ang itinuro sa kaniya ng mahirap na buhay… wala nang libre sa mundo. Lalo nang hindi mula sa isang lalaking kasingyaman ni Warren Alcantara.

“A-Ano po ang kailangan kong gawin, Tito?” utal na tanong ni Celine.

Marahang tinapik ni Warren ang steering wheel, pinagmamasdan ang dalagang katabi niya. Halata ang takot sa mukha nito, pero halata ring desperado itong makahingi ng tulong.

“Right now, ikaw lang ang pinakikinggan ni Kendra,” malamig at mababa ang tinig ni Warren. “Help me convince her… to accept Megan as her new mother.”

もっと見る
次へ
ダウンロード

最新チャプター

続きを読む

読者の皆様へ

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


コメントはありません
50 チャプター
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status