Share

Kabanata 1

Napabuntonghininga ako matapos buksan ang plywood na pintuan ng aming apartment na tinitirhan. Mabilis ko ring sinuyod ang buong silid at napangiwi sa nakita. Kalat na naman ang buong bahay dahil sa pinilas na diyaryo at nilamukos na papel.

"'My!" malakas na tawag ko dito kasabay ng dahan-dahang pagpasok sa loob ng aming bahay. Padabog ko ring inilapag ang lumang shoulder bag na gamit ko sa eskwelahan.

Hinanap ko kaagad si Mommy at napailing na lamang nang mabungaran ito sa maliit naming kusina na gawa rin sa plywood. Nakasubsob ang mukha sa lamesa at mukhang tulog. Tulad ng inaasahan ko, lasing na naman ito.

Nagkalat ang basyo ng matapang na alak sa lamesa habang ang plastic na pitcher ay may laman pang kaunting juice. Nasa lamesa pa nga ang sachet niyon at humalo rin sa kalat. Mayroon namang isang platitong isaw na ginawa marahil nitong pulutan na sa hinuha ko ay sa itinitinda nitong barbecue na naman nanggaling.

"Iinom tapos hindi naman pala kaya. Uubusin mo pa yata ang sarili mong paninda," pagmamaktol ko. Umupo rin ako sa plastik na upuan na nasa tapat nito at inabot ang baso na nasa lamesa. Ibinuhos ko roon ang natitirang laman ng alak habang kumukuha rin ng isaw ang isa kong kamay at kinain iyon.

Mapait. Kasing pait ng buhay ko ang lasa ng isaw ni Mommy. Ganunpaman, kinain ko pa rin iyon at mabilis na tinungga ang alak sa hawak kong baso. Pumikit ako at nilunok iyon na para bang tubig lamang sa akin. Ang init na nagmumula dito ay hindi ko na  ininda. Maging ang pait na unti-unting nananalaytay sa aking lalamunan ay hindi ko pinansin.

Napangiwi ako matapos ilapag ang baso sa mesa. Umiling rin ako at ngumiti na para bang natutuwa sa lasa nito. Mapait, mapakla at mainit. Iba't ibang timpla na gusto kong sanayin ang sarili. Katulad ng pagsanay ko sa lahat ng timpla ng naging buhay ko mula noon hanggang ngayon.

"Hector, mahal kita. . ."

Napabuntonghininga akong muli nang marinig ang mahinang ungol ni Mommy. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos pangalan ng Daddy ko ang lagi na lang sambit nito. Sa araw-araw na naglalasing ito, si Daddy ang dahilan. Siya ang dahilan ng lahat at ang kabit nito.

I remembered how my mother cried at night when I was nine years old. Pagkatapos ako nitong patulugin sa sarili kong kwarto ay iiwan ako nito. I remembered how I woke up every night too. I remembered how I walked straight to my parents room and heard my mom's begging, while my father was screaming.

I was outside. Takot na takot ako. I was young and I didn't know what was happening. Ang tanging laging karamay ko ay ang Spongebob kong unan kapag gabi habang naririnig ko ang bawat iyak at sigaw ng mga magulang ko. Until one day, I understand everything.

We used to have a good life. My Dad was a businessman and my Mom was a loving and good housewife. But, everything was ruined because of that wicked Nanny. She was wicked and heartless that she took away my father from us. Isa siyang gold digger bitch na mahilig mang-agaw ng pagmamay-ari ng iba.

That wicked woman ruined our life. I hated her for everything. I blamed my father for being weak. For not loving my mother enough to resist temptation. For abandoning us in exchange of his affair. My father left us behind. Mas importante ang kabit niya kumpara sa amin ni Mommy. My father was an example of an irresponsible man.

"Hector. . ."

My thoughts got interrupted when I heard my mother's low and painful voice. Pawang awa ang nararamdaman ko para rito kapag umiinom at umiiyak ito. Gulong-gulo ang hitsura na para bang pasan nito ang mundo. I am hurting for her, but I needed to be strong. I needed to be strong for us.

I sighed and shrugged my thoughts off. I lazily got up and went to my mother's direction. Tulog pa rin ito kaya maingat ang mga kilos ko na nilinis ang lamesa. Maging ang mga plato sa lababo na nakita ko kaninang umaga ay hinugasan ko na rin. Pagod ako mula sa limang oras na duty sa pinagtatrabahun kong bar pero mas nakakapagod ang sitwasyon ko kapag nakikita ko ang bahay na ganito. Makalat at madumi. Miserable na para bang pinabayaan na lamang.

Nang matapos ay napabuntonghininga na lamang ako at nilapitan si Mommy. I hugged her from behind and kissed her head lightly. Umaasa akong sa susunod na araw ay matatanggap din nito ang sinapit mula sa Daddy ko. Umaasa akong magiging maayos na ito at makakawala sa sakit na dulot ng pagkabigo sa pag-ibig.

I was hoping and praying because I wanted my Mommy back. She wasn't like this. She used to be an elegant woman with class. She used to be a happy person. Carefree and positive. Ibang-iba sa naging buhay nito ngayon.

"Mahal kita kahit napakapasaway mo, 'My," bulong ko dito. Kinuha ko rin ang kamay nito at isinampay sa aking balikat. Mabigat si Mommy pero ayos lang sa akin. This was my responsibility as a child. I should gave her care in her every vulnerable state. Ito na lang ang magagawa ko para dito.

Dinala ko si Mommy sa loob ng aming silid. Agad ko siyang ilapag sa kama at kinumutan. Ni hindi ko na ito ginalaw sa takot na baka magising ito at umiyak na naman katulad ng dati.

I am hurting for my mother's agony. Watching her pale and skinny face made me promised that I wouldn't dare to ruin a family. I wouldn't dare to become a mistress. I would always chose what was right.

Pagkatapos kong masigurong maayos na ang kalagayan nito ay iniwan ko si Mommy sa loob ng kwarto at nagpunta ako sa maliit naming sala. Winalis ko ang mga nagkalat na papel doon at kinuha ang mga tissue sa ibabaw ng lamesita. Pinagpag ko rin ang kutson sa kawayang bangko at inayos ang mga iyon.

Hindi ko na kailangang tingnan kung sino ang nasa dyaryo na nagkalat. Alam na alam ko na kasi kung sino iyon. It was my father and her mistress with their kids. Pitong taon na rin ang panganay ng mga ito. Pitong taon na rin mula nang pinalayas kami sa mansion ng sarili kong Daddy. 

I shook my head and tried to composed myself. Naninikip na naman ang dibdib ko kapag naaalala ko ang nakaraan. Kung paano kami itinaboy ni Mommy ng sarili kong ama. Kung paano ako lumuhod at nagmakaawa sa mura kong edad. Kung paano ako umiyak nang tuluyan kaming siniraduhan ng gate.

Hanggang ngayon, parang napakaimposible pa rin ng lahat. Marami nang nagbago mula noon. Parang kailan lang, isa akong prinsesa na nakaupo sa gintong tasa. Ngayon, ako pa rin naman ang prinsesa. Wala na nga lamang akong gintong tasa. 

Natigil ang anumang iniisip ko nang tumunog ang aking cellphone na Cherry Mobile. Dinukot ko kaagad iyon mula sa bulsa ng kupas kong pantalon. Tumaas din kaagad ang kilay ko nang makita kung sino ang tumatawag. Si Tetchie, ang manager ng bar na pinagtatrabahuan ko.

"Mamita, bakit po?" bungad ko kaagad dito. Naglakad din ako ng bahagya para maupo. I abruptly closed my eyes and looked up. Pagod na ako pero kailangan ko pa ring lumaban sa hamon ng buhay.

"Payag ka na ba sa offer ni Mr. Hernan? Naku! Siguradong tiba-tiba ka do'n Apple," tanong nito sa kabilang linya.

Umiling ako na para bang nakikita ako nito. "Hindi ko kaya, Mamita."

"Escort girl lang naman 'yon. Saka, kamay lang ang sinabi kong hahawakan niya. Kapag lagpas na d'yan, ibang bayad na 'yon."

Napangiwi ako sa sinabi ni Mamita. Hindi ko kayang isipin na hahantong ako bilang escort. Kulang na kulang ang kinikita ko sa bar pantustos sa sarili ko at kay Mommy. Nag-aaral din ako sa isang university bilang isang teacher at kulang ang budget ko para sa buong semester. Second year pa lamang ako pero pakiramdam ko pasan ko na ang daigdig.

"Ano na?!" apura nito.

I let out a heavy sigh and nodded. Surrendering myself once again for my own benefit. This was for me and for my Mom. Iisipin ko na lang na nasa play ako at kailangang umarte para sa pera. Titiisin ko na lang na makasama si Mr. Hernan. Kahit na pakiramdam ko amoy lupa na ito.

"Sige po," sumusukong sambit ko. Inabot ko rin ang aking buhok at sinabunutan iyon ng marahan.

"Sure na 'yan, ah! I-book ko na ito."

"O-Opo."

Para sa pera, para sa akin at para kay Nanay gagawin ko ang lahat. Kahit pa ang maging escort ng mga matatandang walang asawa.

@sheinAlthea

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status