MasukCedrick Villaurel dreamed of having a happy family, when Ena Marquez became his wife, he had nothing to ask more. But destiny played around. One day, he finds himself grieving for the death of his beloved wife. Over the years, he found the reasons behind the happenings in his life. Will he be able to cope with his wife's return? But, her wife is not like before, Ena Marquez is back to get revenge on him. Can the past be restored? Can the questions and secrets about their marriage be answered? Can he deal with his wife's revenge?
Lihat lebih banyak"KUMAIN KA NA ANAK, ito na siguro ang kapalaran na ibinigay sa atin ng Diyos. Marapat lang nating tanggapin ng buong puso at ipagpasalamat sa kaniya.."Nasa hapag-kainan sila ngayong tatlo at nakaharap sa pagkaing nakahain sa kanilang mesa. Alas sais (6:00) na ng gabi. At masasabi ni Oddyseus sa sarili na ito ang kakaibang gabi para sa kaniya.Wala siyang maramdamang kakaiba sa kaniyang sarili kahit kabilugan ng buwan. Gaya nang dati na sumasakit ang kuba sa kaniyang likod sa t'wing ganitong oras at kabilugan ng buwan. Mag-iisang oras na rin at hindi parin nagpapakita sa kaniya ang diwata. Tulad ng sinabi nito sa kaniya kanina bago ito naglaho na parang bula sa kaniyang harapan.Napatingin siya sa kaniyang Amang si Romulos nang magsimula itong magsalita. Humihikbi na ito ng iyak tulad ng Inang Victoria niya."'Nay? 'Tay? Bakit kayo umiiyak?"Tumayo ang Ama niya saka lumapit sa kaniya. Bigl
PUMUNTA si Oddyseus sa kagubatan. Gusto niyang makausap ang diwatang sumumpa sa kaniya. At alam niyang oras na ng kabilugan ng buwan ngayon. Ang huling kabilugan ng buwan para sa kaniya na isinumpa.Ang huling araw kung saan ang pag-asang mawala sa kaniya ang sumpa. Pero malas niya dahil walang babaeng umibig sa kaniya kahit ni isa.Hanggang ngayon hindi parin mawala sa kaniyang isipan ang sinabi noong isang araw sa kaniya ni Olcea. Ang mga katagang 'mahal na yata kita'. Pagkatapos na sabihin sa kaniya niyon ni Olcea agad itong kumawala sa kaniya at nanakbo papalayo na walang paalam.Naiwan siyang tulala at takang-taka. Kahapon at ngayon ay patuloy parin siyang iniiwasan ni Olcea. Parang may nasabi itong mali kung kaya't hindi siya nito pinapansin ng buong maghapon sa loob ng kampus.Siyang ikinatuwa niya naman, dahil hindi narin siya nahihirapang iwasan pa si Olcea. Nakakatawa na napakasaki
HANGGANG NGAYON lutang na lutang parin si Oddyseus sa mga sinabi ni Olcea sa kaniya. Hindi niya alam kung nasa langit naba siya ngayon o andito parin ba siya sa lupa.Kasama niya ngayon si Olcea at hindi niya alam kung saan silang dalawa pupunta. Tapos narin ang klase nilang dalawa kung kaya't inaya siya nito na lumabas. Ayaw pa sana niya kaso nga lang nagpumilit ito kung kaya't wala na siyang nagawa pa, kundi ang sumama na lamang rito. Hindi niya rin kasi matiis ang babaeng nagpapatibok ng kaniyang puso.Maraming mga bata sa lansangan ang kanilang nakakasalubong panay ang iwas ng mga ito sa kaniya sa tuwing siya ay dadaan. Napatingin siya kay Olcea at kahit anong emosyon wala siyang mabasa rito. Nakangiti ito ng malawak at hindi alintana ang mga mapang-usig na tingin ng mga tao sa kanilang dalawa.Parang sinasabi ni Olcea sa buong taong kanilang nakakasalubong na hindi siya nito ikinakahiya. Hindi niya alam pero napangiti
"ODDY, ANAK. Ano ang nangyayari sa'yo at ilang araw at gabi ka na lamang na naglulugmok diyan sa silid mo. May problema ka ba? Ikwento mo naman sa akin, baka matulungan kita, anak," pukaw sa kaniya ng Ina.Nakalugmok nga siya ngayon sa kaniyang silid at nakatanaw lamang sa kawalan. Inaalala niya ang itsura ni Olcea noong isang araw nang iwan niya ito.Puno ng pagtataka ang mukha nito at pagkalungkot. Gusto niya itong puntahan ngayon pero pinipigilan rin siya ng kaniyang kabilang isip. Kung gagawin niya iyon baka pagalitan na naman si Olcea ng ama nitong galit na galit sa kaniya.Sa halip na sagutin ang Inang Victoria niya hindi niya ito sinagot. Nagtalukbong na lamang siya ng kumot."Hindi ho ulit ako papasok ngayon, Ina. Masama parin ho ang pakiramdam ko," pagsisinungaling niya rito.Rinig niya ang malalim na paghinga nito. Ramdam niyang unti-unti itong lumakad patungo sa kaniyang kama. Ibinaba nito ang kumot na nakatalukbong sa kaniya
"KANINA ka pa namin hinihintay, Oddy. Saan ka galing at ginabi ka ngayon?" Bungad sa kaniya ng Ina Victoria niya.Nolampasan niya ito saka siya umupo sa sofa na nasa kanilang bahay. Tinanggal niya ang kaniyang sapatos saka siya bumaling rito."Dumaan pa p
HANGGANG NGAYON hindi parin makapaniwala si Oddyseus na kasama niya si Olcea at ang pinsan nitong si Adeva kahapon. Lutang na lutang parin ang isip niya hanggang ngayon. Nangyari nga ba ang kahapon? Nakasabay nga ba niya talaga si Olcea pauwi? Or nanaginip lang talaga siya?
MABILIS ANG lakad ni Oddyseus habang papalabas na ng campus ng paaralan. Nagmamadali siya para hindi niya makasabay ang mga ibang estudyante na walang ginawa kundi ang laiitin siya palagi.Hindi niya alintana ang mga mapang-usig na tingin ng kapwa niya estudyante habang nakakasalubong niya
"BAKIT NGAYON ka lang, Olcea? Saan ka galing?" Bungad agad sa kaniya ng kaniyang Ama nang makarating siya sa kanilang bahay.Pagod na pagod siyang binalingan ito ng atensyon. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa tanong nito o maiinis. Ganito na lamang ba parati ang tanong na sasal
Ulasan-ulasan