Share

Chapter 20: Conversation

Sabado ngayon, mabuti na lang at naiintindihan ako ni Ayesha. Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang mga nangyayari pero sa ngayon, ako at ang dark lang muna ang pwedeng makaalam sa nangyayaring misteryo rito sa Monstrous.

“Beb, saan ka tutuloy ngayong weekend? Gusto mo sa bahay ka na lang?” Tanong ni Ayesha habang iniimpake ko ang pang-dalawang araw kong gamit. Hindi ako pwedemg mag-stay sa dorm ngayong weekend dahil kailangan kong magdoble ingat.

“Hindi na Beb. May kakilala naman akong mapagtutuluyan,eh.” Sabi ko nang buhatin ko ang bag ko at iiwas ang tingin sa kanya. Nagsinungaling na naman ako.

“Sig, Beb. Mauna na akong umalis, ah? Mag-ingat ka." Hinatak ko siya para yakapin at saka bumeso sa isa't isa. Matapos noon ay nagmadali na akong lumabas papunta sa gate ng campus kung saan naghihintay si Thunder ngayon.

Katulad ko, nagdodoble ingat din ang Keen’s org kaya hindi nila ako pwedeng basta-basta kunin o huntingin dahil masiyado ng obvious iyon.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status