"I'M SORRY, RSIETE! PLEASE FORGIVE ME FOR NOT ACCEPTING YOUR APOLOGY YESTERDAY! I'M SO SORRY!" the students suddenly shouted. Sabay-sabay pa nilang itinaas ang mga card board na hawak nila.
Nanlalaki ang mata nina Larra at Jiwel nang tumingin sa akin habang si Ravah ay nakataas ang kilay at si Dacey naman ay tila hindi man lang nagulat, nanatiling walang reaksyong nakatingin kay Lucia.
Ang mga estudyante sa loob ng cafeteria ay napatayo sa kanilang mga upuan. Lahat ng mga mata ay muling nakatunghay sa amin at tila ba sabik na sabik silang muli makanood ng palabas.
"Hindi ba dapat ikaw ang nagso-sorry sa amin ngayon? Nawalan ka na ba ng bibig?" mataray na tanong sa kaniya ni Ravah.
"Ravah." Hinawakan ko ang kamay niya at mariin na tiningnan siya, pinipigilan siya sa ugaling pinapakita niya.<
"Ayoko ng maulit pa ang ganitong pangyayari sa ekswelahan natin, maliwanag ba?" tanong ni Ms. Principal matapos kaming ipatawag sa office dahil may nagsumbong sa nangyari kanina sa cafeteria.We all sighed and just nodded.Sinumbong kami kung kailan maayos na kaming lahat. Hindi ko alam kung bakit lagi nalang sa huli gumagawa ng aksyon ang mga tao upang ma-resolba ang isang problema.Anong ginagawa nila noong mga oras na nag-aaway-away kami? Noong binato ako ng itlog ni Lucia? Noong nagsampalan kami sa hallway? Anong ginagawa nila? Nanonood lang. Tapos ngayong maayos na kami ay tsaka nila kami isusumbong?"Ms. Sarmiento?"Napatingin ako kay Ms. Principal nang tawagin niya ako."Po?" tanon
"Dito ka lang ulit?" tanong ni Ravah pagkalabas namin ng school. Uwian na kaya naman tinatanong niya ako kung hindi na naman ba ako sasabay sa kanila.Tumango ako."Yup, dito na ako. Mag-iingat kayo," ngiting sambit ko bago kumaway sa kanila."Bakit dito lang siya?" Dinig kong bulong ni Rachel kay Ravah."Susunduin siya ng pinsan niya, girl," si Jiwel ang sumagot.Nanlaki ang mata ni Rachel bago mabilis na tumabi sa akin at niyakap ang braso ko."Dito nalang din pala ako! Una na kayo!" sigaw niya habang abot tenga ang ngiti sa labi bago kumaway sa mga kaibigan namin.Napataas ang kilay ko, nagtataka kung bakit bigla nalang magpapaiwan ang babaeng
"Don't worry. I'll let you know me well, Leanne." Sarkastiko akong natawa habang inaalala ang sinabi ng lalaking 'yon kanina habang pauwi kami. Napahigpit ang hawak ko sa ballpen at kinagat ang labi ko sa inis habang nagsusulat sa journal ko. '... kahit anong ganda talaga ng araw mo, mayroon talagang isang mamb-buwisit sa araw mo. Naiinis na naman ako my journal! Know me-know me well pang nalalaman, ni hindi ko nga alam kung anong pangalan niya-' Natigilan ako sa pagsusulat. "Teka, ano bang pake ko kung anong pangalan niya? Gusto ko ba malaman ang pangalan niya? Of course not! Pake ko ba sa pangalan niya? Duh?!" Inirapan ko ang sarili ko bago nagpatuloy muli sa pagsusulat. '-pero ang unfair lang kasi! Alam niya ang pangala
"Leanne, can you give me water?" sigaw ni auntie Lei na ngayon ay nasa terrace at abala sa pagyo-yoga sa kaniyang mat. "Leo, ibigay mo." Pasa ko kay Leo kahit na nakaupo lamang ako sa sofa at abala sa panonood ng telebisyon. Napataas ang kilay ko nang maramdaman ko ang titig ni Leo na ngayon ay abala sa pag-aasikaso niya sa motor niya sa labas lamang ng pintuan. "Hindi mo narinig ang sinabi ko?" masungit na tanong ko nang makasalubong ko ang mata niyang nagtatakang nakatingin sa akin habang ang parehong kilay niya ay nakataas. "Inuutusan mo ako?" tanong niya na itinuro pa ang sarili niya, tila hindi makapaniwala na inuutusan ko siya ngayon. Sarkastiko akong ngumiti at tumango.
Pagkalagay ko palang ng mga delata sa basket ay nakita ko na naman ang walanghiyang gangster na pasimpleng naglalagay ng kung ano-ano na namang magustuhan niya. "Isa. Hindi mo ibabalik 'yan?" tanong ko sa kaniya sa nagbabantang boses. "Ayaw mo ba nito? Masarap 'to. Healthy pa. I think you should look at this–" "Dalawa." Nanatiling masama ang titig ko sa kaniya. Aanhin ko ang condense milk kung hindi naman ako magsasalad? At isa pa, binibili ko lang kung ano ang nasa listahan ni auntie Lei kaya ang kapal naman ng mukha ng lalaking 'to. Wala ba siyang pera?! "Tssss..." Ngumuso siya at ibinalik sa lagayan ang condense milk. Inirapan ko lang siya bago tinalikuran. Siya ang n
"Nondisjunction is a failure of the chromosome pairs to separate during meiosis while Menosomy is..." Hindi ko magawang makinig sa tinuturo ni Ma'am Yesha dahil ang utak ko ay lumilipad sa kung saan. Napalunok ako ng mariin at napahawak sa kamay ko, pinipigilan ang panginginig na naman nito. Tila ang mga sinasabi ng guro naming nasa harapan ay nilalamon lamang ng kaisipan ko sa nasaksihan ko kahapon. Si Jax at Leo ba talaga ang nakita ko kahapon? Baka naman napagkamalan ko lang na sila 'yon? Humugot ako ng malalim na hininga bago ibinuga iyon at tumango-tango sa sariling kaisipan na pilit kong pinapaniwala sa sarili. Oo, tama. Malabong sina Jax at Leo 'yon. Hindi sila 'yon, Leanne. So please fucking calm down! Ngunit
Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Dacey habang naglalakad na kaming mgakakaiba papalabas ng paaralan. Uwian na at ang d****b ko ay halos sumabog sa mabibilis na pagtibok nito, natatakot na baka makita ko si Jax na may dalang kutsilyo at nag-aabang sa gate upang saksakin ako. "Leanne, ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ni Ravah nang mapansin nila na halos magtago ako sa likod ni Dacey at ang panginginig ng kamay ko na hawak din ng mahigpit ni Dacey. Anong nangyayari sa akin? Hindi ko na rin alam. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng ulirat sa sobrang takot. Tila bumabalik ang trauma ko at hindi ko mapigilang magpanic. Napakaraming estudyante ang kasabay naming lumabas ngayon ngunit natatakot pa rin ako. iniisip na baka wala naman si Jax sa gate at baka narito s
"Anak, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" Iyon ang agad na itinanong ni Mommy pagkauwi namin sa bahay. Nakahinga ako ng maluwag dahil ang akala ko ay dederetso pa kami sa bahay nina auntie Lei, mabuti na lamang ay hindi. Hindi pa ako handang makita si Leo. Masyado pang sariwa sa akin ang scenario nila ni Jax na nahuli ko na ultimo siya ay hindi ko kayang makita. Wala sa sarili kong tinanggal ang sapatos ko at deretsong naglakad papalapit sa aking kuwarto ngunit natigilan ako nang biglang may humawak sa aking kamay. Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang nag-aalalang si Mommy. Mula kanina ay hindi na nawala sa kaniyang itsura ang pag-aalala. "Anak, makikinig ako..." marahang sambit ni Mommy habang ang kaniyang mga mata ay kumikislap na dahil sa mga nagbabadya na namang luha.