KAAGAD AKONG bumaba mula sa motor na aking palaging ginagamit sa parking duty nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko kasi alam ang nangyayari sa aking sarili. These past few days, palagi na lang akong wala sa mood. Although my senses turned sharp, mayroong mga pagkakataong nagiging mapili ako sa pagkain at mga naaamoy ko.Pagkahubad ko ng helmet, agad akong lumapit sa kotse at itinipa sa monitor ko ang invalid parking ticket ng kotseng nasa aking tabi. "Tsk, tsk. Ang ganda nga ng kotse, hindi naman maayos ang pagkaparada." Idinikit ko ang ticket sa may windshield ng kotse at nagtangka nang umalis ngunit natigilan nang biglang umikot ang aking paligid.Agad akong napahawak sa poste ng ilaw at mariin na napapikit. Bigla rin kasi akong nakaamoy ng nilulutong karne ng baka at hindi ko gusto ang amoy nito."C'mon, what now!"Napahawak ako sa aking ulo at dahan-dahang umupo. Agad kong ikinalma ang sarili at pinilit na hindi bumigay sa nakasusukang amoy ng baka.Ngunit, sadyang sensitibo ang a
UMAGANG-UMAGA, ay kaagad akong napabangon mula sa pagkakapukaw mula sa mga sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Nakapikit ko pang iwinaksi ang kumot na nakabalot sa akin at pilit na nag-inat upang tuluyang magising."Good morning, people! And hello, vacation!" Sigaw ko nang makatayo at dumiretso na sa banyo matapos.Pangiti-ngiti ko pang niliguan ang sarili nang maalalang wala nga pala akong trabaho ngayon. Malayo sa mga krimen, hectic na schedules, at overflowing na pressure. Nasa bakasyon ako ngayon at ang tanging gagawin ko lang ngayong nasa resort ako ay ang ii-spoil ang sarili at magpakasarap na mag-isa.Bilang isang pulis, wala akong oras para sa mga gala at iba pang umiikot sa luho. Umiikot ang aking mundo sa mga operasyong nakasasakit sa utak, mga kriminal na kadalasan ay bayaran, at mga lohikang pinaiiral upang masolusyonan ang mga problema.Ilang taon na akong naka-base sa Manila at para sa akin, kontento na ako sa aking buhay. Although hindi ko na nagagawa ang mga naka
HINDI PA nagsi-sink in sa akin ang mga sinabi niya. Halos walang pumapasok sa 'king isip dulot ng kaniyang desisyon na hindi manlang ako hinintay na sumang-ayon."Bwisit naman, Peterson!" Sigaw ko at nagpupuyos na bumalik sa hotel room upang maligo at subukang kumbinsihin siyang muli.Ang hirap naman ng gan'to! He used the opportunity na wala ako sa kanyang tabi to break up with me! Ang shitty lang. Nakakainis, hindi ko kaya.Ibinagsak ko ang mga gamit sa kama at hinayaan ng pumailim sa mainit na shower. Parang wala lang sa akin ang nangyari kanina ngunit naiinis ako. Hindi niya na ba ako mahal?___"Why did I even waste my five years sa stupid na social climber na 'yon?" Naiinis kong litanya bago inumin ang isang chaser ng beer na sa akin ay iniabot ng waiter. Hindi ko kinaya. Nang mag-sink in sa akin ang kaniyang desisyon, natagpuan ko na lamang ang sariling umiinom sa bar counter ng Club ng resort at naiinis na umiiyak dahil sa galit."God-damn, ang sakit. It's been five years pe
HINDI NA kami gaano pang nag-aksaya pa ng oras at kaagad na nagtungo sa headquarters upang makita ang chief namin na si Chief Gozon. Minsan kasi kapag personal ang isang misyon, madalas kaming dalawa lang ni Nathan ang pinapatawad, like this one."How's the resort? Did you have some fun?" bigla namang tanong ni Nathan habang ang tingin ay nasa daan. Ako naman itong kanina pa hindi komportable, ay agad siyang binigyan ng pekeng ngiti."M-Maganda naman… masaya, oo." Agad akong bumaling ng tingin sa gawing kanan upang itago ang ekspresyong magbubuking sa akin sa kung anumang nagawa ko sa loob ng dalawang araw at gabing pamamalagi sa resort.I really wanted to get my gun back and shoot it on myself. Dahil sa kalasingan, hindi ko namamalayang may lalaki nang nakakita ng buo kong katawan. Which is very shameful kasi kay Peter lang ako bumibigay.But I really thought he was Peterson."Speaking of that arse, Peter." Immidiately, agad akong natigilan sa pagmumuni-muni nang banggitin niya ang p
MATAPOS NOON, kaagad niyang iniabot sa akin ang isang bughaw na portfolio na kaagad ko namang binuksan. Sa isipan, kaagad na nanlaki ang aking mga mata nang makitang resume ko ito at applying letter sa mismong address ng CEO. Napalunok ako at napatingin na sa Chief."Nagretiro ang Head of Security ni CEO Dyson at hiring sila ngayon ng papalit dito. Ang tangi nilang requirements ay umiikot lamang sa pagiging pulis o sundalong mayroong ranggo at hindi bababa sa 105 ang IQ."Grabe naman ang requirements ng Dyson na 'yon. Ang taas!"At ikaw lamang ang tanging makagagawa noon para sa team natin, officer. I want you to be the Head of Security of CEO Dyson to help us gather informations that only the Chairman Dyson's son knows." Kaagad niyang pinagpagan ang kaniyang uniporme bago ilahad sa akin ang kaniyang palad. Napalingon naman ako sa katabi at kinukwestiyong bakit hindi na lang siya kasi lalaki siya? Nang senyasan ako ni Nathan, kaagad akong napalunok. Tinanggap ko naman ang kamay ni Ch
"OFFICER ALEXIA Joy Pacheco, Sir Luke."Kaagad naman akong napatingin sa katabi at parang nawindang sa kaniyang sinabi. Buong pangalan kasi ang narinig ko, at hindi ko talaga kayang marinig ang ikalawang pangalan ko. "Joy."Pwede naman kasing Officer Pacheco or Officer AJ na lang. Pero dino-dog show ata ako nitong siraulong 'to. Kung hindi lang nakahalukipkip ang aking kaharap, kanina ko pa binatukan ang katabi. Asar lang."You all know that I did want a guard, whether a police or a soldier. Not shabby nanny who'll make me a cup of tea," Sir Luke croaked before getting out of the tub.Napapikit pa ako nang sandaling makita ang buo niyang katawan. Nag-iwas ako ng tingin kahit gusto siyang samaan ng tingin dahil sa pang-iinsulto niya sa akin. Kaso, nakahubad siya! At ayokong maalala ang nangyari sa akin kahapon kahit hindi siya 'yon!Sandali pa'y nakarinig ako ng mahinang pagtikhim. Agad akong napamulat at umayos ng tindig nang nakatingin na pala sa akin si Sir Luke at iniinspeksyon na
HABANG NAGMAMANEHO, hindi ko maiwasang hindi pag-initan ang sasakyang nasa unahan ko. Ang bagal kasi nito at parang takot na takot sa daan. I rolled my eyes in irritation at sinubukan businahan ito ngunit nagsalita naman ang hari."They're my other guards. They drive respectfully in order to make me safe as always. This is not a race, Officer Pacheco. Under my roof, you're just a guard. Not a police officer to me."Nang makarating sa kompanya, agad akong namangha sa taas nito. Para kasi akong nasa Amerika sa sobrang lawak at laki ng building na pagmamay-ari niya. Ibinaba ko na si Luke sa entrance at dumiretso na sa parking area.Bago ako tuluyang umalis, luminga-linga ako sa paligid. Baka kasi makakita ako ng mga kahina-hinalang bagay at maging lead ito. But apparently, wala.It didn't took long for me to reach Luke's office. Gaya ng mga tipikal na opisinang napapanood ko sa mga movies at drama, ganoon din ang senaryong nakita ko.Nasa harap siya ng kaniyang table at pumiperma ng mga
Isa-isa kong pinulot ang mga papel na lumipad kanina sa kalampahan ko. Naiinis man dahil naiwan ng elevator, hindi ko rin alam kung anu-ano ang pagkakasunod nito. Ang iba kasi ay hindi naka-stapler kaya talagang kumalat ang bawat isa sa sahig."Ginawa ba naman akong sekretarya. Talaga bang hindi siya naniniwalang kaya kong sumalo ng bala para sa kaligtasan niya?" Naiinis kong bulong at inayos na ang mga papeles.Babae kasi ako kaya madali niyang maliitin. Eh, ano naman kung babae akong pulis? What's the matter with him?Security guard ako, hindi utusan. Naghahanap ako ebidensya at ng mga kriminal, hindi taga-bili ng kape, taga-dala ng mga papeles, at lalong-lalo na ang alilain.Naiinis kong dinala sa managing department ang mga papel at kaagad na bumalik sa opisina niya. Pasalamat siya, ginagawa ko ang lahat ng ito para amin at sa ikabubuti ng kaniyang kompanya. Pasalamat siya, may pasensya pa akong natitira."Meron pa, sir?" Sarkastiko k