Share

Chapter 50

Pagkatapos niyun ay hindi na ako nakapagsalita pa dahil biglang pumasok si kuya Mark sa kusina ay tinanong kung ano ang ulam dahil amoy masarap daw at nakarating na sa sala ang amoy. 

Nag-handa na lamang ako ng mga gagamitin sa pagkain at pagkatapos ay tinawag na rin sila sa sala. Katulad nga ng kanina, iniiwasan pa rin ako ni Matt at tanging si Feli lang ang masayang tumakbo at lumapit sa akin. 

Wala ni-isa ang nagsubok ng magsalita, mabuti na lamang at binasag din ni kuya ang katahimikan at nagkwento tungkol sa kaniyang mga anak kaya nakisali na rin si Matthew sa usapan at sinabing gusto niyang pumunta kina kuya upang makipaglaro sa kanilang mga pinsang si Jorge at Marco. 

Pero sa tuwing, sumasali naman ako sa usapan ay bigla na lang tumatahimik si Matt kaya mas pinili ko na lamang na manahimik.

Natapos ang aming pagkain at nagboluntaryo na akong magligpit ng mga pinagkainan dahil kinakailangan pang umalis ni nanay para buksan ang tindaha

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status