“Thunder,” Tawag ko at saka marahang tinanggal ang mga kamay niyang nakapulupot sa baywang ko. Mabuti na lang ay hindi pa sinagot ni Ayesha ang phone kaya kinansel ko muna iyon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na ito ngunit kahit ganoon ay dahan-dahan ko pa rin siyang hinarap.
"Why?" Mahinang tanong niya nang magtama ang paningin namin. Nakakatunaw ang tingin na binibigay niya sa akin.“Hindi ko alam kung pinagtitripan mo lang ako o ano pero gusto kong magpasalamat. Salamat sa tulong na ginagawa mo para sa'kin. Masaya ako kasi nakikita kong unti-unti kang nagbabago, pero ayoko kasing umasa. I mean ayokong maniwala sa sinabi mo ngayon lang at isa pa, may girlfriend ka.”“I understand...but I really mean it, and Rain. Wala akong girlfriend, Emerald is just a past time, that's it.” Sabi nito at bahagya lang akong ngumiti at saka ipinagpatuloy ang pagtawag kay Ayesha. Hindi ko na alam ang gagawin kay Thunder. Hindi ko alamSabado ngayon, mabuti na lang at naiintindihan ako ni Ayesha. Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang mga nangyayari pero sa ngayon, ako at ang dark lang muna ang pwedeng makaalam sa nangyayaring misteryo rito sa Monstrous.“Beb, saan ka tutuloy ngayong weekend? Gusto mo sa bahay ka na lang?” Tanong ni Ayesha habang iniimpake ko ang pang-dalawang araw kong gamit. Hindi ako pwedemg mag-stay sa dorm ngayong weekend dahil kailangan kong magdoble ingat.“Hindi na Beb. May kakilala naman akong mapagtutuluyan,eh.” Sabi ko nang buhatin ko ang bag ko at iiwas ang tingin sa kanya. Nagsinungaling na naman ako.“Sig, Beb. Mauna na akong umalis, ah? Mag-ingat ka." Hinatak ko siya para yakapin at saka bumeso sa isa't isa. Matapos noon ay nagmadali na akong lumabas papunta sa gate ng campus kung saan naghihintay si Thunder ngayon.Katulad ko, nagdodoble ingat din ang Keen’s org kaya hindi nila ako pwedeng basta-basta kunin o huntingin dahil masiyado ng obvious iyon.
Kasalukuyan akong nakatunganga sa classroom. Mabilis lang lumipas ang araw kaya naman balik pag-aaral na ulit kami. Wala rin naman masiyadong kaganapan habang naroon ako sa apartment ni Thunder. Kain, tulog, basa ng libro at nuod ng T.V, iyon lang ang ginawa namin noong weekend.“Tymee. Okay ka lang?” Tanong ko nang mapansing tahimik ito. Kagrupo ko siya ngayon sa activity kasama si Jasper, Matthew at Axel.“Ah oo, may iniisip lang ako. Sorry.” Paghingi niya ng tawad. Magsasalita pa sana ako ngunit bigla na lang siyang tumakbo palabas ng classroom, dahil doon ay nagkatinginan kaming apat nila Matthew.“Anong nangyari do'n?" Tanong ni Matthew sa amin. Nagkibit balikat lamang ako at saka ibinaling ang atensyon sa papel na hawak ko.“Apat na lang tayo ngayon, wag niyong sabihin na sa akin niyo iaasa ‘tong paggawa ng essay?” Tanong ko sa tatlo pero parang nananandya sila dahil bigla bigla na lang silang nag-usap
“Paano mo nasabi na hindi suicide ang nangyari?” Tanong ni Axel habang naglalakad kami papunta sa likod girl’s dormitory. Agad ko namang inabot sa kanya ang telang hawak ko.“Napulot ko ‘yan kanina malapit sa kama ko. Hindi ka ba nagtataka? Malapit sa balkonahe ng kwarto namin 'yung pagkakatali ng lubid sa sanga ng puno. Alangan naman gumapang pa si Devon papunta roon. Eh di sana sa mismong balkonahe na lang niya sinandal 'yung hagdan.” Paliwanag ko at mukhang nagegets naman ni Axel ang sinasabi ko.Pagdating namin sa likod, nasa ibaba na ang katawan ni Devon. Sinusuri na ring maigi ang katawan niya.“Bawal kayo rito” Sabi ng isang pulis nang harangan niya ang daan namin.“Kailangan kong makita 'yung katawan. Baka may maitulong ako.” Sabi ko pero hindi pa rin ako pinadaan noong pulis.“Sinabing hindi pwede.” Balak pa sana akong hawakan ng lalaking iyon ngunit mabilis akong nahatak ni Axel palayo.“Don’t touch her.” Madiin nitong saad. Hinawakan ni
Ayesha’s POVBreaktime na at wala na naman si Rain. Pakiramdam ko talaga ay nalalayo na ako sa kanya. Madalas siyang busy nitong mga nakaraang araw at hindi rin niya sinasabi sa akin kung saan siya nagpupunta.Napabuntong hininga na lamang ako at pinagpatuloy ang pagkain ng mag-isa. I miss the old days.“Alone?” Tanong ni Jin nang maupo ito sa harapan ko. Kapansin-pansin naman ang pasa sa mata niya kaya hindi maiwasang magsalubong ang pareho kong kilay.“Anong nangyari? Bakit may black eye ka?” Balik tanong ko habang pilit niyang itinatago ang mukha niya. Seriously? I already saw it.“Napaaway lang ako.” Tipid na sagot nito kaya tumango na lamang ako but I didn't expect na darating din si Liam na may sugat sa gilid ng labi.Gusto ko sana siyang tanungin ngunit hindi ko nagawa dahil tumayo si Jin at nagharapan silang dalawa na tila magsusuntukan pa yata. Are they serious? Right in front of me?“Yesha. Una na ko.” Biglang paalam ni Jin at saka na
Hawak-hawak pa rin ni Thunder ang kamay ko habang nakikipagsiksikan kami sa subway. Nakahawak siya sa bakal habang nakaharap sa akin, halos masubsob na rin ang mukha ko sa dibdib niya dahil sa sobrang siksikan.“Saan ba talaga tayo pupunta?” Tanong ko nang tumingala ako sa kanya. Kagaya kanina, wala akong nakuhang sagot, nakakainis na.Binitawan niya ang kamay ko at pinulupot sa baywang ko ang free hand niya. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon kaya nakatitig lamang ako sa kanya. Kakaiba rin ang galawan ng lalaking ito.“Kumapit ka sa damit ko.” Utos niya ngunit hindi ko ginawa....kaso wrong move dahil biglaang huminto iyong tren, dahilan para ma-out of balance ako. Mabuti na lang ay nakaalalay ang kamay ni Thunder sa likuran ko.“Ayaw kasi makinig eh.” Iritang reklamo niya, ngumuso lang ako at hindi na kumibo.Maya-maya lang ay bumaba na kami ng tren. Hindi ako pamilyar sa lugar kaya wala akong ideya kung saan ba talaga kami pupunta not until makita
Rain’s POVHindi ako mapakali, hindi ko alam kung bakit.“Beb, kanina ka pa paikot-ikot, nahihilo ako sa’yo. What’s going on?” Tanong ni Ayesha at ngumiti lang ako ng pilit. Thursday na ngayon at bukas na namin isasagawa iyong oplan: patalsikin ang keen’s org.“Hindi ka pa ba papasok? Mauuna na ako.” Hinawakan ni Ayesha ang balikat ko at dahil doon ay naalala ko ang pinag-usapan namin ni Liam.“Ah Beb. Galit ka ba kay Liam? Gusto mo bang i-set up ko kayong dalawa para magkausap kayo?” Tanong ko pero mabilis siyang umiling. Mukhang nasaktan talaga siya dahil doon sa sinabi sa kanya ni Liam.“Ayoko muna siyang kausapin,” Tumango na lang ako at sabay kaming lumabas ng dorm. Nakabalik na rin pala si Tymee. Medyo okay na siya, muntik ko nang makalimutan na robust nga pala siya kaya malakas siya at hindi basta-basta napanghihinaan.“Tymee. Sabay na tayong pumasok.” Aya ko at agad naman niya kaming sinabayan sa paglalakad ni Ayesha.“Ah Beb...Si Ty
Para akong binugbog sa sakit ng buong katawan ko. Halos hindi ko maigalaw ang kahit anong parte ng katawan ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Maliwanag. Nasa keen’s lab pa rin ba ako?“Gising na siya.” sabi ng pamilyar na boses.“Rain. Si Tymee ‘to. Anong nararamdaman mo?” Tanong niya pero may isang tao ang bigla na lang pumasok sa isipan ko.“S-si Thunder?” Tanong ko at para bang nagkaroon ako bigla ng lakas dahil nagawa kong makabangon. Naluha ako nang maalala ko kung paano niyang sinalo ang bala na dapat ay para sa akin.“Si Thunder nasaan?” Tanong ko ulit dahil hindi nila ako sinagot. Tanging si Matthew at Tymee lang ang kasama ko rito sa loob ng kwarto.“Alam kong hindi ka maniniwala pero.... wala na siya.” para bang huminto ang pagtibok ng puso ko matapos iyong marinig kay Matthew.“Baluga!” Nanggigigil na sabi ni Tymee habang sinasabunutan nito si Matthew. “Nagbibiro lang siya. Kakatapos lang matanggal ng bala sa braso niya kaya
Hindi na kami magtatagal pa rito sa hospital kaya hinantay ko lang ang pagdating ni Ayesha bago bumalik sa academy. Okay naman na ako at sa braso lang naman ang tama ng bala kay Thunder kaya oa naman kung mag i-stay pa kami rito ng dalawang araw gaya ng gusto niya.“Monday na tayo bumalik.” pagpupumilit ni Thunder habang nandito siya sa kwarto kung saan ako naka-admit. Mabuti na lang at hindi kami nagkasakit ng maulanan kami kahapon, nakapagpalit kasi kami agad ng damit dahil may dala palang extra si Tymee.“Bakit monday pa kung pwede naman ngayon? Tsaka, inaayos na ni Jasper yung bill natin.”“Tss. Oo nga pala. Bukas na yung kasal ni Jiro. ‘Di ba katapusan na ng buwan bukas?” Tanong niya at napaisip ako bigla.Kamusta na kaya siya? Bigla na lang kasi siyang umuwi kahapon. Hindi ko tuloy maiwasang mapabuntong hininga.. Lumapit ako sa bintana at doon nagpahangin.“Iniisip mo ba siya?” Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Thunder mula sa likuran. Hinawak