LOGINI'm just a simple girl who only want is to graduate and help my auntie. 'Yon lang ang tanging pangarap ko sa kabila ng pag-aaruga niya sa 'kin. Kaya nag-aaral ako nang mabuti. But one day, inilipat niya ako sa isang University. University na walang specific name. Weird ang place... Weird ang mga students... Weird din ang mga nangyayari... Hindi ko alam pero parang baon-baon ko na palagi ang takot at kaba. Should I face this kind of circumstances kahit na mapanganib ang kahahantungan ko?
View MoreShitarika's POV Third day ko na sa university na 'to pero ngayon ko lang naramdaman ang gana sa buong pakiramdam ko 'di tulad no'ng mga nakaraang araw. Stress na stress sa kakaisip at kung ano-anong bagay na pumapasok sa isipan ko. Pinapakalma ko nga muna 'tong utak ko at baka kung mag-isip na naman ako nang kung ano-ano.Sabi ni Cali kaninang umaga, a-absent muna siya for the whole day dahil ipaghahanda niya kaming tatlo ng masusuot namin this coming Saturday. Sinukatan niya pa kaming tatlo. Hindi ko alam kung gagawa siya o bibili. Ewan ko sa kaniya. Mukha ngang balak pa niyang mag-perform.Kasalukuyan akong nasa first class which is art pero nagdo-drawing lang ako sa sketch pad ko. Wala naman ang professor kaya nililibang ko na lang ang sarili ko."Ano 'yang dino-drawing mo?" tanong ni Loaf na nanonood pala sa ginagawa ko."Nagdo-drawing, syempre. Puro action poses lang lahat 'to," sagot ko habang siya ay tumatango-tango lang."Hindi na ba masakit 'yang sugat mo?" tanong ulit niya
Shitarika's POV English class na pero wala ako sa sarili ko. Nakatulala ako sa isang direksyon habang nagtuturo ang professor. Ramdam ko naman ang paligid pero sadyang ayoko lang sirain ang pagkatulala ko.At isa pa, nararamdaman ko ang presensya ng isang Octapetala. Kasama ko rito si Ligen. Pero ang pinagkaibahan lang, kahit papaano ay humupa ang takot ko sa kaniya.Sa kalagitnaan ng pagkaklase, bigla na lang natuon ang atensyon namin sa labas. Nakita kong may mga estudyanteng papunta sa isang direksyon na parang may pinagkakaguluhan. Nagbubulungan sila at kung ano-ano pero hindi ko maintindihan. Dahil na rin siguro sa curious ng professor namin, tinawag niya ang isang estudyante."What's happening?""Sir, may patay po na estudyante sa restroom ng girls." Dahil sa sinabi niyang ito na dinig na dinig naming lahat, nagbulungan ang mga kaklase ko rito sa room."Sino kaya ang may gumawa no'n?""Tsk! Dapat parusahan ng Headmistress kung sino man 'yon. Wala pang night class, ah?""Baka ma
Shitarika's POV Kasalukuyan kaming kumakain pang-breakfast nina Souzi, Mendel at Cali rito sa cafeteria. Parang normal sa lahat ang nangyari kagabi. Pagtapos ng halos nakakamatay na klase, ngayon na umaga na, bumalik sa normal ang lahat. Parang walang nangyari.Kanina pa ako tahimik habang abala naman sa pagsasalita si Cali at Souzi. Nakayuko lang ako at nakatuon sa pagkain ko. Parang nanumbalik ang kilos ko hindi tulad kagabi. Pati takot at kaba ko, para ko na ring kasa-kasama.At bukod pa rito, dala ko na rin ang sugat ko sa kaliwang mata ko. Nandoon pa rin ang pagkakatali ng telang puti at itim. Hindi ko ginalaw at hindi ko rin siya pinatignan pa. Hindi na rin nagpumilit silang tatlo na makita ang natamo ko."Souzi, ilan ang napatay mo kagabi?" tanong ni Cali. Seryoso? Ito ang pinag-uusapan sa harapan ng pagkain? Parang normal na kwentuhan lang."Nasa labing-isa. Buti nga't may sobra pang isa e," tugon naman ni Souzi sabay higop ng soup niya. At ngayon ko lang pansin na halos kara
Shitarika's POV Patuloy lang kami ni Souzi sa paglalakad sa madilim na daang tinatahak namin. Zero degree talaga ang nakikita ko. Walang-wala.At dahil na rin sa takot ko, naihanda ko ang inabot ni Cali sa 'kin na kutsilyo. Mahirap na. Baka mapatay akong bigla. Mas mainam nang maging alerto.Bigla na lang akong halos matalisod dahil sa ngalay kaya't napabitiw ako sa pagkakahawak sa damit ni Souzi, wala pang limang segundo nang muli ko siyang hawakan. Baka mawala ako."Pasensya na, muntik lang ako matalisod e," pabulong kong sabi sa kaniya.Patuloy pa rin kami sa pagmamasid at paglalakad nang maramdaman ko ang pagliko namin ni Souzi. "Saan tayo pupunta?" pabulong kong tanong sa kaniya pero hindi niya ako sinagot.Halos mabigla na lang ako nang makarinig ako ng isang malakas na alingawngaw ng pagputok ng baril sa may kalayuan mula sa pwesto namin ni Souzi. "Sino kaya 'yon? May tao yata sa banda roon, Souzi," pabulong kong sabi ulit sa kaniya pero muli, hindi siya tumugon.Bakit hindi s
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.